Last Wishes

By estrangherongbabae

3.5K 429 80

Everything seems perfect in Shinnel's life, but no one knows how her life is. She planned out everything she... More

Last Wishes
SYNOPSIS
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
ANNIVERSARY

Chapter 17

91 3 1
By estrangherongbabae

Nagising si Shinnel nang maaga at bumungad sa kanya ang mga kaibigan na natutulog sa kanyang tabi. Maayos na rin ang kanyang kalagayan kaya't pinayagan siya ng kanyang doctor at ng ina na lumubas silang magkakaibigan. Wala namang makaka-resist kay Shinnel kaya't napapayag niya ang mga ito.

Shinnel planned their date very well at excited siya sa mga mangyayari sa araw na ito. Dahan-dahan niyang inalis ang mga kamay na nakayakap sa kanya upang mag-ayos ng sarili nang makatanggap siya ng mensahe.

'Good morning. Siguro tulog ka pa but thank you for reaching out. Three days kitang hindi nakita kaya nagulat ako nang makatanggap ako ng message galing sa'yo. I'm getting ready na and I'll just see you later.' Shinnel smiled when she read the messaged from Ral.

'Di maiwasan ni Shinnel na kiligin hindi dahil sa mensahe na natanggap kundi para sa kaibigan niya. It's time to snapped her friend from his feelings.

Shinnel heard another ping but it's not from her phone and she knows that it's not good to check someone's phone but she got curious. She reached Alliyah's phone na nasa ibabaw ng cabinet na katabi lamang ng kama.

Mas lalong lumapad ang ngiti ni Shinnel nang makita kung sino ang nag-message sa kanilang kaibigan. Ibinalik ni Shinnel ang cellphone ng kaibigan kung saan ito nakalagay kanina.

I guess something good will happen, later.

Bumaba naman na si Shinnel ng kama at naghanda para sa kanilang date. Pagkatapos niyang mag-ayos lumabas na siya ng banyo at naabutan nag mga kaibigan na kumakain.

"Ano 'to breakfast in bed? Nag-toothbrush na ba kayo?" natatawang saad ni Shinnel sa nakita.

"Wala ng toothbrush toothbrush kung gutom ka," sagot ni Ivy na may pagkain pa sa bibig.

"Patay gutom ka talaga, Ivy!" komento naman ni Ariana at binato ito ng unan. Bago pa man magkasakitan ang dalawa at umabot sa pillow fight ay inawat na ito ni Shinnel.

"Oi! Kumakain kayo, p'wede awat muna kayo?" pakiusap niya sa dalawa at umayos naman ito. "Thank you."

"Ako na muna mauunang maligo. Ayusin niyo iyang kalat niyong dalawa," paalam ni Alliyah at tumango naman ang dalawa na parang bata dahil sa napagsabihan sila ng mas bata sa kanila. Natawa naman si Shinnel dahil sa mukhang ipinapakita ng dalawa na parang bata na napagalitan.

"Aish! Anong tinatawa-tawa mo d'yan, Shinnel?" naaasar na tanong ni Ivy na nakabusangot.

"Ginagalit niyo si bunso, eh. Ayan tuloy napagalitan kayo," sagot naman ni Shinnel at ipinagpatuloy ang pagtawa.

Natahimik naman ang dalawa hanggang sa makapag-ayos ang mga ito. Bumukas naman ang pinto at iniluwa nito ang ina ni Shinnel.

"Are you girls ready?" she asked.

"Yes we are, Tita!" excited na sagot ng tatlo at ngumiti lamang si Shinnel.

"Okay, just be careful. Kagagaling lang ni Shinnel, please take care of her," paalala ng Ina ni Shinnel sa kanila.

"Mom.. I'm not a kid," Shinnel whines while she hug her mother like a baby.

"You're still my baby," her Mom responded and kiss her nape.

"Okay, enough na po, Mom. Naiinggit na sila," ani Shinnel sabay tawa.

Binitawan naman siya nito at nagtungo na sila sa baba. Since Shinnel should not drive and her Mother didn't allow her, Alliyah offered to drive for them.

Later on, they arrived at the church before the mass starts. Nang makapasok ay naghanap sila agad ng kanilang upuan. Lumuhod si Shinnel upang magdasal at sinundan ito ng mga kaibigan.

Kanya-kanyang pagdarasal pero iisang lang ang panalangin, na para sa kanilang kaibigan. They glances sometimes at Shinnel who's silently praying, nakapikit ang mga mata at nakasalikop ang mga kamay. Taimtim na nagdarasal upang ito'y dinggin ng panginoong maykapal.

"Lord, give me time. That's what all I wanted. Give me strength for tomorrow. Whatever happens please take care of my Mom, my Tita Jane, Kuya Kent and her Mom, my friends; Ariana, Ivy, Alliyah and Ral, especially Red po. Ikaw na po ang bahala sa kanila when that time comes. Thank you for giving me this life. Amen," Shinnel silently prayed.

Nagsimula ang misa na wala ni isa sa kanila ang umiimik. That was the first time, na seryoso silang nakikinig sa misa lalo na sa Homily ng pari sa harap. The priest talks about the value of life and friendship, that Shinnel and her friends can relate.

Aminin niyo nagawa niyo ng hindi makinig sa sinasabi ng pari during his homily. When the mass ended, Shinnel break their silenced by spitting some facts and joke.

"That was the first time we didn't talked during a mass."

"I didn't know, I can stay quiet that long when I'm with you, girls," Ivy stated, still laughing.

"Well, baka may bumulong sa atin na dapat tayong makinig sa misa kahit isang beses lang," Ariana jokingly said.

"Anyways, where is our second destination, Shinnel?" Alliyah asked.

"Uhm.. secret," Shinnel said and winked that made them more curious.

Tumakbo naman si Shinnel papunta sa kanyang sasakyan na sinundan ng mga kaibigan niya. Na bahala ang mga ito nang pumasok siya sa driver seat na ipinagbabawala ng kanyang ina dahil hindi pa maayos ang kanyang lagay.

Ariana knocked on the window.

"Hey Shinnel! Ba't ka magmamaneho? Mapapagalitan tayo ni Tita," Ariana worriedly asked.

Binuksan ni Shinnel ang bintana at sinilip ang mga kaibigan.

"Wala namang mapapagalitan kung walang magsusumbong kaya tara na! Alam niyo ba kung saan pupunta?" pilosopo niyang saad sa kaibigan na ine-expect namang sagot ng mga ito.

They know Shinnel very well, kapag makulit ito kahit seryoso ang kausap ay magiging pilosopo siya.

Sumakay na lamang sila at hindi na nakipagtalo sa kaibigan dahil wala silang laban dito kapag pilosopo itong kausap.

Pinaandar na ni Shinnel ang sasakyan at nagulat sila nang mapansin na pamilyar sa kanila ang daan. To their surprised, Shinnel brought them to their childhood playground.

Mula nang mag-high school sila ay hindi na sila gumagawi rito. Sa paglipas din ng panahon, ang dating playground lamang ng mga bata ay naging pasyalan ng mga magkakapamilya.

They shed a tears, they never think na dito sa lugar na ito sila dadalhin ni Shinnel.

"Welcome back," mahinang sambit ni Shinnel at agad namang napayakap ang mga ito sa kanilang kaibigan.

Unang kumalas sa yakap si Ariana. "Pinapaiyak mo na naman kami, Shinnel." Ariana pouted, natawa naman si Shinnel sa reaction ng kaibigan.

"I didn't told you to cry," pilosopong sagot naman nito kaya humiwalay na rin ang dalawa sa kanilang yakap.

"Si Shinnel ang panira ng moment!" Ivy complained.

"Anyway, saan tayo? Let's eat muna. I'm already hungry," singit muli ni Ariana habang hawak ang tiyan nitong nagwawala na sa gutom.

"Okay Ariana's little monster, we will eat but first let's wait for someone," Shinnel said specifically to Ariana's tummy like there's someone in there.

"Who are we waiting ba?" conyong tanong ni Ivy.

"I'm sorry, I'm late," biglang saad ng bagong dating at nilingon ito ni Alliyah na nagulat sa familiar na boses. Shinnel instantly smirked because of that. "Ba't ganyan mga reaction niyo parang ayaw niyo akong makasama?" tanong naman niya ng makita ang gulat sa mga mukha nito.

"May unwelcomed guest pala tayo. Awts gege," Ivy jokes to annoy him. He just glared at her and didn't bother to fought back.

Bigla namang nagbago ang kanyang ekspresyon ng humarap siya kay Alliyah na nasa harapan niya lamang.

"Hi Alliyah!" masigla nitong bati. "Hi Shinnel!" he titled his head just to greet Shinnel dahil sa nasa likod ito ni Alliyah.

Tumikhim naman si Ariana nang hindi siya batiin nito. "Hi Ariana," he said while scratching his neck.

"Ba't ang awkward niyo naman?" tanong naman bigla ni Ivy. Alliyah snapped back, realizing who is the person infront of her.

"Tara Ariana! hanap tayo ng kainan," pag-aaya nito sabay hila niya kay Ariana.

Meanwhile, Ivy look confused sa nararamdaman niyang awkwardness. Tinignan niya si Shinnel para magtanong ngunit nagkibit- balikat lamang ito.
Sumunod na lamang sila sa dalawa at nang makahanap ng kainan ay agad silang pumuwesto at nag-order.

"Himala at hindi mo ako niyakap nang makita mo ako kanina," Shinnel whispers to Ral who's sitting beside her. Nagulat naman si Ral sa sinabi ng dalaga na parang ngayon niya lamang napansin ito.

"I didn't?" he asks, Shinnel simply nodded.

"You're too pre-occupied. I thought you miss me? Iba naman talaga kapag inlove."

"Inlove? To you? Yes, I am," diretsong sagot ni Ral sa kausap, napailing naman si Shinnel sa sagot nito, tumawa rin siya ng bahagya.

"Naku naman po! Ang sarap mong pokpokin ng bato," Shinnel jokes pero parang magagawa niya nga ito dahil tanga pa rin ang kaibigan. Sasagot pa sana si Ral nang dumating na ang kanilang pagkain.

Nagsimula naman ang mga itong kumain at tahimik na nilantakan ang pagkain sa kanilang harapan.

Nang matapos silang kumain ay agad silang tumungo sa rentahan ng bisiklita. Habang nag-uusap si Ral at Shinnel kanina ay nagplano naman ang tatlo na mag-bike at maglibot sa park.

"Oh! I forgot, how about Shinnel?" Ariana asked.

"Omy! Right!"

"Oh no! Don't mind me. Just enjoy!"

"I can look after her. Go ahead and enjoy!" Ral stated.

"You two sure?" tanong muli ni Ariana, the two just nodded.

"Okay. Please take care of her, Ral," huling paalam ni Ariana bago ito umalis kasama si Ivy at Alliyah.

"Ikaw na naman kasama ko. Alam mo ba nagsasawa na ako sa pagmumukha mo," Shinnel complain to annoy Ral na nakatingin na sa kanya ng masama. Bahagya naman siya napatawa dahil sa kaibigan, tumigil lamang siya nang mapansin niyang tumahimik ang kasama.

Sinundan niya ang direksyon kung saan ito nakatingin. She spotted her three friends enjoying riding on the bike but Ral's focused is not to the three people but only to one person.

"You sure, you don't like her?" Shinnel suddenly asks. Napatingin naman bigla si Ral sa kanya, confuse to what Shinnel is saying. "What's stopping you?"

Ral looked away. "How did you know that it's not you anymore?"

"Ral, it's not really me. Maybe, you didn't have any idea about this but you confessed to me that you like her even when we were young." Bakas naman sa mukha ni Ral ang gulat sa sinabi ng kaibigan. "Siguro, you were just blinded, sinarado mo rin ang isip mo sa totoong nararamdaman mo while your heart knows it's her. Nagpadala ka sa mga tukso sa atin ng mga kaklase natin noon kaya tumatak sa'yo na ako ang gusto mo. Ral, I don't want you both to get hurt."

"But I'm too late. She has Andrei now."

"Listen, it's never too late. She's still into you. Kung hindi ka gagalaw baka mawala na siya sa'yo ng tuluyan. Susuko ka na lang ba ng gano'n?

"Does she deserve me? You know, hindi ko pinansin ang nararamdaman niya para sa akin noon. Tapos may dumating lang, biglang na realize ko na gusto ko na siya."

"Ral, matagal ka ng may gusto sa kanya. Hindi dahil sa na pressure ka o dahil sa may kakompetensya ka na. Mag-aasume muna ako, ah. Sa ilang taon natin na magkakakilala iniisip ko na magaling magtago ng feelings ang Kuya mo. Malay ko bang may gusto talaga siya sa akin tinatago niya lang. Impossible namang hindi niya ako napapansin sa ganda kong ito." Shinnel flipped her hair.

"Tungkol kanino na ba 'tong pinag-uusapan natin? Sa amin ni Alliyah o sa inyo ni Kuya?"

"Panira ka naman, eh! Minsan na nga lang mag-assume," Shinnel whines, tinawanan naman ito ni Ral. "Anyway, napapalayo na tayo. Honestly, I invited you here for you to confessed to her. Kung ano man ang maging resulta just accept it and be happy. 'Wag ka sanang tangahin, just explain to her everything."

"I will. Thank you for knocking some senses on me, Shinnel." She give him a big smile.

"You're always welcome, brother-in-law." Ral pull her for a hug.

Masaya si Shinnel, lumuwag ang kanyang pakiramdam dahil sa pag-uusap na ito. Para bang isa siya sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon wala pa ring progress ang dalawa niyang kaibigan.

Kung hindi man ako magiging masaya kahit mga kaibigan ko na lang po. Kahit kwento na lamang nila ang may happy ending.

Continue Reading

You'll Also Like

14.9K 112 2
Students' Series #1 Linden, a talented nursing student with a passion for basketball and a business-minded mindset, finds himself at a crossroads as...
173K 4.2K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
38.3K 587 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...