My Stalker, My Slave [COMPLET...

By NoToWinter

34.7K 757 28

Stalker na nga, Slave pa! Oh diba? Palagi niya pang makakasama ang ini-istalk niya for the long time. Swerte... More

My Stalker, My Slave
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
EPILOGUE

Chapter 29

789 16 0
By NoToWinter


Chapter 29


Hindi pa rin tumitila ang ulan ng matapos ako sa pagbibihis. Mas lalo pa nga yatang lumakas ang ulan.

Pagkatapos ko magbibis ay dumiretso na agad ako pababa. Napailing ako ng makita si Andrew kaharap si Mommy, Daddy at Kuya Aijan na parang ini-interview.

"Bakit kasama mo ang anak ko, Andrew?" Tanong ni Mommy habang matamang nakatingin sakanya. Parang cool namang ngumiti si Andrew sakanila na parang hindi kinakabahan sa pamilya ko. Well, bakit naman siya kakabahan diba? There's nothing to be nervous.

"I saw her walking along in the dark. Nagmamagandang loob lang ko as her friend kaya sinamahan ko siya." Parang nilamukos ang puso ko sa narinig as her friend. Bakit nasasaktan ako sa sagot niya? Friend lang naman talaga kami, e. Aaliyah remember may girlfriend na si Andrew hindi mo na kailangang ipagsiksikan ang sarili mo sakanya. I'm just nothing.

I should be happy that he already treat me as his friend. Akalain mo 'yun from strange stalker to friend. Okay na 'yun.

But why my heart tell the opposite? Bakit nasasaktan pa rin si heart?

"Maraming salamat kung gano'n, Andrew. Dito ka na mag dinner tutal hindi pa naman tumitila ang ulan." Nakangiti namang tumango si Andrew.

Nakita ko silang tumayo na at naglakad sa dining area maliban kay kuya na nagpaiwan dahil may ginagawa pa kaya tuluyan na akong bumaba sa hagdan saka sinundan sila.

"Kain ka ng marami, Andrew. H'wag ka mahihiya." Ngumiti naman siya saka nagpasalamat.

Nasa harapan namin si Mommy't Daddy habang si Kuya naman ay nasa sala busy sa kanyang laptop kaya kaming apa't lang ang narito.

"May namamagitan ba sainyo?" Diretsahang tanong ni Daddy. Halos maubo naman ako sa tanong na iyon.

Sasagot na sana si Andrew pero inunahan ko na siya.
"Wala po, Dad. Kahit kailan hindi po mangyayari 'yang iniisip niyo. May g-girlfriend po si A-andrew." Halos sabunutan ko na ang sarili ko dahil sa pagkautal.
Sana ay hindi nila napansin na nautal ako.

"Siya ba yung tinutukoy mo nung Elementary ka pa lang na crush mo?" Turo ni Dad kay Andrew. Tuluyan na akong napaubo sa tanong na iyon. Sa dinami-rami kong sinabi sakanila bakit 'yon pa ang naalala nila? Argh!

"H-hindi po siya 'yon, Dad. W-wala na po siya rito." Pagsisinungaling ko. Sana lang ay hindi nila napansing labas sa ilong ang tugon ko na iyon.

"Hanggang ngayon ba ay ini-istalk mo pa rin ang lalaking iyon? Ano nga bang pangalan no'n, Aaliyah?" Napailing naman ako agad.

"Hindi ko na po siya ini-istalk, Dad. Hindi ko na po iyon crush." Sagot ko saka napayuko sa kinakain. Bakit ba kami napunta sa usapang ito?

Naramdaman ko namang napatingin sakin si Andrew at tinaasan ako ng kilay. Malamang mag-iisip 'yan si Andrew na siya ang tinutukoy ng Daddy ko. Siya lang naman ang ini-istalk ko matagal na at siya rin ang nakahuli sakin na ini-istalk ko siya.

"Glad to hear that. Wala kang iiwanan kung sakaling matuloy ang pag-alis natin. One month from now." Tugon ni Daddy. Napanganga naman ako sakanila.
Nakita ko ang pagkalukot ng mukha ni Andrew at ang pagkuyom ng kamao na ipinagsa walang bahala ko lang.

Matutuloy ba talaga ang pag-alis namin?

Ngumiti naman si Mommy't Daddy at pinagpatuloy na ang pagkain. Laking pasasalamat ko ng si Andrew naman ang tinanong nila. Lumaki yata ang tenga ko sa pakikinig dahil sa tanong ni Daddy kay Andrew.

"May gilfriend ka na pala?" Tanong ni Mommy.

"Opo." Simpleng sagot ni Andrew. Siguro ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa kanila but knowing my parents hindi sila titigil hangga't hindi sila nakukuntento.

"Paano naman kayo nagkakilala? Siguradong maganda ang girlfriend mo 'no sa gwapo mong 'yan." Napansin kong napatingin sakin si Andrew bago sumagot or it's just my imagination?

"We're bestfriend since we were just child. Close po talaga kami na hindi na kami naghihiwalay even sa pagtulog magkatabi kami. Hanggang sa umabot kami ng junior high. Naging kami when we are in Grade 7. I know na bata pa kami no'n but I know my feelings for her is real. We've been in relationship for three years po but sadly she need to continue her studies in abroad. She's not fond of long distance relationship so she broke up with me." Naramdaman ko naman ang pagkirot ng puso ko kaya pasimple kong ipinatong ang kamay ko sa dibdib kung nasaan ang puso. Nahihirapan na rin akong lunukin ang pagkain dahil parang may bumabara sa lalamunan ko.

Una pa lang talaga talo na ako. Kung wala lang siguro ako sa harapan nila. Kanina pa tumulo ang luha ko kaya ginawa ko ang lahat para pigilan ito. Naging stalker ako ni Andrew pero bakit hindi ko alam ang bagay na 'yon?

Napa 'oh' naman si Mommy sa narinig. She's all ears listening to Andrew's undying love story with Xylene.

"Pero ngayon po. I'm h-happy that she's back for me. I still accept her even how hurt I was. Hindi ko po kasi siya matiis. My heart is still beating for h-her kaya we continued our relationship" Nakayuko lang ako hanggang sa matapos ang kuwento ni Andrew.

Wala na nga sigurong makakatalo pa sa pagmamahal ni Andrew kay Xylene. I should be happy for them. I should.

Nagbigay naman ng advice si Mommy kay Andrew katulad na lang ng
"She's the one, Andrew. You shouldn't let her go." At maraming pang iba na masakit sa tenga pakinggan at masakit sa puso maramdaman.

Natapos kami ng pagkain ay hindi pa rin tumitigil ang ulan. Nagsimula na akong magligpit ng pinagkainan. Nagulat ako ng makitang nagliligpit rin si Andrew ng pinggan. Nasa sala na si Mommy't Daddy kaya kaming dalawa na lang ang narito.

"Ako na rito. Sa sala ka na lang." Seryoso kong sambit. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso ng sabihin ko iyon.

Parang wala naman siyang narinig dahil patuloy pa rin siya sa pagliligpit.

"Andrew." Seryoso naman siyang tumingin pabalik sakin.

"I'll help you." May pinal sa tono ng pagkakasabi nito kaya wala na akong magawa kundi hayaan siya.

Tapos na kami sa pagliligpit ng lamesa kaya maghuhugas naman ako ngayon.

Binanlawan ko muna ang mga pinggan bago ito sinabunan. Inaasahan kong hindi na tutulong pa si Andrew sa paghuhugas kaya nagulat ako ng tumabi siya sa akin.

Hindi sinasadyang nagdikit ang braso namin kaya napakurap kurap ako ng maramdamang parang nakuryente ako. Mabilis pa sa alas kwatro akong dumistansiya sakanya ng kaunti.

Tahimik lang kami habang naghuhugas. Ako ang nagsasabon habang siya naman ang nagbabanlaw. Hanggang ngayon ay napakabilis pa rin ng tibok ng puso ko. Sa sobrang bilis ay kumikirot na ito.

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Katabi ko lang si Andrew pero bakit feeling ko ang layo niya? Bakit kahit nasa tabi ko lang siya ay hindi ko siya maabot?

Pasimple kong pinunasan ang pisngi ko na may luha pero hindi yata nakatakas iyon sa paningin ni Andrew. Natigil siya sa ginagawa saka napatingin sakin.

"Bakit ka umiiyak?" Nagtatakang tanong niya. Natatawang napailing naman ako.

"Haha. Napuling ako." Napasinghot ako saka muling ipinagpatuloy ang ginagawa. Alam kong hindi naniwala sakin si Andrew pero buti na lang ay wala siyang ibang sinabi pa.

Hindi ko na natandaan kung paano natapos ang ginagawa namin. Agad akong lumabas ng dining area ng matapos kami.

Napatingin ako sa labas at nakita kong humina hina na ang ulan.

"Lumalalim na ang gabi, Andrew. Uuwi ka na ba? Mahina na rin ang ulan sa labas" Naglakad si Andrew papalapit kila Mommy.

"Maraming salamat po sa pagpapatuloy sakin." Bahagyang yumuko naman si Andrew.

"Maraming salamat rin at hinatid mo si Aaliyah pauwi." Nakangiting sambit ni Daddy at tinapik ang likod ni Andrew.

"Aaliyah, ihatid mo si Andrew sa labas. Magdala kayo ng payong dahil umaambon pa." Wala akong nagawa kundi ihatid si Andrew sa labas.

Nagdala ako ng payong at binuksan iyon.
Tahimik lang kami habang tinatahak ang daanan. Walang nagsasalita samin kahit isa. Tanging ang pagbagsak lang ng mahinang patak ng ulan ang nagiging ingay.

"Sumakay ka na lang ng tricycle papuntang labasan." Suhestiyon ko sakanya. Tumango lang siya bilang tugon kaya muling bumalik ang katahimikan sa pagitan namin.

May nakita akong tricycle sa di kalayuan kaya tinawag ko ito.

"Salamat sa paghatid sakin, Andrew." Nakangiti kong sambit. Nagtaka naman akon ng  nakatingin lang siya sakin ng matagal. Iiwas na sana ako ng tingin sakanya pero nagulat na lamang ako ng kabigin niya ang bewang ko at inilapit sakanya para yakapin.

Napakurap kurap ako sa gulat at naramdaman kong tumibok ang puso ko ng sobrang bilis.

"Thank you, Aaliyah. Ya tebya liubliu always remember." Tipid siyang ngumiti bago sumakay sa nakaparadang tricyle.

Naestatwa na yata ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa niyang pagyakap sakin. Nakatanaw lang ako sa papalayong tricycle na sinasakyan niya bago ito mawala sa paningin ko.

Continue Reading

You'll Also Like

44.3K 968 75
Paano kung isang araw ang pag kakamali ay maging Kainaman O magandang mangyayari sa buhay mo lalo na kung ang pag kakamaling iyon ay pag mumulan ng ...
2.2K 159 35
Naging kaibigan ni Jane ang dalawang seminarista ngunit sa di inaasahang nahulog pala si Jane sa isa sa mga seminarista. Date started: Jan. 6, 2019...
20.5K 415 57
I am Khurtney Montenegro 3rd year college at Cohen University HRM student (medyo spg!)
8.1K 494 28
Semira Boys Series: Uno Emir Tunghayan ang mala-extraterrestrial love story nina Uno at Alfa na pang-out of this world ang datingan. Dahil sa pangita...