Captive 35.
Happiness
(Lucy's POV)
Nakabili na siya ng cellphone namin pero mukhang may bibilhin pa siya dahil pag labas namin dumiretso pa kami sa loob palayo sa may exit hanggang sa huminto siya at pumasok sa Isang clothing store at dahil sa dami ng dress na naka display 'dun. Obvious naman na ako ang bibilhan niya. -__-
Huminto ako at hindi sana papasok mukha namang naramdaman niya 'yun kaya napalingon siya sakin. Binigyan n'ya lang ako ng isang ngiting lalong nakagpagpawapo sa kanya dahil sa pag labas ng mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin. At dahil narin hawak-hawak niya ang kamay ko kaya nahila niya ko papasok.
Pag pasok namin ay agad kaming sinalubong ng isang sales lady 'dun.
"Dress, for my lovely girlfriend." sabi niya 'dun sa sales lady.
"Ma'am, sir. This way, please."
Nang makarating na kami kung nasaan ang mga 'yon ay agad niya kinuha yung naka-hanger na red dress na nakita niya saka itinaas at itinapat sa katawan ko saka ibinigay dun sa kasama naming sales lady, Paulit-ulit niyang ginawa 'yun sa lahat ng dress na nakikita niya halos umabot na nga sa 20 pieces 'yun. Kawawa naman si ate hirap na hirap ng mag bitbit. XD
"Xy, I think that's enough." At ang loko hindi ako pinansin.
"Xyniel.." Hindi pa rin?! -__-"
Hihilain ko na dapat yung kamay kong hawak niya pero hinigpitan niya yung pagkakahawak sa'kin. :o
Okey, Now I know kung bakit hindi niya pinapansin ang bawat tawag ko sa kanya.
It's because he wants me to call him...
"FEM, Hindi ko kayang isukat lahat ng 'yan." Huminto na siya saka humarap sakin ng todo nigiti. He looked really please on what he'd heard.
He gave me a quick kiss. I gasped in surprise dahil sa ginawa niya. My heart began to palpitate ng sobrang bilis na feeling ko mabibingi na ko sa lakas tapos nardaman ko rin na parang umakyat sa mukha ko 'yung dugo ko, umiinit yung pisngi ko.
"Good Girl." bulong niya sa kanang tenga ko then pat my head.
Agad akong napatingin 'dun sa sales lady na katabi namin napatungo siya at kita ang pag ba-blush ng pisngi niya pero sa tingin ko mas namumula pa 'ko kesa sa kanya dahil hindi lang siya pati na rin 'yung ibang nasa loob ng store nakatingin ay nakangiti sa'min. >///<
Inabot kami ng halos isang oras bago ko natapos isukat lahat. Bumagay naman lahat sakin pero nasa walo lang yung talagang nagustuhan ko kaya 'yun lang ang binili niya.
Nag lakad ulit siya at ako lagi namang go with the flow lang hanggang sa huminto kami sa isang Ice cream stall habang bumibili siya may napansin akong mga arcade sa harapan no'n ang daming nag lalaro. Sa totoo lang hindi pa ko nakakapasok sa gano'n.
"Fem, vanilla & strawberry." sabay abot niya sakin ng Ice cream na nasa cone. Tumingin ako sa kanya para kunin 'yun pero agad kong binalik 'yung paningin ko 'dun sa Time Zone kung saan napakarami nag lalaro at mukhang enjoy na enjoy sila.
"Tara." sabi ng katabi ko.
"Saan?" I asked ng hindi tumitingin sa kanya. Naubos ko na yung Ice cream kaya tinapon ko na yung half nung cone sa basurahan.
"Basta" sabay hila niya sakin at maya-maya lang nasa loob na kami nung arcade na tinitingnan ko.
"Fem, stay here and wait for me." sabi niya habang nakalagay yung dalawang kamay niya sa bali kat ko at nakatitig sa mga mata ko.
I nodded.
"Okey." Ngumiti siya bago umalis. Para naman akong bata nito. Hindi naman siguro ko mawawala dito. XD
Iginala ko ang aking paningin sa buong paligid. May mga arcade, basketball shooting, car racing, maraming naglalaro. Actually I hate this kind of place dahil maingay at maraming tao kaya hindi ako pumapasok sa mga ganito.
"Hi miss, ang ganda mo naman." May anim na mga estudyanteng lalaki ang pumalibot sa'kin. Nakita ko sa suot nilang I.D ang nakasulat na Grecian University.
"Pwedeng mahingi number mo?"
"Mag Isa ka lang ba?"
"Baka gusto mong-" Napahinto yung isa sa kanila sa pag sasalita. Naramdaman ko na may taong lumapit sa likuran ko at mukhang natakot sila rito.
"Ah.. miss ganda, sige una na kami." pilit na ngumiti yung lalaki sakin.
"Miss, okey ka lang? Marami talaga ditong mga ganya." Tanong at paliwanag n'ya sakin. Napangiti ako.
How Ironic..
this is pretty bad.. in my case.
Humarap ako sa kanya or should I say sa kanila and their faces look so shock. Para silang nakakita ng multo maski na buhay pa naman ako.I bow my head to give thanks to them. Walang nag sasalita ni isa sa kanila. Okey, I think its my time....
to RUN! XD
Sakto namang nakita ko si xyniel kaya pumunta ko sa kanya at hinawakan siya sa braso.
"Fem, nagugutom na'ko." sabi ko na lang at hindi na hinintay ang sagot niya saka ko siya hinila.
"Queen!" sigaw ni thirdie. Sinubukan nila kong habulin pero dahil ako'y magaling na taguan ko sila. HAHAHA
Pumasok kami sa photo booth. Pareho kaming hinihingal.
"Ganito ka palang magutom?" sabay tawa niya.
Hah?" @__@7 Ay, oo nga pala hindi niya alam na hinahabol kami. :3
"Hayaan mo next time pakakainin muna kita sa date natin pero dahil nandito na rin tayo let's take some pictures bago kumain."
**
Himinto na 'yung kotse sa harap ng building ng condominium ko.
"Dito ka nakatira? Sorry, the thought never crossed my mind."
Oo, nga pala. Ang akala kasi nila mahirap ako.So isa akong mahirap na naka condominium and I have to think a better excuse for that.
"Oo, bigay 'yan ng school. They provide everything I need dahil nga scholar ako."
"Ah, I see.. are you living with your parents?"
"Uhm.. they are working.. abroad"
Bumaba na si kuya Dom para pagbuksan kami. Nauna siyang bumaba at kinuha ang kamay ko para alalayan ako.
"Bye, see you tomorrow." sabi niya bago huminto at halikan ang kaliwang kamay kong hawak-hawak parin niya mula kanina pa ng hindi nag aalis ng tingin mula sakin.
I feel so loved by this man.
"Dream of me." pahabol pa niya bago bitawan ang kamay ko. Hindi ko na napigilang mapangiti. I don't really had an Idea before that he is this sweet.
" I will." He give me a feather light touch on my cheeks before leaning forward to claim my lips.
His touches makes me melt.
"Pumasok ka na sa loob." sabi niya pero nakayakap pa sakin.
"'But I want to see you off first."
'"You don't have to. I want to see you going inside, please." Aww. Him being so sweet, gentle and protective makes me want to kiss him again so I did.
"Okey." Humiwalay na 'ko at mag sisimula na sanang mag lakad ng hilahin niya ko pabalik at binigyan ng mabilis na halik.
"Hindi na tayo matatapos nito." natatawang sabi ko. "Papauwiin mo pa ba ko?" Niyakap niya lang ako.
"Gusto kitang i-uwi." O///O
He chuckled. "Just kidding, night." sabi niya bago ako halikan sa noo at pakawalan sa mahigpit na pagkakayakap niya.
Nag lakad na'ko papunta sa entrance pero bago ako tuluyang makapasok lumingon ako sakanya. I saw him smiled and waved at me.I secretly smile.
May mga ibang tao na kasi dito bukod sakin. Bukod sa Body guards na pinadala ni nathan, may mga tao na sa ibang tao ng nakatira sa ibang unit dito. Pinilit kasi ko ni nathan na ibenta yung ibang unit dahil baka maging hunted building na raw 'to dahil ako lang mag isang nakatira saka naisip ko sayang rin yung kikitain ko. XD
Nevertheless, pumayag na rin ako pero sinabihan ko na siya na hindi pwedeng ibenta yung mga unit sa buong 23rd floor kung nasaan yung unit ko. Remember? I hate neighbors! -__-
Dumiretso na'ko sa elevator. I push the 23 button at nag lakad na papunta sa unit ko.Pag kapasok ko agad kong inilapag sa mesa yung mga dala-dala ko. Nag hugas ako ng kamay at tinanggal yung contact lenses ko pati yung uniform na suot ko saka dumiretso sa bathroom.
Binuksan ko yung shower. Naalala ko lang lahat ng nangyari kanina. Ang dami palang nangyari ngayong araw na 'to. I'd never been this happy before. Hindi ko mapigilang mapangiti sa pag alala ng labi niya sa labi ko. This is bad, I shoudn't have this kind of feeling. I turn off the shower and grab the towel to wrap myself.
I stared at the mirror beside me. Humarap ako 'dun at pinunasan 'yun gamit ang kamay ko para luminaw.
Ang kulay asul kong mga matang marami ng nakitang kasinungalingan at takot, Ang mga kamay kong nabahiran na ng maraming dugo.
I'm not Lucy, I'm Angel pero hindi anghel na tulad ng inaakala ng iba dahil maituturing akong Anghel ng kamatayan. Behind this angelic face in the mirror ay isang demonyo ang nag tatago. I killed many people.
" Matatanggap ba niya si Angel?" I shook my head dahil alam ko na ang sagot sa sarili kong tanong.
Ano ba 'tong nararamdaman ko. Bakit nakakaramdam ako ng pag-sisi sa lahat ng nagawa ko.
Lumabas na ko para magbihis ng tumunog yung phone ko. A message from fem.
|Still awake?|
I compose a message. | Yup, why?|
|Nothin' just checking if you already missed your handsome bf? ;)| HAHAHA.
|Huh? I don't have a bf. |
A minute later. Nag ring yung phone ko tumatawag na siya. Sinagot ko.
"Yah! I'm your boyfriend." sabi niya sa kabilang linya. Napatakip na lang ako sa bibig ko para pigilan yung nagbabadya kong tawa.
Alam kong wala akong karapatang sumaya pero bakit sobrang saya ko ngayon.
XxxxX
Prince Xyniel Zen Fans Club
Nang makita ng presidenteng kumpleto na ang mga taong kailangan niya ay nagsimula na siya.
"We all know what is this meeting all about. It's been a week simula ng kumalat ang balitang may girlfriend ang ating prinsepe kaya halos 25% na ng members natin ang tumiwalag. Any new reports regarding to this matter?"
May dalawang babaeng nag taas ng kamay.
" Kate?" tanong niya sa isang taas.
"My one week observation on them confirmed that he is having a relationship with the transfer student named Lucy Angeles." Maraming nag react na myembro sa mga narinig nila.
"Still, Its not yet official dahil wala pa tayong naririnig mula labi ng ating prinsepe. Nakalimutan nyo na ba? wala tayong paniniwalaan kundi ang ating prinsepe lamang." Sabi ng babaeng pangalawang nag taas ng kamay. Maraming natuwa at nabigyan ng pag-asa dahil sa kanyang sinabi.
"Tama"
"Hindi ko kakayaning makitang may kasama syang iba"
"Kung ayaw n'yo talaga.. bakit hindi nalang natin sila pag hiwalayin?" suggestion ng isang babaeng may pulang mga buhok na pumasok sa kanilang pintuan.
"And you are?" Tanong ng isa sa mga myembrong naroon.
Matiim ang titig na ibinigay ng president ng club na 'yon sa babaeng nakasandal sa may pintuan. Naramdaman 'yun ng babaeng may pulang buhok kaya tinitigan niya rin 'to at isang ngisi ang dumapo sa mga labi niya bago ibaling ang paningin sa babaeng nag tanong sakanya para sagutin ito.
"Xeres, your new member."
Pansin ang pag ngisi ng bawat isa sa mga myembro dahil sa suhestyon ng babaeng may pulang buhok. Ngunit pansin ng nag ngangalang xeres ang pag kairita ng presidente sa presensya niya na lalo niyang ikinatuwa.