As promised, here is the last chapter of my fanfic :) Thank you so much sa mga readers ng fanfic na ito. This is my first ever fanfic na natapos ko (Although it took a year before I did and it was suppose to be just a short story- thank you for waiting!). You have given me an inspiration na matapos ito.
Salamat din sa sister ko na nagsabi sakin na tapusin ito at sa FrancElla dahil I wrote this for them.
I hope to see them back on tv soon!
I also hope you guys can enjoy reading this just as much as I enjoyed writing the last two chapters :)
Happy reading! :)
-----------------------------------------------------------------------------------------------
CHAPTER 5: "THE TRUTH" (FINAL CHAPTER)
Hindi maintindihan ni Francis ang kanyang naramdaman noong marinig niya ang mga salitang yon galing kay Ella pero mas lalong hindi niya maintindihan bakit nagpapakasal si Ella kay Jared.
Matagal na silang magkaibigan ni Ella at kilalang-kilala na nila ang isa't-isa. Alam niya na alam ni Ella ang tunay na nararamdaran niya para sa kanya at akala niya ay ganun din ang nararamdaman ni Ella. Nagkamali nga ba siya?
Tumakbo si Francis papalayo sa bahay nila Jared. Ang dami niyang tanong, ang dami niyang gustong sabihin kay Ella, ang dami niyang gustong maintindihan. Punong-puno siya ng emosyon.
Tumakbo siya pabalik. Kahit nalilito siya, tumakbo siya pabalik kay Ella.
Nakita niya si Ella kasama si Jared, nakangiti. May kausap silang dalawa.
Woman: Bagay talaga kayong dalawa (referring to Ella and Jared). Ang saya ng event na ito Rose.
Tita Rose: Oo nga, nagpapasalamat nga ako sa dalawang ito at pumayag sila sa pretend wedding na ito, kasi alam niyo naman mga bata pa sila.
Woman: Tama, tama. Teka, (looking at Ella). Lagi kitang nakikita sa mall Ella may kasama kang guy. Akala ko yun ang boyfriend mo.
Ella: Ah, si Francis po yun. Best friend ko.
Narinig ito ni Francis. "Best friend ako ni Ella. Best friend LANG ako!"
Sobra siyang nasaktan. Dali-dali siyang umuwi, hindi siya makapag-isip ng tama. Hindi niya kayang maka-usap o makita man lang si Ella ngayon.
Francis' Mom: Kiko ok ka lang? Parang aligaga ka dyan.
Francis: Ok lang ma.
Francis' Mom: Ok. O, mamaya na alis niyo ng daddy mo ah. Ayos na ba mga gamit mo? malamig dun sa New York ngayon.
Francis: Ok na ma
Francis' Mom: Nasabi mo na ba kay Ella na magbabakasyon ka sa America? Sabi mo nung isang araw hindi pa kayo nakakapag-usap dahil busy siya.
Francis: Hindi ma eh. Busy pa rin siya.
Francis' Mom: Ah, sabi ko naman kasi sayo i-text mo na lang,gusto mo pa kasi personal mo sabihin eh. Kayo talagang mag best friend.
Francis: Ma, check ko lang ulit gamit ko lapit na kami umalis eh.
Ever since nun ay hindi na nakapag-usap pa ulit si Ella at Francis.
Nag-stay si Francis sa America for 2 years at kahit miss na miss niya si Ella ay wala siyang ginawa, gusto na niyang kalimutan ang feelings niya para dito.
Si Ella naman ay nabigla sa pag-alis ni Francis. Nagtataka siya kung bakit hindi ito nagpaalam sa kanya kahit sa text man lang.Nag e-email siya dito pero hindi siya sumasagot at pag tumatawag naman siya at laging wala si Francis.
Nagtagal pa ang pagpapanggap nila ni Jared ng 2 months at mas maraming tao pa ang napaniwala na sila ngang dalawa ang magkarelasyon. Nung nawala na ang kanyang tita Rose ay nagtapat sa kanya si Jared na tunay siya nitong gusto. Kahit naaawa kay Jared dahil mag-isa na lang ito sa buhay, ay hindi matanggi ni Ella na si Francis pa rin ang mahal niya. Umalis si Jared. Pero kahit matagal na panahon na ang lumipas ay wala pa rin siyang naririnig na balita tungkol kay Francis.
Until 2 years after, nalaman niya na babalik na ito ng Pilipinas. Gusto niya sana itong puntahan pero kahit siya ay may tampo na sa kanya. Hindi niya maintindihan paano siya natiis ni Francis ng 2 years.
-------------------------------------------------------------------------------------------
Back to the present time....
Ella's mom: Ella tara na baka gabihin pa tayo pabalik ng Manila. May sakit ka ba? bakit ang tamlay mo?
Ella: Wala po ma. Si Francis po?
Ella's mom: Ay hindi raw sasama pabalik ng Manila. Dito raw muna siya sabi ng tita mo.
Ella: Ganun po ba...
Knock knock.
Francis' Mom: Ready na kayo? tara na.
Bumalik na ng Manila si Ella at naiwan si Francis.
Gusto muna ni Francis na makapag isip-isip kaya siya nag pa-iwan sa vacation house. Nagagalit at naaasar isya sa sarili dahil sa tinagal-tagal ng panahon, mahal na mahal pa rin niya si Ella. At kahit alam niyang wala namang boyfriend si Ella ay natatakot pa rin siyang magtapat sa kanya dahil Best friend LANG ang tingin sa kanya ni Ella.
Kinabukasan ay nag-punta siya sa bayan malapit sa vacation house nila.
Guy: Francis? Francis right?
Francis: Jared!
Jared: Yes. Wow, you still remember me. It's been a long time.
Francis: Yes, I don't think I'll ever forget you.
Jared: (natawa si Jared) Parang may laman yan sinasabi mo ah. Is this because of what happened to us and Ella? by the way, how is she? I hope kayo pa rin after all these years.
Francis: Kami pa rin?! we were never together! Diba nga kayong dalawa noon.
Jared: (naging seryoso) You mean to say hindi mo nakuha ang letter ko para sayo?
Francis: May sulat ka... para sakin... Para saan yun?
Jared: Pare, I think we need to talk. Do you have time now?
Nag-usap si Francis at Jared. Doon ay pinag-tapat lahat ni Jared ang kasalanan niya sa kanilang dalawa ni Ella.
Jared: Pare, malaki kasalanan ko sa inyo ni Ella, nagbago ang friendship niyo dahil naging selfish ako. Ginamit ko ang mama ko para pumayag si Ella na maging pretend girlfriend ko. I was hoping na maiinlove din siya sakin. Mahal na mahal ni Ella ang mama at alam ko hindi siya makakatanggi dahil my mom was dying during that time. Sinabi ko sa kanya na huwag sabihin sayo dahil alam ko ang nararamdaman niyo para sa isa't-sa. Nung araw ng kasal-kasalan namin, hindi alam ni Ella na pinapunta kita. Plano ko lahat na makita mo yon dahil alam kong masasaktan ka at lalayuan si Ella. Natakot akong mag-isa pag nawala na ang mommy ko at si Ella, siya ang nandun para damayan ako. I wanted her to be mine. I tried to steal her from you Francis.
Galit na galit si Francis sa nalaman. Hindi na niya napigilan ang sarili at nasuntok niya si Jared.
Francis: ALAM MO BA ANG GINAWA MO HUH?! HUH?!!
Jared: (napahiga sa damo sa suntok ni Francis) Alam ko. Kaya nga wala akong mukhang maiharap kay Ella eh. Hanggang ngayon, wala akong lakas ng loob sabihin sa kanya kaya sayo ako sumulat.
Francis: Alam mo ba kung gaano kami katagal nagkalayo?! HUH?!
Jared: (tumayo na) Alam ko pagkakamali ko Francis at pinagsisisihan ko yon. Hindi ko na kayang ibalik ang panahon pero kayo ni Ella, alam kong mahal na mahal niyo pa rin ang isa't-isa. Nakita ko yon at nakikita ko pa rin hanggang ngayon. May karapatan ka namang magalit eh pero sa tingin ko, dapat pinupuntahan mo na ngayon si Ella. Tell her how you feel Francis. Don't waste time anymore.
Napa-isip si Francis Alam niyang tama si Jared. Kailangan niyang puntahan si Ella. He wants to be with Ella.
Dali-dali siyang bumalik sa vacation house.
Nakasalubong niya ang driver nila.
Manong Driver: Francis nandito---
Francis: Manong paki-start na ang kotse babalik na tayo ng Manila. Ngayon na.
Tumakbo si Francis sa kwarto niya at nagmamadaling nag ayos ng kanyang gamit.
Francis: Manong pabukas na ng kotse.
Nabigla si Francis sa nakita pag bukas ng pintuan ng sasakyan.
Francis: Ella?
Manong Driver: Kanina ko pa gustong sabihin sayo na kasama ko siya pero madal ika ng madali eh.
Natawa lang sa sarili si Francis.Bumaba naman ng sasakyan si Ella.
Ella: Francis I'm here to---
Biglang hila ni Francis sa kamay ni Ella at hinalikan eto. Nagulat si Ella at hindi na nakagalaw pa.
Francis: Mahal kita Ella. Mahal na mahal. Mula noon hanggang ngayon, mahal na mahal na mahal kita.
Naiyak naman si Ella sa pagtatapat ni Francis.
Francis: O, bakit ka umiiyak?
Ella: Eh kasi naman ikaw eh, ang tagal ko kaya yang hinintay... 2 years...
Francis: (natatawa kay Ella) I'm sorry my love sa matagal na paghihintay. Alam ko na ang lahat. Nagkita kami ni Jared.
Ella: (nagulat) Huh?! Nagkita kayo?
Francis: Oo at sinabi niya na sa akin ang lahat. I'm sorry. All of this should have not happened if only tinanong kita. Kung kinausap kita. Naayos sana natin ito agad at hindi na lumaki pa ng ganito.
Ella: May kasalanan din ako. I should have not kept it from you. You are my best friend and most of all, my love. Natakot akong hindi mo maiintindihan but I should have trusted you.
Francis: Let's start over again.
Nangiti si Ella.
Francis: Are you still able to... love... me... again...?
Lumaki pa lalo ang ngiti ni Ella at sinagot ang tanong ni Francis.
Ella: I have never stopped loving you in the first place.
And they both hugged each other. Francis kissed Ella's forehead.
Francis: I love you.
---- END OF CHAPTER 5.----
---THE END OF THE STORY---