The Things I Hate About You

By ceresvenus

166K 4.6K 957

Tosca is a famous influencer who pretty much spend all of her time on her night life. Bakit naman hindi eh it... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48

Chapter 6

3.1K 88 13
By ceresvenus


TOSCA

Hinithit ko ang sigarilyo ng huling beses bago dinikdik sa ashtray iyon. Kanina pa ako naka tambay dito sa veranda ng suite ko. Over looking ang coastline ng La Union. Nag didilim na din sa labas. Ito ang isa sa gusto ko sa La Union, ang napakagandang sunset. Kulay kahel ang bumabalot sa kalangitan, tapat na tapat talaga ang araw sa dalampasigan. Gusto ko sanang mag-picture pero nandito ako sa kwarto at nagmumukmok. Hindi ako makalabas dahil wala pa ang mga kaibigan ko dito. The nerve of that guy! Harap harapan ay nilalait niya ako. Bakit? Sino ba siya sa akala niya? Oo na nga at attracted ako sa kanya! Ugh!

Tumunog ang doorbell. Ahh! They're finally here! Nagmamadali akong dumalo doon at nakumpirma kong sila na nga ang 'yon nang sumilip ako sa peep hole. Napatalon ako nang makita ang mga kaibigan ko na equally excited! Binuksan ko ang pinto.

"Oh my gosh! Elyuuuu! Here we are!" Tili ni Maddie bago bumeso sa akin.

"Nakaka loka ka ah! Gigimik lang, sa Elyu pa?" Singit din ni Laine bago sila pumasok sa hotel room ko.

Humalakhak ako at kumuha ng Smirn off sa mini fridge. Binili ko ito kanina, pre drinking is the best!

"Kayong dalawa lang?" Tanong ko bago uminom mula sa bote. Napa 'ahh' pa ako sa tamis at pait na hagod ng inumin.

"Oo, si Beatrice nasa Thailand." Parang wala lang na sabi ni Laine.

"Ano, dito kayo naka check in?" Tanong ko ulit.

"Oo, pero syempre dumiretso kami sa'yo. Anong ganap?" Tanong ni Maddie habang nag pi pipindot sa cellphone niya.

"Well, medyo boring dito at two days pa ako. At saka, wala naman kayong ginagawa." Tumawa ako bago inubos ang smirn off.

"Maaga pa ah, nag dinner ka na, Tos?" Baling ni Maddie sa akin.

"Hindi na ko mag di dinner. Busog ako." Kumuha ulit ako ng isa pang smirn off sa ref.

Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak ngayong gabi. Gusto kong makalimutan itong nararamdaman ko. Kung ibang lalaki naman siya ay baka nag sawa na ako eh. Pero bakit ganun? Habang inaawayan niya ako, lalo akong nahuhulog? I can't quite explain it but I liked the fact that he doesn't want to share his girl. Pero ang confusing kasi siya itong nagsasabi na ayaw niya sakin, hot and cold kumbaga.

"Kasama mo dito yung chinika mo na guy?" Huminto si Maddie at pareho silang tumitig ni Laine sa akin.

Tumango lang ako bago bumuntong hininga. Binuksan ko ang mini fridge at kumuha ng isa pang bote.

"Omg? Kailangan makita ko 'yan ah!" Parang na excite naman si Laine.

"Huwag na. Baka pare pareho lang tayong ma badtrip." Iling ko.

Ilang oras din kaming tumambay sa hotel room ko bago sila nagpasyang ilagay muna sa room nila ang mga gamit nila at mag bihis. Alas diyes na nang mapag desisyunan naming mag punta sa Flotsam and Jetsam. Chill vibes lang.

Ang walanghiyang smirn off talaga, kahit kailan ay traydor. Lady's drink kuno pero tinatamaan ako. Nagtext sa akin si Laine at ang sabi niya ay hinihintay nila ako sa elevator. Medyo tipsy na ako nang lumabas ako ng hotel room ko. Talaga nga namang pinapag laruan ako ng tadhana dahil sakto din ang labas ni Scor sa room niya. Naka itim na muscle tee at board shorts.

Tiningnan ko lang siya at hindi pinansin. Nilagpasan ko siya at nakita ko nga sila Maddie na nag aabang sakin. Pinapanalangin ko na sana ay hindi sumunod si Scor. Badtrip pa din ako sa kanya eh. Pero halos malusaw ata tuhod ko nang sumakay din siya sa elevator kasama namin. Amoy na amoy ko ang pabango niya.

"Boy Yummy Alert!" Bulong sakin ni Laine na siyang ikina inis ko.

"Shut up Laine." I said through gritted teeth. Sinadya kong lakasan ang boses ko at nahagip ng paningin ko ang pag angat ng isang sulok ng labi ni Scor.

"Nakakatawa 'yon ha?" Tanong ko sa kanya.

Nalaglag ang panga ng dalawang gaga kong mga kaibigan.

"Kilala mo?" Tanong ni Maddie. Katabi ko si Scor at nasa likod namin silang dalawa. Punyetang elevator! Bakit ang tagal?

"Hi. I'm Scor. Tosca's business partner." Nginitian niya ang mga kaibigan ko at naglahad pa ng kamay na tinanggap naman nila.

Medyo naiinggit ako dahil kahit minsan ay hindi niya ako nginitian ng ganon. Pero focus, Tosca! Galit ka diyan diba?

"Ahh! So ikaw pala 'yon? Lagi kang kinikwento sa amin nitong si Tos eh." Mariin akong pumikit. Mukhang ilalaglag ako ng mga gaga.

"Talaga? Ano bang mga kinikwento niya?" Nanunuyang tanong niya. Halatang inaasar ako.

Bago pa man maka sagot ang isa sa kanila ay tumunog na ang elevator. Nasa lobby na kami. Hinila ko si Laine palabas at nakaladkad niya din si Maddie. Hindi ko na kayang tumagal ng one second kasama si Scor. We have to get away from here!

"Okay, let's go!" Kabadong sabi ko.

"H-hey! Wait lang, Tos!" Sigaw ni Laine sa akin.

"You can join us if you want! Flotsam and Jetsam! See you!" Sigaw ni Maddie kay Scor.

Hindi ko na sila nagawang lingunin! Pakiramdam ko pulang pula na ang mukha ko! Talagang niyaya pa nila si Scor! Paano ako makakapag enjoy niyan? Gigil na gigil ako sa dalawang bruha nang nakalayo na kami.

"Bakit naman niyaya niyo pa 'yon?" Inis na tanong ko sa dalawa habang nag lalakad kami sa dalampasigan.

"Bakit? Eh business partner mo naman. Chaka papa ah!" Humalakhak si Laine na may kasama pang hampas sa akin.

"Wag ka nga! Akin na 'yun." Sagot ko.

"Weh? True na ba 'yan?" Natatawa din namang sagot ni Maddie.

"Oo nga! Kaya wag na kayong umentry! Tara na nga, puro kayo landi eh." Inirapan ko sila at nauna nang mag lakad.

Hindi pa gaanong madami ang mga tao sa flotsam and jetsam. Naupo kami sa may bandang gilid. Sa gitna kasi ay puro mga mats at bean bags. Doon kami umupo sa may table at upuan.

"Ano iinumin?" Tanong ni Maddie habang ini instagram stories ang paligid.

"Bacardi na agad! Nang mag kaalaman na." Tumawa ako at naisipan ko ding i story ang lugar. Kinunan ko pa silang dalawa at nag hi naman sila.

"Sige. Snacks? Ayaw niyo?" Sabi ni Laine habang busy sa pag pili sa menu.

"Chicken wings."

Ilang sandali pa ay dumating din ang inorder namin. Nagsisimula nang dumami ang tao. Maya maya lang ay mapupuno na ito. Ang dami ko nang nakikitang mga hunk na naka polong bukas at shorts. Meron ding mga foreigner na tingin ng tingin sa amin kanina pa.

Sinimulan namin kaagad na uminom at nang paubos na namin ang unang bote ng Bacardi ay biglang kumunot ang noo ni Laine. May tinitingnan siya doon sa bar.

"Tos! Yung ka partner mo ba yun?" Tinuro niya gamit ang nguso niya.

Nakatalikod ako mula sa bar kaya halos mabali ang leeg ko makita ko lang kung si Scor talaga 'yon. At oo nga, siya nga! Bakit dito pa siya iinom eh ang dami dami naman diyang pwede. Nakakainis! Umiiwas nga ako eh. Nananadya ba siya?

"Uy! Kinilig pepe! Ano? Invite mo na. Kawawa naman, mag isa lang." Sabi sakin ni Maddie.

"Tsk. Eh! Badtrip nga ako diyan eh. Sabihan ba naman akong flirt?" Sagot ko bago inisang lagok ang natitirang inumin sa baso ko.

Nakaka instulto lang kasi talaga. Eh sa totoo nga lang eh, simula nung nakilala ko siya parang nawalan na ako ng ganang makipag hang out with other guys. Basta gustong gusto ko siya eh!

"Ay talaga? Eh bakit samin ang bait niya?"

"Aba malay ko. Baka allergic lang talaga sakin." Sabi ko nalang para hindi naman masyadong halata na nahu hurt ako.

"Ayan girl. Naunahan ka na! Tingnan mo may girl na lumapit." Tutok na tutok pa din si Laine kay Scor. Kulang nalang bigyan ko siya ng popcorn.

Lumingon ulit ako at tama nga si Laine. Mayroon nga siyang babaeng kausap. Nag tatawanan pa talaga sila. At saka mukhang interesadong interesado siya sa babae. Sumiklab ang inggit sa sistema ko. I want him to look at me like that. Gusto ko ngitian niya din ako at maging interesado din siya sakin. Dahil ako? Baliw na baliw ako sa kanya.

"Huy! Natahimik ka. Hayaan mo na girl. Madami namang boys dito." Maddie said. I can heat the sympathy in her voice.

"Yeah. She's right. Kayang kaya mong pumick up dito kahit sino 'no. Ang pangit naman ng kausap ng papa mo eh." Sumali si Laine sa usapan.

You know what, tama sila eh. Dapat hindi ako mag mukmok dito. Kaya ko nga sila pinapunta ay para malibang ako. Kung kaya niya makipag flirt sa iba edi gagawin ko din. Tutal iyon na naman ang tingin niya sa akin eh, papanindigan ko nalang.

Tumayo ako at agad na umikot ang buong paligid ko. Isa lang ang nasa isip ko ngayon. Sasayaw ako. I am Tosca Escovillia. Kahit sino ay hindi makaka tanggi sa akin. Well, except kay Scor syempre.

"Sasayaw ako. Sunod kayo." Di ko na sila nilingon. Dala ko ang isang baso ng bacardi at coke at doon ako pumunta sa gitna.

Napaka alive ng tugtog kaya nakaka engganyong sumayaw. Dinagdagan pa ng pagkagaan ng katawan ko dahil sa alak. Maya maya pa ay nakaramdam ako ng kamay na humapit sa bewang ko. Pag lingon ko ay isang hunk na lalaki ang sumasayaw sa akin. Basketball player ata ito ng isang sikat na university.

"Hi." Bati ko at humarap sa kanya. Nasa likod ko na ang kamay niya at sinasabayan niya ang bawat galaw ko.

"You look familiar. Artista ka ba?" Tanong niya.

"Nope! I'm Tosca. You are?" Umiikot na ang paningin ko at pungay na ang mga mata ko.

"Keith. Ang hot mo naman, Tosca." Kinindatan niya ako at mas lalo niya pa akong hinapit. Tumawa ako at nilagay sa leeg niya ang kamay ko.

Gwapo sana itong si Keith pero mas gwapo pa din si Scor... Argh!!! See, Tosca? May hunk kang kaharap pero 'yung gagong 'yon pa din ang nasa isip mo!

Lalong umikot ang paningin ko. Naramdaman kong lalong dinidiin ni Keith ang katawan niya sa akin. Particularly his junk. Medyo nagiging uncomfortable na ako kaya lumayo ako ng konti pero kinabig niya ang leeg ko at hinalikan ako. Wala pa atang dalawang segundo ay naramdaman ko ang isang kamay na humatak sa braso ko. Sobrang lakas ng pagkakahatak noon.

"Ouch!" Sigaw ko.

"Hey! That's my girl! Bitiwan mo siya." Sigaw ni Keith sa kung sino mang humila sa akin. Lalo akong nahilo sa biglaang paghila sa braso ko.

"Asa ka pa, bro." Scor scoffed.

Nanunuya ang boses niya. Doon ko lang na realize na siya pala ang humila sa akin at hanggang ngayon ay naka hawak pa din siya ng mahigpit sa braso ko. Papikit pikit na ako dahil sa sobrang hilo.

"Gago ka ah! Sino ka ba?" Sigaw ni Keith. Dinuduro si Scor.

"Boyfriend ako. Bakit? Ikaw sino ka ba?" Tangina! Ano daw? Boyfriend?

Ang laki ng boses ni Scor. Nakakatakot. Na estatwa ako sa gitna nilang dalawa dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Unang una, lasing na ko. Tapos na-shock pa ako sa mga pangyayari.

Nang makabawi ako ay napatingin kaagad ako sa paligid. Napapansin na kami ng mga tao. Ano nanaman bang problema sa akin ng insektong 'to? Kinalas ko ang pagkaka hawak niya sa akin at nang mabitawan niya ako ay halos mabuwal ako.

"Stop it. Tosca." Matigas niyang sabi. Nagkamot ako ng ulo at inirapan siya.

"Sshhh! Umalis ka na nga!" Nilagay ko sa labi ko ang hintuturo ko at ang isang kamay ko ay nag muwestra ng 'shoo'.

"You bet I am." Tumango tango pa siya na parang hinahamon ako.

Di pa ako nakakapag react ay hinila niya nanaman ako. Ngayon ay mas marahas. Wala akong nagawa kundi ang magpatianod. Tuloy tuloy niya akong hinila hanggang nasa madilim na parte na kami ng beach patungo sa hotel. Sa kakahila niya ay nadapa ako sa buhangin. Tumama ang tuhod ka sa isang maliit na bato kaya nasugat 'yon.

Sumalampak ako sa buhanginan at doon lang siya tumigil. Naiyak ako. Sobrang naiyak ako. Di ko alam kung dahil ba sa sugat ko o dahil sa alak. Sa tingin ko ay naiyak ako dahil sa sobrang frustration. Ayaw niya sa kin, ayaw niya din ako sa iba. Putangina, ano bang gusto niya?

"Stand up Tosca." Parang wala lang na sabi niya. Hawak niya pa din ang kamay ko.

Umiling ako habang patuloy ang paglandas ng luha sa pisngi ko. Ang dami kong gustong sabihin pero napipipi ako. Lasing na nga talaga ako. Para na akong tanga eh. Bumuntong hininga siya at tumingala na parang inis na inis sa akin. Oo na. Sige na galit ka na nga eh. Di mo na kailangan ipamukha. Ang ending, parang ako pa yung may ginawang kamalian sa kanya.

Binawi ko ang kamay ko at pinunasan ang pisngi ko. Nakauyuko kong pinigilan ang pag-hikbi.

"O-okay na. S-sorry. Una ka na sa hotel. Susunod ako. Kaya ko promise." Sino bang inuto ko? Baka nga dito na ko makatulog sa dalampasigan eh. Nasaan na ba kasi mga kaibigan ko?

"Tumayo ka na." Ulit niya.

As usual. Wala naman akong panalo eh. Ni hindi man lang niya tinanong kung bat ako umiiyak. Wala talaga eh. Tumayo nalang ako. Hirap na hirap ako dahil kahit na namamanhid buong katawan ko, ramdam ko yung hapdi ng sugat sa tuhod ko. Pinilit kong maging normal pero iika ika talaga ang lakad ko. Hindi ako nag-o-oa, masakit talaga.

Nauuna siyang mag lakad pero nung napansin niya na ang bagal ko ay nilingon niya ako. Doon niya lang ata napansin na may sugat ako. Nakita kong para siyang nataranta at nagmura siya ng ilang beses. Binuksan niya ang flashlight ng phone niya ay itinapat niya sa bandang legs ko, narinig ko pa siyang nag-mura ulit ng ilang beses.

"Fuck. Masakit?" Yumuko siya ng kaunti para ma check iyon.

Pinag dikit ko ng mariin ang labi ko at umiling. Kapag nag salita ako hahagulgol ako ulit. Titiisin ko nalang at sa hotel na ako iiyak. Masyado na akong napapahiya sa harap niya.

"Shit. I'm sorry. Come on. I'll carry you." Lumambing ang boses niya at hindi na din ako pumiglas. Binuhat niya ako, bridal style. Ang lapit ng mukha niya sa akin kaya malayo ang tingin ko. Pulang pula sigurado ang mukha ko.

Kahit na pinagtinginan kami sa lobby ay dedma siya. Bumabaliktad ang sikmura ko at hilong hilo pa din ako. Nasaan na kaya ang mga walang hiya kong kaibigan? I hope that bottle of Bacardi is worth it.

Nilapag niya ako sa malambot na kama at parang automatic na bumigat ang talukap ng mata ko. Kinumutan niya ako habang ako ay titig na titig sa kanya.

"Sorry ulit. Pahinga ka na. Let's talk tomorrow." Tinitigan niya rin ako.

Nang lalayo na siya ay hinablot ko ang damit niya upang pigilan siya.

"I really like you. Bakit ayaw mo sa akin?" I am so pathetic. So pathetic.

"Sleep, Tosca. Lasing ka." Hinawakan niya ang kamay ko para kalasin anv kapit ko sa damit niya. Lalo ko lang hinigpitan 'yon.

"No! I know what I'm saying. Anong mali sa akin, Scor? Why can't you like me back? What do you want me to do? Do you want me to change? I'll change, Scor. I'll do everything. I'll be a good girl." Halos mag makaawa ako sa kanya.

Hindi ako ganito eh. Hindi ko ugaling mamalimos ng affection. Pero ibang iba sa kanya eh. Tinamaas nga ata talaga ako.

"Then change, Tos. And then we'll see."

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 58.6K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
1.5M 52.4K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
15.2M 587K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
2.9M 104K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...