The Things I Hate About You

By ceresvenus

166K 4.6K 957

Tosca is a famous influencer who pretty much spend all of her time on her night life. Bakit naman hindi eh it... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48

Chapter 8

3.1K 95 23
By ceresvenus





Bumalikwas ako ng bangon nang maalala kong dito nga pala natulog si Scor. Hindi kami nag tabi. Nag offer ako na tabi nalang kami sa kama pero sinungitan lang niya ako. Sa couch siya natulog. Na touch naman ako kasi dito pa talaga siya natulog para lang masigurong safe ako. Kahit na suplado ay gentleman pa din.

Naisip kong magluto ng simpleng breakfast bilang pasasalamat na din sa kanya. Pero pag labas ko ng living room ay tanging mga unan at naka ayos na kumot nalang ang nandoon. Alas nuwebe palang ng umaga, umalis na kaagad siya? Di man lang nag paalam sa akin.

Nagtimpla nalang ako ng kape bago tumambay sa couch ko. Para akong tangang inaamoy amoy yung unan na hinigaan niya dahil dumikit doon ang amoy ng pabango niya.

Xylo ka later. Guest kayo ni DJ Renz.

Iyon ang text ni Rita sa akin. Party nanaman ako later, paano ko kaya pagsasabayin ang bagong business ko at ang trabaho ko? Wow, Tosca. Kung maka trabaho ka ay akala mo hindi mo ineenjoy?

Tumunog ang doorbell ko at agad akong nagtaka kung sinong napadpad sa condo ko ng ganitong oras? Dumiretso ako sa pinto sa pag aakalang isa lang iyon sa mga kaibigan ko.

Bumungad sa akin si Scor na bagong ligo dahil medyo basa pa ang buhok at naka itim na v neck at jeans. Napansin ko din ang yeezy na suot niya. Filthy rich huh?

"Scor!" Tumingkayad ako para i beso siya. Pero mabilis siyang humiwalay sa akin?

"Eto naman. Beso lang eh. Pasok ka." Nilakihan ko ang siwang sa pinto at nauna nang pumasok para bumalik sa pwesto ko.

Hindi siya nag sasalita at humalukipkip lang siya doon pagkatapos niyang isara ang pinto.

"What? Di mo sinabi saking umuwi ka pala. Magluluto sana ako ng breakfast eh." Hindi ko siya tinitingnan dahil busy ako sa pag scroll sa IG ko.

"Basta basta mo nalang binuksan ang pinto? Paano kung ang baliw mong ex pala ang dumating?" Tingnan mo ang aga aga highblood kaagad.

Binaba ko ang cellphone ko at tiningnan siya.

"Hindi kaya. Nakita kita sa peephole." Nang aasar kong sagot.

"Nakita mo nama pala ako. Hindi ka man lang nagpalit." Bumaba ang tingin niya sa katawan ko. Pati tuloy ako napatingin.

Naka sando at cotton shorts ako. Oo yun lang. Wala akong bra. Oh my god! Wala akong bra! Hinablot ko kaagad ang throw pillow at hinarang 'yon sa katawan ko. Nag smirk siya at umiling tapos sumimangot ulit.

"Bat mo tinitingnan ha?" Pagalit kong sabi.

"Ikaw tong nagsusuot ng ganyan eh." Lumapit siya at umupo sa kabilang side ng couch bago naglabas ng phone.

"Bakit ka ba nandito? May lakad ba tayo?" Tanong ko ulit.

"Yeah. We have a lunch meeting with an another supplier." Sabi niya habang nag sscroll sa phone niya. Di man lang talaga ako tiningnan.

"Fine. Maliligo lang ako." Padarang akong tumayo at nag dadabog na naglakad papunta sa kwarto ko.

Bago pa man ako naka pasok ay nabitawan ko ang cellphone ko. Yumuko ako para pulutin iyon at para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil naalala kong nasa likod ko si Scor! Bigla akong lumingon at huling huli ko siyang nakatingin sa pwet ko! Sinamaan ko siya ng tingin at pinulot ang tsinelas ko sabay bato sa kanya. Mabilis naman siyang nakaiwas pero sunod sunod siyang napamura.

"The hell's wrong with you?!" Lukot ang mukha niya.

Pinanlakihan ko lang siya ng mata at nag martsa papasok sa kwarto ko. Ni lock ko ang pinto. Pero deep inside ay gumugusto din naman ang dalagang pilipina niyo. Natatawa ako kapag naalala ko ang hitsura niya pagkabato ko ng tsinelas ko sa kanya. Buong umaga tuloy ay good mood ako.

Nagpasya akong mag suot ng mas conservative na damit para naman hindi ko ma badtrip si Scorpion. Isang pulang fitted laced crop top at itim na fitted slacks ang sinuot ko. Pinartneran ko iyon ng itim na block heels and ta-da! Perfect!

Paglabas ko ay silent treatment nanaman ang naganap. Masyado naman siyang pikon. Inaasar ko lang eh. Nang nasa parking na kami ay luminga linga ako, baka kasi nandiyan nanaman si Rob.

"Your ex isn't here anymore." Napansin niya ata kaya nagsalita siya.

"Malay mo nandiyan. Katakot kaya." Sabi ko pagkasakay namin sa Bugatti niya.

"It's your fault for dating that kind of guy." Sabi niya habang binabagtas na namin ang kahabaan ng ortigas.

At anong klaseng lalaki ba ang dapat kong i-date? Ha? Scorpion?

"Well it's in the past now." Nagkibit balikat ako at tumanaw nalang sa labas.

"No it is not. Natatakot ka sa ex mo pero palagi ka namang nag bibigay ng motibo." Dire diretso lang ang tingin niya.

"What? Anong sinasabi mo?" Nalukog ang mukha ko at nagmukmok nanaman ako. Kailan ako nagbigay ng motibo sa ex ko? Eh kitang kita niya naman kung paano ko tinaboy si Rob kagabi.

"Hindi ka nag ba bra. Tapos tumutuwad ka sa harap ko. Diba nag bibigay kang motibo? You're seducing me." Sinapo ko ang noo ko at napailing sa pinagsasabi niya.

Natural! Wala akong bra talaga. Nasa bahay ako eh? Ako lang naman mag isa doon. Tumuwad ako kasi pinulot ko ang cellphone ko. At kung totoo man ang paratang niya na nag bibigay ako ng motibo, sa kanya lang 'yon! Hindi naman ako ganoon sa iba.

"Whatever." Iyon nalang ang sinabi ko bago ko pinaikot ang mga mata ko. Lahat nalang talaga minamasama ng lalaking 'to.

"Tapos magagalit ka kapag sinipat ka." Pahabol niya.

Ah ganon? Sige mag asaran tayo.

"Ohh. So tiningnan mo talaga 'yung pwet ko? Sinilipan mo talaga ko?" Nanunuyang sagot ko.

"Hell no. Asa ka pa." Sagot niya.

Huling huli ko naman siya kanina eh. Kunyari nalang naniniwala ako. Haha!

"Ang dami dami nang nakakita niyan eh, bat ko pa gugustuhin?" Bulong niya sa ilalim ng hininga niya na di ko masyado nadinig.

Pinaabayaan ko nalang hanggang sa nakarating na kami sa isang restaurant. Isanv lalaki na mukhang kaedaran din namin ang ka meeting namin ngayon. Napag alaman kong supplier sila ng imported at local na alak sa bansa.

"So, Tosca. We should go out some time." Nginitian ako ni Adam Romero, ang kameeting namin.

Patay ako! Nandito pa naman si Scor. Napansin ko kaagad na parang naging uneasy siya sa sinabi ni Adam. Kakatapos lang ng meeting namin at naghihintay nalang ng bill.

"S-sure." Hilaw akong ngumiti. It would be rude to turn down a partner's request.

Narinig ko ang singhap ni Scorpion at sa pagkakataong ito ay hindi ko na siya kayang lingunin. Paniguradong nag uusok na ang ilong ng isang ito.

"Great. Here's my calling card. Text me." Iyon ang sinabi niya bago siya umalis.

Naiwan kami ni Scor na nakaupo at hindi na ako nanghas pa na magsalita. Nag bayad siya ng bill at hindi na ako pinansin. Sumunod nalang ako sa kanya patungo sa sasakyan niya. It was really awkward.

"Where is it?" Tanong niya pagkatapos na isarado ng padabog ang pinto ng sasakyan niya.

"Ha?"

"The calling card." Tumikhim siya at inistart ang sasakyan.

Nagkumahog naman akong hanapin ang card sa bag ko at saka inabot iyon sa kanya. Diretso ang tingin niya at hinablot niya iyon sa akin. Binuksan niya ang bintana at walang pag aalinlangang tinapon ang calling card. Wala akong nasabi at nalaglag nalang ang panga ko sa ginawa niya.

I honestly don't know why he did that. Nasa kalagitnaan kami ng pag bagtas sa edsa nang maisipan kong mag papa baba nga pala ako sa megamall. Plano ko kasi sanang mamili.

"Ano, paki drop ako sa megamall. May bibilhin ako eh." Nilingon ko siya at nakasimangot pa din siyang naka focus sa pag da drive.

"You sure you're gonma buy something?" Binigyan niya ako ng side eye.

"Oo! Ano ba? Bakit ba wala kang pinapaniwalaan sa sinasabi ko?" Tiningnan ko siya ng masama.

"Because women like you are liars." He shrugged.

"Anong pinagsasabi mo diyan? Anong women like me?"

"Flirts."

Humalukipkip ako at sumimangot hanggang sa nakarating kami ng megamall. Hindi siya sa parking dumiretso kaya naman pag hinto niya sa tapat ay agad akong bumaba at walang lingong nag martsa papasok ng mall.

Binuhos ko nalang sa pag sha shopping ang frustrations ko. More on pants dress at tshirt lang ang binili ko. Syempre na papaka dalagang pilipina tayo eh.

"What do you mean you're not in the mood for tonight's guesting?" Sagot ng kapatid ko sa akin.

I called her to complain about Scor. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa din magets kung bakit ayaw sakin ng lalaking iyon.

"I don't know Teq. Talagang nakakawala sa mood. Lagi ko nalang iniisip iyong guy na kinokwento ko sa'yo."

Palabas sa tv ang isang movie pero wala doon ang atensyon ko. Whenever I feel like shit, I always call my twin sister for support.

"Who's that guy ba? Isend mo nga ang photo sa akin sa facebook." Tumawa siya sa kabilang linya.

"Kamusta ka naman?" Tanong ko.

"Eto. I am enjoying Bali. Alam mo, tama na 'yan. Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo ano."

Oo nga, pero siya kasi ang gusto ko.

"Kaya nga eh. Kaya gustong gusto ko siyang makuha kasi parang kahit anong gawin ko hindi niya ako magustuhan." Bumuntong hininga ako.

"Ewan ko sayo Tosca. Pikutin mo nalang para tapos ang problema mo." Humalkhak ang walang hiya kong kapatid.

"Tequila Rose! Tigilan mo nga! Sige na. Mag aayos na ako. Text me when you get home. Love you!" Di ko na siya hinintay na makasagot. Binaba ko na ang tawag at nag ayos na para sa guesting ko sa Xylo.

Madami nang tao nang makarating ako sa club. Bandang 11 na din ako nakarating. Sa totoo lang ay wala ako sa mood pero nang mamataan ko ang ibang kaibigan ko doon ay sumigla na akong muli.

"Tosca! Oh my gosh! What a surprise?" Bumeso sakin ang isa sa kanila.

"Busy lang."

"Wow! Busy? Ikaw? Maniwala. Oh, shot mo." Inabot sa akin ng isa kong kaibigan ang isang shot ng vodka.

"Co-owner ako ng mga itatayong bar sa LU at Puerto Galera. Punta kayo ah?" Aya ko sa kanila.

Nag kamustahan lang kami at maya maya pa ay shinout out na ako ng DJ at naging wild na ang mga tao sa loob nang malaman nila na nandoon ako. Of course, I am the life of the party.

"Tosca." May lalaking tumawag sa akin. Nakita kong si Elliot iyon at may kasamang ilang mga lalaki.

Nag pray na ako kaagad na sana ay hindi nila kasama si Scor. Baka mamaya ipahiya lang ako ulit noon.

"Eli!" Bumeso ako sa kanya at doon ko lang napansin na boom! Kasama niya si Scor!

"Kaya pala ang daming tao, nandito ka." Humalakhak si Eli sa may bandang tenga ko. Masyadong malakas ang tugtog kaya hindi kamo magkarinigan.

"Nakasimangot nanaman sakin si Scor." Sumbong ko.

"Mag hi ka daw kase." Tinapik ni Eli ang balikat ko at dumiretso na sa mga couch.

Ewan ko kung tinatamaan na ba talaga ako ng alak o tinatamaan lang talaga ako kay Scor. Di ko kasi alam kung anong pumasok sa isip ko at lumapit ako sa kanya para mag hi eh.

"Hi." Tumingkayad ako para bumeso. Na estatwa lang siya sa ginawa ko at matalim akong tiningnan.

"Uy Tos! Sino 'yan? New boyfie?" Nakita pala kami ng mga kaibigan ko.

"Yan ba kasama mo sa Elyu?"

"Flavor of the week?"

"N-no guys. This is Scor! Siya yung co-owner ko sa sinasabi kong business." Sabi ko na mukhang hindi ata nila narinig dahil nag tatawanan lang sila.

Hinigit ako ni Scor palabas ng Xylo. Natanaw ko pa na parang pinag chismisan pa kami ng mga kaibigan ko. Bakit naman kasi bigla bigla siyang nanghihila?

Padarag niyang binitawan ang kamay ko. Magkasalubong ang kilay niya at naka igting ang panga.

"Stop spreading lies! Hindi mo ako boyfriend at mas lalong hindi mo ako flavor of the week. Kaya pwede ba?" Sigaw niya sa akin.

May ilang mga taong napatingin sa amin. Nakakahiya. Siguradong issue nanaman ito bukas. Yumuko ako at tiningnan ang mga kamay kong magka siklop. Masyadong masakit ang sinasabi niya. Ganon ba siya ka diring diri sa akin?

"I didn't say that you're my boyfriend..."

"At ano? May kasama ka pang lalaki sa Elyu? You sneaky little bitch." His words were like acid.

Namanhid ang mga kamay ko at automatic na dumapo iyon sa pisngi niya. Nanginginig ang buo kong katawan sa mga pinag sasabi niya sa akin.

"Fvck you!" Sigaw ko pabalik sa kanya.

Bumalik ako sa loob ng Xylo at hindi ko pinansin ang mga taong bumabati sa akin. Masyado akong galit. I need a fvcking drink.

Hindi ko alam kung bakit ang laki laki ng problema niya sa akin para tapak tapakan ng ganon ang pagka babae ko. At mas lalo pa akong naiinis dahil kahit na ganon siya ay patuloy ko pa din siyang ginugusto!

Continue Reading

You'll Also Like

29.3M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
250K 14K 35
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
6.9M 140K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...