The Things I Hate About You

Por ceresvenus

166K 4.6K 957

Tosca is a famous influencer who pretty much spend all of her time on her night life. Bakit naman hindi eh it... Más

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48

Chapter 7

3.2K 95 20
Por ceresvenus




Nakapikit pa ako pero ramdam ko nang parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko. Ahh. Shit! Nasusuka ako. Itutulog ko nalang ito ulit. Hindi ko alam kung ilang oras pa akong nakapikit pero unti unti din nagising ang diwa ko.

"Bumangon ka na diyan. Tanghali na." Kahit masakit ang ulo ko ay bigla akong napadilat nang may marinig akong lalaking nagsalita.

Sino 'yon? Shit! Sumama ba ako sa isang lalaki kagabi? Mariin akong pumikit at pilit na inalala ang mga pangyayari kagabi. I just remembered little fragments from last night. Hindi ko maalala kung may sinamahan akong lalaki o wala. Unti unti akong dumilat only to see Scorpion standing beside my bed. Naka halukipkip at nakasimangot.

Nag isip na ako kaagad ng pwede kong palusot. Mukha kasing galit na galit siya. Ano ba? Paano siya nakapasok dito? Pinapasok ko ba siya kagabi? May nangyari ba sa amin? Feeling ko naman wala eh, naka damit pa ko na suot ko kagabi at hindi naman masakin ang anez ko.

"W-what are you doing here?" Nang mag salita ako ay pumintig ang sentido ko. Hinawakan ko 'yon.

"Iyan ang napapala ng lasinggera. Oh. Inumin mo." Binato niya sa harap ko ang isang banig ng Medicol. Tumulala lang ako sa kanya.

Kinamot niya ang noo niya bago tinuro ang table at may malamig na tubig doon. Ininom ko nalang ang gamot. Kinilig ako ng sligt eh. Feeling ko inaalagaan niya ako.

"Thank you. But what are you doing inside my room?" Tanong ko habang nag iipit ng buhok. Medyo nasusuka ako at umiikot din ang paligid ko.

"Are you serious?" Parang di makapaniwalang tanong niya. Inis na inis nanamang ang itchura.

"Sorry wala akong matandaan." Nag peace sign pa ako sa kanya.

"This isn't your room. Look around." Masungit na sabi niya bago ako iniwan at nagpunta sa veranda niya.

At saka lang ako natauhan. Pareho kaming suite pero magkaiba ang ayos ng room na ito kesa sa room ko. Hindi nga ako dito. Shit. Aalis nalang ako bago pa sumabog ang inis sa akin ng lalaking ito. Hinanap ko ang bag ko at nakita ko iyon sa couch. Naka tip toe ako habang nag lalakad na parang magiging invisible ako pag ginawa ko 'yon. Malapit na ako sa pinto nang biglang nagsalita si Scor.

"Where are you going?" Pumikit ako ng mariin bago ako lumingon. Pinilit kong ngumiti pero sure ako na hindi maipinta ang mukha ko ngayon.

"Ano- uhm... Balik na ako sa ano- sa room ko. Hehe." Hilaw akong tumawa at nagkamot ng ulo.

"Gawain mo ba talaga iyan?" Tanong niya habang relax na nakaupo sa pabilog na dining table sa veranda.

"Ha? Ang alin?" Tanong ko.

"Sumama sa isang lalaki at pagkatapos ay sisibat kinabukasan?" Nakita ko ang nanunuya niyang ekspresyon.

Anong problema niya? Hindi ko naman sinabi sa kanya na dito niya ako patulugin. I mean, I get it. I am a bit liberated. Okay sige hindi bit. Super liberated. Pero hindi naman ako sumasama sa kung sino sinong lalaki.

"I don't just go with anyone, Scor." Sagot ko.

I'm sure sumama ako sa kanya dahil siya iyon. I don't just go around and spend night on other people's home.

"Really, huh? Then where are you going?" Magkasalubong ang kilay niya at medyo naka kunot ang noo.

"Sa room ko nga. I need to shower. Diba pupunta tayo sa site?" Sabi ko naman.

"Oo. Is that your way of thanking the person who took care of you last night?" Tumagilid ang ulo niya at nakita kong huminga siya ng malalim.

"Okay. Fine! Thank you! Okay na? Pwede na ako umalis?" Sa totoo lang ay medyo nahihiya din ako.

Baka mamaya ang baho ko na or kalat kalat na sa mukha ko ang mascara at lipstick ko kagabi.

"Have a seat and eat with me, Tosca." Pantay lang ang tono ng boses niya at mukhang walang ka excite excitement.

Pero hello? Si Scor niyayaya ako kumain! Edi sige! Kakain kami. Pero pwede bang kami naman ang magkainan later? Umiling ako at natawa ng konti. Para naman akong tanga. Ano 'to nagiging manyak na din ako?

Nakita kong puno ng brunch ang lamesa. May pancake, bacon, pasta at iba pa doon. Natakam ako bigla kahit na medyo masakit pa ang tyan ko.

"Drink that later." Tinuro niya ang isang bote ng beer.

Nangamote nanaman ako dahil bakit niya ako papainumin ng beer?

"It revokes the hangover, Tosca." Lagi talagang nanunuuot sa kalamnamn ko kapag sinasabi niya ang pangalan ko.

Sa gitna ng pagkain ay biglang nag ring ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bag ko at nakita kong si Rita ang tumatawag.

"Wait lang ha. Sagutin ko lang." Ngiti ko sa kanya pero tiningnan niya lang ako bago kumain ulit.

"Hello?" Sagot ko sa phone.

"Tosca! Hindi ka ba nag oonline? Walanghiya ka talaga!" Bungad ni Rita.

"Oh bakit? Ang aga aga bad vibes ka? Ano ba 'yun?" Tiningnan ko si Scor at mukhang nakikinig siya.

"Gaga ka! Kurutin ko kaya 'yang singit mo? Eh trending ka sa twitter. Ang daming paparazzi pictures na may kumakaladkad na lalaki sa'yo. Ang dami ding chismis." Tumigil ako sa pag nguya at natulala.

Anong nangyari kagabi? Sinong kumaladkad sakin? Kahit anong pilit ko ay hindi ko talaga maalala.

"Anong sabi ng mga tao?"

"Ayun na nga! Hindi ko ine expect ang outcome pero karamihan ay positive. Curious sila sa mystery guy dahil nakatalikod from camera."

"Titingnan ko. I'll call you later. Bye." Sabi ko bago pinutol ang linya.

Hindi tuloy ako makapag concentrate sa pagkain. Iniisip ko kasi kung sinong kasama ko kagabi. Ang mga gagang kaibigan ko naman ay talagang iniwan ako? Patay sila sa akin mamaya!

"Who's that?" Pinag pawisan ako ng malamig. Bakit nagtanong pa siya?

"Assistant ko." Ngumiti ako at nagpanggap na sarap na sarap sa pagkain.

"Really? Not one of your... boys?" Tinaasan niya nanaman ako ng kilay.

"No, Scor. It was my assistant." Seryosong sagot ko.

"Alright. Sabi mo eh." He shrugged and continued eating.

Siguro di naniniwala sa akin 'to? After kasi non hindi niya na ako pinansin eh. Eh totoo naman talagang assistant ko iyon. Alanga namang sabihin ko na trending ako sa twitter dahil may kasama akong lalaki kagabi? Edi lalo siyang nagalit diba?

Nang makabalik ako sa hotel room ko ay doon lang ako nagkaroon ng chance na tingnan ang mga nagkalat na pictures sa twitter. Halos maihi ako nang makitang si Scorpion ang kasama ko. Hawak hawak niya ang kamay ko habang parang naglulupasay ako sa buhanginan.

Doon lang nag sink in sa akin ang lahat. Siya! Siya ang kasama ko. He saw me and he brought me back to the hotel. At putangina di ko pwedeng makalimutan ang sinabi niya sa akin kagabi.

"Then change, Tos... Then maybe we'll see."

Oh my gosh! He really did say that!

What is this guy doing to me? Para akong nagayuma! Gustong gusto ko talaga siya. Lahat gagawin ko para lang magustuhan niya din ako.

"Hi!" Naghihintay siya sa lobby nang madatnan ko. Pupunta na kami sa site ulit para icheck ang construction ng club.

"What took you so long?" Iritable nanaman ang lolo niyo.

"Sorry. Nag ayos pa kasi ako." Lumapit ako sa kanya para naman maamoy niya ang pabango ko.

I need to start gathering information from him. Ano ba kasi ang gusto niya sa babae? Sabihin niya lang. His wish is my command.

Natapos ang araw at ayun palagi pa ding nagsusungit sa akin si Scorpion. Pero okay lang. Hindi naman na siya gaanong hard katulad dati. Hindi niya din pinuna ang suot ko dahil naka puting tshirt at shorts ako. Napansin ko kasing ayaw niya ng revealing clothes. Conservative ata siya?

Kinabukasan ay bumyahe na kami pabalik ng Manila. Hapon na kami nakarating ng Ortigas. Nang nasa parking na kami ng condo ko ay naisipan kong yayain siyang mag dinner sa bahay.

"H-hey. Baka gusto mong mag dinner? Magluluto ako." Offer ko. Di pa ako bumababa ng sasakyan niya.

"It's okay. May pagkain ako sa bahay." Tanggi niya.

"Sige na please? It's kinda lonely to eat alone. Unless may inuuwian kang makakasabay mo sa pagkain?" Bakit ko ba sinabi 'yon? Kumirot ang dibdib ko sa isiping may ibang babae siyang kasama at gusto.

"Fine." Muntik na akong mapasigaw ng yes doon! Pumayag siya!

Kung pwede lang lagyan ng gayuma ang pagkain niya, ginawa ko na eh. Nagluto ako ng carbonara at chicken fingers dahil iyon ang madaling lutuin. Hindi naman ako ganon kagaling magluto pero marunong naman ako.

Naglabas din ako ng wine at nag sindi ng kandila para ma set ang mood. Magkatapat kaming nakaupo ngayon.

"Huy. Kwentuhan naman tayo." Sabi ko.

"About what?" Maiksing sagot niya.

"About you?" Patanong na sabi ko bago sumubo ng carbonara.

"Nah." Sabi niya lang bago uminom ng wine.

"Wag masyado madami inumin mo ah? Mag da drive ka pa." Yan! Tama yan Tos! Pakita mong nag ke care ka sa kanya.

Hindi na siya sumagot ay napuno nanaman ng katahimikan ang bahay. Kailangan ko mag isip ng panibagong topic.

"So? Ano bang tipo mo sa babae?" I don't know why I blurted that out.

"Anything but you." Sabi niya.

Aray! Ang sakit nun ah. Pero sige di kita titigilan hangga't di mo sinasabi.

"I noticed, you don't like me wearing revealing clothes... Don't worry, I'll be more conservative." Parang nag blush ata ako sa pinag sasabi ko ah.

"That's more I like it." Sabi niya pagkatapos ngumuya at inubos ang laman ng kanyang wine glass.

Lasing ba siya? Tangina! Kinikilig ako! Hindi ko maitago ang ngisi ko buong dinner. Nahuli ko din ang kiliti niya! Oh diba? I just have to show him that I'm willing to change.

Nakakalungkot nga lang at pagkatapos ng dinner ay nagsabi siya na aalis na din siya kaagad. Nag insist ako na ihatid siya sa basement. Nakainom kasi siya eh pero sabi niya naman ay kaya niya at saka nabanggit niya din na five minutes away lang ang building niya.

"Thanks sa dinner." Maiksing sabi niya bago patunugin ang sasakyan niya.

"You're welcome. Nagustuhan mo ba? Specialty ko ang carbonara eh." Sabi ko para di muna siya umalis.

"It was fine." Natanggal naman ang ngiti ko.

"Sana sinabi mo nalang na di mo nagustuhan." Nakakainis gusto ko mag tampo. Wow ah? Dalagang pilipina Tosca?

Umiling lang siya at sumakay sa sasakyan niya. Kakaway pa sana ako kaso nabadtrip na ako sa kanya eh. Nag effort kaya akong magluto tapos di niya man lang na appreciate.

"Tos." Narinig kong may tumawag sakin mula sa gilid ko.

Nanginig ang tuhod ko nang makita kong si Rob iyon. Ang ex ko! Ngayon lang ulit kami nagkita after 8 months! Anong ginagawa niya dito? Nag mamaniobra si Scor at hindi nadinig ang panalangin ko na sana ay umalis na siya para di sila magkita ni Rob. Baka mamali nanaman ang impression sa akin ni Scor.

Lumapit sa akin si Rob at hinawakan ako sa braso. Umandar ang sasakyan ni Scor at hindi ako sigurado kung nakita niya kami.

"Anong ginagawa mo dito?" Maang na tanong ko.

"Let's talk. Please?" Hinawakan niya ako ulit pero mabilis akong pumiglas. Gumapang ang takot sa sistema ko. Ako lang mag isa dito sa basement at walang tutulong sa akin.

"Bitiwan mo ako. Matagal na tayong tapos Rob." Nagmamadali akong pumindot sa elevator pero nasa taas pa iyon at ayaw bumukas.

"Please naman. Tos-" naputol ng malakas na tunog ng pinto ng sasakyan ang sasabihin ni Rob.

Pareho kaming napatingin at nakita kong nakaharang sa daan ang malaking hilux niya. Hindi siya umalis! Hindi ko alam kung mag papasalamat ba ako o matatakot.

"Bitawan mo siya, pre." Naglalakad siya palapit sa akin at muli akong pumiglas kay Rob.

"Sino ka? Kilala mo ba to?" Baling sa akin ni Rob.

"Ikaw sino ka?" Mayabang na tanong ni Scor. Mas matangkad siya kay Rob.

Ngayon ay nasa harap na namin siya. Nang hindi ako bitiwan ni Rob ay si Scor mismo ang humablot sa akin mula sa kanya. Halos matisod ako sa lakas ng pagkaka hablot niya sa akin. Kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag. I'm safe.

"Bakit ka nangengealam, brad? Girlfriend ko yan." Asiwang sabi ni Rob kay Scor.

Nilingon naman ako ni Scor at mabilis pa sa alas kwatrong umling ako. Hindi ako nakapag salita sa sobrang kaba.

"E-ex. Matagal na tayong break!" Sigaw ko kay Rob.

Natataranta ako dahil baka magkainitan sila. Hindi ko alam kung kay Scor ako takot o kay Rob.

"Kaya nga ako nandito para ayusin eh. Please pakinggan mo lang ako." Mataas ang boses ni Rob. Natakot ako kaya nagtago ako sa likod ni Scor at kumapit sa damit niya.

"Wala na kayong aayusin. Girlfriend ko na tong hina harass mo pre." Nanlaki ang mata ko. Nakaka ilan na siya ah!

"Ano? Totoo ba Tosca? Pinagpalit mo agad ako?" Sigaw ni Rob.

"Wag kang bakla pre. Tabi diyan. Aakyat na kami ng girlfriend ko." Mahinahon lang si Scor. Sakto ding bumukas ang elevator at sumakay kami.

Laking pasadalamat ko at hindi sumunod si Rob sa akin. Natatakot ako dahil baka kung anong gawin niya sa akin eh. There's a million reasons why he and I broke up.

"Is that your ex?" Tanong sa akin ni Scor. Tango lang ang naisagot ko sa kanya.

"That's just great." Sarcastic na sabi niya. Tinitingnan niya kung nasaang floor na kami.

"S-sorry." Nanginginig ang boses ko at di ko alam kung dahil ba sa takot o sa kiliting dulot niya sa akin.

"May kasama ka ba sa bahay?" Nilingon niya ako.

"W-wala." Sagot ko habang nakayuko.

"Then get your guest room ready. I'll sleep here tonight." Humakbang siya palabas ng elevator.

Parang luluwa ang mata ko sa sobrang gulat. Ha! Dito siya matutulog? Biglang nag karera ang dibdib ko ah parang na excite ako bigla.

"Isa lang ang kwarto ko. Wala akong guest room, sorry." Sabi ko habang nakasunod sa kanya.

"I'll sleep on the couch then." Mukhang desidido na siyang dito magpalipas ng gabi.

Chance ko na ito!

Seguir leyendo

También te gustarán

1.5M 58.6K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
40.5K 865 56
Eanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. B...
274K 15.1K 38
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
25.5M 908K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...