LABYRINTH ACADEMY(TO BE RE-PU...

By asrah028

4.7M 72.7K 12.8K

PUBLISHED BY VIVA PSICOM More

LABYRINTH ACADEMY
INTRO: WELCOME TO LABYRINTH
CHAPTER ONE : THE L.A GANG
CHAPTER 2: FACE TO FACE
CHPATER 3 : PAYBACK
CHAPTER 4: UNKNOWN
CHAPTER 5 : L.A.C
CHAPTER 6 : KAHIHIYAN
CHAPTER 7: KOG-KOG
CHAPTER 8: CHOCOLATE BAR
CHAPTER 9 SONG
CHAPTER 10: ZIA'S PARTY
CHAPTER 11: LET'S DO THIS
CHAPTER 12: DEAL
CHAPTER 13: FISHY
CHAPTER 14: ALMOST
CHAPTER 15: GALIT-GALITAN
CHAPTER 16: DATE PLAN
CHAPTER 17: I WON'T GIVE UP
CHAPTER 18: BAD GIRL
CHAPTER 19: SOMEDAY
CHAPTER 20: JUST BE MY BOYFRIEND
CHAPTER 21: THIS IS LOVE
CHAPTER 22: PAKNERS IN CRIME
CHAPTER 23: OPLAN SELOS
CHAPTER 24: SUE is SHUUUU!
CHAPTER 25: THAT'S WHAT YOU DO
CHAPTER 26: ANG NAWAWALANG CHAPTER
CHAPTER 27: FRIENDSHIP
CHAPTER 28:DEATH THREATS
CHAPTER 29: DILEMMA
CHAPTER 30: JEALOUS
CHAPTER 31: IKAW AT AKO
CHAPTER 32: 100 DAYS
CHAPTER 33: ...WITH YOU
Chapter 34: SET UP
CHAPTER 36: WHY?
CHAPTER 37:GOODBYE
CHAPTER 38 REUNITE WITH A TWIST :)
CHAPTER 39: REVELATIONS pt1
CHAPTER 39 pt.2
LABYRINTH ACADEMY TRUE ENDING
2017
HI EVERYONE!
HAPPY NEW YEAR!
HI EVERYTHING!
HI READERS!
ANNOUNCEMENT ABOUT L.A

CHAPTER 35: LITTLE by LITTLE..

63.3K 911 208
By asrah028

CHAPTER 36: LITTLE by LITTLE..

TWAYLEM

Ito na yung lugar, nasaan na yung mga kulangot na ayun?! Nako! Nako! Pag naman nakita ko talaga yung babaeng tumawag na yun!

KAKALBUHIN KO SIYA UP AND DOWN! Hindi naman siguro masyadong obvious na na-high-high blood na ako sa mga oras na toh.

*Tutut*

'pumasok ka sa may warehouse. Nandito si Tao.'

''Talagang papasok ako!''

nag madali akong pumasok sa warehouse, at ...

''NASAAN SI TAO?'' tumingin-tingin ako sa paligid at wala akong nakitang Shuji Yoshida dun. Suddenly may lumabas na isang lalake. Hindi ko makita yung pag mumukha niya dahil naka takip ang mukha nito. Siguro pangit kaya naka takip yung mukha niya.

''SINO KA?! At nasaan si Tao?!'' sigaw ko dito, pero bago paman ako naka lapit sakanya, may dalawa pang lalaking lumapit sa akin.

Hawak-hawak nila ako sa mag kabilang braso, dahilan para hindi ako makagalaw.

''Saan niyo dinala si Tao!?! Anong ginawa ninyo sakanya?!!'' lumapit sa akin yung unang lalaking lumabas..

Sinampal niya muna ako ng pagkalakas lakas bago ito nag salita. Hinila niya yung buhok ko, yung parang naka sabunot siya sa akin.

''Si Tao? nasa mabuting kalagayan siya. At wala kaming balak na saktan siya, dahil IKAW ang punterya namin.''

Hinawakan niya ang leeg ko, at dahan dahan niyang hinigpitan ang pag kakahawak dito.

''hiwalayan mo siya kung gusto mo pang mabuhay.''

''AT BAKIT KO NAMAN GAGAWIN YON?! AT SINO KAYO PARA DIKTAHAN AKO?!''

''sige, mag matigas ka.''

''MAG MAMATIGAS TALAGA AK----'' hindi ko natuloy ang sasabihin ko, dahil napa hawak ako sa sikmura ko.

Napaluhod ako sa sobrang lakas ng pag kaka suntok niya sa tsan ko.

''Bibigyan kita ng rason para hiwalayan mo siya. Wala ng magulang si Tao, pinaslang ang mga ito sa harapan niya.'' diba may magulang siya? Anong pinag sasabi ng gagong to?!?!

''Lumaapit siya sa kaibigan na Yakuza ng ama niya, at doon tinuruan kami kung paano pumaslang ng kapwa namin tao..''

Ibig sabihin, isang Yakuza si....

Tao?

''At kaya lang siya pumunta ng Pilipinas dahil handa na siya. May sapat na kalaman na rin kasi ito kung paano pumaslang ng tao.'' sa bawat salita na binibitawan ng lalaking ito, ay para bang unti-unti akong naka ramdam ng takot.

''pag nakita na niya ang mga hinahanap niya.. Iiwanan ka na lang niya, papa asahin at sasaktan, o kaya naman..'' inilapit niya yung pisngi niya sa pisngi ko at bumulong..

''kasama ka sa papatayin niya.''

''HI... HINDI TOTOO YAN, KAKILALA KO SI TAO. HINDI NIYA GAGAWIN SA AKIN YUN, Dahil.. Mahal niya..'' I was about to cry ng biglang bumalibag yung pintuan ng ware house.

NOW PLAYING: IF I NEVER MADE TO HEAVEN

Nag madaling tumakbo si Tao patungo sa direksyon namin. Isa-isa niyang kwinelyuhan at pinag Susuntok ang mga lalaking nasa harapan ko.

''Si Akiro ba ang nag utos nito sa inyo?!'' sigaw ni Tao dun sa lalaking nanuntok sa akin.

''Tao! Kumalma ka nga!! Mapapatay mo sila!'' Tuloy parin ito sa pag suntok sa mukha nung isang lalake. At parang kahit anong oras mapapatay niya na ang mga ito.

''Tao..'' hinawakan ko siya sa may balikat..

''Tama na...'' pag mamaka awa ko sakanya.. Pero hindi pa rin ito nakinig sa akin.

''tumigil kana!!!'' tumigil ito sa pag suntok dun sa lalake, tumayo ito at hinarap niya ako.

''Dumapo yung kamay niya sayo, pinag buhatan ka niya ng kamay natural na ipag tatanggol kita! Ayokong tumanganga lang dito. Kung pwede silang patayin ngayon din, ginawa ko na. Hindi ako natatakot makulong, basta maiganti lang kita sa mga gagng to!'' sigaw nito sa akin.

''Tao..'' dahan dahan kong yinakap si Tao. Para sa ganun, kumalma na ito.

''Hindi na mahalaga yung napag buhatan niya ako ng kamay. Yoshida, ayokong nakikipag away ka. Ayokong nakikita kang nag babasag ulo. Ayokong nakikita kang ganyan.. At lalong ayokong makikita ko na papatay ka.''

Tinignan niya ako ng diretso sa mata yung tipong napakatalim na tingin pero sa kabilang banda nag aalala pa rin siya.

''Hindi mo ako masisisi kung bakit nagawa ko yun sakanila, Kasalan ko kung bakit nasaktan ka. Boyfriend mo pero hindi ko man lang nagawang maipag tanggol ka sa mga gagong yan!?'' tumahimik muna ako.. At tinignan lang itong mag alboroto sa galit.

''WALA AKONG PAKEALAM KUNG MAKULONG AKO DAHIL NAPATAY KO SILA, ANG IMPORTANTE NAIPAG TANGGOL KITA.''

Binuhat niya ako, at isinakay sa kotse niya.

''Hindi ka pwedeng umuwi ng ganyan yung kalagayan mo.'' nakita kong nag ka sugat yung right fist niya. Hinawakan ko ito at tinignan siya sa mata..

''okay lang ako. Wala ito.'' Hindi ko mapigilang maiyak, nalulungkot ako sa nalaman ko. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit naging ganito siya..

''Yoshida...'' pinipigilan kong hindi maiyak pero HINDI MAAWAT E.

Nakatingin pa rin ako sa kanya habang hawak-hawak ko yung braso niya. Napakamot nalang ito at napa mura.

''P*TAN*NA NAMAN O! OKAY LANG AKO! TUMIGIL KA SA PAG IYAK MO, HUWAG MO AKONG

KAAWAAN! Simpleng galos lang iniiyakan mo!'' inayos niya yung seat belt ko,

''Eh kasi...'' napakamot ito at tinignan ako ng diretso sa mata..

''E kasi mahal kita kaya ginawa ko yun. Kaya kung pwede po, huwag ka ng umiyak. Na bwi-bwisit ako e! Okay?'' bago niya pinaandar yung sasakyan niya, may kinuha muna ito sa bag niya.

''Lagi akong may dalang chocolates, sabi mo kase makakatulong to para mabawasan yung nararamdaman nating stress.'' nag simula na nanamang lumabo yung mata ko.

''tumahan kana, okay na ako.'' nung numiti siya sa akin, parang nawala na lahat ng pag alala ko sakanya.

Mahal ko to e!

----

Ilang minuto din at naka dating na kami sa bahay nila.

''Hindi ka pwedeng makita ka ng kuya mong ganyan yung kalagayan mo. Gumawa aka ng alibi, sa bahay ka muna mag sta-stay.'' hindi pa rin ako umiimik.

''Tama na.. Huwag ka ng umiyak. Okay lang ako..'' naka sakay ako sa likod niya, piggy back ba yung tawag dun? Basta yun.

''Tao..''

''hmm??''

''lagi mong tatandaan na kahit ano kapa, tatanggapin kita. Wala akong pake sa sasabin ng iba, at wala din akong pake kung pangit yung records mo.. Kase lahat ng mgaa flaws mo gusto ko din.. Pero sana, huwag ka ng makipag basag ulo..''

''wala naman kaso kung ako yung maabugbog.. Huwag lang ikaw. Kase mas masakit kung IKAW YUNG NAKIKITA KONG NASASAKTAN. Hangga't kaya ko, gagawin ko lahat para lang ma-protektahan ka.. Kase pag ikaw nawala??'' tumigil ito sa pag lalakad.

''HINDI KO YATA KAKAYANIN. Baka sumunod din ako sayo nun.. Para kahit sa kabilang buhay, may mag tatanggol pa din sayo.'' at dahan-dahan kong ipinikit ang mata ko..

P.S hindi ako patay, matutulog lang ako.

KINABUKASAN

TAO

''Tao, anong nangyare sa kamay mo? Nakipag away ka ng mag isa?'' tanong sa akin ni Law.

''Oo.'' tipid na sagot ko.

''Kanino? Bakit hindi mo kami tinawag?? Kahit pang moral support lang..'' Dagdag pa ni Venos, hindi ko sila kinibo dahil parang ayoko munang mag salita.

Hindi kase alam ng mga toh' na isa akong Yakuza. Dahil pag sinabi ko sakanila yung sikreto ko baka mamaya iwanan ako ng mga to.

Hindi ko pa pwedeng sabihin kung ano talaga ako, dahil sasabihin ko lang kung sino talaga ako pag nakita ko na ang mga hayop na pumatay sa mga magulang ko.

''Uy Tao! Sabi pala ni Twaylem pumunta daw tayo sa kanila bukas..'' sabi ni Britt.

''anong meron?'' tanong ko dito..

''Birthday nung kuya niya, at ipapakilala ka yata niya dun sa daddy niya.'' bigla akong napatayo ng marinig ko ang sinabi ni Law.

''ano?? ipapakilala??'' tumango silang sabay sabay, at nag madali akong lumabas ng classroom para hanapin si Twaylem.

Sakto naman, na pag kalabas ko nakita ko agad ito.

''Babe!'' nag tinginan lahat ng tao ng marinig nilang tawagin kong BABE si Twaylem.

''Babe??'' kumunot yung noo niya.

''Huwag mo nga akong tawaging babe.. Nakakataas ng bahalibo.'' lumapit ito sa akin.

''Totoo ba na ipapakilala mo ako sa dady mo??'' ngumiti muna ito. ''SECRET.''

''Secret? E alam ko na yung totoo.. Sa tingin mo ba magugustuhan ako ng daddy mo??'' ngumiti nanaman ito.

''SECRET.''

''Twaylem?! Dali na! Sabihin mo na..''

''Hindi ko rin kasi alam yung sagot. Kase hindi ko naman ka close yung daddy ko. Diba nga, dahil mahal na mahal ako nun.. Nagawa niya akong ilipat dito sa L.A.''

''Baket? Ano bang ugali ng daddy mo?'' napa buntong hininga ito.

''Well, bukod sa pagiging babad sa trabaho.. Napaka higpit at nakakatakot yun. Lagi niya nga akong pinapagalitan kase, matigas yung ulo ko. Minsan nga naiisip ko ampon ako.. Kase laging si Kuya yung bida.'' biglang lumungkot yung mukha nito.

''Paano mo naman nasabi?? Kamukha mo naman yung kuya mo e..''

''ako kase rebelde, kuya ko matalino yun! Kahit minsan may ka pilyohan ng kaunti. Madalas niya nga akong pinag tatakpan.. Pero.. Basta! Bahala na si Daddy kung hindi ka niya magustuhan. Hindi naman siya yung mag papakasal.. ako.'' hinawakan nito yung kamay ko..

''SAAN NANAMAN TAYO PUPUNTA?''

''Pinagawa kita ng damit na susuotin mo para bukas.''

''ANG BILIS MO NAMAN!'' lumingon ito sa akin tsaka ngumiti.

''pag kataapos nun, diretso na tayo sa simbahan.. pakasal na tayo nun..''

Kaya naman mahal ko tong babaeng toh, hindi ako binibigong pangitiin. Pero maiba lang tayo..

Magustuhan kaya ako ng daddy niya?

TAO

''hoy! Para kang binuhusan ng suka diyan ahh! Ganun ka ba talaga ka kaba?? Chillax men! Chillax!'' pag papa kalma sa akin ni Kyd.

''Hindi mo kasi ako naiintindihan.'' kanina pa ako paikot ikot dito sa SR.

''sus! Chicken lang yan ma men. Basta huwag mo lang masyadong ipahalata kung ano ka talaga. Nakow! Kung saka-sakali ma ba-bad vibes ka dun sa daddy ni Eskepik.'' sabi ni Law habang inaayos niya yung buhok niya.

Pare-pareho kaming naka tuxido.

''Tao, nasa labas na kaming mga girls. Tara lets na..''

''Hoy Bibeng Isda, huwag mo ngang isama yung sarili mo sa mga girls. Tandaan mo lalaki ka sa gabing to. Di pwedeng babakla-bakla. Magagalit daddy ni Twaylem..'' Halos mag wala si Donald, dahil hindi ito nakapag suot ng dress.

''Oo na! Oo na, kahit isang gabi lang mag papanggap aakong TOMBOY!''

''ANO BA? ANG TAGAL-TAGAL NIYO NAMAN!'' napatigil lahat sila sa pag babangayan ng pumasok si Twaylem sa SR(SECRET ROOM).

''Twayle.... Ang ganda mo.'' sabi ni Britt.

''ALAM KO. Tara na.. Alis na tayo.. Nandun na daw si Daddy.''

Hindi ako makapaniwala na mas may igaganda pa siya, na inlove tuloy ako lalo sa itsura niya..

''Tao?! Huy! Galaw galaw!'' natauhan lang ako ng maramdaman kong hinawakan niya ako sa kamay.

''Nako Tao, itigigil tigil mo yang pag titig mo kay Twaylayt! You're drooling.. So Iwwwwww''

''Gusto mong iw-iwwwin kita diyan?! Basagin ko bungo mong bading ka e!''

*PAK!

''ARAY KO! BAKIT MO AKO BINATUKAN?!''

''Napaka brutal mong mag salita.. kung ano yung ugali mo sa L.A iwanan mo dito. Okay? Tara lets..''

--

Sa isang sikat na 5star hotel ginawa yung birthday ng kuya niya. Agad na lumapit si Twaylem sa mga relatives niya at nakipag beso-beso sa mga yun.

Bigla akong nanlamig ng may makita akong pamilyar na tao.. Pero malabo at hindi ako nakakasigurado kung siya nga yun..

Text message from akiro:

Kung ayaw mong masaktan, mabuti pang umalis ka na kung nasaan ka.

Pag kabasa na pag kabasa ko nung message na yun, nag madali ako para makita ng malapitan yung matandang lalaking palakad-lakad at nakikipag kamay sa mga bisita.

''kailangan kong malaman.. Kailangan ko siyang makita ng malapitan..'' ng tumigil ito para kumuha ng baso nang whisky..

''Mister Gonzales, thank you for the wedding gift you sent to my newlywed son. At bute sa **** hotel mo ginawa ang birthday ni Uno?''

Sebastian Gonzales ang pangalan ng pumatay sa mga magulang ko.. Siya na nga ang matagal ko ng hinahanap.. Ang gag*ng pumatay sa mga magulang ko!.

''Tao..'' napalingon ako dun sa humila sa akin.

''Saan ka pumunta? Kanina pa kita hinahanap.. '' sa mga oras na kaharap ko si Twaylem ngayon..

Parang unti-unti ng lumilinaw ang lahat sa akin.

''Twaylem.. May itatanong ako.'' ngumiti muna ito bago sumagot.

''Ang pangalan ba ng daddy mo e..'' hindi ko naituloy pa ang sasabihin ko.. Hiniwakan niya yung kamay ko.

''AYUN NA PALA SI DADDY.'' nung liningon ko kung sino yung tinutukoy niyang daddy..

Linapitan namin yung tinawag niyang daddy, at halos manlumo ako sa narinig ko

''Dad, This is Shuji Yoshida.. My boyfriend.. And Tao, Sebastian Gonzales.. Daddy ko.''

Paano...

Paanong naging si Twaylem ang anak ng taong pumatay sa mga magulang ko?

Bakit siya pa....

ITUTULOY...

Ito na, ito na ang pinaka hihintay niyo. Spoiler much daw ako.. Enjoy reading guys.

At pag-pasensyahan niyo na kung minsan may mga mix-mixed na words, okaya minsan parang putol o alanganin yung sasabihin niya..

Sa cellphone kasi ako nag ta-type. O Sige na, tatahimik na ako.. Enjoy reading guys!

---

Continue Reading

You'll Also Like

939 55 16
It tells the story about a teenage girl who is a victim of bullying. Instead of fighting back, she wrote story where in she killed her bullies. Later...
3.2K 1.5K 40
Opposites attract is a lie. He's alta. She's masa. He's insanely rich and powerful. She's barely middle-class. He's elitista. She's aktibista. He sto...
52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
Dysfunctional By Zamiel

Mystery / Thriller

85.1K 4.9K 61
A girl who can see the death of whomever she touches or touches her. A boy who she cannot see his death even when he touches her. Meet each other's...