Pirena's Proverbs
Nandito kami ngayon sa Lireo sapagkat pinapatawag kami ni Alena dahil merong pagpupulong at meron ring pagsasanay ang aking bunso na si Alana kasama ng aking mga bagong hadia na si Adamus at Dasha at aking apo na si Cassandra
SA PUNONG BULWAGAN...
ALANA:Ashti Alena!(Sabay yakap sa kanyang ashti at sinalubong rin siya ng kanyang mga pinsan at Hadia na si Cassandra)
ALENA:Mabuti na nakarating kayo agad ni Rama Azulan.
PIRENA:Oo nga at mabuti nalang nagising ako na mas maaga para gisingin aking ashtading Rama kung hindi mahuhuli na man tong si Azulan(Sabay tingin sa kanyang asawa)
AZULAN:Poltre mahal kong Hara hindi na mauulit (Sabay akbay kay Pirena) Kung hindi mo lang ako pinagod kaga...(Hindi man lang niya natapos ang kanyang sinabi agad siyang siniko ni Pirena)Aray!
PIRENA:Sheda!Azulan naririto ang mga bata! akala mo hindi ka narinig ng mga iyon!
AZULAN:Poltre aking Hara ako'y nagloloko lamang.
At napatawa nalang si Alena inirapan lang siya ng asawa at humarap agad kay Alena
PIRENA:Ba't ka tumatawa ka diyan?(napipikon niyang sabi)
ALENA:Sapagkat kayo ay nakakatawa(Patawa niyang sabi)..
Napa iling nalang ang kanyang nakakatandang kapatid sa tinuran nito...
PIRENA:Mabuti pang ipatawag mo nalang ang mga Dama para ihatid ang mga bata sa azotea nang sa ganon ay masimulan na ang kanilang pagsasanay.
Pinatawag na ni Alena ang mga dama at inihatid ang mga bagong sanggre sa Azotea ng Lireo
AZULAN:Wla pa ba si Rama Ybrahim at Sanggre Danaya?
Naramdaman nila na merong nag ivictus sa kanilang harapan
DANAYA:Paumanhin na nahuli akong ng dating,dahil meron pa akong inasikaso,si Ybrahim siya ba ay dadating? sa pagkakaalam ko na nandito na Lira wla ba siyang balak na sumali sa pagpupulong?(Sunod sunod na tanong ni Danaya..
ALENA:Dadating din iyon mamaya mabuti pang mauna muna tayo sa silid pulongan
Sa Azotea ng Lireo...
Aquil:Ire,duwe,kaskil!
Dasha:Ado pwede bang makapagpahinga na muna dahil ako'y
napapagod na!
Aquil:Alam mo anak ang isang sang'gre hindi agad sumusuko(sabay hawak sa pisngi ng kanyang anak)
Adamus:Alam namin yan Aldo ngunit kanina pa tayo nagsasanay at ako'y pagod na rin...
Aquil: Kakasimula pa lang natin,bakit ang bilis nyo atang mapagod?..dahil dyan tuloy ang ating pagsasanay (Tumalikod sabay kumpas ng kanyang espada)
Cassandra:Ano ba tong si Ilo Aquil kanina pa tayo nagsasanay dito tapos sinabi niya na kasisimula pa lang natin?(Bulong ni Cassandra)
ALANA:Oo nga eh...pero may naisip ako.(Sabay ngiti)
CASSANDRA:ANO IYON?
AQUIL:May sinasabi ka Cassandra?(Humarap kay Cassandra)
CASSANDRA:Wala po Ilo
AQUIL:(Tumalikod) Ituloy niyo lang ang pagsasanay.
ALANA:Pwede bang hinaan mo ang iyong boses..yan tuloy muntik na tayong mahuli!
CASSANDRA:Sarreh..okay sarreh...
DASHA:Ano bang pinagbubulongan niyo jan?
ADAMUS:Oo nga kanina ko pa napansin na may pinag usapan kayo.
ALANA:Gusto mo bang gumala?(Bulong niya ni Cassandra)
Tumango naman ito at sinabihan ang iba at sabay silang nag ivictus patungog dalampasigan...
AQUIL'S PROVERBS
Haharapin ko sana ang mga diwani at ang rehav ngunit sa paglingon ko wala na ang mga ito at nakita ko si muros na kakarating lang
AQUIL:Muros napansin mo ba kung saan nagtungo ang mga diwani at rehav?
MUROS:Poltre Mashna Durye hindi ko sila napapansin kararating ko lang galing sa paglalakbay.
AQUIL:Pashnea! natakasan na man ako.
Sa silid pulongan..
AQUIL:Poltre mga Hara at Rama sa pagagambala ko sa inyong pagpupulong..nawawala na naman ang mga Diwani at ang Rehav!
PIRENA:Tanakreshna! kung makikita ko ang mga yun malilintikan sila sa akin.
AZULAN:May pinagmanahan.(Sabay pigil sa pagtawa)
YBRAHIM:Siyang tunay kaibigan..
PIRENA:(Hinarap si Azulan at Ybrahim tinaasan niya ang mga ito ng kilay)May sinasabi kayo?
DANAYA:May nais ba kayo ipahiwatig?(Diin nitong sabi)
YBRAHIM:Wala na man kaming nais na ibig sabihin Hara Pirena,Hara Durye..(Patawa nitong sabi)ito kasing si Azulan..
AZULAN:Anong ako?(Pagtataka nitong tanong)
ALENA:Sheda! Huminahon nga kayo mabuti pang hanapin nalang natin ang mga ashtading iyon
DANAYA:Mabuti pa nga..kami nalang ni Pirena ang maghahanap...batid mo kung saan sila nagtungo di ba?
PIRENA:Oo naman
(At sabay nag ivictus)
ALANA'S PROVERBS
Nandirito kami ng aking mga pinsan at hadia..
ALANA:Ikaw na ngayon ang taya Dasha!(Sabay tawa)
DASHA:Ako na naman!(napipikon nitong sabi)
ADAMUS:Bilisan mo kasi ang pagtakbo..
CASSANDRA:Ba't nakatayo ka pa?Habulin mo na kami.
Ilang sandali lang ay bigla-bigla nalang sumulpot si Yna at Ashti Danaya sa aming harapan..
ALANA,CASSANDRA,ADAMUS,DASHA:Patay...(Mahina nilang sabi at tila parang nakakita ng mga ivtre)
PIRENA:Sabi na nga ba nandito lamang kayo!(Habang ang dalawang kamay nasa bewang)
DANAYA:Bakit na naman kayo tumatakas?
DASHA:Ganito po kasi iyon Yna gusto lang po namin magpahinga kahit sandali..
PIRENA:Tapos?
CASSANDRA:Kanina pa po kami nagsasanay at pagod na pagod na kami.
ALANA:Kaya Yna Ashti naisipan naming mamasyal muna sapagkat hindi kami pinayagan ni Ilo Aquil.
DANAYA:Kaya naisipan niyong tumakas sa inyong pagsasanay?
Walang ni isa sa mga Diwani at Rehav ang nakasagot.
PIRENA:At sa tingin nyo sapat ang inyong mga dahilan para kayo'y tumakas at nagpunta kung saan na hindi namin nalalaman?..Alam nyo ba na pwede kayong mapahamak dahil sa inyong ginawa!(Diin nitong sabi)
Nakayuko lamang ang mga ito habang pinapangaralan ni Pirena
ALANA:Poltre Yna,Ashti...Alam ko pong magagalit kayo sa amin kung ano mang kaparusahan na ipapataw niyo sa amin tatangapin po namin.
CASSANDRA:Tama po si Alana at sorry po..
ADAMUS:Kagaya ng Sabi ni Alana kung anong kaparusahan ang ipatataw nyo sa amin aming tatangapin..
DASHA:Tama si Adamus kaya patawarin nyo na po kami...
GENERAL'S PROVERBS
Dahil nais nila ALANA at DASHA mapatawad ng kanilang mga ina niyakap nila ang mga ito at nakiyakap naman si CASSANDRA at ADAMUS.Yumayakap naman pabalik si Pirena at Danaya
PIRENA:Hindi naman kami galit sa inyo galit kami sa ginawa niyo baka kayo'y mapahamak at labis labis kaming nag-alala sa inyo..
CASSANDRA:So Ila di na po kayo galit sa amin?
DANAYA:Oo hindi na kami galit sa inyo kaya tayo na sa Lireo nang mapag usapan na ang inyong kaparusahan..
Tumango lamang ang mga ito at sabay nag ivictus patungong Lireo