Chapter 6: last rule
"1-10???" tanong ni Marjorie in short si Marie XD
"9.6" sagot ko
"adik! Ganun kagwapo kapag malapitan???"
"yeah silight"
"slight ka dyan! Eh halos perfect ten na eh.actually pag ni round off mo pa yan ten na!
"so??? Ibig sabihin di pa siya kagwapo sa paningin ko..."
"wait kung di siya perfect it means...."
"yeah may mas gwapo pa!!!" I giggled XD
"eh basta! Type mo pa din yang si Jun..dahil pumayag ka na maging fake Bf mo siya noh"
"asa ka marie! Mas bata yan saakin ng isang taon"
"ay ibig sabihin hindi mo nga type..laruan mo pala mga mas bata sayo"
"eh alam mo pala eh"
"sorry ah! Di ko alam na mas bata yan eh?
"naku kulet na! sige na baboo!"
"huh? San ka pupunta?? Eh bahay niyo na to? Iiwan mo ko sa bahay niyo???"
Oo nga noh? Bahay pala namin ito!!! Sira ulo ka talaga Lian!!!
"magshoshopping bakit? Sama ka?" wahaha para lang di magmukhang tanga XD
"sige masaya yan!!!"
Tsk napasubo pa talaga ako magshopping haist...ginamit ko na yung car ko kasi naman tong si Marie kung yung kotse nanaman niya gagamitin ay naku! Baka iwanan ako ulit.. nadala na ako hahaha
So nandito na kami ngayon sa mall..papasok sa isang store then lalabas na may dalang paper bag.... At last na tong store na pinasukan namin...di pa din ako makapili kung anung bibilhin ko...
"Ei Marie..what do you think???" sabay pakita sakanya yung dress
"no not that one...ito nalang"
"psh..panget ayaw ko niyan..eh kung ito???"
"yun nalang isa,...ito oh"
Okay??? Ganito kami lagi eh...magkaiba nga pala kami ng taste sa mga damit...bakit ko pa siya tinanung stupid me -_-....
"ito nalang"
Huh??? Oh no! kilala ko tong boses na to...tiningnan ko si Marie...my ghad! hala! ayun heart shape nanaman ang mata...
"panget niyan!" sabi ko
"mas bagay mo kaya to!" pilit niya
"eh ayaw ko nga kasi..panget!"
Pero sa totoo lang type ko yang hawak niya eh TT_TT I want that one! Bakit di ko yan agad nakita???
"Isukat mo na dali! Pagpasensyahan mo na tong kaibigan ko medyo pangit ang ugali"
*pak*
"ouch lian bakit mo ko binatukan!!!"
"ouch ouch ka dyan! Sinong pangit ang ugali hah?"
"ikaw! Sino pa ba? Kaya nga kita naging bestfriend eh!"
"loko ibang klaseng bestfriend naninira -_-"
"dali na kasi isukat mo na!"
Loko talaga yun..ipagtulakan ba ako sa fitting room..infairness bagay nga saakin^___^. Binukas ko na yung pinto para makita nila..
"bagay ba?" tanong ko..eh bagay na bagay na nga sa paningin ko -_-
"sabi ko na nga ba bagay yan sayo eh"
"lagi naman eh" sagot ko
"balita ko may boyfriend ka na..."
"kelan ba ako nawalan hah Vin?" tas sinara ko na yung pinto at saka nagbihis at lumabas na...
By the way that's Vincent...naalala niyo pa nung sinabi kong never pa akong na in love??? May karugtong pa yun... never pa akong na in love ulit...yan ang unang lalaking minahal ko si Vincent.. but he cheated on me...kaya mula nun di na ako nag serious sa isang relationship..mahirap masaktan noh! Wahahaha...crush na crush yan ni Marie
"mahal mo?" tanong niya
"paki mo???"
"Lian kasi yung dati----"
"wag mong sabihing nagsisisi ka???"
"parang ganun..."
Ngumiti lang ako sakanya at saka nagsalita ulit...
"asa naman...ikaw pa" tas tumalikod na ako with matching make face haha..saka naglakad palabas ng store...without buying that dress...
***Our Song*** fave ko yang kanta ni taylor swift na yan eh...(ringtone)
"hey beb ^______^"
"-------------"
"uhm yah...I'm with my Friend"
"----"
"marie..."
"---"
"yeah siya lang naman...why?"
"-------------------------"
"how'd you know? Nandito ka ba???"
"---------"
"hey where???"
Nandito yung batang yun????
"---"
"huh???" tinignan ko yung isang store na nilagpasan namin....
At katulad ng sinabi niyia nandun nga siya...nilapitan ko siya...syempre with Marie and Vin
"Ju---Beb!" tawag ko....tas bigla niya ako----akong...niyakap!!! ASAR
"I miss you beb" showoff! Nandito kasi mga classmates ata niya..dami eh...naka uniform sila lahat...
"who's that?" tanong niya
"Marie"
"yah sinabi mo na nga siya yung kasama mo kanina...the one I'm asking is" he paussed
"his name" he continued saka niya tinuro si Vin
"that's Vincent"
"Vincent?" yang pagkakasabi niya parang tinatanung niya kung ano ko siya eh
"oh That's her ex" si Marie na ang sumagot
"Lian tara na...ei guys sorry may pupuntahan lang kami ni Lian" tas hinila na niya ako...
Di na tuloy ako nakapag ba-bye kay Marie TT_TT
San nanaman ba ako dadalhin ng batang to?
"nakakalayo na tayo..pwede mo na ako bitiwan di ba?"
"ayoko nga...dala mo sasakyan mo?"
"yeah"
"good...tara dun tayo mag-usap..." tas kinuha niya mga dala kong paperbags tas naglakad na siya papunta sa parking area... lokong bata na to!
*sa loob ng sasakyan*
"you broke the rules!!!" I shouted
"so?"
"first rule number three...then the no kiss policy which is rule number 1...then now niyakap mo ko kanina!!! Nakakainis ka na ah! Di ka marunong magkeep ng pinag-usapan!"
"may kasama kang lalaki" he answered...wow??? Layo naman!
"nakita ko lang siya...wait bakit ba kelangan ko mag-explain eh di naman talaga tayo"
"Baliw! Ang daming matang nakatingin sainyo kanina! Kung hindi pa sinabi saakin ng mga kaibigan ko kanina di ko pa malalaman...akala nila nanlalalaki ka dahil nga sabi mo kanina sa school na babaero ako!"
"hahahahahahahahaha" grabe dami ko tawa sakanya
"tawa ka dyan!"
"you're acting like a jealous boyfriend....umamin ka nga..type mo ako noh? Haha" biro ko
"asa ka naman ATE!!! Ayaw ko sa mas matanda saakin kahit na isang taon lang!"
"good then^___^ by the way bata...Last Rule...wag na wag kang ma-iin love saakin"
"and that goes to you too" sabi niya
"yah sure...anyway pwede ka na bumaba" *roll eyes*
"okay...kita ulit tayo...bye BEB" diniin pa talaga!!! saka siya bumaba
Nang-aasar talaga tong bata na to!!! Ayaw ko talaga sa mas bata saakin..lalo na yang batang yan!!! Lakas mang-asar...TT^TT