Pink-Eyed Princess (The Gangs...

By MarJorie_5

121K 5.8K 306

PINK-EYED PRINCESS (THE GANGSTER PRINCESS) GANGSTER ANGEL'S [ Gang Leader ] PRINC... More

CHAPTER ONE
AUTHOR'S NOTE
ACCOUNT & FB PAGE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
GANGSTER ANGEL'S
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER EIGHTEEN
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER THIRTY-ONE
AUTHOR'S NOTE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER THIRTY

2K 80 9
By MarJorie_5

POGI'S POV

Oh walang aangal!

"Aray!" daing ko nang pagkamulat ko ay kumirot ang kaliwang mata ko.

Hinang hina akong bumangon at nararamdaman ko pa na ang init ng katawan ko, lalabas na sana ako ng pagkadaan ko sa may salamin ay nagulat ako.

"What the!" gulat na sabi ko at lumapit pa mismo sa salamin.

"Bakit may pasa kaliwang mata ko!?" takang tanong ko sa sarili ko.

Ang natatandaan ko eh hindi ako dito sinuntok ni Michael ng dalawang beses.

At hindi lang iyun!

Nakasuot din ako ng pangbabaeng damit!

T-shirt na color pink na may tatak na 'I'm sexy and I know it' "WTH" at short na pangbabae pero medyo mahaba naman ito.

Biglang napansin ko ang paligid.

"Nasan ako!?" gulat na tanong ko.

Biglang naalala ko yung buong pangyayari kagabi.

"PRINCESS" aniya ko at dali daling binuksan ang pinto at pagkalabas ko nakita ko si Ate Cita, isa sa mga maid nila.

"Oh gising ka na pala" sabi nya sakin sabay gulat na napatingin sa mukha ko at sa suot ko sabay bumulaslas ng tawa.

"Wahahaha I'm sexy and I know it WAHAHAHA" tawa nya habang nakahawak pa sa tyan nya yung kanang kamay nya at naturo naman sakin yun kaliwa.

"Ate Cita naman! Nasan po si Princess?" nakasimangot na tanong ko, yeah close kami.

"Wahaha mukha kang bakla haha baklang sinapak WAHAHAHA" natawang sabi nya pa rin kaya lalong sinimangutan ko sya.

"Ate Cita!" pigil ko sa pagtawa nya.

"Haha hindi na hindi na haha. Umalis na si Princess kanina pa at pati kuya nya" sabi nya na ikinagulat ko.

Galit pa rin talaga sya sakin.

Tuwing masama ang pakiramdam ko o ano lagi syang nandadyan sakin, hindi nya ako iniiwan kahit na may mga importante syang gagawin.

Hindi ko naman sya masisisi.

Alam ko kung gaano kasakit yun pero hindi ko talaga ginusto yun! Hindi ko sinasadyang iwan sya. Kung pwede ko lang talaga sabihin sa kanya ang totoong nangyari, pero hindi! Hindi pwede!

Pero yung galit nya na yun mas nalalamangan ng pag-aalala.

Kitang kita ko sa mata nya kagabi kung gaano sya nag aalala saakin.

"Tara tara sa kusina ika'y kumain na muna" sabi ni Ate Cita habang hinihikit ako papuntang kusina.

"Ah hindi na po, yung damit ko na lang po. Nasan po kaya?"

"Hindi! Ika'y kumain muna, bigay ko damit mo pagkatapos mong kumain" sabi nya habang patuloy pa rin sa pag hikit sakin.

"Ate Ci---"

"Wag ka ng umangal! Kailangan mong uminom ng gamot at ang init init mo pa nga! May lagnat ka pa" putol nya sa sasabihin ko at wala na akong nagawa kundi ang sumunod nalang.


LORAINE'S POV

"N-nisan aki?" - ako habang nakatingin sa palagid.

(N-nasan ako?)

Ang daming tao.

Napakaraming tao.

At nakapwesto ako sa taas.

At laking gulat ko ng pag tingin ko sa inuupoan ko ay kumikinang ito.

Nakaupo ako sa isang napakagandang upuan, kumikinang na upuan.

At napansin kong nakapwesto ako sa gitna sa isang tabi.

Ako lang ang nakaupo sa ganitong napakagandang upuan.

Gulat akong napatingin sa isang napaka gwapong lalaki na naakyat sa handanan palapit saakin at doon ko lang napansin ang isang napakagandang hagdan sa harapan ko.

"S-sino ki?" utal na tanong ko ng makalapit na sya ngunit ngumiti lang sya sakin at kasabay ng pagyuko nya ay inilahad nya saakin ang kanang kamay nya.

(S-sino ka?)

Parang kusang gumalaw ang aking kamay at tininanggap ang kamay nya.

Inalalayan nya akong makatayo at bumaba kami sa hagdan ng sabay habang magkahawak ang aming kamay.

Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Hindi ko na marinig ang hiyawan ng mga tao dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

At hindi ko na namalayan na nakababa na pala kami at nakapwesto na sa gitna, sa mismong gitna sa baba.

Hindi na magkahawak ang aming kamay.

Nakaharap na sya saakin at nakatingin ng deretso sa aking mga mata.

At maya maya ay nagulat ako ng biglang yinakap nya ang bewang ko gamit ang kanang kamay nya at inilapit ako sa kanya.

Gusto kong kumawala sa pagkakayakap nya pero hindi ko magawa, hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw.

Kahit bibig ko ay hindi ko maibuka, hindi ako makapagsalita, hindi ako makasigaw.

Patuloy pa rin syang nakatingin sa aking dalawang mata.

Hinawi nya ang nakaharang nabuhok ko sa mukha ko gamit ang kanyang kaliwang kamay at pagkatapos inilapit nya pa lalo ang mukha namin sa isa't isa.

At doon ko lang naramdaman na parang may nakapatong sa ulo ko.

Gusto kong hawakan kung anong nakapatong sa ulo ko pero hindi ako makagalaw.

At hindi ko din maialis ang tingin ko sa kanya, sa kanya na patuloy pa ring nakatingin sa aking mga mata at maya maya ay ibinaba nya ang tingin sa aking labi at unting unting nilapit nya pa ang mukha nya saakin dahilan para mapapikit ako.

Ayan na nararamdaman ko na malapit ng mag lapat ang aming labi.

~ tok ~ ~ tok ~

Napabaliktawas ako ng bangon ng marinig ko ang malakas na katok na yun mula sa pintuan.

"Wahhh bwisit! Bwisit! Milipit na ih! Maglalapat ni ih!" - ako habang pinagbabato ang unan.

(Wahhh bwesit! Bwesit! Malapit na eh! Maglalapat na eh!)

"Insan" rinig kong tawag sakin ni Insan Marjorie habang patuloy parin sa pagkatok.

Padabog kong pinagbuksan sya ng pinto.

"Bwisit ki! Maglalapat ni ih!" nakasimangot na sabi ko sa kanya pakahampas ko sa braso nya.

(Bwesit ka! Maglalapat na eh!)

"Inaano kita" natawang sabi nya.

Pero parang may mali? Parang pilit ang tawa nya? Parang ang lungkot ng mga mata nya? Ay awan hindi ko na lang pinansin, sinamaan ko nalang sya ng tingin.

Oo tama! Dapat ma inis ako! Binulabog nya panaginip ko eh!

"Magkakahalikan ni kimi nung lalaki si piniginip ki ih! Ing lapit ni! Maglalapat ni! Kumatok katok ki dyan ginising mo aki, bwisit ki!"

(Magkakahalikan na kami nung lalaki sa panaginip ko eh! Ang lapit na! Maglalapat na! Kumatok katok ka dyan ginising mo ako, bwesit ka!)

"Hindi lang talaga kayo para sa isa't isa wahahaha eh pa ulit ulit mo na yang napapanaginipan palaging hindi natutuloy wahahaha ni hindi mo nga kilala kung sino yan hahaha" natawang sabi nya.

Yeah tama sya. Paulit ulit ko na 'tong napapanaginipan at hindi ko kilala yung lalaki pero kita ko ang mukha nya at hindi ko pa sya nakikita, sa panaginip lang talaga.

"Oh eh ining nigagawa mi diti!? Aning kiilangan mo!?" inis na tanong ko sa kanya at tiningnan ang oras sa orasan na nakasabit sa kwarto ko.

(Oh eh anong nigagawa mo dito!? Anong kailangan mo!?)

Wahh bwesit talaga 5:14 palang ng umaga!

"May pupuntahan tayo!" sagot nya.

"This early! 5:14 pi lang oh!" takang may halong inis na sabi ko sa kanya habang nakaturo sa orasan.

(This early! 5:14 pa lang oh!)

Ang aga aga pa eh!

"Basta mag bihis ka na" sabi nya sabay alis.

"Wahhh kiinis nimin ih!" - ako at padabog na sinarado ang pinto at sinimulan ng mag-gayak.

(Wahhh kainis naman eh!)

Pero wahhh hihi nikikilig pi rin iki si piniginip ki wahahaha.

(Pero wahhh hihi nikikilig pa rin ako sa panaginip ko wahahaha)

Ano kaya ibig sabihin nun? Tsk.

At si Insan parang may awan talaga hayst hindi ko alam.

Wahhh alam ko na diba nag punta dito si Xan Xan? Diba diba???

WAHHHHHH

Ba't hindi ko agad na isip yun!

Siguro kaya ang aga nya.

"Parang hindi ngi sya natulog ih" - ako at inalala ang mukha nya kanina. 

(Parang hindi nga sya natulog eh)

Hayst naguiguilty tuloy ako! Kailangan nya siguro ng makakausap pero sinungitan ko lang.

Pumunta na ako sa cr at naligo na. 


MARJORIE'S POV

"Oh ang aga mo naman po" sabi ni Yaya Cita ng magkasalubong kami.

Galing ako sa kwarto ni Insan.

Hayst ang kulit kulit kulit talaga ni Yaya Cita! Sinabi ng wag ng mag 'po' eh.

"Hindi pa po ako na kakapag luto ng agahan" dagdag na sabi nya ng hindi ako sumagot.

"Ok lang po, aalis po kami ni Insan, sa labas na lang po kami kakain"

"Sige po" sabi nya habang kumakamot pa sa batok nya.

"A-ah Yaya, nasa g-guest room po si X-xan---"

"Wahhh nasa guest room po sya?? Oo nga po pala nag punta po yun dito kahapon diba yieee" tuwang tuwa na may halong kilig na sabi ni Yaya Cita.

Tinanguhan ko lang sya.

"Mag babalik---"

"A-ah Yaya p-punta na po ako sa kwarto ko, i-ikaw na pong bahala sa k-kanya, may s-sakit po sya" putol ko sa sasabihin ni Yaya at hindi ko na hinintay ang sasabihin nya nag lakad na agad ako papunta sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto dali dali kong sinarado ang pinto at pinakawalan na ang luhang kanina ko pang pinipigilang lumabas.

Napapikit ako at naalala ko na naman yung nangyari kagabi.

~ FLASHBACK ~

"Bitawan mo sabi---" napatigil ako sa sasabihin ko dahil sa bigla nyang idinikit ang labi nya sa labi ko.

Biglang naalala ko lahat ng masasayang nangyari samin nung kami pa.

Naghahalo halo ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko ngayon.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Pinilit kong makaalis sa pagkakahalik sa kanya ngunit ang higpit ng pagkakahawak nya sakin.

Napapikit ako at biglang naalala ko naman yung araw na nawala sya.

Yung mga araw na parang mababaliw na ako sa kakahanap sa kanya.

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha.

Inimulat ko ang aking mga mata at pilit uling inalis ang pagkakahalik sa kanya ngunit sobrang higpit talaga ng pagkakahawak nya sa bewang ko kaya nang hindi ko talaga maialis ay sinuntok ko sya sa kaliwang mata nya dahilan para mapabitaw sya sa pagkakahawak sakin at mawalan ng malay.

Pagkatapos dali dali akong umalis sa pag kakaibabaw sa kanya at mabilis na tumakbo sa kwarto ko at doon uli binuhos lahat ng luha at sakit na nararamdaman ko.

~ END OF FLASHBACK ~

Ang sakit pa rin! Sobrang sakit pa rin! Na parang kahapon lang yun nangyari, na kahapon lang nya ako iniwan.

*****

Don't forget to vote, comment & follow 💕

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...