Playlist

By GreatGatsby08

9.4K 362 402

One shot collection of VJ stories. More

Starlight
The One That Got Away
Huling Gabi
Walang Hanggan
Imagine
E. T.
Endless
Happiness
Overboard
The Only Exception
Happier
Decode
Tequila
The Fault In Our Stars
8 Letters
Promise
Maybe This Time
Hindi Tayo Pwede
12:51
Will You Ever Learn
Happier
Pansamantala
Isa Pang Araw
이 사랑을 죽여라.
25 Minutes
Lunas
Halaga
Pagtingin
If Tomorrow Never Comes
It's Sad To Belong

The Last Time

219 9 30
By GreatGatsby08

Vice's POV

Masakit sa balat ang patak ng malakas na ulan na sinasagasa ko habang minamaneho ang motorsiklo ko. Halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko dahil pinalabo nun ang visor ng suot kong helmet.

Hindi ko ramdam ang lamig o ang lakas ng hampas ng hangin sa katawan ko at hindi ko din alam kung saan ba ako papunta.




Isa lang ang nangingibabaw na pakiramdam saakin ngayon.




Gusto kong lumayo. Gusto kong tumakbo. Layuan ang mga bagay na nagpapahirap saakin, mga bagay na gumugulo sa isipan ko.





Iwanan ang mga tao at feelings na hindi ko maintindihan.







Sa ngayon ako lang ang mahalaga.






Sarili ko lang at wala nang iba pa. Wala akong pakialam kung may masasaktan ako o may maiiwanan ako.





Gusto ko lang ayusin ang sarili ko.




Dahil hindi ako maayos.






Huminto ako sa harap ng isang pamilyar na bahay. Nakasindi pa ang mga ilaw nun at alam kong andun siya sa loob.





Nag-alis ako ng helmet at bahagyang inayos ang buhok kong basang basa pa din dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan.






Hindi ko pa pinatay ang makina ng motor. Nanatili akong nakaupo dun at nakatitig sa bahay na nasa harapan ko.





Hindi ko alam kung bakit ako nandito at bakit nanaman ako bumalik.


Paulit-ulit.




Pabalik-balik.




Patuloy ko lang siyang nasasaktan.





Ito na yung huli.



Sabi ko sa sarili ko. Pumikit ako kasabay ng pag-dama sa malamig na hangin at sa patak ng ulan. Huminga ako ng malalim.





Sa isang iglap nagbago ang lahat.



Sinariwa ko ang bawat oras at minuto naming magkasama. Yung saya at mga ngiti. Yung malalim na emosyon na pinag-sasaluhan namin, kahit walang nakakaintindi kundi kami lang.





Yung mga oras na siya yung tinatakbuhan ko pag may problema ako tapos isang ngiti niya lang saakin o marinig ko lang yung boses niya, okay na ako. Masaya na ako ulit.




Sa kabila ng lahat ng pinakita niyang mabuti saakin, wala akong ibang naiganti kundi sama ng loob.




Napakuyumos ako ng kamao habang sabay sabay na bumabalik sa ala-ala ko yung mga away namin, yung mga hindi pagkakaintindihan. Na palaging nauuwi sa pag alis ko, sa pag iwan ko sakaniya habang umiiyak siyang mag-isa.






"Tang ina. Kakaibang klaseng gago ako."

Kasabay ng pag buhos ng ulan ay ang pagbuhos ng mga luha mula sa mga mata ko. Ilang minuto ako sa ganung kalagayan hanggang sa mapagpasyahan kong alamin kung andun nga ba siya.




Nanginginig mula sa lamig at sa kaba kong pinindot yung door bell ng front door. Ilang minuto bago dahan dahang bumukas yun.






At ngayon nakatayo na siya sa harap ko. Parang nagdesolve ang buong paligid at buong atensyon ko ay natuon sakaniya.





Sa mga mata niya.




She knows why I'm here and I can see it in her eyes.



Just like before andito siya sa harap ko handang tanggapin ako.





I broke into tears without even knowing why.



Nasasaktan ako.

Nasasaktan ako para sakaniya. Sa lahat ng ginawa kong masakit. Nasasaktan ako dahil despite all the things I've done, I can see it in her eyes.




She is giving me another chance.


One last chance.




Flashback...

Nakilala ko si Jackie sa loob ng Disney train. Pareho kaming walang kasama, di katulad ng mga kasabay namin.

Napapalibutan kami ng couples at families na masayang masaya at halatang excited sa magiging experience nila.


Samantalang kami, parehong nakatingin lang sakanila. Parang mga basang sisiw sa sulok ng tren na yun. Napahigpit ang hawak ko sa mickey mouse shaped na handle ng tren nung mapadako ang mata ko sa isang couple na tuluyan nang kinalimutan ang concept ng personal space kung makapag yakapan.




Sabagay.

Ganun din naman kami noon.

Pinong kurot ang naramdaman ko sa puso ko nung maalala na dapat pala may kasama ako sa trip na to, kaso hindi pa man natapos ang trip ay may iba na siyang trip.




Napabuntong hininga ako ng malakas.





"Kuya, ang lalim naman nun. Ayos ka lang?"

Naaalala kong sabi niya saakin nun sabay ng pagkalabit. Nakahawak siya sa isang metal post ng train pa isteady ang sarili niya.

Ngumiti lang ako sakaniya tapos umiling ng kaunti.


"W-wala naman. Ang tagal kasi ng byahe, mejo naiinip lang."

Sabi ko. Ngumiti siya ng kaunti tapos isinandal ang kawan sa post na bumabalanse sakaniya.

"Grabe no, halos lahat sila oh. May kasama. Tapos tayo, self support."

Mejo natatawang sabi niya. Napangiti ako ng maluwag sa sinabi niya dahil pareho pala kami ng iniisip.

"Sakit nila sa mata no. Dapat ipagbawal na ang masaya sa Disneyland eh. Dapat pang malulungkot at sawi nalang yun."

Pabiro kong sabi sakaniya. Natawa lang siya tapos tahimik na tumitig din dun sa couple na tinitignan ko din kanina. Kanina nagyayakapan lang sila pero ngayon may mga smack pang kasama. Napangiwi siya ng kaunti tapos napatingin saakin.






Sabay kaming natawa dahil mukhang pareho din kami ng naiisip tungkol dun.





"Spell personal space."

Pabiro niyang bulong saakin sabay hampas ng kaunti sa braso ko. Mejo feeling close pero ayos lang naman saakin. Ang tagal ko na din namang walang.... Ka-close.

Hahahaha. Wow ang corny.





Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa Disneyland at dahil sa dami ng taong nakasabay namin papalabas ay nagkawalaan kami.



"No. You need company. Two. Two."

Sabi nung isang crew ng theme park nung subukin kong sumakay sa isang rides. Hindi daw pwedeng mag isa, dapat daw two or more para balanced.






"Nang-aasar ka pa eh, nakita mo na ngang single ako. Hahanapan mo pa ako ng kasama."

Nakangising sabi ko sakaniya. Alam kong di niya naman naintindihan yun dahil napakunot noo siya bago sumenyas ulit saakin ng "two" gamit ang mga daliri.





"Ngayon naman ginawa mo akong di makaintindi ng English. Kailangan ko pa ng moral support sa ride na to?"

Sabi ko ulit na nakangiti. Napakamot nalang siya sa ulo at akmang aalis na nung biglang..








"Me! You and me. Us."

Humahangos na sabi ni Jackie. Sabay senyas dun sa crew na tinaasan lang ako ng kilay bago kami pinasakay. Ang daming kaartehan.












"Discrimination sa mga single."

Natatawang sabi ni Jackie samin nung makababa na kami. Natatawa lang akong tumango bago tumingin lang sakaniya. Sa ganda nito, single?










"Sa ganda mong yan, single ka? Parang di ako naniniwala. Wala kang boyfriend?"

Tanong ko sakaniya. Natawa lang siya bago umiling iling. Tumango lang ako at saglit na tumahimik habang naglalakad kami ng walang specific na patutunguhan.









"Baka naman girlfriend meron?"

Pabiro kong sabi. Lalo naman siyang natawa bago ako tinignan ng hindi mo maintindihan kung oo o hindi ang sagot niya. Napataas naman ako ng kilay at biglang napatitig ng seryoso sakaniya.









"Hindi nga?"

Takang sabi ko na lalong nagpatawa sakaniya. Hindi siya sumagot na parang sinasabi sakin na bahala na ako kung ano mang gusto kong isipin.










We were day for the whole day hanggang matapos ang fireworks. Sa buong araw na yun eh mas madami akong naikwentong tungkol saakin kesa siya tungkol sa sarili niya. Paminsan-minsan ay magkukwento siya pero midway ay parang mapapaisip at hindi din itutuloy ang sasabihin.









Kinuha ko yung phone number niya at the end of the night pero ayaw ibigay.








"Ibibigay ko nalang sayo pag nagkita tayo ulit."

Nakangiti niyang sabi. Napasmirk ako.

"Parang sigurado kang magkikita pa tayo ulit ah?"

Sabi ko. Tumingin lang siya saakin habang nakatayo kamo sa harap ng Disneyland at dinadaanan ng mga taong papaalis na din. Sumeryoso siya ng kaunti bago nagsalita.






"Yun na nga eh. Hindi ko alam kung magkikita tayo ulit. Eh pano kung pang ngayong araw lang pala yung pagiging okay natin sa isa't isa, di ba?"

Sabi niya. Sumeryoso din ako. Mukhang may pinanggagalingan yung mga binitawan niyang salita. Ngumiti ako bago tumango.






"Mauna ka nang sumakay ng tren."

Nakangiti niyang sabi saakin. Hindi ko man maintindihan kung bakit ay tumango nalang ako at ngumiti sakaniya. Bago umalis.










Buong oras na nasa train ako ay nagiisip ako kung tama ba na iniwan ko siya dun?







"Well! Universe, ikaw na bahala."

Bulong ko sa sarili ko habang pababa ng train.









Nagkita kami ulit sa airport while nasa waiting area. Humahangos akong dumating dahil hindi ko inexpect na napakalayo pala nung gate ko sa check in area. Pabagsak akong umupo sa upuan na andun habang hinahabol ang hininga.










"Kita mo nga naman."

Narinig kong sabi ng katabi ko. Nilingon ko siya kaagad dahil pamilyar ang boses na yun. Napangiti ako sa nakita ko.






Si Jackie na nakangiti saakin.









Napangiti nalang din ako.






"So, ibibigay mo na ba sakin number mo?"

Sabi ko habang nakangiti. Nag-isip siya saglit bago binigay yung number niya.










We became friends. Constant ang communication namin at madalas ay lumalabas kami pag weekend. Napagkakamalan na nga siyang girlfriend ko dahil mas madalas ko pa siyang kasama kesa sa mga kaibigan ko.








"Sus. Baka naman kasi jowa mo na yun. Aminin mo na."

Pang aasar saakin ni Vhong habang nakaupo sa table ko sa opisina. Nakatuon naman ang paningin ko sa report na ginagawa ko. Natatawang napailing nalang ako bago sumagot pero hindi tumingin sakaniya.





"Lubayan mo kaya ako. Hindi ko jowa si Jackie. Malisyoso mo."

Sabi ko. Narinig kong napa-tsk tsk siya bago tumawa ng mahina bago ako tinapik sa balikat.





"Baka naman kasi babagal bagal ka? Halata naman na may gusto sayo yung tao eh."

Sabi ni Vhong. Umiling ulit ako. Bago naalala yung isang beses na nagkainuman kami ni Jackie at naglaro ng truth or dare.






"Oh! Walang daya yan! Ikaw. Ikaw."

Sabi ko sakaniya habang natatawang tinuturo yung bote sa gitna namin. Naka-upo kami sa carpeted floor ng bahay niya dahil tinamad kaming lumabas.

She rolled her eyes at me bago nag-isip at nagsalita.

"Fine. Truth. Para tayong tanga dito."

Natatawang sabi niya bago umayos ng upo. Umayos din ako ng upo tapos kinuha yung isang throw pillow na nasa malapit saakin. Nagisip ako ng tanong.


"Okay. Wala ka pang kinikwento saakin pero feeling ko talaga meron eh. May special someone ka ba ngayon?"

Sabi ko bago nagbuhos ng tequila sa shot glass. Kung ayaw sagutin ang tanong o gawin ang dare eh iinom. Sa dulo kung sino ang pinaka madaming nainom, talo. Tinignan niya ng saglit yung baso bago yun kinuha at tinungga.



"Ikaw."

Sabi niya. Nalito ako bahagya sa sinabi niya. Bago natawa.

"Anong ako? Paikutin muna natin yung bote."

Sabi ko sabay abot sa bote na nasa gitna namin. Bago ko yung napaikot ay nagsalita muna siya.




"Ikaw yung special someone ko."

Sabi niya na nagpahinto saakin. Napatingin ako sakaniya at napalunok. Bigla akong kinabahan. Nakangiti siya saakin at pakiramdam ko inaantay niyang sabihin ko din pabalik sakaniya yung mga salitang yun.



I felt like I'm suffocating. Bigla akong napatayo mula sa kinauupuan ko.


"Baliw. Wag mo nga akong binibiro ng ganyan."

Sabi ko bago naglakad papunta sa kusina niya at uminom ng tubig. Kasunod ko lang si Jackie na tahimik lang na nakatingin.



"Nagtanong ka, sinagot ko."

Sabi niya na parang nang-aasar pa. Tumango lang ako bago ulit uminom ng malamig na tubig. Nag-lean ako sa kitchen counter bago tumingin sakaniya.




Walang hindi magugustuhan sakaniya. Kung tutuusin nga dapat matuwa ako eh, ying ganitong klase ng babae, hindi basta basta nahahanap.


Pero wala.


Wala pa akong maramdaman para sakaniya. Masaya ako pag kasama ko siya, oo. Pero sapat ba yun para masabi na gusto ko na din siya?


Ayokong masaktan siya pero sapat ba yun para sabihin sakaniya na gusto ko din siya kahit hindi naman totoo?




"Jackie... I'm sorry."

Sabi ko. Masyado pang madaming bagay ang tumatakbo sa isip ko. Madaming bagay na kailangan pang iayos at unahin.







Mas madami pang bagay na baka mas mahalaga pa kesa sakaniya. She smiled a sad smile bago tumango. Agad akong nagpaalam.



I don't want this kinds of confrontations.





Umalis ako dun na nagmamadali.



Tumatakbo palayo sa isang bagay na baka gusto ko pero hindi ako sigurado.





"Huy!!"

Napabalik ako sa kasalukuyan dahil sa tapik ni Vhong sa balikat ko. Nilingon ko siya.





"Bakit?"

Sabi ko. Natawa lang siya bago bumaba mula sa pagkakaupo sa table ko.





"Sabi ko, di ba ilang ulit na kayo nag-away nun. Malala pa nga. Away ng mag jowa level?"

Nakapamewang niyang sabi sakin. Napakunot noo naman ako bago bumalik sa report na ginagawa ko.




"Oh ngayon?"

Tanong ko bago kunwari ay nagfocus sa trabaho ko. Tama naman siya. Isa't kalahating taon na kaming magkakilala at sa tagal nun ay ilang ulit na din kaming nag-away.











"Jowa level."

Ulit ko sa sinabi ni Vhong sabay replay sa isip ko ng mga away namin. Madalas talaga eh ako yung nagtatampo sakaniya. Ewan ko ba. Naging at ease ako masyado to the extent na ayaw ko siyang nakikitang lumalabas o nagiging sweet sa iba.









Kahit hindi naman kami.








Hindi ko pa kaya. Madami pa akong bagay na kailangang unahin.








Biglang nagreplay sa isip ko yung isa sa pinakamalalang away namin.











Maulan nung gabi na yun, as in sobrang lakas ng ulan. Nagtext si Jackie saakin bandang alas-kuwatro ng hapon para makisuyo kung pwede ko ba siyang puntahan sa bahay niya.


"Sobrang busy ko ngayon, my loves. Ang dami kasing deadline."

Nagmamadaling sabi ko habang kausap siya sa telepon. Punong puno ng papel sa table ko at hindi ko na alam ang uunahin ko. Narinig kong umubo si Jackie sa kabilang linya at suminghot ng bahagyan.



Alam kong nung isang gabi ay naulanan siya nung umuwi dahil nawala sa isip ko ka sinabi ko palang susunduin ko siya.









"S-sige. Ayos lang. Hayaan mo na."

Sabi niya. Halatang nagtatampo pero wala naman akong magawa dahil hindi ko pwedeng iwanan lang basta basta ang mga ginagawa ko.






"Okay lang ba kung mamaya na lang? After work. Deretso ako."

Sabi ko habang sinosort yung mga papers na nasa ibabaw ng table.











Hindi ko maalala kung anong sinabi ni Jackie at kung paano kami natapos mag-usap dahil nabaling na lahat ng atensyon ko sa mga paper works.









Alas-otso na ng gabi nung matapos ako at mejo napamura pa ako dahil malakas pa din ang ulan. Nagtext ako kay Jackie na papunta na ako pero wala siyang sagot.


Dumaan muna ako sa drugstore para bumili ng gamot bago nagtake out ng pagkain.










Pag dating ko sa harap ng bahay niya ay napakunot noo ako. May puting kotse kasing nakaparada sa lugar kung saan ako madalas pumarada. Inis na inis man ay wala na din akong nagawa kundi magpark sa bandang malayo at patakbong pumunta sa bahay ni Jackie.







Binuksan ko yung pintuan at tumambad sa harap ko si Jackie at isang lalake na nakaupo sa may dining table.




Kumakain at nagtatawanan.





May kung anong inis akong naramdaman sa eksenang nadatnan ko. Lalo pang nadagdagan yun nung hindi nila ako napansin kaagad.



"Ehem!"

Sabi ko. Sabay silang napatingin saakin. Kinunutan ko ng noo si Jackie na para bang nagtatanong kung sino yung kasama niya. Agad naman siyang tumayo at lumapit saakin.





"Vice! Si Ion nga pala. Kasamahan ko sa trabaho dinalaw--"


"Pwede ka nang umalis. Andito na ako, ako na bahala kay Jackie."

Putol ko sa pagpapakilala ni Jackie sa asungot na andun bago ako derederetsong pumasok at dumeretso sa kitchen.









Narinig ko naman na nagpaalam si Ion kay Jackie at maya maya pa ay umalis na.









"Alam mo ikaw ambastos mo!"

Mejo inis na sabi ni Jackie saakin bago nakahalukipkip na nilapitan ako. Inaayos ko nung yung mga pagkain na dala ko.




"Tss. Eh bakit mo ba kasi pinapunta dito yun. Sabi ko naman di ba? Pupunta ako. Hindi ka makapag hintay!?"

Inis na inis na sabi ko sakaniya. Mejo nataasan ko siya ng boses dahil sa inis.





"Pasalamat nga ako dumating siya eh. Kundi baka nasa ospital na ako ngayon kung inantay pa kita."

Sabi niya sabay storm off. Inis na inis ko siyang sinundan sa kuwarto.








"Ano mo ba yun!? Manliligaw!? Baka naman boyfriend mo!"

Sigaw ko. Umupo siya sa kama at umiling na parang wala siya sa mood magsalita. Lalo naman akong nainis. Ayaw na ayaw ko pag ganun siya.






"Ano? Hindi ka nanaman magsasalita?"

Dismayado kong sabi sakaniya habang nakapamewang sa harap niya. Tinitigan niya ako sa mga mata.



"Ano naman sayo kung boyfriend ko siya? Hindi naman tayo di ba? Ni hindi mo nga ako gusto eh!"

Sabi niya bago pumatak ang mga luha mula sa mga mata niya. Uminit lalo ang ulo ko.





"So boyfriend mo nga!?"

Sabi ko.

"Sa lahat ng sinabi ko yung lang ang naalala mo!?"

Sumbat niya saakin. Asar na asar akong tumalikod at akmang aalis.







"Ano? Aalis ka nanaman? Tapos pag naalala mo nanaman ako, pag kailangan mo nanaman ako, tatakbo ka nanaman pabalik dito. Tapos ako naman si tanga, tatanggapin ulit kita!"

Napakunot noo ako sa sinabi niya bago ako humarap. Tinignan ko siya at hindi ko inilihim sa mga tingin na yun yung inis ko.





"Problema ba yun! Wag mo akong tanggapin ulit."

Sabi ko sabay alis. Iniwan ko nanaman siyang umiiyak.






"Wala ka pa ba talagang balak na, alam mo na."

Andun pa pala si Vhong. Tinignan ko siya bago natawa at umiling lang.


Maya maya pa ay sumuko na din at lumipat naman sa table ni Jhong at yung isa naman ang kinukulit niya.







Sa totoo lang kung tatanungin ko ang sarili ko ngayon, hindi ako sigurado.



Mahalaga siya, alam ko. Sa ilang beses naming pag aaway at sa ilang beses kong pag alis at pagkawala...







Palagi pa din niya akong tinatanggap pabalik. Pero sa ngayon, gaya ng dati, hindi ko pa kayang ibigay yung buong oras ko sakaniya. Yung atensyon na dapat para sakaniya.





Nasa ganung pagiisip ako nung biglang tumawag si Jackie.







"Vice! Sorry, busy ka ba? Nasiraan ako dito sa malapit lang naman sa office mo. Okay lang ba? Puntahan mo naman ako saglit?"

Pakiusap niya. Tinignan ko yung oras sa relo ko. Maaga pa naman. Kinuha ko yung address ng malapit na establishment at agad na pumunta doon.







Pag dating ko sa retaurant ay nakita kong nakapark yung sasakyan ni Jackie sa harap nun. Pumasok ako para hanapin siya sa loob.






"Ay andito po siya. Sundan niyo nalang po ako."

Sabi nung isang crew. Sumunod naman ako pero pasilip silip pa din sa orasan ko.












"SURPRISE!!! HAPPY BIRTHDAY!!"

Sabay sabay na sigaw ng mga taong nasa loob ng function hall nung makapasok na ako. Nagulat ako saglit at nagtaka dahil baka ibang tao yung sinasabi nung crew.





Pero nandun nga talaga si Jackie. Nasa gitna ng lahat ng mga kaibigan namin, may hawak na cake na may kandila.





Hindi ko alam kung paanong magrereact.






Natutuwa ako pero at the same time ay naiinis.







"Happy birthday. Wish!"

Sabi pa niya nung makarating sa harap ko. Tinitigan ko siya bago inihipan yung kandila. Ngumiti siya saakin na parang ang ganda ng nagawa niya.





Sinilip ko ulit yung relo sa bisig ko at napamura ng kaunti.







"I need to go. Alam mo naman na may trabaho ako and yet you dragged me here for this."

Gigil na bulong ko sakaniya. Nagbago naman agad ang itsura niya. Mula sa nakangiting Jacki to nalungkot na Jackie. Napatiim bagang ako.






"Sinabi ko naman kasing busy ako di ba?"

Sabi ko nalang. Tumango lang siya bago tumalikod na at lumapit sa mga bisita. May sinabi siya sakanila saglit at bigla naman silang nagsipag tingin saakin.







Great. Ako nanaman ang masama ngayon.






"Sorry guys. Pero you can still enjoy the food. Busy lang talaga."

Sabi ko bago ako kumaway sakanila, tumingin sa oras at tumalikod na paalis.




Masyado akong subsob sa trabaho buong araw kaya hindi ako nakapag text manlang kay Jackie.





Gabi na nung maalala kong magtext sakaniya pero hindi siya nag reply. Sinubukan kong tumawag pero hindi din sumasagot hanggang sa patayan nalang niya ako ng phone.






"Tang ina. Pagod ka na nga, ikaw na nga naabala tapos ngayon ikaw pa ayaw kausapin. Tss. Bahala ka nga."

Bulong ko sarili bago umuwi at naglasing para makatulog kaagad.


Ilang araw pa ang lumipas pero hindi pa din niya ako kinakausap.

Mejo kinakain na ako ng guilt pero nakikipagmatigasan pa rin ako. Gaya ng dati, gaya ng palagi naming ginagawa sa isa't isa.




End of flashback....

This has been the longest time na hindi kami nagusap.







At ngayon andito na ako, andito na siya. Magkaharap na ulit kami.


Mejo madaming nangyari saakin. Madaming challenges na kinakaharap. Madaming problema.






Ang daming issues.




Pagod na pagod na ako sa buhay.





Pero ngayon, nasa harap niya ako.







I felt like I am finally home.


Yung pakiramdam na pwede kang maging ikaw lang. Yung totoong ikaw na walang pagaalinlangan.





Yung titignan ka nung taong nasa harap mo at ikaw, ikaw lang ang nakikita niya.







Yung pwede kang magbreakdown at kahit wala kang masabing malinaw na dahilan ay alam mong may dadamay sayo.




May iintindi sayo ng walang sawa at ng paulit ulit.







Ayoko ng tumakbo.






Pagod na ako.





"May babalikan pa ba ako?"

Basag ang boses sa kakaiyak na sabi ko sakaniya. Hindi siya nagsalita. Binuksan niya lang yung pintuan para makapasok ako.







"Huling beses na to, Vice."

Sabi niya. Tumango ako kasunod ng pagyakap ko sakaniya.





"Huling beses na kitang masasaktan. I'm sorry. I'm so sorry."

Humihikbing sabi ko. Naramdaman kong yumakap din siya saakin. Walang pakialam kung mabasa siya. Hinigpitan ko yung yakap ko sakaniya. Gusto kong maramdaman niya na hindi ko na hahayaang mawala siya ulit.






"Mahal kita, Jackie. Mahal kita."

Sa pagkakataong yun tinanggap ko yung feelings na matagal ko nang tinatakbuhan.








Tanda na ito na talaga yung huli.








Dahil hindi na ako ulit mawawala.












Hindi na ako ulit aalis sa tabi niya.















End.

----------
The Last Time
By: Taylor Swift and Moira (Charot)

Hahahahaha.

Sorry sa typo.

Una sa lahat, 3 parts nalang yung plano kong ipublish sa Playlist na to kasi jusko umabot na ng 71 songs yung nasa actual playlist.

Di ko na kaya. Hahaha. Wow.

Pangalawa, wala nang pangalawa kasi gusto ko lang talaga una. Hahahahaha.

Mejo sabaw tong story kasi nagbabounce bounce ako dito habang nagtatype.

Pashenshhaaaa naaahhh. 👌

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 148K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
1.1M 28.3K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
1K 187 51
私はあなたを愛するのに疲れています When I was a little kid back then. elementary kid,I have a classmate that I have a crush on... yet he have a crush on someone else...
308K 7K 41
I'll be adding your age in the chapters and you will be with BTS as siblings!! Also BTS will always be older than you or Jungkook as your twin. Taehy...