The Big Fat Revenge

By Jajang_Lovvable

93 0 1

Ilang taon ko rin pinag handaan ang pag ba-balik ko para sa inyo.. At sana magustuhan niyo.. dahil wala na an... More

Author Notes
Chapter 1

Chapter 2

28 0 1
By Jajang_Lovvable

Bianca's POV

Nang matapos na akong mag impake nag pahinga muna ako at itinabi ko yung ticket na binigay ni lola sa akin.

"Aalis kana?" Dinig ko mula sa pinto ng kwarto ko at ng lumingon ako nakita ko si kuya Brylle na naka sandal sa pinto ko.

"Kuya?!" Gulat na tugon ko at tumayo ako para yakapin siya.

"So aalis ka nga talaga?"

"Yes may nang yari kasi kay manang kaya kailangan ko ng umuwi sa pilipinas."

"Sobrang ganda mo na ngayon. at sobrang layo mo na sa Faith noon."

"Kuya wala na ang Faith noon.. I'm Bianca now okay?" Sambit ko at tumango na lang siya.

"Hindi ba pwedeng bukas kana lang umalis kararating ko lang aalis ka na-naman."

"Pero kuya kailangan na ako nila manang."

"Okay take care your self.. tsaka ikamusta mo na lang ako kina manang.. don't worry uuwi rin kami ni lola ka pag may time kami."

"Promise?"

"Yeah I'll promise." Sambit niya.

"Kuya pwede ko bang mahingi yung kopya ng nag papatakbo sa Kumpanya ngayon?"

"Bakit naman?"

"Dahil pag aaralan ko kung paano ko mababawiin lahat ng pag aari natin sa kanila."

"You don't need to worried about it.. Ako na ang bahala doon pag naka uwi na ako sa pilipinas."

"No kuya.. gusto kong may ga-gawin ako para mabawi ang Company."

"Are you sure?"

"Yes I am."

"Okay I'll send the copy to you."

"Thank you kuya."

"No problem.. Just for my little sister." Sambit niya.

"Kasama mo ba si Ate Ellaine?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi umuwi na rin sila sa pilipinas."

"Sayang gusto ko pa naman mag pa salamat sa kanya."

"Mag pasalamat?"

"Yeah Dahil tinulungan niya akong ma-achieve yung gusto kong katawan at kung ano ako ngayon."

"Pwede naman kayo mag kita pag naka uwi kana sa pilipinas."

"Oo nga." Tugon ko.

"Sige na maiwan na kita kailangan ko ng mag pa hinga dahil pagod ako sa biyahe ko."

"Sige." Sambit ko at nag lakad na siya paalis sa kwarto ko.

Nang makaalis na si kuya Brylle itinabi ko na yung bagahe ko sa gilid ng kama para hindi kalat- kalat at bumaba na ako para ipalagay sa Kotse yung mga bagahe ko.

"Lola maliligo na ako para maka alis na rin ako." Sambit ko kay lola na nasa Kwarto niya.

"Sige apo.. iha-hatid ka rin namin ni Rhyza di na makakasama ang kuya mo dahil pagod 'yon sa binyahe niya."

"Ayos lang po lola." Sambit ko at bumalik na ako sa kwarto ko at na ligo na.

After a few minutes na tapos na akong naligo at nag ayos.

"Wow! Ang bongga mo naman sa suot mo!" Sambit ni Rhyza na kakapasok lang sa kwarto ko.

"Parang di ka pa sanay ah."

"Natutuwa lang ako kasi dati hindi ka nag su-suot ng ganyan puro pang manang ang suot mo non ngayon parang mag po-photoshoot ka sa suot mo." Pag bi-biro niya sa akin.

"Alam mo mag bihis kana rin para maihatid niyo na ako ni lola."

"Okay fine.. Just give me a few minutes mag aayos lang ako." Sambit niya at lumabas na ng kwarto ko.

Pag kalabas ni Rhyza tumingin ako sa salamin na nasa tabi ng kama ko. Tama si Rhyza nag bago na nga talaga ako dati hindi ako nag su-suot ng gantong damit pero ngayon confident na ako sa mga sinu-suot ko. At isa ito sa gusto kong mangyari.

Makalipas ang ilang minuto bumaba na ako at nakita ko si lola na naka bihis pang alis na.

"Si Rhyza la?" Tanong ko kay lola.

"Baka nag pa-paganda pa sa kwarto niya." Sagot naman ni lola.

"Nako! Baka mahuli ako sa Flight ko netoh eh."

"Wow! parang ilang minuto lang yung pag hi-hintay mo eh." Sambit ni Rhyza na kababa lang galing kwarto niya.

"Baka kasi mahuli ako sa Flight ko." Sambit ko at nag lakad na kami palabas at sumakay na kami sa kotse. Si Rhyza ang nag maneho para sa amin.

"Apo ta-tawag ka palagi.. and take care your self always." Bilin ni lola sa akin.

"Oo naman po... Kayo rin po mag iingat kayo dito.. I will call you everyday para kamustahin kayo." Sambit ko naman.

"Don't worry if we have time we're going to visit you." Sambit naman ni lola.

"Oo nga friend.. da-dalawin ka namin sa pilipinas para naman maka pag bonding tayo doon ang tagal ko na rin di umuuwi ng pilipinas." Sabat naman ni Rhyza.

"Sige pero sabihan niyo ako pag da-dalaw kayo para alam ko.. at maka pag ready ako." Sambit ko naman.

After lang ng isa't kalahating oras ay nakarating na kami sa Airport.

"Paano ba yan? Mag iingat kayo dito ah." Sambit ko sa kanila. Habang hawak- hawak ko ang mga bagahe ko.

"You don't need to worried about us.. Just take care your self." Sambit naman ni lola.

"Sige po la." Sambit ko at niyakap ko na si lola at ganon rin si Rhyza.

"Rhyza ikaw ng bahala kina lola ah?" Sambit ko naman kay Rhyza.

"Oo naman." Sagot niya at ni yakap ko siya ulit. At nag lakad na ako pa-pasok ng Airport.

Habang nag la-lakad ako pa-pasok ng Airport pinag ti-tinginan ako dahil sa suot ko siguro.

"Miss can we take a picture?" Sambit ng isang lalaki na kasabay kong puma-pasok sa Airport.

"S-Sure." Na uutal na tugon ko. At kinuwa naman niya ang cellphone niya at nag pa picture kaming dalawa.

"Thank you miss." Sambit netoh at nginitian ko lang siya.

"N-No problem." Sagot ko naman. At nag lakad na akong ulit.

---------

Pag ka sakay ko sa eroplano umupo na ako sa Tabi ng bintana at ilang minuto lang ay umalis na rin ang eroplanong sina-sakyan ko. Matu-tulog na sana ako ng biglang may lumapit sa akin na isang flight attendant.

"Ma'am.. Are you Miss Sattue?" Tanong niya sa akin na siyang kinagulat ko.

"N-No I'm not Miss Sattue.. Why?" Utal na tugon ko naman sa kanya.

"Sorry ma'am.. there's a man that want to give this to you and he said that you are Miss Sattue." Sabay abot niya sa akin ng isang box na naka balot sa kulay Asul na paborito kong kulay.

"W-Where is him?" Utal na tanong ko naman.

"I don't know ma'am.. Because he gave that to me when we are in the airport." Sagot naman netoh.

"O-Okay Thanks." Tanging tugon ko na lamang. At umalis na ito.

'Sino naman kaya ang nag pa-padala ng mga regalo sa akin? Bakit kilala niya ako? At bakit hanggang dito sa London sinu-sundan niya ako? May alam kaya siya sa mga nang yari sa akin?' Oo tama ang iniisip niyo hindi ito ang unang beses na may nag padala sa akin ng regalo. Nasa pilipinas pa lamang ako may nag pa-padala na ng regalo sa akin at hindi ko akalain na hanggang dito sa London susundan niya ako. 'Ano naman kaya ang na la-laman niya tungkol sa akin?'

Binuksan ko naman yung box na binigay sa akin may laman iyon na mga litrato ko noong nasa pilipinas pa ako at isang kwintas kung saan naka sulat ang pangalan ko 'FaithS' hindi ko alam pero nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko dahil may isang tao akong na alala. Si Mommy.. binigyan niya kasi ako noon ng isang Bracelet na may naka sulat din na 'FaithS' ilang taon na rin ang nakakalipas mula ng ibinigay niya sa akin 'yon at regalo niya sa akin 'yon noong nakakuwa ako ng honor sa High school.

Matapos kong makita ang laman ng Box itinabi ko naman ito. Lahat kasi ng ipina-padala sa akin ng lalaking nag padala ng regalong iyon ay tina-tabi ko. Matapos non ay na tulog muna ako dahil mahaba- haba rin kasi ang biyahe pabalik sa pilipinas.

~~

"Miss where here." Panggi-gising ng isang flight attendant sa akin. At lumingon naman ako sa paligid ko at nakita ko na wala na ngang tao sa loob ng eroplano.

"Hmm..Thank you." Sambit ko sa kanya. At sinuklian lang ako ng isang ngiti at nag lakad na paalis habang ako naman ay kinuwa ko ang mga gamit ko at lumabas na ng eroplano.

'I can't believe na nasa pilipinas na ako ulit.' Sambit ko sa isipan ko at napa lingon naman ako sa paligid ko pag kababa ko mismo sa eroplano.

'It's been a long year.. and I'm back not as Faith Sattue but as Bianca Ann Villaramon.. and this is what I've been waiting for.. for two years..'

Napangiti na lang ako sa na isip ko. Dahil na-miss ko talaga ang pilipinas. Dahil ilang taon din ako na wala lalo na yung mga pag kain dito... Ibang-iba kasi ang pag kain dito at sa London.

Habang nag la-lakad ako palabas ng Airport ay hindi ko ma-iwasan ang matuwa dahil sa tagal kong gustong bumalik.. pero di ko magawa dahil wala pa ako'ng mukhang maihaharap sa mga taong ginawang miserable ang buhay ko.

"Miss you need help?" Tanong ng isang lalaking naka salamin sa akin.

"No need.. Thanks." Sagot ko naman sa kanya. Aalis na sana ako ng bigla itong nag salita.

"Miss can I take picture with you?" Tanong niyang muli. At bago ko siya na sagot ay napa isip muna ako.

'Wow! Malaki na ba talaga ang pinag bago ko? Parang dati dina-daanan lang ako ng mga tao.. Pero ngayon.. Hay!'

"Yeah.. Of course." Pag payag ko naman. At kinuwa niya ang Cellphone niya at nag selfie kaming dalawa.

"Thank you miss." Sambit niya at sinuklian ko lang siya ng isang ngiti. At nag lakad na patalikod.

"Miss! Wait!" Pag tawag nito sa akin.

"Yes?" Tanong ko sa kanya.

"Ano pala pangalan mo?"

"Oh! Sorry but I can't answer that question." Kunwaring malungkot na tugon ko.

'Bat ganon? yung ibang lalaki talaga.. la-lapitan ka lang ka pag maganda ka.'

"Why? D-Do you have boyfriend?" Tanong niya muli.

"Yeah.. I have and he's waiting me now.. So I need to go." Sambit ko sabay ngiti sa kanya at nag lakad na ako patalikod. Uy! Joke lang 'yon ah! para hindi na siya mangulit.

Nang maka labas na ako ng Airport ay nag hanap ako ng pwedeng sakyan para ihatid ako sa Mansyon ni lola. Pero laking gulat ko ng may isang Kotse'ng itim ang tumigil sa harapan ko. At lumabas roon ang isang matandang lalaki.

"Ma'am kayo po ba si Ma'am Bianca?" Tanong netoh na siyang naging dahilan para mag taka ako.

'Kilala ako? Pero 'bat 'di ko siya kilala?'

"Hmm..Y-yes." kabadong sagot ko. Baka kasi may nag papakidnap sa akin. Hahaha! Char!

"Ah.. Ako po si Caloy Driver po ni Doña Flerida."

"Hm.. Paano niyo po na laman na umuwi na ako?"

"Tinawagan po kami ni Doña Flerida at sinabi niya na uuwi kayo at walang su-sundo sa inyo..kaya pinasundo po niya kayo sa akin."

"Ganon po ba?"

"Opo ma'am.. kung gusto niyo po ma'am tawagan niyo si madam para po sigurado kayo." Sambit netoh.

"A-Ah.. I don't need. Let's go." Sambit ko naman.

"Sige po Ma'am sakay na po kayo." Sambit netoh at pinag buksan niya ako ng pinto ng kotse at pumasok na ako. Habang siya ay na iwan dahil nilalagay niya sa likod ng kotse yung mga bagahe ko.

"Manong saan po ba binilin ni Lola na ihatid niyo ako?" Tanong ko naman sa kanya habang nag ma-maneho siya.

"Doon po sa Mansyon niyo." Sagot naman niya.

'Yeah manong alam ko naman po sa mansyon kaso saang mansyon?' Tanong ko sa isip ko. Pero 'di na ako nag tanong pang muli.

"First time niyo po ba dito sa pilipinas Ma'am?" Tanong naman niya sa akin.

"Ah.. hindi po dito po talaga ako lumaki pero pumunta lang po ako sa London." Sagot ko naman.

"Alam niyo ba Ma'am? Lagi kayo na k'kwento ng lolo niyo sa akin noon.. Pinagmamalaki niya sa amin na napaka swerte niya nagkaroon siya ng pamilya na katulad niyo."

"Talaga po?"

"Oo kinu-kwento niya yung mga masasayang alala niya kasama kayo bago siya pumanaw." Malungkot na tugon netoh. Na naging dahilan para matahimik ako pati siya kaya hindi na ito nag bukas pa ng usapan dahil alam kong naramdaman niya ang pagiging malungkot ko.

Continue Reading

You'll Also Like

Riptide By V

Teen Fiction

324K 8.3K 117
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
3.2M 40.6K 178
Imagines/Oneshots about you and that special man in your life! :) โœ“ Completed โœ“ โš ๏ธ = Smut!!! *All these are my work copy righted by me! PL...
4.4M 244K 188
Now available in paperback on Amazon! Though the last chapter is read that doesn't mean the story is over. One shots for A Secret Service including...
851K 75.2K 37
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...