MEMFES' PROVERBS
Nakarating na rin ako sa Lireo kung saan may kasiyahan na nagaganap pagdating ko sa Azotea nagtungo ako sa isang sulok nakita ko agad ang aking babaeng pinakamamahal na si Alena na kasama nang kanyang mga kapatid lumipas man ang matagal na panahon kasinganda pa rin siya kagaya nang dati gustong gusto siyang lapitan ngunit ako'y nahihiya kaya inatasan ko nalang ang isang kawal na ipasabi sa Hara nang mga diwata na meron siyang panauhin.
Pagkalipas nang ilang sandali maski ako'y nakatalikod ay naramdaman ko na siya ay paparating at siya ay nagsalita.
ALENA:Maari bang magpakilala ka Ginoo?
Hinarap ko siya at tila lalong bumibilis ang takbo nang aking puso at hindi ko mapagilang ngumiti sa kanya.
MEMFES:Kumusta Mahal na Hara...
Tila siya'y natigilan sandali bago magsalita muli
ALENA:M-Memfes b-buhay ka?(nauutal niyang sabi na parang hindi makapaniwala)
MEMFES:Oo pagkat pinahintulutan ako nang mahal na Bathala na bumalik dito sa Encantadia kasabay ni Amihan.
ALENA:Kung ganon ay masaya ako para sa iyo..
MEMFES:Alam mo ba kung bakit ako nagbalik?
ALENA:Hindi,pero nais kong malaman kung bakit ka nagbalik.
Hinawakan ko ang kanyang magkabilang kamay at sinabing..
MEMFES:Nagbalik ako pagkat nais kitang makasama habangbuhay at ang ating anak gusto ko na kanyang maranasan lumaki na buo ang pamilya.
Kumalas siya sa pagkahawak ko sa kanyang kamay.
ALENA:Avisala eshma ngunit batid mo na isa akong Hara at isa sa mga batas nang Lireo na bawal nang isang reyna ang mag asawa.
Hinawakan ko ang kanyang pisngi at ipinahiwatig na siya'y aking naunawaan.
MEMFES:Naiintindihan ko Hara ngunit hayaan mo lang akong mahalin ka pinapangako ko na hindi hindi kita sasaktan at iiwan aalagaan kita at ating anak.
Hinawakan niya ang aking kamay na nasa kanyang pisngi at may namuong luha sa kanyang mga mata.
ALENA:Handa akong buksan muli ang aking puso para sa iyo at panghahawakan ko ang iyong pangako.
MEMFES:Avisala Eshma Alena
Inakap ko sa siya sa pagkalas namin ay hiwakan ko muli ang kanyang pisngi at hinalikan tumugon na man siya ipanalibot niya ang kanyang mga kamay sa aking batok at hinawakan ko na man ang kanyang bewang hanggang lumalim ang aming paghahalikan at saka kami tumigil nang kinapos na kami nang hininga.
ALENA:E corriediu Memfes
MEMFES:E corriediu Alena.
ALENA:Pumunta na tayo doon para makilala mo na ang ating anak.
Pagdating namin sa parte nang Azotea kung saan nagaganap ang piging ang una naming nakita ay ang kanyang mga kapatid katabi nang mga Rama at Mashna durye.Napansin ko din na ngumiti ang Hara nang Hathoria na tila gustong sabihin.
PIRENA:Nag iba ata ang agos nang tubig ngayon Alena tila dumadaloy ang pag-ibig.(pang aasar niya sa kapatid)
ALENA:Pirena!(Pikon nitong sabi)
MEMFES:Wala na mang nag-iba Hara.(Sabay ngiti)
AMIHAN:May binubulong ang hangin na tungkol sa inyong dalawa.(Dagdag pa ni Amihan)
Nakita ko si Alena na namumula na.
ALENA:Ssheda Amihan!
DANAYA:Naramdaman din ng lupa ang...
Hindi pa nga natatapos ang sinabi nang kanyang kapatid ay agad nya itong pinutol
ALENA:Danaya!isa pa kayo Aquil,Azulan,at Ybrahim itawa nyo na iyan alam kong nagpipigil lang kayo!
Napatawa nalang ang lahat sa napipikon na Alena.
ALENA:Poltre,sa inasal nang aking mga kapatid.
MEMFES:Ayos lang iyon Hara sa totoo lang natutuwa nga ako sa inyo.
ALENA:Diyan na kayo!Halika na Memfes.
Nauna na si Alena kaya sinundan ko ito.
AZULAN:Ingatan mo si Alena Rehav!(Hirit nang Rama)
Nilingon ko ito at sabay sabi..
MEMFES:Makakaasa ka Rama!
Pumunta na kami kung saan nakaupo ang aking anak at agad siyang lumapit sa kanyang Yna
ADAMUS:Sino siya Yna?
ALENA:Siya ang iyong Ama.
ADAMUS:Ama?
MEMFES:Ako nga ang iyong Ama.
Agad naman itong tumakbo papalapit sa akin at ako'y inakap at umakap naman ako pabalik
ADAMUS:Natutuwa akong makikilala ka ama(Sabi niya habang nakayakap sa akin)
MEMFES:Ganon din ako sa iyo anak.
Kumalas na kami sa pagkakayakap sa isa't isa hindi pa rin siya makapaniwala na ako'y kanyang nakikita halatang halata sa kanyang mukha na siyay nasiyahan.
ADAMUS:Avisala Eshma Yna sa pagpakilala mo sa akin ni Ama.
ALENA:Sa kanya ka magpasalamat pagkat siya mismo ang nagpunta rito upang tayo'y makita at makasama.
ADAMUS:Avisala eshma Ama.
MEMFES:Walang anuman anak Siya nga pala may handog ako para sa iyo.
Inabot ko sa kanyang ang kahon na may laman na kwintas.
ADAMUS:Ang ganda po..Salamat eshma Ama.
MEMFES:Natutuwa ako na nagustuhan mo.
ALENA:Matanong ko lang, nagugutom ka ba Memfes?
MEMFES:Hmm...Oo..Pero nabusog na ako nang ika'y aking makita(Sabay kindat ko sa kanya bahagya nyang tinampal ang aking kanang balikat at siyay ngumiti)
ALENA:Ikaw talaga,Tawagin ko lang ang mga dama upang ikukuha ka nang makakain.
Habang Inatasan ni Alena ang mga dama lumapit sa amin ang aking mga hadia at nag iisang apo na si Cassandra..
ALANA:Adamus sino siya?
ADAMUS:Siya ang aking Ama si Rehav Memfes nang Adamya.
CASSANDRA:Hmmm...Bakit ngayon lang namin siya nakita?
MEMFES:Pagkat ito pa lang ang pangalawang araw mula sa aking pagbabalik.
DASHA:Ganun pala kung ganon pa man ay natutuwa akong makilala ka Aldo.
ALANA:Ganon din po ako Aldo.
CASSANDRA:Ako din Ilo masaya akong makilala ka.
MEMFES:Natutuwa rin ako na nakilala kayo aking mga hadia Dasha at Alana ganon din aking apo Cassandra.
ALANA:Bakit niya po alam ang aming ngalan.
Biglang dumating si Alena kasama ang Dama na may dalang pagkain at alak.
ALENA:Pagkat matagal niya na tayong sinubaybayan doon sa Devas.
CASSANDRA:Ang ibig sabihin po Ila ay isa ng ivtre si Ilo?
ALANA:Porket galing nang Devas ivtre agad,hindi pwedeng pinabalik lang katulad ni Ashti Amihan.
DASHA:May punto si Alana diyan,hindi na man siguro lahat nang galing devas ivtre,di ba Aldo?
MEMFES:Oo tama kayo diyan na hindi lahat nang taga devas ivtre at tama din si Cassandra pagkat meron ding mga ivtre na pinahintulutan nang ating bathala na bumalik nang encantadia dahil meron sila misyon.
Pagkalipas nang ilang sandali ay lumakad papalapit sa amin sina Mira at Lira
LIRA:Nandiyan lang pala kayo kanina pa namin kayo hinahanap ni Mira.
MIRA:Oo nga pero ayos lang,Ashti Alena sino ang iyong katabi?
ALENA:Siya si Rehav Memfes nang Adamya Ama ni Adamus.
LIRA:Ayyiiee..lumalovelife na si Ashti!..
Hindi ko man maunawaan ang sinabi nang aking hadia natitiyak ko na inaasar niya ang kanyang Ashti..
Pinandilatan na ito nang mata sabay sabing..
ALENA:Lira!
LIRA:Sarreh....peace po tayo Ashti.
MIRA:Ginagalak ko pong makikila kayo Aldo.
LIRA:Ganon din ako.
MEMFES:Ganon din ako Mira,Lira.
Pagkatapos nang ilang oras ay nagsialisan na ang mga bisita pagkat lumalim na ang gabi kaya naman nagsama sama kaming lahat sa isang lamesa at masayang nagkwentuhan,tawanan,at asaran.Napagusapan na rin namin na dito na kami na mamahinga lahat sa Lireo.