Playlist

Von GreatGatsby08

9.4K 362 402

One shot collection of VJ stories. Mehr

Starlight
The One That Got Away
Huling Gabi
Walang Hanggan
Imagine
E. T.
Endless
Happiness
Overboard
The Only Exception
Happier
Decode
Tequila
The Fault In Our Stars
8 Letters
Promise
Maybe This Time
Hindi Tayo Pwede
12:51
Will You Ever Learn
Happier
The Last Time
Isa Pang Araw
이 사랑을 죽여라.
25 Minutes
Lunas
Halaga
Pagtingin
If Tomorrow Never Comes
It's Sad To Belong

Pansamantala

163 7 13
Von GreatGatsby08

Vice's POV

"Eh hindi nga pwede, Jackie. OT ako ngayon, andami nito oh!"

Mejo naiinis kong sabi habang pinagpapatong-patong yung mga file folders na nasa ibabaw ng desk ko sa opisina.





"Sige na kasi, Vice. Please? Saglit lang tayo dun."

Pangungulit ni Jackie na may kasama pang pag haplos sa nakalabas na parte ng braso ko. Naglislis ako ng manggas ng suot kong dress shirt dahil sagabal sa pagsusulat ko kanina.
Bumuntong hininga ako bago siya hinarap.



"Bakit hindi yung boyfriend mo ang isama mo?"

Kunot noong sabi ko sakaniya. Umiling lang siya bago sumagot.



"Hindi ko nga kasi boyfriend si Tom."

Sabi niya. I smirked bago umiling at mejo naiinis na umupo sa executive chair na nasa harap ng computer ko. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko bago nagsalita.

"Hindi boyfriend? Pero every morning kang hinahatid dito gamit yung kulay pula niyang sports car? Hindi boyfriend pero kasabay kumain ng lunch? Hindi mo boyfriend pero halos araw araw kang sinusundo at hinahatid pauwi? So ano mo siya? Sugar daddy, ganun?"

May halong kabitteran na sabi ko. Napasimangot siya bago nagpout ng lips na tila naiinis na saakin. Ayan nanaman siya sa mga pa-ganyan niya. Yung mga gestures niya na alam niyang hindi ko mareresist.






"Sige wag na nga lang, ako na lang pupunta mag-isa kahit late na masyado yun at wala ako kasama uuwi."

Sabi niya. Nang guilt trip pa talaga. Kunwari ay nag-isip ako ng kaunti para hindi naman niya isipin na ang easy to get ko. Maya maya ay tumayo ako at inilagay sa steel cabinet yung mga trabahong gagawin ko sana.



"11pm dapat pauwi na tayo ha."

Sabi ko habang nakatalikod sakaniya at inaayos yung mga folders sa pagkakasalansan. Hayy. Punye*toooot* talagang puso to, ginagawa na ngang taga salo, tuwang tuwa pa.



"Yeheeey!!"

Sigaw ni Jackie sa likuran ko kasunod ng isang mabilis na back hug. Umikot ako paharap sakaniya at kunwari ay naiinis pa din.



"Oh, ano na? Ganyan ka na?"

Sabi ko sakaniya sabay muestra sa suot niyang dilaw na dress. Paano naman, nag-aaya sa theme park tapos naka-dress?



Ngumiti siya ng pagkaganda-ganda saakin. Yung mga ngiting gumugulo saakin at sa damdamin ko.



Gusto kong mainis sakaniya pero pag nakita ko na yung mga ngiting yun wala na. Finish na. Tapos ang usapan. Mahal ko na ulit siya.












Dumaan muna kami sa unit niya na mejo out of the way sa pupuntahan namin para makapag-bihis siya.




"Wow. Ang galing. So ang lagay, ako ngayon tong mukhang out of place dito."

Sabi ko habang tinitignan yung suot niya. Naka-white siyang tank top, tattered na pants, white na sneakers tapos itim na cap. Napadako sa mukha niya yung tingin ko.




Nakangiti siya.




Bagay na bagay sa maganda niyang mukha pag nakangiti siya. Mukha siyang anghel.





Anghel na paasa.






"Halika na nga."

Sabi ko sabay tayo mula sa sofang kinauupuan ko para magpatiuna nang maglakad.





Ilang ulit ko pa bang gagawin to?




Alam ko naman na ayaw lang ni Tom sa mga ganitong bagay kaya ako ang inaya niya eh.







Ilang beses na ba akong naging substitute tuwing ayaw ni Tom?





Pag nag-aaway sila ako yung tatakbuhan, ako yung magpapangiti ulit sakaniya pero ako din yung agad nakakalimutan pag okay na.




"Huy! Vice! Kinakausap kita."

Sabi ni Jackie na nasa tabi ko na pala. Nilingon ko siya bago ako pumindot sa elevator. Umiling ako.




"Yung totoo? Bakit hindi si Tom ang inaya mo?"

Tanong ko nung nasa loob na kami ng elevator. Kumapit si Jackie sa braso ko na parang batang naglalambing.



"Ang kulit. Ikaw nga gusto kong kasama."

Sabi niya. Gusto kong maniwala. Gustong gusto kong paniwalaan na gusto lang niya akong makasama kaya ako ang inaya niya.




Pero sa lahat ng nangyari. Sa mga nangyari noon? Ang hirap nang gawin nun.

Flashback....

Sisinghot singhot si Jackie sa tabi ko habang nagkukwento tungkol sa naging away nila ni Tom kagabi nung hinatid siya nito sa bahay niya.


Habang ako naman, heto nasa tabi niya, nagpapakatanga. Nakikinig sa mga rants niya tungkol sa lalakeng gusto niya habang alam naman niya na may feelings din ako para sakaniya.




"Eh bakit naman kasi hindi mo pa ibreak?"

Sabi ko bago kumuha ng isang pirasong chocolate mula sa sangkaterbang iba't ibang chocolate na dinala ko para sakaniya.



Nasa living room kami nun ng condo niya.



Nagbalat ako ng kiss at kinain yun habang nagpupunas ng luha si Jackie sa tabi ko. Tinawagan niya ako kanina habang nasa opisina pa ako. Absent siya nung araw na yun, sabi may sakit. May sakit nga. Sakit ng loob.


"Hindi ko nga kasi siya boyfriend eh!"

Sabi niya bago humablot ng isang bar ng sneakers mula sa mga chocolates na nasa harapan namin. Binuksan yun tapos kumagat bago nanaman umiyak.




Parang tanga.


Parang ako din. Tanga.



Bumuntong hininga ako. Andito nanaman kami sa usapang ito. Ilang buwan na silang ganyan nung Tom na yun na nakilala lang naman niya sa isang high end na bar nung minsang ayain kami nung social climber naming officemate. Kulang nalang ibenta ko kidney ko para lang makasama sakanila dahil ayaw akong tigilan ni Jackie.


Hirap maging member ng urban poor community.

Ilang buwan naman na din akong ganito sakaniya. Pero ano namang laban ko dun sa Ingleserong anak mayaman at privileged na graduate sa school ng mga asul na agila. Tse.



"Pang ilang away niyo na to eh. Naka-ilang iyak ka na nga. Eh lubayan mo na kasi."

Andito naman ako.

Dugtong ko pero di ko na sinabi. Ang sakit lang kasi sa dibdib na nakikita yung taong mahalaga sayo na umiiyak. Tapos dahil pa sa ibang lalake.


Sinubsob niya yung mukha niya sa braso ko bago nanaman umiyak ng umiyak.



Nakita niya kasi sa IG story ni Tom na nasa isang basketball game ito tapos kasama yung ex niya na isa ding anak mayaman. Eh selos na selos si Jackie sa babaeng yun.




"Eeeeee! Support mo nalang ako. Wag mo na akong sermonan, please?"

Sabi niya. I rolled my eyes bago ko niyugyog yung braso ko na parang gusto kong alisin niya yung pagmumukha niya doon.




"Susupport kita sa katangahan mo, tutal same naman tayo."

Sabi ko. Napatingin siya saakin at napakagat naman ako ng labi dahil sa nasabi ko. Bumuntong hininga ako. Tinitigan ko siya sa mga namumugtong mata niya tapos pinunasan yung mga luha sa pisngi niya gamit yung thumb ko.




Nagpapakatanga na rin lang ako, isagad na natin.






"Bakit kasi hindi na lang ako?"

Sabi ko. Mejo napaatras siya habang kunot ang noo at tinatanya kung nagbibiro ba ako. Hindi ako ngumiti or tumawa para ipaalam sakaniya na seryoso ako. Ilang segundo kaming nagtitigan bago siya nagbawi ng tingin.




"Tigilan mo nga ako sa mga biro mong ganyan."

Sabi niya sabay tayo at lakad papunta sa kusina.




"Ouch."

Bulong ko naman bago tumayo din at sumunod sakaniya dala yung sneakers na binuksan niya at kinagatan pero hindi naman inubos. Kumagat ako mula dun nung matanaw ko na siyang kumukuha ng tubig mula sa ref.


Nagsalin siya sa dalawang baso tapos inabot saakin yung isa. Iinom na sana siya mula sa hawak niyang baso nung mapansin na hawak ko yung sneakers niya.





"Sakin yan eh!! Akina!"

Sabi niya bago ako sinamaan nang tingin at hinablot yung sneakers na hawak ko bago pa man ako makakagat ulit.



Bumuntong hininga nalang ako bago uminom ng tubig at nagtanong.





"Eh bakit nga ba hindi pa kayo mag-jowa nung Tom?"

Tanong ko. Sige pa self. Saktan natin ang sarili natin, napaka-healthy niyan.


Pinatong ko sa ibabaw ng kitchen counter yung baso bago nangalumbaba dun. Napakagat naman si Jackie sa pang ibabang labi niya na naging dahilan ng pag-skip ng heartbeat ko.



"Eh ayaw pa daw niya."

Sabi niya sabay talikod sakin na parang nahihiya.




Pucha, what? Siya pa yung choosy. Gwapo lang ha.

"Galing ah. Ang chix niya dun. Hay. Alam ko na para sumaya ka naman kahit papano, tara sa Star City."

Sabi ko sabay ngiti sakaniya. Inirapan naman niya ako bago tinuro yung mga mata niyang namumugto.


"Nang ganito itsura ko? Mag-isa mo."

Sabi niya sabay walk out nanaman. Iiling iling ko siyang sinundan. Ganun kami hanggang mga 2am nung nakatulog na siya kakaiyak habang nakabantay naman ako sakaniya.







Kinabukasan...




Nagising ako sa ingay ng dalawang nilalang na nagbubulungan na may halong landian.



Nakatulog ako sa sofa ni Jackie at pag mulat ko ay si Tom agad ang nakita ko. Nakayakap kay Jackie habang nakangiti.


May bouquet ng pink roses na di ko alam kung ilang piraso pero madaming madami yun.



Dahan dahan akong umupo mula sa sofa pero napansin pa din ako ni Jackie.

Malamang kasi nasa tapat ko lang naman sila.


"Vice. Sorry ang ingay namin."

Pabebeng sabi niya sakin sabay ayos ng buhok niya. Pilit akong ngumiti bago tinapunan ng tingin yung lalakeng nakapulupot ang braso sa bewang ni Jackie na tinitignan ako mula ulo hanggang paa.



Tinignan ko din siya mula ulo hanggang paa bago ako tumayo at nagayos ng damit.




"Mauna na ako."

Sabi ko bago tuluyang umalis. Hindi ko na nilingon pa si Jackie nung tawagin niya ako. Ano pa ba gagawin ko dun? Tapos naman na yung role ko.





Substitute.




Temporary.



"Never ko na tong gagawin ulit. Magmumove on na ako, tang ina."

Bulong ko sa sarili ko bago pumasok ng elevator para umuwi. Sabado naman nun pero ang traffic pa din at ang hirap mag commute ng ganito. Iritang irita pa ako dahil sa puyat.










"Sus. Payag na payag ka nga sa role mo eh. Willing na willing. Pabaril kita sa Luneta eh."

Sermon ng kaibigan at roommate kong si Vhong habang nasa salas kami ng paupahang tinitirahan namin. Kasalukuyan kaming umiinom ng tig-isang bote ng beer.


Kumuha ako ng isang pack ng tigpipisong chichirya, binuksan yun tapos kinain lahat ng laman ng minsanan bago umiling.



"Last na talaga yun. Sus. Pangako yan. Pag naulit pa, ililibre kita ng sine with popcorn at isang bucket ng beer after."






Lumaklak ako ng beer bago determinadong tumingin sakaniya.



"Pramis yan brad! Peksman, mamatay man. Cross my heart, susi, padlock, period, no erase."

Sabi ko. Nagsmirk lang siya saakin bago uminom din.





"Next month. Asahan ko na yan. Monthly routine mo eh."

Natatawang sabi niya na inirapan ko lang.

Never again!



Strong na to uy.










After one month.....


"Oh? Ano nanaman pinagawayan niyo this time?"

Nakapangalumbaba kong tanong kay Jackie habang nakasubsob ang mukha niya sa mga palad at nakaupo sa isang plush chair.




Nasa private lounge kami ng bar na pinuntahan namin dahil dito niya ako pinapunta.



Kasama niya kanina si Tom pero iniwanan siya dito dahil nga nag-away sila.





Tang ina di ba? Sinong matinong lalake ang mang iiwan ng babae sa loob ng bar dahil lang nag-away sila.





"Kasalanan ko naman. Inungkat ko nanaman yung ex niya. Paano nabasa ko nag text sakaniya."

Umiiyak na sabi niya saakin bago tuloy na humagulgol.





Ang sama ng loob ko dahil nasabihan din siya nung lalakeng yun ng masasakit na salita.





Ayun, dinamayan ko nanaman ulit hanggang madaling araw tapos pareho kaming hindi nakapasok sa trabaho kinaumagahan dahil sa hang over.






Pero ang pinakamasaklap sa lahat,







Wala pang sahod at nagkautang pa ako tuloy kay Vhong.






Kelan ba ako matututo?


End of flashback....

Pagod na kami pareho ni Jackie sa kakalibot sa theme park na pinuntahan namin kaya naman umupo muna kami sa isang bench doon tapos kumain ng hotdogs.

"Mga kelan mo sasabihin sakin yung dahilan ng away niyo this time?"

Wala sa sariling sabi ko kay Jackie without looking at her. Hindi siya kumibo.




Sabi na nga ba.


Bulong ko sa sarili ko. Almost one year na yung set up nila na ganun.



Parang sila pero hindi sila. Sweet sa isa't isa, pero walang label.



Parang mag jowa pero hindi naman magjowa.





Tapos ako?




Aba. Mag-aaniversary na din pala tong katangahan ko sa babaeng ginagawa lang naman akong pansamantalang taga aliw pag wala yung object of affection niya.





Bakit ba ganun?


Minsan yung mga taong ginugusto natin eh yung mga taong hindi naman tayo kayang mahalin?





Yung hanggang ganito lang ang tingin saatin.


Substitute.


Bankong player kumbaga. Mapapansin lang pag wala yung star player. Pag kailangan lang ng pansamantalang pamalit.




Bumuntong hininga ako.




Pagod na yata ako. Gusto ko nang sumuko dahil wala naman talagang laban, una palang.






Tinignan ko siya. Maganda, galing sa may kayang pamilya tapos winner winner pa sa mga beauty pageants noong College days niya.





Samantalang ako.


Hampas lupa.




Simpleng mamamayan na lumaki sa slums. Walang kotse, walang sariling bahay tapos ni hindi nga nakatira sa condo or sosyal na paupahan kung saan.







Tapos yung kinakalaban ko sa puso niya...


Kabaliktaran ng lahat ng ako. Nasakaniya yung lahat ng wala saakin.




Sa mga oras na kasama ko si Jackie, minsan pakiramdam ko may feelings din siya para saakin. Pero baka ako lang yung nag-aassume na ganun. Baka kaya hindi ko siya maiwas-iwasan eh dahil umaasa ako na mapapansin niya ako.









Baka kasi mapansin niya na ako yung andito para pasayahin siya at damayan siya habang nasasaktan siya ng maling tao.








Pero gaya ng lahat ng bagay sa mundo,





May hangganan din ang pasensya ko.








"So?"

Ulit ko nung hindi siya sumagot. Seryoso lang siyang nakatingin sa kawalan ng ilang segundo bago ako nilingon at seryosong tinitigan sa mga mata.



Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan bigla. Para bang may hindi magandang balita siyang sasabihin saakin.







Napalunok ako.








"Ikaw. Ikaw ang dahilan nung away namin."

Sabi niya. Napamaang ako sa sinabi niya. Panong ako? Eh wala naman akong ginagawang masama sakanila.





Tinuro ko yung sarili ko bago magsalita.




"Bakit naman naging ako? Ano ginawa ko sainyo. Huy."

Sabi ko sabay kagat sa hotdog na hawak ko. Bumuntong hininga siya bago napailing na parang nagdadalawang isip kung sasabihin ba o hindi yung gusto niyang sabihin.





"Boyfriend ko na siya at ayaw niya na nakakasama kita. Nagseselos."

Maikling sabi niya na nagpainit bigla sa ulo ko.





Hindi ako agad nagsalita.





Tang ina. Ako nga selos na selos na din pero nagreact ba ako?


Malamang hindi.


Hindi naman kasi pwede.


"So... Anong gagawin?"

Tanong ko bago dahan dahang binaba yung hotdog sa lalagyan nito. Binuksan yung bottled water na nasa tabi ko tapos uminom mula doon.

Ilang minuto muna siyang tahimik bago ulit ako tinignan. Hinawakan niya ako sa braso kaya napatingin ako sakaniya.





Wala pa man siyang sinasabi eh nararamdaman ko na yung pinong sakit sa puso ko.




Yung sakit ng broken heart.








"Vice..."

Simula niya pero pinigil ko siya. Kung huli na to, kailangan ko nang sabihin sakaniya lahat.





"Ako muna, okay lang ba?"

Sabi ko. Tinikom naman niya yung bibig niya bago seryosong tumingin saakin.






Hindi ko alam kung paano ko sisimulan at kung paano. Huminga ako ng malalim, madiin na pumikit tapos nagmulat ng mata tsaka tumitig sakaniya.




"Alam ko naman na naaalala mo lang ako pag may away kayo eh. Gusto kitang sumbatan, Jackie. Pero hindi mo naman kasalanan kung bakit hindi mo makita yung mga ginagawa ko para sayo."

Umpisa ko. Napakagat ako sa pang ibabang labi ko nung mapansin na nangingilid na ang luha sa mga mata ng kausap ko. Napalunok ako.







"Nung sinabi ko sayo noon na andito naman ako. Seryoso ako dun."

Ako naman yung parang maiiyak. Ngayon palang ako magcoconfess ng feelings pero parang ito na talaga yung huli?




Yung magcoconfess ka sabay basted kaagad sayo?








"Vice.."

Pigil ni Jackie saakin na para bang ayaw nalang niyang ituloy ko yung sasabihin ko. Ngumiti lang ako sakaniya, kailangan ko tong gawin para sa sarili ko.




"Jackie, alam ko naman na aware ka sa feelings ko para sayo eh. Gusto ko lang malaman mo at masabi ko bago... Bago mahuli lahat."

Sabi ko. Parang di ako makahinga sa pagpipigil ng pag iyak. Parang may nakabara sa dibdib ko na kahit anong buntong hininga ko ay hindi maalis alis.







"Jackie, gusto kita. Mali. Mahal kita."

Sabi ko. Lumambot yung expression ng mukha niya sabay ngiti.






Sa mga ngiting yun palang alam ko na.




"Alam ko na siya yung gusto mo. Tatanggapin ko yun. Kahit masakit. Gusto ko lang malaman mo yung nararamdaman ko para sayo."

Sabi ko. Tumango siya bago nagsalita.



"Ang selfish ko, Vice, pero ang totoo hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nawala ka saakin. Hindi ko alam kung paano ako, pag walang ikaw na palaging anjan para pangitiin ako pag umiiyak ako."

Mejo nagulat ako sa sinabi niya dahil ngayon lang siya nagsabi saakin ng ganun. Napakurapkurap ako at aaminin kong umasa ako kaagad na baka narealize niya na na ako naman pala talaga at hindi si Tom ang gusto niya.





"Pero hindi na patas sayo. Hindi na ako fair pa sa ginagawa ko. Gusto kita, Vice. Pero hindi katulad mg pagkagusto mo saakin. I'm sorry."

Pinilit kong ngumiti kahit ang sakit sakit nung sinabi niya.





In short, yun lang talaga ako para sakaniya.







Substitute.






Pansamantala.





Tumango ako bago tumingin sa malayo. Ninanamnam bawat salitang binitawan niya.





Diba alam ko naman na yun? Pero bakit ang sakit pa din.





Dapat alam nga handa na ako eh. Pero hindi pa din pala.







"Naiintindihan ko."

Pagsisinungaling ko sabay ngiti. Ngumiti siya bago ako niyakap ng mahigpit na para bang yun na yung huli. Yumakap din ako sakaniya, bilang tanda ng pamamaalam ko.







"Pero hindi na tama, Jackie. Kaya ako na mismo ang lalayo."

Sabi ko. Naramdaman kong may mainit na kung anong bumabasa sa parteng dibdib ng suot kong damit kasunod ng mga hikbing hindi naririnig ng mga dumadaang tao sa tapat namin.











Natapos ang gabi kasabay ng pagtatapos ng kahibangan kong ito.







Natapos lahat sa pagitan namin nung gabing yun.







Huli ko siyang nakita na sinundo ni Tom at sumakay sa kulay pulang sportscar nito habang nakamasid ako mula sa malayo.









Tapos na. Tapos na ang laro.








Naglakad ako palayo sakanila habang tumutulo ang mga luha mula sa mga mata ko.







Paano ko pakakawalan yung taong hindi naman naging akin in the first place?






Paano ba ako magmomove on kung wala namang naging relasyon bukod sa pagkakaibigan?







Saan ko ilulugar ang sarili ko ngayong tapos na ang role ko sa buhay niya?







May iba nang magpapasaya at nagpapasaya sakaniya.












Siguro ganun talaga. May mga taong magtatagal at may mga taong gaya ko.












Pansamantala lang.










End.
_______________

Pansamantala
By: Callalily

Ayun. Last one sa playlist na to.

Very short lang kasi di naman kailangan ng mahaba kasi nga pansamantala lang. Charot.

So here's the plan.

Tatapusin ko na din yung other two. Soon.

Di ko sinasabing bukas pero parang ganun na nga.

Hahahahahaha.

Salamat salamat sa lahat.
😎

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

434K 24K 17
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
1.6M 100K 40
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
1M 21.7K 59
I am Jacqueline Swan. When I was younger I had a accident that left me blind. Though I could not see I spent time away from my twin with a benefactor...
3.5M 148K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...