"Crael, nakikinig ka pa ba?" Pamumukaw atensyon na tanong sa akin ni Tim."Oo, nakikinig ako pero para kasing....Nevermind," napailing muna si Tim sa itinuran ko bago ipinagpatuloy ang pagsasalita niya. "I suggest that we should visit Japan next time," nakangiting suhestiyon niya nang tinanong ko kung saan ang susunod na bibisitahin naming lugar. "Hmm, pag-iisipan ko. Sige na mauna ka na ,babalikan ko lang ang wallet kong naiwan sa hotel room ko," mahabang litanya ko. Diskumpiyado ang nga tinging ipinupukol nito sa akin sa huli ay sumang-ayon rin naman siya. Hindi naman kasi talaga naiwan ang wallet ko, ang totoo ay may narinig lamang akong iyak. Gusto ko lang siguraduhin kong may umiiyak nga ba talaga dahil wala namang narinig si Tim, well knowing him, he's not interested. Nakinig akong mabuti at sinundan ang paghikbi na aking naririnig at hindi ako nabigo na matuntun ang pinagmumulan nito.
*Sniff*
*Sniff*
"Hindi ko pa nga natatagpuan ang lalaking mapapangasawa ko. " Bakit ba kasi ako pa?" Umiiyak na pagmamaktol ng isang babae. Nilibot ko ang aking mga mata sa dalampasigan at napagtantong kaming dalawa lang ang tao. Siya'y nakaupo sa buhanginan at ako naman ay nakatayo sa likuran niya habang siya'y nakatingin sa papalubog na araw. "I love seeing the sunset," panimula niya. "How about you Mister, ano ang nagdala sa iyo rito sa dalampasigan?" Nakatalikod sa akin na sabi niya ngunit batid ko na ako ang kinakausap nito. "I don't like seeing the sunset," paunang wika ko. "Narinig ko kasing may umiiyak kaya't napadpad ako rito. I'm sorry to disturb you, I think I should go." Dugtong ko at umaktong tatalikod na sana sa kaniya. "Wait, pwede bang samahan mo muna ako rito?" Nagulat man ako sa sinabi niya ngunit pumayag na rin ako dahil bakas sa boses nito ang pagkalungkot. Naglakad ako papunta sa tabi niya at naupo rin gaya niya. Napasarap ang aming pagkukuwentuhan kaya't mag-a-alas syete na ng mapatingin ako sa aking relo. Napansin siguro niya ang pagtingin ko dahil tumayo ito at pinagpag ang kaniyang sarili. "Salamat sa oras mo,mauuna na ako," nakangiting pagpapaalam niya bago ako tinalikuran at naglakad palayo. Ilang minuto na rin siyang nakaalis ngunit nakaupo pa rin ako sa aking puwesto. Napangiti ako nang maalala muli ang sinabi niya kanina. "Sana maulit pa ang araw na ito, ikaw at ako na nakaupo sa inuupuan natin ngayon at nagkukuwentuhan habang pinapanuod ang paglubog ng araw," parang baliw na panggagaya ko sa boses niya. But then I realized, hindi ko pala naitanong ang pangalan niya. Nanlumo ako sa isipin kong iyon.
NATAPOS ang isang linggong pamamalagi namin ni Tim sa hotel ngunit hindi ko na muling nakita pa ang babae. Pabalik-balik ako sa dalampasigan ngunit hindi na ito bumalik pa at mag-isa ko na lamang na pinapanood ang paglubog ng araw."Welcome home, my baby!" Masayang salubong sa akin ni Mommy pagkarating ko ng bahay ." I missed you mom," malambing na sabi ko habang yakap siya ng mahigpit. Napahagikhik naman si mommy sa aking ginawa. "Baby, uuwi nga pala ang Tita Regine mo kasama ang anak niya, remember your Tita Regine?" Nakangiting tanong ni mommy. "Yes." tanging naisagot ko. "Kailan nga po pala?" Tanong ko sa kaniya. "By this Wednesday," nakangising sagot naman niya. Napatango muna ako bago muling nagsalita. "Mom, hindi ko kayo masasamahan na sunduin sila. May lakad kasi kami ni Tim," nanghihinayang na pag-aanunsiyo ko." It's okay, Crael. Kami na lang ng Daddy mo, right Hon?" Nakangiting baling niya kay Daddy na agad namang tumango.
DUMATING na nga ang araw ng Miyerkules, araw ng pagdating ni Tita Regine kasama ang anak niya na hindi ko pa nakikita. Ang alam ko lang ay ang pangalan niyang Nathalia ngunit hindi ko pa nakikita ang kaniyang mukha.Alas nuwebe na nang gabi ako nakarating sa aming bahay galing sa lakad namin ni Tim. Pagkapasok ko ng pinto ay agad akong dumeretso sa kusina. Habang papalapit ako rito ay rinig ko ang mga boses na nag-uusap. "Yes tita," rinig kong sagot ng babaeng nakatalikod sa akin. Pamilyar ang boses niya ngunit hindi ko maalala kong saan ko ito narinig. "Oh, there he is," pukaw atensyon ni mommy at naglakad papunta sa akin. "Nathalia, this is my son Crael," nakangising pagpapakilala sa akin ni mommy kaya't napalingon si Nathalia sa aking gawi. "I-ikaw?" Sabay naming sigaw." Kilala ninyo ang isa't isa?" Naguguluhag tanong ni Tita Regine. "No tita, pero nagkita na po kami," diretsong sagot ko sa tanong niya." Hmm, where?" Si mommy naman ang nagtanong. "Sa hotel kung saan ako nagbakasyon noon, Tita Rina," nakayukong sagot ni Nathalia. "Oh , it looks like na hindi na tayo mahihirapan pang ipakilala ang dalawang ito, Regine," saad ni mommy ng may nakakalokong tingin. "Probably, Rina," nakangiting sabi naman ni tita nagyaang lumabas ng kusina. "H-hi!" Kinakabahang bati niya sa akin. "Hi! So you're Nathalia? I'm Crael, it's nice knowing and seeing you again," ani ko ng nakangiti habang nakalahad ang aking kamay sa harapan niya. "Yeah, me too. Iyong nangyari pala dun sa---" hindi na niya natapos pa ang sasabihin dahil napatawa ako sa itinuran nito. "Kalimutan mo na iyon, NATHALIA. Masaya ako dahil nakita muli kita," nakangiti pa ring wika ko bago siya talikuran at umakyat sa aking silid. There something in her eyes ngunit hindi ko mawari kung ano. Hindi ko na lamang pa iyon pinagtuunan ng pansin.
LUMIPAS ang mga araw at linggo, mas nakilala ko pa si Nathalia. Mas naging malapit na rin kami sa isa't-isa. Ayon kay mommy, napag-usapan nilang baka sa susunod na sabado na babalik sina tita sa probinsiya nila. Gustuhin man namin na makasama pa ang mag-ina ng matagal ay hindi maaari. May susunod pa naman sigurong pagkakataon. "Ahhhh!" Isang sigaw ang aking narinig mula sa silid na tinutuluyan ni Nathalia. Dali-dali akong tumakbo sa kaniyang silid at kinatok ang pinto nito ngunit hindi niya ito binubuksan at tanging impit na sigaw lamang ang aking naririnig. Kaming dalawa lamang ngayon sa bahay dahil may pinuntahan sina mommy at tita. "Nat!" Sigaw ko sa pangalan niya habang binubuksan gamit ng spare key ang kaniyang silid. Naabutan ko siyang nakahandusay sa sahig at walang malay. Agad ko siyang nilapitan at kinarga pabalik sa kaniyang kama. "Nathalia, are you okay? What happened?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya habang mahinang hinahaplos ang kaniyang pisngi. Maya maya pa ay nagising na ito. "W-what happened?" Nanlulupaypay at namumungay ang mga matang tanong niya. Ikinuwento ko sa kaniya ang mga naganap mula nang marinig ko ang kaniyang sigaw. "Salamat." Tanging sabi lamang niya bago muling ipinikit ang kaniyang mga mata. "Siguro ay napagod lamang ito sa kung ano man ang pinagkakaabalahan niya kanina," bulong ng isip ko. Hinayaan ko na lamang siyang matulog.
ARAW NG SABADO, ang araw ng pag-alis nina tita pauwi sa kanilang probinsiya. Hindi na naulit pa ang nangyari kay Nathalia kaya't naging kampante na rin ako dahil doon. Hindi ko na rin ikinuwento pa sa aming mga ina dahil ayoko rin namang mag-alala sila kay Nathalia at dahil na rin sa nakiusap rin itong huwag ko na lamang pang ipagsabi.Sa cellphone na lamang kami nagkakausap ni Nathalia sa loob ng dalawang buwan matapos silang umuwi sa kanilang probinsiya. Hindi rin palagian ang aming pag-uusap dahil abala rin kami sa kani-kaniyang trabaho.
ISANG GABI NOON, habang ako'y nagmamaneho pauwi, isang tawag galing kay mommy ang aking natanggap. "B-baby," umiiyak na tawag niya sa akin." Mom, anong nangyari? Why are you crying?" Nababalisang tanong ko dahil sa pag aalala." Si Nat--" hindi ko na pinatapos pa sa pagsasalita si mommy. Mas lalong kong biniliisan ang pagmamaneho. Pagkarating ko ng bahay ay naabutan ko siya sa sala habang umiiyak. Agad ko itong nilapitan at niyakap. Nang mahismasan ay ikinuwento niya sa akin ant tungkol kay Nathalia. Naabutan kong nag-uusap ang doctor kasama sina mommy at tita. Nanghihina ang mga tuhod ko sa aking nalaman. Muli kong naalala ang nangyari nang araw na iyon. Ang mga biglaang pagkahilo ni Nathalia minsan. Kinaumagahan ay bumiyahe kami ni mommy papunta sa probinsiya nila Nathalia. "Uyyy. Nat gising ka na? Ang baho mo na, oh!"Kunyaring natatawa kong sabi habang hawak ang kamay niya. Isang linggo ka na palang natutulog rito? Kung hindi pa tumawag si tita kay mommy hindi pa namin malalaman ang kalagayan mo. Hindi ka pa ba nakukuntento sa pahinga mo?" Muling wika ko na pinipigilan ang umiyak. Napatingala na lamang ako nang hindi marinig ang pagsagot niya. Maya maya pa ay naramdaman kong gumalaw ang kamay nito. Agad akong lumabas at tumawag ng nurse at doctor. Tinawagan ko rin sina mommy at tita upang ibalita ang nangyari. Ilang sandali pa, kasabay ng pagdating ng dalawa ay ang paglabas din ng doctor. Sabay kaming tatlo na pumasok. Pagkapasok ng silid ay agad niyakap ni Tita Regine ang anak. Nagkatinginan pa kami ni Nathalia. Ilang araw na itong natutulog ngunit parang pagod na pagod pa rin ito. "S-sunset," nanghihinang sambit niya. Napatingin sa akin si tita dahil sa akin nakatitig si Nathalia nang sabihin iyon. Nginitian ko muna sila at nagpaalam na lalabas. Lumandas ang mga luha sa aking mga mata nang tuluyang nakalabas sa kaniyang silid. Ilang minuto pa ang nagdaan ay lumabas rin si Tita Regine at kinausap ako tungkol sa sinabi ni Nathalia. Ikinuwento ko sa kaniya ang lahat.HINDI pa man maganda ang pakiramdam ni Nathalia ay bumiyahe muli kaming apat patungo sa lugar kung saan unang nagkita kami ni Nathalia. Nang makarating sa Hotel ay agad kaming nag check in. Naiwan sina mommy at tita upang ayusin ang aming mga gamit sa hotel room. Sa kabilang banda ay tinungo namin ang dalampasigan kung saan kami unang nagkita. Tulak-tulak ko ang wheel chair nito habang masayang nagkukuwento. Nang marating namin ang nais puntahan ay nakiusap itong iupo siya sa parehong pwesto ng una ko siyang makita. Ginawa ko ang gusto niya at naupo ako sa parehong pwesto ko noon sa tabi niya. Inihiga niya ang kaniyang ulo sa aking balikat. "Naaalala mo ba na umiiyak ako ng una mo akong makita?" Tanong niya ng nakangiti ngunit alam kong pilit."Oo naman, ang pangit ng mukha mo pati ng pag-iyak mo kaya hindi ko malilimutan iyon," kunyaring masayang sagot ko sa kaniya. Mahinang napatawa muna siya bago nagsalita. "Sa araw na iyon ko nalaman na may sakit ako, sa araw na iyon unang gumuho ang mundo ko. Laking pasalamat ko sa Diyos dahil nakasalamuha kita ng araw na iyon. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko sa mga oras na nagkuwentuhan tayo," mangiyakngiyak na sabi niya. "Masaya ako ng araw na iyon Crael dahil may kasama akong nanood ng paglubog ng araw," dugtong pa niya. "Shhh. Huwag na nating pag-usapan iyon, Nat. I know you're tired. Sige na matulog ka na, babantayan kita," pilit kong pinapatapang ang aking boses nang sinabi iyon kahit pa nanghihina na ang aking kalooban. "Hmm. Thank you, Crael. Masaya ako dahil ikaw ang kasama ko ngayon habang pinapanood na naman ang paglubog ng araw. I love seeing the sunset and I-I love you." Huling katagang sinabi niya bago siya tuluyang nagpahinga. Hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha dahil sa tuluyang pagsuko niya. "Diba iyon ang sinabi mo sa akin noon. Na sana maulit ang pagkakataong magkasama tayong manonood muli ng paglubog ng araw. Ikaw at ako, nakaupo sa magkaparehong pwesto," naiiyak na bulong ko sa kaniyang tainga. "Salamat sa panahong nakasama kita. Mahal kita, Nathalia, mahal na mahal," kasabay ng pagsabi ko niyon ay ang paghalik ko sa kaniyang noo. "I don't like seeing the sunset but because of you.....I've started loving it since the day we met... for it's one of the things that reminds me of you---the love of my life. Patawad dahil hindi ko naaamin sa iyo ang tunay kong nararamdaman. Sorry. I promise that we will continue the love between us Nathalia, not here and not now but somewhere and maybe soon," malungkot na saad ko habang hawak ang kamay niya at nakatanaw sa papalubog na araw.