LIRA'S PROVERBS
Katatapos ko lang mag ayos at nang makarating ako sa hapag nagtataka ako na bakit andaming pagkain ano to fiesta ganon?At nang marinig ko si Itay nag magsalita..
YBRAHIM:Avisala anak!
Humarap ako sa kanya at ang kanyang ngiti ay abot hanggang tenga.
LIRA:Avisala din po sa inyo itay..parang inspired po tayo ngayon ah..anong ganap?
YBRAHIM:Maupo muna tayo anak..
LIRA:Sige po..
YBRAHIM:Saka ko na sabihin kung kumpleto na tayo..
LIRA:Oo nga si Cassandra nga pala pupuntahan sa kanyang silid..
Nang makarinig ako nang pamilyar na boses ang hindi ako nagdududa na kay Inay yun
AMIHAN:Hindi na kailangan anak..
Lumingon ako hindi ako makapaniwala na nandito siya at hawak hawak pa niya ang kamay ni Cassandra at sabay naglakad patungo sa kinaroroonan namin..
LIRA:Nanay?
AMIHAN:Ako nga anak.(Sabay ngiti sa akin)
Agad ko siyang inakap hindi ko mapigilan na maiyak dahil sa saya na aking naramdaman at biglang...
CASSANDRA:Yna,Ila pwedeng itigil niya muna ang pagdradrama diyan dahil nagugutom na po ako.
Kumalas agad kami ni Inay sa pagkakayap sa isa't isa at natatawa nalang sa sinabi nang aking anak
YBRAHIM:Narinig niyo ang ating munting diwani.Sige na maupo na kayo para makakain.
Umupo na kami sa aming kanya kanyang pwesto sa hapag at nagkwentuhan habang kumakain...
LIRA:Nay, kailan pa po kayo nakabalik?
AMIHAN:Kagabi lang at hindi na namin kayo ginising ni Cassandra pagkat napakahimbing ng iyong tulog.
YBRAHIM:Magandang balita rin ito sa lahat pagkat hindi ma babalik ang iyong Yna sa Devas.
LIRA:Talaga tay?
CASSANDRA:So ang ibig sabihin forever na nating makakasama si Ila?
YBRAHIM:Oo apo forever na nating makasama ang iyong Ila?
CASSANDRA:Dahil dyan group hug..
Nagroup hug naman kami at nagsalita si CASSANDRA
CASSANDRA:Meron po ba kayong gustong sabihin sa akin?
LIRA:Oo nga pala lalabas tayo kasama sila Ashti Mira mo,Kuya Paopao,at sina Adamus.
CASSANDRA:Talaga po Yna?Kasama po ba sina Ilo't Ila?(Sunod sunod na pagtatanong nito)
LIRA:Oo may pupuntahan tayo pero hindi makakasama sina Inay at Itay.
Medjo nalungkot ito at tumingin kina Inay..
AMIHAN:Poltre mahal ko pagkat meron pa kaming asikasuhin ng iyong Ilo.
YBRAHIM:Pero pangako sasama na kami sa susunod..
CASSANDRA:Ayos lang po iyon naiintindihan ko po kayo.
AMIHAN:Avisala Eshma sa iyo Cassandra.
LIRA:Di ba may nagtatanong ka kong may nais kaming sabihin.
CASSANDRA:Opo
AMIHAN,YBRAHIM,AT LIRA:Hasne Ivo Live Cassandra
CASSANDRA:Salamat po sa inyo akala ko po nakalimutan niyo na ang aking kaarawan..
LIRA:Pwede ba iyon syempre hindi.Dahil ikaw ang pinakamagandang blessing na ibinigay sa amin.(Sabay hawak ko sa kanyang pisngi)
YBRAHIM:Hinding hindi namin makalimutan araw na ibinagay ka sa Amihan ni Bathalumang Cassiopea.
AMIHAN:Mahal na mahal ka namin tandaan mo iyan.
CASSANDRA:Avisala Eshma po sa inyo.(Sabay ngiti)
YBRAHIM:Bilisan niyo na dyan upang kayo'y makapaghanda na..
LIRA:Ay..Oo nga pala..magbibihis pa kami..
Pagkatapos naming kumain ipinatawag ko ang mga dama para ihanda ang aking anak at nagpunta na rin ako sa aking silid upang makapagbihis na rin.
MIRA'S PROVERBS
Naghahanda kami nila Yna ngayon para supresahin aking apwe sa kanyang kaarawan pagkatapos naming maghanda inutusan ako ni Ama upang silipin ang aking kapatid kung nagising na ba ito o natutulog pa ginamit ko ang ivictus nang sa ganon hindi niya ako mapansin na ako'y pumasok.
Tamang tama nagising na si Alana nagtungo sa aking silid upang tingnan ko naroon pa ako at nagtungo siya sa silid nila Yna para magbakasaling naroon pa sila..
ALANA:Nasaan na ba silang lahat?Naiwan nila kaya ako?Nako naman!(Inis sabi niya sa kanyang sarili)
Pinigilan ko ang aking sarili na matawa pagkat naniniwala talaga siya na siya'y aming iniwan hinanap niya kami sa bawat sulok sa aming silid ngunit wala kami doon at alam ko sa aking sarili na ang susunod niyang hakbang ay pupunta sa hapag.Kaya bumalik agad ako nina Yna upang mag-ulat.
PIRENA:Mabuti na nakabalik ka na.Patungo na ba dito ang iyong kapatid?
MIRA:Opo..at alam niyo paniwalang paniwala talaga siya na siya'y ating naiwan kaya pinigilan ko ang aking sarili na matawa.(Patawa kong sabi.)
AZULAN:Buti nalang na napigilan mo kung hindi baka akalain niya na pinaglalaruan natin siya.
MIRA:Oo nga po Ama..kung hin..
Hindi pa man tapos ang aking sasabihin agad akong pinigilan ni Yna
PIRENA:Sheda Mira!..nararamdaman ko na parating na dito ang iyong kapatid.
Kaya humawak agad si Ama balikat ni Yna para makapag ivictus.
ALANA:Anong meron ba't andaming pagkain?para sa akin ba ito lahat? Ngunit paano ko ito mauubos?Wala sina Yna..Hay nako..kahit pa ata libutin ko itong buong palasyo..wala sila naiwan na talaga ako..
Nakikita ko sa mukha nang aking kapatid na medjo nalungkot ito kaya lumitaw kami agad at siyay aming binati
PIRENA,AZULAN,MIRA:Hasne Ivo Live Alana!!(Masaya naming pagbati)
ALANA:Kaarawan ko pala ngayon?(Nagtatakang tanong ng aking kapatid)
PIRENA:Oo..tila hindi mo ata maalala.(natatawang sabi ni Yna)
ALANA:Ang dami ko po kasing iniisip..hehehe..😁
MIRA:At ano naman ang iniisip nang aking apwe?
ALANA:Ang mga kalatas po na dapat aralin..
AZULAN:Huwag mo munang isipin ang mga bagay na iyan magsaya ka muna sa araw na ito..
ALANA:Tama po kayo..kung ganon man Avisala eshma sa inyong lahat at kain na po tayo kasi nagugutom ako sa kakahanap sa inyo eh..
Nagtatawanan kaming lahat at nagsiupuan sa aming kanyang kanyang pwesto at nagsimula nang kumain..
MIRA:Siya nga pala lalabas tayo ngayon nina Paopao kasama nang ating mga pinsan at Cassandra.(Ngiti kong sabi na nakatingin sa aking kapatid)
ALANA:Yehey!at saan po tayo pupunta?
MIRA:Sa Amusement Park..
ALANA:Talaga apwe?kasama din po ba sina Yna at Ama?
PIRENA:Poltre mahal ko hindi kami makakasama nang iyong Ama pagkat marami pa kaming bagay na aasikasuhin.
AZULAN:Pero huwag mag alala babawi kami nang iyong Yna sa susunod..
ALANA:Sige po..naintindihan ko po..tutal kasama ko na naman si Adea Mira..
PIRENA:Avisala Eshma sa iyong pag unawa..Anak..
AZULAN:Pero itong tandaan niyong dalawa mahal na mahal namin kayo nang iyong Yna..
MIRA AT ALANA:Mahal na mahal din po namin kayo..
ALANA:Wala bang group hug diyan?
Nagroup hug kami at pagkatapos naming kumain naghahanda na kami patungong mundo ng mga tao.