The Beast He Became

By SaviorKitty

4M 159K 40.1K

"Have you ever tried to sacrifice your happiness for other people?" Lauren's only goal is to make her father... More

AUTHOR'S NOTE
SYNOPSIS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Hidden Chapter

Chapter 9

93.7K 3.5K 922
By SaviorKitty

C H A P T E R 9
━━━━༺❀༻━━━━

"Alam mo, ilang beses mo na iyang kinakanta ngayong araw paulit-ulit ka, naririndi mo na ako."

Napatingin ako kay Lily nang magsalita siya sa gilid ko. She looked at me like I'm the weirdest creature she ever met.

Nagkibit-balikat ako sa kaniya, hindi ko rin alam na buong araw ko ng paulit-ulit na kinakanta ang kantang pinatugtog ni Zayn nuong huli kaming makita, isang linggo na ang nakakaraan.

Pagkatapos namin kumain no'n ay inihatid na niya ako sa condo ko kung hindi naman ako magsasalita no'n ay hindi rin siya magsasalita. Hindi ko nga alam bakit hindi na siya nagpakita ulit, hindi naman sa gusto ko siyang makita syempre ayoko, mas gusto ko nga iyon e malay ko ba kung nagbago na ang isip niya.

Kasalukuyan akong nasa bahay nila Lily, hinihintay ko lang magtext si Charles dahil may usapan kaming magkikita ngayon.

After five minutes, I received a message from Charles. Nagpaalam na ako kay Lily at pumunta sa magtatagpuan namin ni Charles.

Mabilis ang naging biyahe ko papunta sa isang restaurant kung saan kami magdidinner ni Charles hindi naman siguro ako makikita ni Dad dito.

Ilang sandali pa ay nakarating na ako at agad akong napangiti nang makita ang isang lalakeng nakasandal sa kotseng pula habang nakapamulsa.

"Hey my sweety," bati ni Charles sa 'kin nang tuluyan makalapit bago ako halikan sa pisngi at hawakan sa aking kamay.

Kung paano tumingin si Charles sa 'kin noong nagsisimula pa lang kami ay gano'n pa rin iyon hanggang ngayon pero bakit hindi ko makita sa mata niya 'tong nakikita ko kapag si Zayn ang nakatingin sa akin?

"Hey, ayos ka lang?" Napakurap-kurap ako nang kurutin ni Charles ang aking pisngi.

Napangiwi ako. "Aray, oo ayos lang may naisip lang ako." Ngumisi ako sa kaniya.

Habang naglalakad kami papasok sa restaurant ay hawak kamay pa rin kami, apura tanong ni Charles tungkol sa mga nangyari sa akin habang hindi kami nagkikita dahil hindi naman namin iyon pinag-uusapan sa text.

Pinaupo ako ni Charles bago siya tumawag ng waiter.

Tahimik na nagmamasid lang ako sa bawat galaw niya, masaya akong makita si Charles sa totoo lang pero hanggat may problema pa kami hindi ko masabing totoong masaya kami.

Alam kong nahihirapan din si Charles kasi sino ba namang lalaki ang matutuwang malaman ikakasal sa ibang lalaki ang girlfriend niya?

"Sorry Charles." Napabuga ako ng hangin nang sabihin ko iyon pagka-alis ng waiter.

Hindi ko alam dahil naku-kunsensya ako. Umayos ng upo si Charles sa aking harapan bago hawakan ang kamay kong nasa itaas ng lamesa.

"We already talked about this. I trust you Lauren," he assured me, bahagya pa niyang pinisil ang aking kamay.

"This set up is very unfair to you. Hindi ikaw 'yong lalakeng inililihim sa lahat. Hindi ikaw 'yong lalakeng itinatago sa pamilya. I am sorry Charles," nahihiyang wika ko habang taimtim na nakatingin sa kaniya.

He gave me a little smiled like he understand me, like he wants to assure me.

"That's fine, naiintindihan ko naman kung bakit hindi mo ako maipakilala sainyo. Kung bakit palihim tayo nagkikita pero pinanghahawakan ko ang pangako mong sasama ka na sa'kin pagkatapos nito," buong tiwalang wika niya.

Hindi nagtagal ay dumating na ang mga pagkain hinintay muna niya umalis ang waiter bago siya magsalita ulit.

"Let just eat, huwag na natin sirain ang gabi na 'to sa susunod na lang natin pag-usapan 'yan."

Sobrang swerte ko kay Charles, wala akong maipintas simula noon.

"Kamusta naman ang pagkikita niyo ng gustong ipakasal sayo ng daddy mo?" Napatigil ako sa pagsubo ng pasta nang magtanong si Charles.

I looked at him and I saw him looking at me like he's waiting for my answer. Pinunasan ko muna ang gilid ng aking labi bago sumagot.

"Ayos naman," simpleng sagot ko.

"Anong naramdaman mo noong nagkita kayo?" Napataas ang kilay ko dahil sa tanong ni Charles.

"Anong ibig mong sabihin?"

"I mean, may kakaiba ka bang naramdaman like tumigil ang pag-ikot ng mundo mo, nahirapan kang huminga, lumakas ang kabog ng puso mo?" wika tapos ay nagkibit-balikat at sumubo ng steak.

Napatitig ako sa kaniya habang inaalala ang pakiramdam ko noong nagkita kami ni Zayn.

"Hahaha. Ano bang pinagsasabi mo?" Nagpeke ako ng tawa, hindi ko rin alam dahil parang kinakabahan ako ngayon dahil sa tanong ni Charles sa akin.

Sandali niya akong tinitigan parang may binabasa sa mukha ko kaya napainom ako ng tubig.

"Nothing, I'm jus asking, Sweety," aniya tapos ay nagpatuloy na ulit sa pagkain.

Ilang sandali pa ay nagbukas na naman si Charles ng topic mabuti na lang at tungkol na 'yon sa business niya. Masaya naman akong malaman ang mga ino-open sa akin ni Charles. Masaya kaming nagtatawanan habang pinag-uusapan namin ang mga pinagdaan namin sa nakalipas na linggo nang may magahip ang aking mata na papasok sa restaurant.

Napakurap-kurap ako dahil doon.

Mukhang napansin ni Charles ang pagkatigil ko kaya napatingin din siya sa entrada ng restaurant.

Nagulat ako nang kawayan niya ito upang lumapit samin, mas nagulat ako nang magkamay sila ni Charles sa mismong harap ko.

Tumikhim si Charles ng tumingin sa akin si Zayn na may ka-akbay na isang payat na babae na naka-dress na pula.

"Oh, this is my girlfriend," ani Charles at minuwestra pa ako tapos ay inalalayan akong tumayo.

Hindi ko mai-alis ang paningin ko sa dalawang bagong dating habang nasa balikat pa rin ng babae ang braso ni Zayn.

"Sweety this is Giov, my friend. I met him abroad, small word kasi hindi ko akalaing magkikita kami rito," masayang pahayag ni Charles habang itinuro si Zayn o si Giov daw. "And who's this lucky girl?" tukoy ni Charles sa babaeng kasama ni Zayn.

"Oh, this is uhm-" parang nag-isip pa si Zayn dahil nakalimutan niya ang pangalan ng babae kaya nagsalita na ang babae.

"I'm Sussy," duktong nito.

Napatango si Zayn o Giov.

"Oh yea, right. She's Sussy sounds Pússy," aniyo kaya napangiwi ako, akala ko ay magagalit ang babae pero tumawa lang ito tapos ay may pahampas pa sa braso ni Zayn.

Si Charles naman ay tumawa lang rin animong nakikisabay na lang. Napakurap-kurap ako nang maglahad siya ng kamay.

"Hey, I'm Giov. Nice to meet you lady," wala sa sariling tinanggap ko ang kamay ni Zayn kahit naguguluhan ako.

Nagpapanggap siya na hindi ako kilala?

"I-I'm Lauren." Pakilala ko habang nakatingin sa kaniyang mata bago ko bitawan ang kaniyang kamay.

Ngumiti siya bago humarap kay Charles.

"You're lucky you have a beautiful girlfriend," ani Giov habang may nakakalokong ngisi sa labi.

"Yes I am. Kakain kayo? Tara, dito na kayo sa table namin." Kahit gusto kong tumanggi ay hindi ko na nagawa dahil tumawag na ng waiter si Charles para magpalagay ng dalawa pang upuan.

Tahimik lang ako habang nakatingin kay Zayn.

Nagpapanggap ba siyang hindi ako kilala? Bakit Giov ang pakilala niya kay Charles? And who the hell is this girl?

"Magrestroom lang ako babe," usal ng babae kay Zayn bago humalik sa pisngi at maarteng naglakad papunta sa restroom.

Sakto naman tumunog ang cellphone ni Charles.

"Wait, I will answer this. Excuse me," ani Charles bago sagutin ang tawag at lumayo sa amin.

Nabalot ng katahimikan ang lamesa ng maiwan kami ni Giov o Zayn doon. Oo't iba ang kaniyang pananamit dahil nakasuot siya ng leather jacket at may hikaw siya pero alam kong si Zayn ito.

"Ano bang trip mo?" mahinang singhal ko sa kaniya at pinanlakihan siya ng mata.

Nakita kong naguluhan siya sa tanong ko tapos ay pabirong itinaas ang kamay animong sumusuko.

"Chill lady? Kanina pa kita napapansin nakatitig sa 'kin. Alam kong mas gwapo ako sa syota mo pero respeto naman huwag kang marupok dahil marupok din ako baka hindi ko mapigilan maiuwe kita sa condo ko," derederetsyong aniya.

Dahilan para lalo akong maguluhan.

"A-Ano?"

"Do you like me? Tss. Bakit ba tinatanong ko pa e obvious naman kung tingnan mo ako e malagkit. Sorry may date ako ngayon e. Do you like threesome?" aniya dahilan para tumama ang kamay ko sa pisngi niya.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya't tinanong niya sa akin. Napaka gago!

"Gago ka ba?" sigaw ko tapos ay napatingin ako sa gawi ni Charles dahil baka makita kami.

Nakita kong ngumiti siya.

"Nagtatanong lang e," aniya tapos ay humawak sa pisngi na sinampal ko.

"Ano bang trip mo Zayn?!" inis na aniko.

Nakita kong bumabingi ang kaniyang ulo habang hawak pa rin ang panga.

"My name is Giov not a fucking Zayn. Tss crazy woman. Diyan ka na nga ganda-ganda mo sana baliw ka ata e!" parang batang sabi niya bago tumayo papalabas ng restaurant.

Saktong paglabas niya ay dumating naman si Charles nakita niya akong nakabusangot.

"What happened? Where's Giov?" tanong niya pero kinuha ko na ang pouch ko.

Sakto naman na lumapit ang babaeng si Pu-este Sussy.

"Where's my Giov?" tanong niya.

Mas lalo akong nairita.

Nagmartsya na ako paalis doon, narinig ko pang sinagot ni Charles ang babae na, hindi rin niya alam kung nasaan na.

Nakakairita!

Kung sino man 'yon Giov o Zayn. Ugh!

Sasakay na sana ako sa kotse ko nang tumunog ang cellphone ko. Napakunot ang aking nuo dahil hindi naka-register ang number nito kaya kaagad ko iyon sinagot.


"Hello?"

"Good evening Miss Trios."

Pamilyar ang boses ng lalake sa kabilang linya.

"Yes? It's me. Who's this?"

"This is butler Mateo, Mr. Coster's butler," naaalala ko siya, siya 'yong kasama ni Zayn.

"Bakit ho?" naguguluhan tanong ko.

"Mr. Quvenzhane is missing. I need your help."

_______
SaviorKitty

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 6.7K 2
Erania has a peaceful and simple life in the orphanage. Lumaki siya na kasama ang mga madre at katulad niyang pinagkaitan ng kumpletong pamilya. Sa l...
6.2K 200 11
Warning: Mature Content (sensitive topic ahead) At the age of nine, Frose Dankworth was adopted by his elder cousin after his parents were murdered...
29.2M 513K 67
Cassidy Hurdiss intentionally broke the heart of the one man who has always loved her. She had to set him free so he could fulfill his lifelong dream...
6.9M 227K 65
His Punishments can kill you