Sino Ka Ba Talaga?

Por wang_bu99

4.2K 79 7

Iba kung magbiro ang Tadhana Hinding-hindi mo malalaman kung ano ang mangyayari sa'yo kinabukasan at Hinding... Más

Sino Ka Ba Talaga?
Chapter 1: Ang Unang Araw Ng Klase
Chapter 2: Ang Panaginip
Chapter 3: Si Leo at si Adrian
Chapter 4: Si Andrew
Chapter 5: Sino ba Talaga si Adrian?
Chapter 6: Mga Damdamin
Chapter 7: Si Johnny at si Lorenz
Chapter 8: Si Daniella at Ako
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11: Ang Pagsasaliwalat
Chapter 12: Ang Pagsasaliwalat (Part 2)
Chapter 13: Bumangon Ka
Chapter 15: Grace's Birthday Part 2
Chapter 16: Killjoy Society
Chapter 17
Chapter 18: In Love with You
Chapter 19
Chapter 20: Who Am I?
Chapter 21: Ang Pagbabalik Ni Adrian - Part 1 (Si Chippy)
Chapter 22: Ang Pagbabalik Ni Adrian - Part 2 (Alaala Mo)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 2)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 3)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 4)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 5)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 6)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 7)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 8)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 9)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 10)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 11)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 12)
SPECIAL CHAPTER (FLASHBACK Part 13)
Chapter 23

Chapter 14: Grace's Birthday

108 1 0
Por wang_bu99

update muna guyz

mejo na busy lang ng konti hehe

in this chapter, may dalawang lalaking mag aagawan sa isang Johnny (haba ng hair nya ha hehehe)

oh Johnny IKAW NAH!!

enjoy reading guyz :X

----------

JOHNNY'S POV

----------

"Oh anak gising ka na. Nakalimutan mo na bang Lunes ngayon? Birthday ng kapatid mo. Mamamalengke tayo para sa kaunting salo-salo. Bangon nah" nakagising na tawag ng Nanay ko. Naman! Sa daming nangyari sakin sa loob ng ilang linggo eh nakalimutan ko na tuloy ang birthday ng Ate ko :-(

"Ho? Ay oo nga po pala. Anong oras na po bah?" tanong ko kay Nanay

"Alas 7 na ng umaga. Ano bang ginawa mo kahapon at bakit napahaba ang tulog mo? Ginising kita para maghapunan pero sobrang himbing ng tulog mo" si Nanay

"A-ah eh wala naman po. Nag stroll lang sa mall, yun lang" sabi ko

"Ah ganun ba? Eh nga pala, nagpunta ang dalawang kaibigan mo dito kanina at gusto ka raw nilang makausap" si Nanay

"Sino pong kaibigan?" tanong ko

"Sabi nung babae Daniella daw ang pangalan niya at yung lalake naman ay si Andrew daw. May binigay nga silang regalo para sayo eh ang tagal pa naman ng birthday mo" si Nanay

"H-ho? Regalo talaga? Asan na po sila?" tanong ko kay Nanay

"Eh ayun umuwi na. Kanina pa kita ginising eh ayaw mo talagang ma gising eh. Andun 'yung regalong binigay nila sa mesa. Buksan mo nalang yan mamaya at maligo kana, Dali!!" si Nanay sabay hagis ng tuwalya sakin. Bakit kaya nila ako binigyan ng regalo? At ano naman kaya ang laman nun? Hmmm

Pagkatapos kong maligo ay dali dali akong nagbihis. Lumabas na kami ni Nanay at pumara ng tricycle papunta sa palengke. Habang nasa byahe kami ay nakita ko ang isang malaking billboard at andun yung larawan ni Leo Madrigal. Naaalala ko na naman yung ginawa nya kahapon. Ewan ko ba sa taong yun, parang adik lang. Bigla ba naman akong niyakap sa maraming tao, haaaayzz kakahiya tuloy. Pero sa totoo lang ang bango nya at ang sarap sarap niyang ka hug hihihi.

Pagdating namin ng palengke ay binilisan na namin ang pamimili ni Nanay para makauwi na. At siyempre, bumili talaga ako ng tuyo at ginamos (bagoong), paborito ko kase yun eh hihi. Sa wakas ay tapos na rin kaming namalengke ni Nanay. Naisipan kong bumili ng bulaklak para kay Ate. May konting barya pa naman akong natira hehe.

"Nay mauna na kayu dun sa sakayan ah may bibilhin lang ako para kay Ate" pagpaalam ko kay Nanay

"Naku hindi na kita mahihintay bata ka, ang dami ko pang gagawin sa bahay. Mauna nalang akong uuwi at sumunod ka nalang okay?" si Nanay

"Ah cge po walang problema" sabi ko kay nanay at inabot yung mga pinamimili namin

"Oh pamasahe mo pauwi, uwi ka kaagad ha wag kang manlalaki dito hehe" pang asar na sabi ni Nanay. Tiningnan ko siya ng masama at napakamot sa ulo ko.

"Nay naman eh" naiirita kong sabi kay nanay

"OH siya cge mauna na ako ha. Uwi ng maaga at tutulungan mo pa ako sa pagluluto" si Nanay

"Sure po Nay, ingat kayo ha" masayang sabi ko kay Nanay at nauna nang umalis

Ano kayang magandang kulay ng bulaklak na babagay kay Ate Grace? Ang alam ko yellow ang kulay na paborito niya. Tama! Yellow roses nalang!

"Ale magkano po dito?(sa wikang Cebuanao)" tanong ko sa babaeng nagtitinda ng bulaklak

"200 ang isang dosena dong" sabi ng Ale

"Ang mahal naman te, Pwede po bang 150 nalang?" bargain ko sa babae. 180 nalang kase pera ko dito sa bulsa.

"Aanhin mo ba yang bulaklak bro?" boses ng isang lalaki sa likuran ko

"Oh Lorenz ikaw pala! Buti andito ka. Tulungan mo naman akong pumili ng mga kulay na babagay kay Ate Grace. Birthday kase niya ngayon at naisipan kong bilhan siya ng bulaklak" masayang sabi ko

"Oo bah walang problema. Eh etong isang 'to maganda bro" sabay bigay ni Lorenz nung isang kulay pink na bulaklak

"Wow! oo nga kaso mahal yan bro, 150 lang kase ang pera ko dito eh" malungkot kong sabi

"Ako nang bahala sa pambayad. Parang kapatid na din naman ang turing ko kay Ate Grace eh" nakangiting sabi ni Lorenz

"Uy salamat bro ha. Hayaan mo babayaran din kita pag may trabaho na ako hehehe" sabi ko

"Naku wag na. Siguradong sobrang tagal pa nun tsaka alam ko namang hindi ka talaga nagbabayad sa mga utang mo sakin" si Lorenz

"Si Lorenz talaga oh" sabi ko

"Hahaha biro lang bro. Oh sya pumili na tayo at pipili na din ako" sabi ni Lorenz na nakangiti

Nang matapos na kaming pumili at nagbayad ay nagtaka kami ni Lorenz dahil may mga taong naghihiyawan dun sa bandang likuran namin.

"Kuya anong meron?" tanong ko sa isang lalaki

"Hindi ko nga alam eh. Kanina pa yang mga yan panay hiyawan" sabi nung lalaki

"Bro, puntahan kaya natin?" si Lorenz

"Tara cge" sabi ko

Nang malapit na kami sa pupuntahan namin ay bumungad sa aking mga mata ang isang macho, moreno at guwapong lalaki na si Leo. Nagulat tuloy ako at biglang natumba ng biglang dumagsa ang mga babae at bakla at muntik na akong madaganan nila. Bumagsak ako sa lupa at napasigaw sa sakit. Napalakas ang pagsigaw ko ng "ARAAY!!!!" na siya namang kumuha ng atensyon ni Leo.

"Johnny??" si Leo

"Aray ang sakit!" nalang ang nasabi ko habang nasa lupa pa din

"Johnny!!! Ayos ka lang?? Gusto mo dalhin na kita sa ospital?" naga alalang tanong ni Leo sakin habang pilit akong itinayo at halatang gulat na gulat

"A-ayos l-lang ako. W-wala 'to" pautal kong sagot habang namilipit sa sakit

"Bro ayos ka lang? Tara dalhin na kita sa ospital" si Lorenz na dali dali akong itinayo

"Ayos lang ako Lorenz. Galos lang 'to hehehe. ARAY!!!" sabi ko

"Naku napilayan ka ata Johnny. Tara tatawag na ako ng ambulansya" si Leo habang kinuha ang cellphone niya

"'Wag na, malapit lang din naman ang ospital dito lalakarin nalang namin tol" sabi ko kay Leo

"Talaga? Sige bubuhatin na kita" si Leo

"Ha???? Naku wag na. Kaya ko namang maglakad eh" gulat na gulat kong sabi kay Leo

"'Wag na kase matigas ang ulo eh. Hay naku hindi ka parin nagbabago Adri....." biglang naptuol ang sasabihin ni Leo

"Sino kamo?" tanong ko sa kanya

"W-wala, ang sabi ko tara nah at baka ma ano ka pah" si Leo

"'wag na nga sabi eh. ARAY!!! dahan dahan naman" sabi ko  at tuluyan na nga akong binuhat ng Bridal style ni Leo

Habang buhat ako ng binata ay sobrang daming nakatingin sa amin. 'Yung iba ay masama ang tingin sa amin, 'yung iba naman ay kinikilig at ngumiti sa amin at kumaway pa. Habang buhat ako ni Leo ay nakaramdam ako ng sobrang ginhawa. Pakiramdam ko habang kasama ko siya ay sobrang secured ako walang pwedeng manakit sakin. Sobrang init ng bisig niya at naririnig ko pa ang tibok ng kanyang puso na parang nagsasabing "Dito ka lang sa tabi ko at po protektahan kita" (Waaaaaaaahhhh asumerang frog hahaha). Bakit ba ang gaan ng pakiramdam ko sa lalaking ito? Parang dati na kaming magkakilala nito. Hindi ko mapigilang yumakap sa kanya.

"Yakap ka lang Johnny. Sayong sayo lang yan" si Leo habang pinagmasdan ako at ngumiti ng mapakatamis. Ansave??? Hindi ko tuloy mapigilang mamula sa mga sinabi niya

"H-ha?? Ano?" nagtataka kong tanong

"Wala!! Sabi ko "Malapit na ba tayo?" sabi ni Leo

"A-ah e-eh oo anjan na oh" sabi ko

Pagdating sa ER ng ospital ay agad akong nilagyan nung para sa braso nung nurse yung pag napilayan ka. (Hindi ko kase alam ang tawag dun eh pasenxa na po hahaha).

"Nasaan si Lorenz" tanong ko kay Leo

"Sinong Lorenz? Ah 'yung kasama mo? Andun sa labas. Boyfriend mo ba 'yun? Nung una ko kasing nakita ka eh siya yung kasama mo" tanong ni Leo na parang may galit sa mukha

"H-ha?? Hindi noh! Bestfriend ko 'yun" sagot ko

"Talaga?" tanong ni Leo na parang nabuhayan ng loob sa sinabi ko

"Oo! Pwede bang pakitawag sa kanya? Please" pakiusap ko

"Oh of course. Wait lang ha" si Leo

Pumasok na 'din si Lorenz at kinausap ko siya. Sinabi ko na rin kay Leo na kung pwede ay umuwi na kami. Agad naman niyang kinausap ang nurse kung OK na ba akong makalabas. Okay naman daw sabi ng nurse. Minor fracture lang tinamo ko at pwede na daw tanggalin ang benda kinabukasan. Lumabas na kami ng ospital at isinoot ni Leo ang jacket niya na may hood, para daw hindi siya pagkakaguluhan ng mga tao at baka maulit na naman daw ang stampede. Pumara kami ng tricycle pauwi at ihahatid daw niya kami sa bahay.

"Hindi ako papayag na hindi kita maihatid Johnny at gusto kong maging ligtas kayong dalawang umuwi ng bestfriend mo maliwanag?" si Leo

"P-pero" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng magsalita na naman si Leo

"Wala ng pero pero Johnny! Pwede bang wag nang matigas ang ulo?" mejo galit na si Leo

"O-ok cge kaw bahala" sagot ko

"Very Good!! Tara nah" nakangiting sabi ni Leo

Habang nasa byahe kami ay 'di ko maiwasang makaramdam ng kilig hihihi (Landeeeeeee). Sumakay na kami ng tricycle at pinasama ko na din si Lorenz sa bahay. Nagtanong si Leo kung para kanino ang bulaklak na binili namin. Sinabi ko naman sa kanya na para sa Ate ko iyon at sinabi ko rin sa kanya na birthday ng ate ko ngayon. Nakiusap si Leo kay Lorenz na siya na raw ang magdadala ng mga bulaklak. Agad namang nagkasundo ang dalawa at nag uusap na parang ang tagal na nilang magkakilala. Tawanan dito, asaran dun, yun ang ginawa ng dalawa habang nasa byahe kami. Sobrang sayang kasama pala 'tong si Leo at sobrang bait at maasikaso. Bakit kaya wala pang jowa tong mokong na to? Eh bukod sa guwapo at matipuno ay sobrang bait pa.

Sa wakas ay nakauwi na rin kami ng bahay at agad na sinalubong kami ng Nanay ko

"ANAK!!!!! Anong nagyari sayo?? Sandali lang tayong naghiwalay eh yan nang inabot mo?? Napa away ka ba?? Ano??" tanong ni Nanay na sobra ang pag alala

"Nay chillax! Ganito po kasi 'yun" sagot ko at kinuwento ko ang lahat lahat ng mga nangyari at kung paanong iniligtas ako ng knight in shining armor ko (hihihi assumera ko talaga noh? XD)

"Ah Ganun bah? Eh panu 'yan hindi ka na tuloy makakatulong sakin sa pagluluto ng handaan mamaya" si nanay

"'Wag po kayong mag alala. Ako na pong bahala." si Leo

"Teka marunong kang magluto?" tanong ko kay Leo

"Oo naman. Nag aaral ako ng Culinary Arts dun sa st. Dominic College sa Maynila" si Leo

"Ako nga po pala si Leo, ang kaibigan ni Johnny. Ako 'yun nagdala sa kanya sa ospital" nakangiting bati ni Leo kay Nanay sabay abot ng kamay niya at nagmano sa Nanay ko.

"Talaga? Eh maraming salamat sayo hijo. Naku ang guwapo guwapo naman ng batang 'to at ang bait pa. Napaka suwerte mo Johnny at siya ang naging boyfriend mo" birong sabi ni Nanay

"Nay naman!!!!" tiningnan ko ng masama si Nanay. Tumawa lang ng tumawa si Leo. Batukan kaya kita? Gusto mo?

"Magandang Umaga po Tita" magiliw na bati ni Lorenz kay Nanay sabay nagmano

"Oh Lorenz naku mabuti at andito ka. Sasabihin ko na sana kay Johnny na papupuntahin ka dito sa bahay. Alam mo kasi naisipan namin ng kaibigan mo na i sorpresa ang Ate Grace niya sa isang konting salo salo" sabi ni Nanay na nakangiti

"Naku ayos yan tita. Tara at tulungan ko na po kayo dun sa kusina" si Lorenz habang nauna nang pumasok sa bahay

"Siya nga pala anak, papasukin mo na yang boyfriend mo, este kaibigan mo at para mapakilala naman 'dun sa dalawa mong kaibigan dun sa loob" si Nanay

"Ho? Sinong dalawang kaibigan?" nagtatakang tanong ko sa kanya

"Sina Daniella at Andrew anak. Kanina pa sila andito at hinihintay ka nila" si Nanay

Biglang may nag salita sa likod ng nanay ko....

"Tita, san po ba 'yung....." biglang naputol ang sasabihin ni Andrew at tumingin ng masama sa kasama kong si Leo

"Anong Ginagawa mo dito??? Pano mo nalaman ang bahay ni Johnny??" galit na tanong ni Andrew kay Leo

"Insan, bakit? Anyare?" si Daniella naman sa likuran niya. Tumingin din ng masama si Daniella kay Leo.

"Anong ginagawa ng lalaking 'yan dito?? Pano siya napadpad dito?" galit ding tanong ni Daniella

"Andito ako para kay Johnny at sa Birthday ng Ate niya. Bakit? May problema?" sagot ni Leo

"Langhiya ka. Ang kapal rin ng mukha mo noh?" susugod na sana si Andrew ng pinigilan naman siya ng Nanay ko

"Teka teka teka. Mga anak wag dito please! Birthday ng anak ko ngayon at pwede konting respeto lang pakiusap?" si Nanay

"I'm sorry Tita" si Andrew

"Oo nga, pwede naman kayong maging magkaibigan di ba? At saka kung ano mang nangyari sa inyo sa past, pwede move on na tayo? Ang tatanda nyo na eh" galit kong sabi at tumahimik naman silang lahat dun.

"Sorry Tita, sorry Johnny kung pumunta pa ako dito. Aalis nalang ako. Salamat sa pag invite" ngiting sabi ni Leo

"NO! Hindi ka aalis okay? Dito ka lang. Ako ang nagyaya sayong pumunta dito kaya dito ka. At di ba sabi mo tutulungan mo si Nanay sa pagluluto?" galit na sabi ko at nagulat si Leo dun. Hindi niya ine-expect na sisigawan ko siya. Nakakairita na kase eh.

"At ikaw naman Andrew, pwede relax lang? Isa ka pah" dagdag ko pa at bigla nalang silang lahat natahimik. Nabasag ang katahimikan ng magsalita si Nanay.

"Oo nga naman Leo, tutulong 'din si Andrew kaya dalawa na kayo. Oh 'di ba masaya yun?" tawang sabi ni Nanay

"Ho? Marunong magluto si Andrew?" nagulat na tanong ko kay Nanay

"Oo naman Johnny. Nag aral kase ako ng Culinary for three years doon sa US" ngiting sabi ni Andrew

"Pfft! ang yabang talaga" bulong na sabi ni Leo

"Oh Kitams? Dalawa ang chef natin ngayon Anak. Ewan ko lang kung hindi magiging bongga ang handaan ng ate mo ngayon sa birthday nya hehe" si Nanay. Hay naku Nay, kahit kelan talaga ungas kayo hehehehe.

"NAKU!!!! Siguradong matutuwa ang ate ko nito" tuwang sabi ko

"Eh pano yan mga hijo, konting mga sangkap lang binili namin ni Johnny kanina. Wala kase akong budget eh. Kapos sa pera. Alam nyo nah" malungkot na sabi ni Nanay

"Huwag kayong mag alala Tita, ako ang bahala!" sabay na sabi nina Andrew at Leo  na kinagulat naming lahat

"Oh siya cge tara na sa loob" si nanay at pumasok na kaming lahat sa loob

------------------------------

"THE BATTLE OF TWO CHEFS" na si Andrew at Leo. It's a showdown

MAY THE BEST MAN WIN!!

Abangan ang susunod na kabanata, Masaya 'to hehehe

ITUTULOY....

Seguir leyendo

También te gustarán

262K 4.2K 18
[FIN] "... Isn't it funny? How things happen so unexpectedly? One minute may iba kang plano para sa buhay mo but then all of a sudden life throws som...
169 18 12
"Hindi SA lahat ng panahaon naaayon ang lahat sayo, darating ang araw na yung taong binalewala mo ang syang mawawala sayo"
89K 1.6K 29
Isa lang akong ordinaryong babae pero bakit ako pa ang napiling paglaruan ng tadhana? hindi ba pwedeng isang simpleng relasyon na lang ang samin? yun...
Wattpad App - Desbloquea funciones exclusivas