Playlist

By GreatGatsby08

9.4K 362 402

One shot collection of VJ stories. More

Starlight
The One That Got Away
Huling Gabi
Walang Hanggan
Imagine
E. T.
Endless
Happiness
Overboard
The Only Exception
Happier
Decode
Tequila
The Fault In Our Stars
8 Letters
Promise
Maybe This Time
Hindi Tayo Pwede
12:51
Will You Ever Learn
Happier
Pansamantala
The Last Time
이 사랑을 죽여라.
25 Minutes
Lunas
Halaga
Pagtingin
If Tomorrow Never Comes
It's Sad To Belong

Isa Pang Araw

222 8 11
By GreatGatsby08

3rd Person's POV

Tahimik na naglalakad ang mag-asawag Jackie at Vice sa dalampasigan ng San Juan beach sa La Union habang magkahawak kamay. Nagkukulay kahel ang kalangitan sa dahan dahang paglubog ng araw sa kanluran.

Maya maya ay huminto sila at humarap sa dagat dahilan para pareho silang tamaan ng liwanag ng papalubog na araw.

Nilingon ni Vice si Jackie bago ito napangiti. Dinala nito ang kamay ng huli sa mga labi niya para gawaran ng mumunting mga halik.

"Finally, natapos din yung kasal natin."

Sabi ng lalaki sa asawa niya na ngumiti lang din bago yumakap dito. Nakangiti si Jackie habang nakayakap sa dibdib ni Vice.

Nakangiti pero may mga luhang tumutulo mula sa mga mata niya.

May saya pero may kasamang lungkot.

Ramdam man ni Vice ang mga luha ng asawa na siyang bumabasa sa suot nitong puting cotton na polo ay hindi na ito nagtanong pa.

Yumakap lang din ito ng mahigpit kay Jackie tapos ay humalik sa tuktok ng ulo nito.

"Parang kailan lang no? Parang kailan lang yung una nating pagkikita. Ay mali! Pagkakakilala pala."

Sabi ni Vice habang nakamasid sa malawak na karagatan.

Para bang nag-babalik tanaw sa nakaraan nilang mag-asawa.

"Yung mga pinakamasasayang araw ng buhay ko, Jackie, lahat andun ka. Mapa-gala man natin, mapa-food trips o kahit pa nga yung mga away eh. Andun ka. Kasi ikaw yung naglalagay ng saya sa mga araw na yun."

Dugtong nito sa unang sinabi. Lalo lang namang naiyak si Jackie at ngayon ay humihikbi na. Bahagya siyang lumayo sa asawa upang pagmasdan ito.

Hinaplos niya ang mukha ni Vice at tahimik na tinitigan na parang minimemorya ang bawat detalye nun.

Hindi mapagkakaila ng makakakita na sa pagitan ng dalawang taong nakatayo sa dalampasigan ay ang isang pagmamahalan na sinubok na ng panahon.

"Mahal na mahal kita, Vice. Alam mo naman yun di ba?"

Sabi ni Jackie. Tumango lang si Vice bago pinunasan ang mga luha sa pisngi ng kabiyak. Humalik ito sa noo ni Jackie pagkatapo ay sa dulo ng ilong nito tsaka tumitig sa mga mata ng asawa bago hinalikan ng tuluyan ang mga labi nito.

Flashback....

Unang nagkakilala ang dalawa sa isang social media platform. 3rd year college si Jackie ng mga panahong. Hindi sinasadya at hindi pinagplanuhan.

"Sira madali lang naman yan! Ano ka taga kuweba. Jusko naman Jackie. Akina yang phone mo, igagawa kita ng twitter account."

Si Madc yun. Kasalukuyan silang nakaupo sa loob ng isang fastfood chain na malapit lang sa school nila. Para manahimik ang kaibigan na kanina pa siya kinukulit ay inabot nalang ni Jackie ang phone niya na agad namang hinablot ni Madc.

"Ano bang gusto mong username? Uhm. Alam ko na!"

Sabi ni Madc habang tumitipa sa phone ni Jackie. Napabuntong hininga nalang ang huli bago nangalumbaba at tumingin sa labas ng bintana.

"Nagtanong ka pa eh. Bilis na nga, maglalaro pa ako ng ML."

Naaasar na sabi ni Jackie matapos ang ilang minutong pagbubutingting ni Madc sa phone niya. Nakangiti namang iniabot iyon ni Madc sakaniya bago ito ngiting ngiting nagsalita.

"Welcome to the twitterverse! Makakalimutan mo ang ML dito. Malay mo makahanap ka pa ng majojowa!"

Sabi nito. Nag-roll lang ng mata si Jackie bago kinuha ang phone mula sa kaibigan at tinignan yung ginawa ni Madc na profile niya. May isa na siyang follower, malamang, si Madc.

"Jowa? Dito? Sus. Sa tunay na buhay nga wala! Dito pa?"

Sarkastikong sabi ni Jackie bago ulit binalingan yung phone. Icoclose na sana niya yung app nung may bagong notification na dumating.

Napakunot noo siya bago yun tinignan.

"Oh, sino naman tong JM Vicepogi na to."

Sabi niya sa sarili. Mejo malakas yun kaya agad naman narinig ni Madc. Dali dali itong lumipat sa tabi ni Jackie at tinignan yung sinasabi ng kaibigan.

"Ay grabe. Ayan, ayan, oh. Ikaw na ikaw na."

Mejo inis na sabi ni Jackie sabay bigay ng phone sa kaibigan niyang magkanda subsob subsub na sa kakatingin sa hawak niyang phone. Inagaw naman yun ni Madc.

"Feeerr! Mas maganda pa sayo, te!"

Sabi ni Madc sabay balik ng phone kay Jackie. Inirapan lang niya ang kaibigan bago tinignan ang letrato ng bagong follower niya na mukhang finallow back na ni Madc para sakaniya.

Matte blonde yung kulay ng buhok nito na under cut ang gupit. Naka brush up yun at lalakeng lalake amg dating pero yung mukha eh parang naka-make up.

"Mas magaling pa siya magkilay kesa sakin oh."

Natatawang sabi ni Jackie sa kaibigan bago natatawang isinara yung app at tahimik na naglaro nalang.

Buong araw na hindi napansin ni Jackie yung phone niya dahil sa pagkabusy sa school. Mag-a-alas dies na nung makauwi siya at pag pasok palang ng kuwarto ay agad na nitong binagsak ang katawan sa kama niya.

Halatang pagod ito sa buong araw na pagcocomply sa mga kung ano anong nirerequire ng mga propesor niya pero mukha namang hindi pa siya inaantok.

Parang bigla siyang may naalala at agad na kinuha ang phone mula sa bag niya.

"Shit! Sabi ko na nga ba. Tsk."

Mejo inis na sabi niya sa sarili niya. Hindi ko alam kung ano yung nakalimutan niya dahil di naman niya nabanggit pero maya maya pa ay nagdial na siya sa telepono.

"Hello, Ma? Sorry. Sorry talaga. Nawala sa isip ko ang dami po kasing ginagawa sa school. Babawi ako sa weekend."

Sabi niya sa kausap. Hindi ko na din inalam kung anong pinagusapan nila ng nanay niya pero pagkatapos ng tawag na yun na tumagal ng ilang minuto ay napatingin siya sa phone niya ng saglit. Parang nagdadalawang isip.

"Huh?"

Maya maya pa ay nasabi niya habang may kung anong nakita sa phone niya.

Direct message galing dun sa JM Vicepogi.

Isang salita lang yun pero doon nagsimula yung kwento nila.

"Hi."

Vice's POV

Hindi ko alam kung bakit ko finallow yung Jackie Gonzaga na nakita ko kanina sa suggested profiles.

Nakita ko kasi na finallow ni Madc at finallow back niya si Madc.

Si Madc yung member ng PEP Squad ng school kung saan nagaaral yung kaibigan kong si Vhong. Crush na crush nga niya yun eh tapos inistalk niya pa araw araw kaya naman nacurious din ako.

Pero hindi ko siya crush.

Bumalikwas ako mula sa pagkakahiga sa kama at tumayo para kumuha ng tubig.

Nasa loob ako nun ng condo ko malapit sa school na pinagaaralan ko. Hindi ako pumasok ng araw na yun dahil nilalagnat ako kaya itong twitter nanaman ang napag diskitahan ko.

Chineck ko yung profile nung Jackie.

"Maganda din."

Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad pabalik sa kuwarto. Iisang picture lang ang andun, yung ginamit lang niya sa icon niya.

Padapa kong binagsak ang katawan ko sa kama bago hinover yung thumb ko sa envelope na icon sa profile ni Jackie. Hindi ko naman alam kung anong pumasok sa isip ko at nagDM ako sakaniya.

Ilang beses akong nagtype ng message pero binubura ko din. Hanggang sa simpleng "Hi" nalang ang sinend ko. Ilang minuto akong naghintay ng reply pero wala kaya natulog nalang muna ako.

Nagising ako na madilim na ang paligid kaya agad akong bumangon mula sa pagkalahiga. Mejo sumasakit na din yung ulo ko sa sobrang haba ng naitulog ko. Chineck ko muna yung phone ko bago naghalungkat ng makakin sa ref pero wala naman akong magustuhan sa mga nandun.

"Tsk. No choice. Kailangan talagang lumabas."

Sabi ko sa sarili ko bago bumalik sa loob ng kuwarto at nagbihis ng panglabas. Nagtext ako kay Vhong para magpasama at agad naman siyang dumating.

"Bilis ah. Basta libre?"

Natatawang sabi ko habang pasalubong sa naglalakad na si Vhong. Nakasuot lang siya ng casual na shorts tsaka puting t-shirt. Napangiti lang siya sabay kamot ng batok.

"Alam mo naman, nasa laylayan ako ng lipunan."

Natatawang sabi niya. May hidden agenda din naman talaga ako kaya ko siya pinapunta dito.

Si Jackie.

"Naku! Sinasabi ko na nga ba! Off limits si Jackie. Kahit pinakain mo ako ng tig-wampayb na steak."

Iiling iling na sabi ni Vhong habang nagpupunas ng mga labi. Katatapos lang namin kumain sa favorite kong steak house at ngayon ay inuubos yung isang bote ng red wine na kasama nung inorder namin.

"Kakaibiganin ko lang naman. Sige na. Tulungan mo na ako."

Pangungulit ko kay Vhong. Alam ko, andami namang magagandang babae sa school ko. Mas magaganda pa kay Jackie pero kung bakit naman sakaniya ako nahumaling.

Tinitigan ako ni Vhong saglit bago uminom ng wine mula sa baso niya. I sat there waiting habang siniswirl ko yung wine na nasa baso ko.

Inamoy ko yung wine.

Fruity with nutty undertones. Not my favorite pero hindi na din masama.

Nainom ko na yung wine pero hindi pa din sumagot si Vhong.

"Please? Hindi ko liligawan or what ever, kakaibiganin ko lang."

Sabi ko. Wrong move.

Tinignan ako ng deretso ni Vhong bago inilahad ang kamay niya saakin.

"Mag-promise ka. Hindi mo liligawan at lalong hindi mo jojowain."

Seryosong sabi niya. Napailing nalang ako bago tumango at kinamayan din siya.

"Kung maka-ano ka naman akala mo kapatid mo eh. Ni hindi mo nga yata kaibigan yun."

Sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi na sumagot pa. Pangiti ngiti nalang ako habang naglalakad kami pabalik sa building ng condo ko.

"Paano? Bukas? Bukas ha? Isasama mo ako sa pagsundo mo kay Madc? Ha?"

Pangungulit ko kay Vhong. Tumango naman ito kahit mukhang hindi pa din kumbinsido sa sinabi ko. Hindi na siya umakyat pa sa unit ko dahil may quiz pa daw siya bukas at kailangan niya magbasa at malalim na din naman ang gabi.

Nagshower ako bago humiga. Naalala ko naman kaagad na nagsend pala ako ng DM kay Jackie at hindi ko alam kung nagreply ba siya. Agad kong kinuha mula sa side table yung phone ko, walang kahit anong cover yun kaya mejo madulas.

"What the fuck!"

Mejo malakas na sabi ko nung mabagsakan ko ng phone yung mukha ko. Pero agad nawala yung sakit nung makita ko na may isa akong nareceive na DM. Napangiti ako ng pagkaluwag-luwag.

Nagreply siya.

Napangiti ako na parang teenager na pinansin ng long time crush niya sawakas.

Hindi ko maexplain yung kilig na nararamdaman ko habang binabasa yung reply niya saakin.

"Hello. I'm not interested so humanap ka na lang ng ibang pagtitripan mo. Isa pa, mas maganda ka pa sakin."

Malakas kong basa sa reply niya. Gusto ko talaga yung mga ganitong reply eh. Hindi pamigay tapos mejo masungit, ganun.

Pangiti-ngiti akong nagcompose ng message, binasa yun at sinend.

Hindi ko alam kung paanong napahaba ko ng hanggang 3am yung conversation pero nangyari. Nalaman ko na member din siya noon ng Pep Squad pero hindi na tumuloy dahil mejo naging demanding yung course niya.

NBSB at walang planong magkajowa.

Walang plano pero nagawan ko pa din ng paraan.

Alam kong nagpromise ako kay Vhong na hindi ko jojowain si Jackie pero nangyari eh.

We just clicked.


Para siyang switch ng light....


Kasi nung dumating siya nagkaroon ng liwanag ang mundo ko...




Yiiieeeeeeee ang corny ko.



Inaway ako ng kaunti ni Vhong dahil sa nangyari pero in the end naging okay din naman kami. Hindi niya naging girlfriend si Madc pero nakahanap naman siya ng true love kay Anne.

Okay ang lahat hanggang isang araw before graduation....






"Vice! Bilisan mo! Asan ka na ba! Si Jackie!"

Panicked ang boses na sabi ni Vhong saakin habang kausap ko siya sa telepono. Hindi ko naman alam ang una kong haharapin sa sobrang kaba dahip kagigising ko lang nun at wala pa sa tamang wisyo ang utak ko nung matanggap ko ang balita.






Nakasakay sa bus na pagmamay-ari ng school sila Jackie para umattend ng Seminar pero hindi pa sila nakarating ay naaksidente na yung sinasakyan nila.





"Saglit!! Itext mo sakin kung san siya dinala. Paalis na ako."

Nagmamadaling sabi ko kay Vhong habang nagsusuot ng sapatos. Binulsa ko yung phone at agad na kinuha yung susi ng kotse ko bago halos magkanda-dapa dapa na sa kakatakbo pababa ng parking.






"Masyadong severe yung trauma sa utak ng pasyente at may mga hemorrhage na nabuo sa ibang part ng utak niya. We will put her into a Therapeutic Coma or Induced Coma to allow her brain to heal on its own."

Mejo mabagal na sabi ng doctor sa umiiyak na Mommy ni Jackie. Nasa waiting area kami nung dahil hindi pwedeng sabay sabay kaming pumasok sa ICU kung nasaan si Jackie.



Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano magrereact sa sinabi ng Doctor. Nakakatakot dahil may chance daw na baka hindi na magising si Jackie at kung magising man ay baka walang maalala.



Nanghina yung mga tuhod ko sa idea na baka mawala siya.




Baka huling beses na yung paguusap namin kagabi sa phone na nauwi pa sa hindi pagkakaunawaan.







Hindi ko namalayan na humahagulgol na pala ako sa iyak at dinaig ko pa yung nanay ni Jackie sa iyak ko.

Tumabi si Vhong saakin at umakbay.



"Brad, kaya ni Jackie yan. Siya pa ba? Di ba? Fighter yun eh."

Lalo lang akong naiyak sa sinabi niya dahil naalala ko yung away namin kagabi.



Kung paano siyang umiiyak habang kausap ko siya tapos ako? Nagmamatigas.




"Hindi manlang ako nag-sorry."

Mejo hindi malinaw na sabi ko. Pero paulit-ulit ko pa ding sinabi.




Hinagod ni Vhong yung likod ko na lalo lang nagpaiyak saakin.



I felt so guilty at iniisip ko na sana ako na lang.



Bakit si Jackie pa yung nasa sitwasyon na to.






Hindi ko alam kung paano ako nakapasok sa ICU para makita siya. Binigyan lang ako ng 15 minutes ng nurse dahil bawal daw talaga ang dalaw o bantay sa loob.



Naiyak nanaman ako sa nakita kong kalagayan niya.

Napakaraming tubes ay kung ano-anong naka-konekta sa katawan niya.

May benda sa ulo at sa kaliwang braso.

May mga pasa sa ibang parte ng mukha niya at may mga sugat sa katawan.




Pinigilan kong umiyak kasi baka maistorbo ko yung ibang pasyente.


Hinawakan ko nalang yung kamay niya bago halos pabulong na nagsalita.


"Baby, please lumaban ka. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nawala ka. Please. I'm sorry, I'm sorry."

Paulit ulit kong sinabi yun sakaniya hanggang palabasin na ako ng nurse.




Araw araw akong nasa ospital kahit ayaw akong papasukin sa loob.

Araw araw kong tinatanong sa mga andun yung kalagayan ni Jackie.


Bawat pagpunta ko dun ay may kaba sa dibdib ko....

Paano kung pagdating ko sabihin sakin na wala na siya?

Paano kung bumigay na siya?

Nakakatakot.








Ilang araw, ilang linggo at buwan ang nakalipas bago kami nakarinig ng magandang balita mula sa Doctor.




"Maganda naman yung results ng last na series of tests and pwede na natin siyang alisin sa state of Induced Coma then maiilipat na ng regular na room."

Kasama ko nun ang Mommy ni Jackie na katulad ko ay parang biglang nabuhayan ng loob. Masayang masaya na kami kaso lang basag trip si Doc.


"Pero... Hindi pa natin alam yung extent ng damage sa brain niya hanggat hindi pa siya nagigising."

Bigla nanaman kaming parang pinagsakluban ng langit at lupa sa sinabi niya.







Parang sinisilihan yung buo kong katawan nung itawag sakin ng Mommy ni Jackie na nagising na siya. May kung anong lungkot sa boses noya nun pero di ko masyadong pinansin dahil excited na ako.

Excited na akong makausap siya ulit.

Makipag-kulitan ulit sakaniya.

Makipag-laro ulit ng ML kasama siya.




Namiss ko siya ng sobra.



Sobra.






"Sino ka?"

Tanong na nagpawala ng ngiti sa mga labi ko. Nasa harap ko nga siya nakikita niya ako pero hindi niya naman ako maalala.



"A-anak. Si Vice yan, boyfriend mo."

Sabat naman ng mommy niya na noon ay nakaupo sa tabi ni Jackie habang inaayos ang buhok nito. Napakunot ang noo ni Jackie habang nakatingin ng seryoso saakin.

Parang binalot ng lungkot yung buong pagkatao ko. Mga mata niya yung nakatingin saakin pero walang pagkilala sa mga yun.


Wala yung pagmamahal sa mga tingin na yun.


Wala yung Jackie ko sa mga tingin na yun.







"So paano mo ako napasagot? Eh sabi mo sa kwento mo, ayaw kong mag-boyfriend."

Tanong ni Jackie sakin habang kumakain kami ng strawberries nung hapon na yun. Ngumiti lang ako sakaniya tsaka ko inayos yung buhok niyang tumatabing mga mukha niya.



"Mahirap ikwento, pero uulitin ko na lang para sayo. Magpalakas ka, tapos pag labas mo, liligawan kita ulit."

Desidido akong maibalik ang mga ala-ala namin na nabura sa isip niya. Saan pa ba mas magandang magsimula kundi sa mga oras na sinusuyo ko pa lang siya. Hindi naman mahirap yun, dahil malinaw pa din naman sa ala-ala ko.





Nanatili akong tapat sa mga salitang binitawan ko nung nasa ospital pa siya.

Habang nagpapalakas siya ay araw araw ko siyang pinupuntahan sa bahay nila kahit pa mejo malayo ang work place ko sa bahay nila.



I would bring her flowers gaya ng ginagawa ko noong nanliligaw palang ako.


Minsan dinadala ko siya sa condo para ipagluto ng paborito niyang pagkain tapos ko iseset-up yung balcony para mag mukhang camping site.

May malaking bean bag sa gitna tapos may mga fairy lights sa paligid.


Tapos kami magpoproject ng movie sa wall tapos dun kami manonood. Well, magpretend na manood dahil nagkukwentuha din kami habang nanonood ng kung anong movie na maisipan niya.




"So bakit ka nagkagusto saakin?"

Bigla niyang tanong habang nasa kalagitnaan kami ng panonood ng Frozen. Ipinaglaban ko naman yung Moana pero nagpatalo na din ako sakaniya.

Napangiti ako nung isa-isang pumasok sa isip ko yung mga bagay na nagustuhan ko sakaniya. Tinitigan ko muna siya, ngumunguya ng popcorn habang nakatuon ang mga mata sa kumakantang si Elsa.

"Madaming dahilan. Pero ang pinakanagustuhan ko sa lahat ay yung taong nagiging ako kapag kasama ka."

Sabi ko. Napalingon siya sakin habang at napakunot noo bago nagtanong.

"Explain."

Sabi niya. Natawa na lang ako. May amnesia nga pero gaya pa din siya nung dating siya, lahat ng bagay kailangan may paliwanag. Kailangan iexpound.

I smiled habang nakatitig sa mga mata niya.


"With you, I feel strong and vulnerable at the same time. Nagiging matapang ako na gawin yung mga bagay na hindi ko akalaing gagawin ko."

Simula ko. Napalunok ako while trying my best to hold back the tears. Nakwento ko na sakaniya to noon, minsan lang. Pero willing akong pagdaanan ulit yung pain maishare ko lang ulit sakaniya yung isang bagay na hindi ko magawang sabihin sa iba.


"Jackie, before I met you, takot na takot akong ma-attached sa iba. Dahil sa isang pangyayari na sayo ko lang naikwento noon, I was 16 when my mom and dad passed away. Sobrang close ko sakanila, I was shattered when they died. Nauna mommy ko, Cancer then after three months, my dad... "

Kumurap-kurap ako para pigilan ang pagtulo ng mga luha pero may isa pa ding nakawala.

Pinunasan yun ni Jackie bago hinawakan yung kamay ko. Tinignan ko yun bago huminga ng malalim at tinuloy ang kwento.

"Hindi kinaya ni Dad yung lungkot. He... He killed himself. I saw it. How he put the tip of the gun on the side of his head and pulled the trigger. I was left alone."

Sabi ko. After that natakot na ako. Ayoko nang maattached dahil ayoko na ulit pagdaanan yung agony ng mawalan ng minamahal.

Hindi ko napansin na tuloy tuloy na pala yung pagpatak ng mga luha ko kasabay ng pagkanta ni Ana ng Do You Wanna Build A Snowman. Kinuha ni Jackie yung mukha ko sa magkabilang palad niya at pinunasan yung mga luha sa mukha ko.



"Wag ka na umiyak. Pumapangit ka."

Nakangiti niyang sabi na automatic namang nagpangiti saakin. Ibang iba talaga pag siya.

Ibang iba talaga pag mahal mo.








"Nakapunta na tayo dito?"

Tanong niya habang naglalakad kami sa gilid ng dagat. Ngumiti ako sakanya at tumango, dito ko siya dinala nung araw na tinanong ko siya kung pwede ko ba siyang maging girlfriend. Dito niya ako sinagot.

Napakaganda ng kulay ng dagat na dulot ng papalubog na araw pero wala nang mas gaganda pa sa mga ngiti ni Jackie.

Hinahangin ang wavy niyang buhok habang nakaharap sa dagat at nakapikit ang mga mata.



Kinuha ko sa kamay ko yung isang kamay niya kaya napatingin siya saakin. Ngumiti lang ako bago naglakad kasama siya.

Halos lumubog na yung araw nung makarating kami sa boardwalk ng isang food hub. Inalalayan ko siyang umakyat sa hagdan na gawa sa planks hanggang sa marating namin yung deck kung saan makikita yung view ng dagat.





Napalingon siya saakin dahil sa gulat.


May naka-set up kasi doon na table for two na napapalibutan ng petals ng roses.

Naiilawan iyon ng napakaraming fairy lights na nagmistulang mga alitaptap sa papadilim nang paligid.

Inalalayan ko siya papunta sa table para makaupo kami.


May isang manipis na brochure sa harapan namin.

Matte black yung cover tapos may letters na J at V na nakasulat in cursive sa gitna nun.

Kinuha yun ni Jackie at natatawang tinignan ako.

"Yung menu nila may initials mo oh. Sayo to?"

Pang aalaska pa niya. Natawa lang ako sa reaction niya. Tatawa tawa niyang binuksan yung menu at agad na nagbago yung reaction niya sa nakita.




Napangiti lang ako.

Hindi naman kasi menu yun.

It was a magazine.


Magazine ng kwento namin.

Andun lahat ng pictures namin together mula nung naging kami up to the day before the accident.


Pinanood ko siya habang iniscan yung regalo kong yun sakaniya. Ilang minuto niya yung tinignan habang paminsan minsan ay pinapakita saakin yung letrato tapos siya magcocomment na ang pangit daw niya dun.


Napahinto siya sa huling pahina.


Bago ako tinignan na parang naiiyak na.

I smiled.


"I love you. Kahit makalimutan mo pa ako ng ilang ulit, hindi ako magsasawa na ipaalala sayo na mahal kita at ipaalala sayo kung bakit minahal mo ako. We have forever, if not a lifetime..."

Ulit ko sa mga salitang nakasulat sa last page na yun.

Tumayo ako at naglakad papunta sa harapan niya.




Knelt down on one knee.


Kinuha mula sa bulsa ko ang isang itim na velvet box at binuksan yun.




"Will you marry me?"

I asked.








That night I tweeted a photo of her with a caption...

"She said yes!"








Pero hindi kami nagpakasal kaagad. Grumaduate muna siya dahil naudlot yun at naghanap ng work dahil ayaw niyang ako lang ang gumastos para sa dream wedding namin.








After being engaged for a year and a half, nagpakasal kami.


And we lived happily ever after.

End of Flashback.....

"Vice!! Tignan mo oh!"

Masayang tawag saakin ni Jackie mula sa bandang dulo ng beach. Maagang maaga kaming nagising para maglakad lakad sa gilid ng dagat.

Napangiti ako habang papalapit sakaniya dahil ngiting ngitin nanaman siya sa kung ano mang bagay na nakita niya sa dalampasigan.



"Ano yan? May tumalo na ba sa purple na shell na nakita ko?"

Natatawang tanong ko sakaniya bago itaas ang kulang ubeng shell na nakita ko kanina habang naglalakad kami. Tinaas niya yung bagay na nakita niya bago tuwang tuwang lumapit saakin.



"HUY! BITAWAN MO YAN! BAKA MAIPIT KA PA NIYAN!"

Sabi ko nung makitang may hawak siyang mejo maliit na crab na galit na galit dahil sa pangistorbo niya. Tatawa tawa lang niya itong itinapat saakin kaya agad akong umatras.



"Si Sebastian to!"

Natatawang sabi niya bago pinakawalan sa buhangin yung crab na dali daling naglakad papalayo. Pailing iling ko siyang nilapitan at hinila sa bewang bago gawadan ng halik sa noo.


"Puro ka kalokohan."

Sabi ko. Natatawa siyang yumakap saakin bago ako inamoy-amoy na parang bata.



"Ang bango mo talaga palagi."

Sabi niya. Napangiti naman ako bago ako yumakap sakaniya ng mahigpit.






Gabi gabi akong nagdadasal na sana bigyan pa ako ng isa pang araw para makasama siya.



Mula nung araw na yun, wala na akong ibang ginusto sa buhay kundi gumising sa umaga na kasama ko pa siya.



Madiin akong pumikit para pigilan ang mga luhang ayaw na ayaw niyang nakikita. Sabi niya, wala siyang ibang gusto kundi yung maging masaya kami araw-araw.





Habang magkasama pa kami.




Habang pwede pa, habang kaya pa. Hinalikan ko siya sa tuktok ng ulo bago suminghot ng kaunti.


"I love you. I love you. I love you."

Paulit ulit kong sasabihin sakaniya na mahal ko siya. Hindi ako magsasawa araw araw habang kaya pang tupadin yung pangako kong lifetime sakaniya.









Kahit bilang na yung mga araw ko.

Wala akong ibang gusto kundi maipaalam at maiparamdam sakaniya kung gaano ko siya kamahal.




At hilingin na sana sa pag tulog ko sa gabi ay may naghihintay pa saaking isa pang araw para maiparamdam yun sakaniya.







Few weeks ago...

"Stage 4"

Nanlamig ang buo kong katawan sa huling mga salitang sinabi ng doctor. Napalunok ako bago napatingin kay Jackie na nakaupo lang sa tapat ko.

Tumigil ang buong mundo ko at parang naka-mute lahat pagkatapos nun.


Wala akong ibang ginawa kundi titigan si Jackie habang tumatakbo sa isip ko na wag nalang ituloy ang kasal namin.




Ayokong magkaroon siya ng asawang mamamatay din naman pala.




Ayokong makita niya akong unti-unting manghina at ayokong mag suffer siya habang nakikita akong nahihirapan.





Ayokong maranasan niya yung naranasan ko sa nanay ko.




Hindi ko kaya.

Hindi ko kakayaning masaktan ko siya ng ganun.










End.
-------------

Isa Pang Araw
By: Sarah G.

Sorry una sa lahat dahil sa mga typo. Bala na kayo umintindi sakin.

Sorry sabaw yung story bala na kayo malalaki na kayo.

Hahahahaha.

Pangatlo, dun sa nagtatanong sa twitter. Ito na yung sagot sorry di kita nareplyan dun dahil Hiatus ako. Sakto ka eh. Hahaha.

Second to the last na to. Tapos balik na tayo sa MG. After finals. So by June? Bahala na si Batman.

Lastly, time..

Isang bagay na hindi natin makokontrol kahit anong gawin natin. What we have is now.

Use 'now' wisely.

CHAROT! 👌🏼

Continue Reading

You'll Also Like

2.8K 103 30
Kung nasaktan ka ng taong mahal mo at iniwan ka sa oras na pinaka-kailangan mo siya handa ka bang patawarin siya? Para sa kapakanan at ikakaligaya ng...
3M 196K 89
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
1K 187 51
私はあなたを愛するのに疲れています When I was a little kid back then. elementary kid,I have a classmate that I have a crush on... yet he have a crush on someone else...
308K 7K 41
I'll be adding your age in the chapters and you will be with BTS as siblings!! Also BTS will always be older than you or Jungkook as your twin. Taehy...