Hi guysss! First story ko po. :))
Dedicate sayo idol!
--------------------
Dara's POV
"Hindi mo ba ako narinig?! Ang sabi ko, umalis ka na! "
"I'm sorry po talaga Miss Dara." then she bow down tapos tumakbo na siya papalayo. Umalis na rin ung mga taong nakapalibot samin kanina.
“Grabe, nakakatakot siya no?”
“Kawawa naman yung babae. Hindi naman niya yun sinasadya.”
“Sobrang kahihiyan ang inabot niya. Naawa tuloy ako.”
Kahit malayo na sila, naririnig ko pa rin ang mga bulung-bulungan nila. The hell I care. That girl deserves a lesson. Inapakan siya kasi ang maganda kong paa kaya sinampal ko siya tapos tinapunan ko na rin ng tubig. Wala akong pakialam kung sinadya niya man o hindi. It doesn’t change the fact na naapakan niya ang paa ko.
"ARGHHHHHHH! Bakit naman kase ako pa ung naapakan niya diba? Ang dami dami naman dyan na pwede niyang apakan, ako pa ang pinili niya! That girl is so careless!"
"Relax ka lang Dara. Hindi naman ata niya yun sinasadya at nakaganti na diba? Okay na yun.” - Chin
"Oo nga naman Dara. Magrelax ka naman kahit minsan. Palagi ka na lang highblood e." sabi ni Kinah
a/n: ayiee! may exposure c Ms. Author ohh. XD
"Fine. But please leave me alone."
Wala ako sa mood para makipagtalo sa kanila.
"Hayyyy! Sige na nga! Bye for now Dara!" -Chin
"Bye Dara!! See yah laterrr! Mwah Mwah! Labyu!" -Kinah
They smiled widely tapos umalis na. Nakahyper at napakasaya nilang tao. Ibang-iba sakin. Minsan nga napapaisip ako kung bakit ko ba sila naging kaibigan. I kind of miss being like them.
Pumunta akong comfort room. Tiningnan ko ang reflection ko sa salamin.
Well, ako nga pala si Dara Isabelle Choi. Half Korean at half Filipino. Isang 3rd year highschool student. 17 years old. Tanda na siguro kung ikukumpara sa ibang highschool students pero sa university namin, normal lang yan. 10 years ago kasi, naging international school ang university na to. Mas dumami ang nga levels at pag-aaralan. Anyways, sabi nila Maganda raw ako, which is true, matalino, mayaman at mabait. DATI.
I realized na ibang-iba na ako sa dating ako. Yung dating ako na palaging nakangiti, friendly, palabiro at handang tumulong sa lahat ng nangangailangan. Ngayon, palagi akong naka cold face, palaging siniseryoso ang lahat, nagtataray at wala masyadong kaibigan.
May mga kaibigan naman ako kahit paano, kakaunti sila pero alam kong totoo sila sakin. Itinaboy ko na sila noon pero pinili pa rin nilang maging kaibigan ko. Mahal na mahal ko mga kaibigan ko kahit na minsan, natatarayan ko din sila. Sila na lang kase ang nakakaintindi sakin.
Nawala na kasi ang daddy ko. My life was perfect until he left us. Until he left me. Walang awa siyang pinatay ng mga taong hindi ko kilala. Si Mama na lang ang natira sakin since wala naman akong kapatid. Wala siyang ibang inisip kundi ang sarili niya at ang pera. Pero hindi naman siya dating ganito.
Noon, we used to live a simple but happy life. Back when my father was still alive. My mom was the perfect mom. She took care of us and loved us. I could not wish for more that time. I have a loving, sweet and perfect family. Ngayon, everything went so complicated.
My mom turned into somebody I don’t know after my father’s death. Nawalan siya ng oras sakin. I don’t feel loved. Pera lang pala ang minahal niya. And because of what happened, I started to build walls. I isolate myself to people.
To make things fair, nagbago din ako. My dad is the main reason kung bakit ako nagbago.
One more reason is my fiancee.
Yes. At my age, may mapapangasawa na ako. We're arranged and 6 years na kaming engaged.
My fiancé is Daniel Dela Cruz. He is my childhood friend. As years passed, I learned to love him. Yes, I love him. Noon pa man siya na talaga ang mahal ko. Alam niya yon pero binabalewala lang niya ako.
Hannggang kaibigan lang ang turing niya sakin at hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ko. It’s because he loves somebody else.
Si Iris Mae Sanchez. Palagi ko siyang pinapahirapan sa school para lumayo siya kay Daniel at para makaganti ako sa kanya sa pang-aagaw niya. She’s the freaking reason kung bakit hindi ako kayang mahalin ng taong mahal ko. Pero kahit anong gawin kong pagpapahirap, hindi siya lumayo.
Dumikit lang siya hanggang kaya niya pa. After all, wala naman siyang magagawa dahil tuloy na tuloy ang kasal namin ni Daniel.
Kung nagtataka kayo kung bakit kami engaged, dahil yun ang huling kahilingan ng mga lolo namin bago sila mawala. Our company and their company will undergo a merge through our marriage. Kaming dalawa ni Daniel ang magmamana nito.
Naunang namatay ang lolo ni Daniel then after a year, namatay na rin ang lolo ko. I was just 11 years old nung namatay ang lolo ko. And after 2 years, nawala naman sakin ang daddy ko.
Ikakasal kami when I turn 18 and that is next year.
Magagamit ko din ang iba't-ibang connections ni Daniel para mahanap ang pumatay sa daddy ko. Marrying him give me a lot of benefits.
Kailan kong maging selfish para magawa ang lahat ng gusto ko.
Kahit kailan hindi ko naisip na aabot sa ganito ang lahat. Hindi ko inakalang magagawa ko pala ang mga bagay na hindi ko kayang gawin noon.
Napupuno ako ng galit, poot at paghihiganti.
Ipinapangako ko daddy,
Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay mo!
----------------------------------
Haha! what do you think sa Chapter 1? :DD
Amature pa lang po ako kya don't expect to much from me ha! XDD
pero I promise to give my best para mapaganda ko pa ung story.
Vote, Comment and be a fan po!
SALAMAT GUYSS! :**