Mahal ang kanyang propesyon,
Lalaking may kakaibang emosyon,
Mayroon na bang bagong inspirasyon?
Sa inaasta n'ya, ika'y maguguluhan,
Kung minsan hindi mo na maintindihan,
Ano nga ba kanilang patutunguhan?
Maxwell Laurent ang misteryosong kuya,
Hindi mo mawari ano nga ba ang iniisip n'ya,
Sa kanyang sariling kapatid handa bang magparaya?
Sa bawat kompetisyon ay nais n'yang manalo,
Pero sa pag-ibig kaya handa s'yang matalo,
Kung sariling kapatid ang makakalaban n'ya sa dulo?