Chapter 48
Sa Manila…
JULIA’s POv
“Diego, kamusta na? Nahanap na ba sila??”
May problema ba?? Ba’t hindi siya kumikibo??
“Diego, magsalita ka naman!!”
“Julia, wala na sila…”
“Anong ibig mong sabihin??”
“Nasa Morge na sila….”
“Hindi yan totoo!! Hindi sila yun!!”
“Julia, tama na! tama na!!”
“Hindi sila yun!!”
“Tama na! Wala na sila!!”
Wala? Ganun na lang ba lahat??
………………………………………………...
Sa Morge…
“Kath, DJ? “
“Natagpuan ang bangkay nila…” ang sabi ni Diego
“Pero, baka hindi sila ‘to!!”
“Hindi ko din alam kung saan sila natagpuan..”
“Mas mabuti na rin siguro na ganito, para matapos na lahat ng pagdurusa natin…”
Pinagmasdan ko sila…
Pa’no ba to nangyari??
Halos hindi ko na sila makilala…
Nagsidatingan ang mga magulang ni DJ at Kath..
Mabuti naman at nandito na rin si Tita Karla…
Wala kaming nagawa kundi tanggapin ang mga nangyari…
Hindi tumigil ang pag-iyak ni Tita Min..
“Kath!! Anak, ba’t nangyari ‘to?? ba’t mo kami iniwan??”
Lumapit ako sa kanya para i-comfort siya…
Pero tuwing sinasabi niya ang sa’kin na hindi niya kaya…
Pinanghihinaan ako ng loob…
Wala akong ibang hiniling sa Diyos kundi ang makita sila…
At tinupad niya nga yun…
Pero bakit kailangang humantong pa sa lahat ang ganito??
Sana nabigyan ako ng pagkakataon na humingi ng tawad sa lahat ng mga nagawa ko…
Lumabas muna ako saglit para magpahangin…
Sa tuwing naiisip ko sila, hindi ko kinakaya…
Bumibigat ang loob ko…
“Julia…” ang mahinang tawag sa’kin ni Tita Karla..
“Tita, hindi ko na po kaya…” sabay akbay sa kanya..
“Be strong, alam kong nalulungkot ngayong si DJ dahil nakikita ka niyang umiiyak. Gusto mo ba siyang makita??”
Hindi ako kumibo…
Sumingit sa usapan sina Mommy at Daddy…
“Karla, siguro, huwag na lang. Mas masakit sa kanya kung makikita niya pa si DJ.”
“Naiintindihan ko…” ang sagot ni Tita Karla..
DAY 13
Hindi na nila pinatagal pa…
Alam nilang mahihirapan lang silang makita si Daniel at Kath..
Napag-usapan nina Tita Karla at ni Tita Min na pagtabihin sila…
Mahirap man sabihin pero kailangan na namin silang dalhin sa huling hantungan…
Siguro, masaya na si Kath at Daniel ngayon…
Pinilit kong hindi umiyak…
Pero hindi ko kinaya…
Mas mabuti ngang matapos na ang lahat ng ito…
Alam kong lagi nila kaming gagabayan..
Hindi ako pababayaan ng bestfriend ko…
Hindi papayagan ni Daniel na magdusa ako…
Nag-usap kami ni Tita Min …
“Julia, I never thought this will happen…”
“Ako nga din po, marami akong sinayang na oras…”
“I should have sacrificed my work, nakakasama ko lang si Kath sa gabi, sa panahong tulog na siya. Naaalala ko pa, napakahigpit ng yakap niya sa’kin nung inihatid namin siya sa Airport, I didn’t expect na yun na pala yung huli.”
Pinagsisisihan ko na hindi ko siya masyadong nakasama sa gubat…
Sana naging mas mabuti pa akong kaibigan…
“Julia, be strong, anak. Alam kong napatawad ka na ni Kath sa lahat ng kasalanang nagawa mo. Alam kong mahal na mahal niya ang Bestfriend niya...”
“Tita, ba’t ganun? Ba’t ang daya ng oras??”
“That’s life, Julia, time is playful. basta anak, Basta Julia, magpakabait ka, pilitin mong kalimutan ang lahat. Pipilitin din namin, pupunta kami ng California. Magbabagong buhay, at sana sa muli nating pagkikita, maging okay na ang lahat. Pahalagahan mo ang mga tao sa paligid mo. Be happy for what you have now.”
“Tita, salamat po, sana po maging masaya kayo. Kasama niyo po si Kath sa lahat ng oras, hindi niya po kaya pababayaan..”
………………………………..
Hindi ko na nakausap si Tita Karla…
Sinabi niya na lang sa’kin na aalis din sila..
Gusto nilang kalimutan ang lahat…
……………….
Nagpaiwan muna ako…
Gusto kong mapag-isa…
Gusto kong magpaalam kay Kath at Daniel…
“Samahan na kita..” alok ni Diego
“Huwag na, alam kong pagod ka. Magpahinga ka na, aalis na tayo mamaya…”
Oo, aalis na din kami…
Alam ni Mommy at Daddy na mahihirapan akong mag move on kung mananatili kami dito…
Lumapit ako sa puntod ng dalawa…
Kath, Daniel…
Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na kayo…
Hindi ko alam, Hindi namin alam ni Diego kung anong kahahantungan ng lahat ng ito…
Pupunta na pala kami ng America…
Sana naiintindihan niyo ako…
Magiging mahirap sa’kin kung mananatili ako dito…
Eto na nga…
New life is waiting…
I hope, ang desisyon naming umalis ang makakabuti sa’min…
Kasama ko si Diego, ang mga magulang ko at magulang niya…
Siguro, after 3 years, uuwi kami dito para bisitahin kayo…
Umalis man kami dito…
Hindi ko pa rin makakalimutan ang mga panahon na magkakasama tayo…
Tawanan, Iyakan, Kwentuhan…
Nagpapasalamat ako na kahit sa kunting panahon na inilagi niyo dito sa mundo, naging parte ako ng buhay niyo…
Magiging mahirap ang buhay na haharapin namin ng wala kayo…
Minsan nga, parang mas mabuti na hindi ko na lang kayo nakilala…
Kasi nasanay na ako na kayo ang kasama ko…
Pero napapaisip ako, hindi magiging kumpleto ang buhay ko…
Kung hindi ko kayo nakilala kasi…
Halos lahat ng oras, lahat ng araw, kayo ang kasama ko sa school..
Sana masaya na kayo sa kung nasaan man kayo ngayon…
nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos na minahal niyo ako…
Once in my life, I have met you…
I’m so lucky na naging Bestfriend kita Kath, at naging boyfriend kita Daniel…
Swerte pa rin ako dahil naging masaya ako sa piling niyo because I know, I’ll never have another chance to live…
I know, I never pass this way again..
Thank you kasi, I’ve shared my life with you…
Hindi ko kayo makakalimutan…
Beepp!! Beeppp!!
Sinusundo na’ko nina Daddy..
“Anak, halika na. mahuhuli na tayo sa flight…”
Paalam Daniel..
Paalam Kath…
----------------------------
Pabasa po ng ONE SHOT story ko, KathNiel Version po yun :))