KathNiel: One Shot Collection

By asdfghjklELA21

147K 2.4K 227

Written by: Pamela Claudio A collection of short stories filled with love, adventures and heart breaks. A s... More

How To Say Goodbye
Fangirl
Eternal
Peace Sign Necklace
Manhid Ka
I'll Never Let Go
Kung Ako Nalang Sana
Part Of Your Destiny
Bouquet & Garter
Assumera Ka Talaga
Must Be Love: Angel's Fast Forward
He Loves She, She Loves He too.
Those 3 Words
Magkabilang Mundo
That Very Moment
Dati
Anything For You
Happy Christmas
Abort Mission
Milktea & John Green
Ikaw Lang
She Loved
Weird Love Story

Ang Prinsesa at Alipin

8.8K 128 11
By asdfghjklELA21

Ang Prinsesa at Alipin...

...Prinsesa ako, alipin ka. Kaya ba natin ipaglaban ang relasyon natin?

Written by: Pamela Claudio // All Rights Reserved 2012

PS: Kakaibang story ang inyong mababasa. Ipinasa ko ito sa teacher namin nung grade 7 ako and guess what? She loved it! Fan din kasi ng KathNiel. Ieedit ko lang 'yung ibang names at mga typos para maganahan kayo sa pagbabasa.

Third Person's POV

Noong unang panahon ay mararaming magagandang dilag ang mayroon sa kaharian ng Wildolsia. Isa na doon si Prinsesa Kathryn. Si Prinsesa Kathryn ay dugong bughaw. Anak siya ng hari na si Haring Franco at ang reyna na si Reyna Min. Maraming nanliligaw kay Prinsesa Kathryn dahil sa kagandahan at magandang ugali nito. Kahit sa ibang kaharian ay naaabot ang kagandahan nito. Naglalakbay pa ang mga munting prinsipe para ligawan ito. Isa na doon si Prinsipe Enrique ng Bhutan. Isa sa mga pinakamalakas at kilalang prinsipe sa kaharian. 

Dumating ang prinsipe sa kastilyo ng prinsesa. Napawi agad ang ngiti ng prinsesa nang makita niya ito. Wala kasi siyang nararamdaman para sa munting prinsipe pero dahil sa kakulitan nito ay patuloy pa din ang panliligaw ito sa kanya. 

“Bakit hindi mo ako mahal, Prinsesa? Hindi ba sapat ang pagmamahal ko saiyo?” bigla itong tinanong ng prinsipe.

“Pagpasensyahan mo na ako, Prinsipe Enrique. Ngunit, hindi kita mahal at hindi ko kayang mahalin ka. Wala kang pagkukulang sa akin. Sa totoo lang sobra sobra na ang pagmamahal mo sa akin. Kaya ang pabor ko lang sa iyo ay tigilan mo na ang panliligaw mo sa akin. Ayaw kitang paasahin at masaktan pa. Pasensya na. Kaya salamat sa pagmamahal mo sa akin, Prinsipe Enrique. Pwede ka nang makaalis. Paalam at mag-ingat ka sa iyong paglalakbay.” lumakad na ang prinsesa palabas ng kastilyo.

Lumabas ang prinsesa para may hanapin ito. Ang hanapin ang isang dukha na alipin. Ang alipin na kanyang minamahal. Si Daniel. 

Napangiti siya sa nakita niya. Nakita niya ito na nagkakarga ng mabibigat na kahon at nilalagay ito isa-isa sa carosa. 

“Daniel, aking mahal. Bakit ka nagbubuhat ng mabigat?” tanong ito sa kanya.

“Mahal kong prinsesa, Ito ang trabaho ko. Sinabi ko na ito sa iyo noon pa man hindi ba? Kailangan ko magtrabaho para ako'y makakain sa araw-araw.” wika ito sa kanya.

“Daniel, hindi mo naman kailangan pa magtrabaho eh. Sumama ka sa akin at tayo'y magtanan.” sagot nito sa alipin.

Nagulat si Daniel sa sinabi ng prinsesa. Hindi siya makapaniwala na sasabihin ito ng prinsesa. Kaya tinanggi niya alok nito.

“Pagpasensyahan mo na ako prinsesa ngunit hindi ako dugong bughaw katulad mo. Hanggang pagmamahal ko lang ang kaya ko ibigay sa iyo. Patawad prinsesa. Salamat sa pagmamahal mo.” kinuha niya ang isang mabigat na kahon at nilagay na ito sa carosa. 

Naiwan lang ang prinsesa na tulala. Para bang bumalik sa kanya ang lahat ng sinabi niya sa prinsipe.

Samantalang naman, nakabalik na si Prinsipe Enrique sa kaharian ng Bhutan. Pagpasok niya ng kastilyo, ang kanyang ina na si Reyna Gretchen ang kanyang nasalubong.

“Anak? Kumusta ka na? Ano? Mahal ka na ba ng prinsesa?” bungad nito sa kanya.

“Patawad ina at ako ay nabigo. Hindi ako mahal ng prinsesa. Pinatigil niya na ang panliligaw ko sa kanya.” sagot nito sabay tumungo. 

“At bakit?” tanong nito.

“Dahil, may mahal po siyang iba. Isang mahirap na alipin. Si Daniel po mahal na ina ang kanyang minamahal. Nakita ko po sila kanina na magkasama at narinig ko po ang pinagusapan nito. Magtatanan ho dapat ang dalawa kaso tumanggi si Daniel.” 

Nagulat ang mahal na reyna sa sinabi ng prinsipe. 

“Hindi pwede ito. Hindi siya pwede maging prinsipe.” isip nito ng Reyna. 

Nagmukmok ang prinsesa sa kanyang silid-tulugan. Hindi ito nakakain o natutulog. Dahil dio ay nagtataka ma ang hari at reyna sa kinikilos ng prinsesa. Kaya tinanong nila ang matalik na kaibigan ng prinsesa na si Prinsesa Julia ng Astashia sa kinikilos nito. 

“Prinsesa Julia, pasensya sa pag-istorbo. Bakit iba ang kinikilos ng aming anak na si Kathryn? May sakit ba siyang nililihim sa amin?” tanong ng reyna sa prinsesa.

“Wala po mahal na reyna, pero ang huli kong kausap sa kanya ang sabi niya po, tinanggi daw po ng kanyang mahal na makipag-tanan sa kanya.” 

Nagulat ang mahal na hari at reyna sa sinabi ng prinsesa. Hindi ito makapaniwala sa sinabi ng prinsesa. 

“Sigurado ka ba diyan Prinsesa Julia? Ano pala pangalan niya nang sa ganon ay aming kakausapin?” tanong ng Hari sa kanya.

“Daniel Rinpoche. Mahal na hari.” sagot nito sa kanya.

“Daniel Rinpoche?” pagtatakang tanong ng reyna.

“Daniel Rinpoche? Hindi ba siya ang nawawalang prinsipe ng Bhutan?!” gulat na tanong ng hari.

“Hindi po, mahal na hari. Isa po siyang alipin sa inyong kaharian. Hindi daw po siyang dugong bughaw iyun daw po pagkasabi ng alipin sa prinsesa” sagot ng prinsesa.

“Ganoon ba? O'sige, salamat at may nalaman kami sa iyo mahal na prinsesa. Kami ay tutuloy na.” umalis na ang Hari at Reyna sa kaharian ng Astashia at bumalik na sa kanilang kaharian.

Malungkot na kumakain ng nilagang kamote ang alipin dahil sa kakaisip sa kanyang mahal na prinsesa, ayaw niya sana na hindi tanggapin ang alok sa kanya ng prinsesa ngunit ba ka ikamatay ng dalawa ito.

Dahil, ang alipin ang nawawalang prinsipe ng kaharian ng Bhutan.

Anak siya ng hari na si Haring Romulo at ng yumaong reyna na si Reyna Karla. 

Si Reyna Gretchen ay ang pangalawang asawa ng hari at si Prinsipe Enrique ay anak lang sa labas. Hindi ito tunay na anak ng hari. 

Nang yumao ang reyna, Si Reyna Gretchen ang pumalit sa pwesto nito.Hindi matanggap ni Daniel ang pagkamatay nito at ang kanyang napakasamang asawa ng hari ang pumalit nito.

Dahil si Reyna Gretchen ay isang mangkukulam.

Sinumpa ng reyna si Daniel ng maging alipin ng isang kaharian, at iyun ang Kaharian ng Wildolsia. Hindi sya pwede magpakasal ng isang prinsesa dahil pareho nila ikamatay nito. Pinalabas ng reyna sa hari na nawawala ang prinsipe dahil naglayas daw ito at yumao na rin. Hindi na hinanap ng hari ang kanyang nawawalan na anak dahil sa sumpa ng reyna na hindi na muli maalala ang anak nito. 

Napagdesisyunan na ni Daniel na puntahan ang prinsesa upang masabi ang nililihim nito. Kahit ikamatay niya daw, sigurado na siya sa desisyon niya.

Nang makarating siya sa kastilyo ng prinsesa. Ang hari at reyna ang nakasalubong nito.

Nagulat ang reyna at hari nung nakita nila ang alipin. Halos mahulog na ng hari ang hawak nito. 

“Ikaw ba si Daniel?” tanong nito ng reyna,

“Opo, ako nga po yun. Mahal na reyna. Pasensya na ho sa pagistorbo.” wika nito sa mag-asawa.

“Wala iyon Daniel. Pero Daniel, may pabor sana kami sa iyo.” sagot naman ng hari. 

“Kahit ano ho iyun mahal na hari. Ano po ba yun?”

“Pakasalan mo ang aming prinsesa.” 

Nagulat si Daniel sa sinabi ng hari at reyna. Alam niyang bawal ito. Bawal na bawal. 

“Hindi ko po yun magagawa mahal na hari at reyna. Dahil isa lang po akong alipin. Hindi po ako dugong bughaw na katulad niyo.”

“Hindi ka alipin, Daniel. Ikaw si Prinsipe Daniel hindi ba? Ang nawawalang anak ng aming matalik na kaibigan na si Haring Romulo? Hindi kami nagkakamali Prinsipe Daniel, Alam namin ikaw yun. Alam naming lahat. Ang prinsesa naman ay ngayon lang ito nalaman.” wika ng hari.

“Ano po ibig niyong sabihin?” 

“Si Reyna Gretchen ay isang mangkukulam. Oo Prinsipe Daniel, alam din namin yun. Si Haring Romulo ay sinumpa ng Gretchen na iyun. Natuklasan namin iyun sa isang mangkukulam na kakilala namin. At alam din namin kung paano ka naging alipin.” wika ng reyna sa kanya.

“At alam namin kung paano mawala ang sumpa.” 

Nagulat si Daniel. Para bang hindi mo matuklasan kung ano ang nararamdaman nito.

“Paano po?”

“Ito ay napakadali lamang gawin, halikan mo lang ang aming prinsesa.” sagot ng hari. 

Nang masabi ng hari at reyna ang mga mahiwagang salita na sinabi nila bigla nalang nagliwanag ang mata ni Daniel.

“Sige po, mahal na hari at reyna. Gagawin ko po basta po makabalik ako sa dati kong buhay at para po ay mapasaakin na ang aking pinakakamahal niyong anak.” 

“Daniel?”

Lumingon silang tatlo at nakita nila ang prinsesa. Dahil doon ay ilapitan ni Daniel ang prinsesa.

“Papakasalan kita, Prinsesa ngunit sa isang kondisyon.” 

“Ano iyun?” 

Nilapit ng alipin ang mukha nito sa prinsesa at hinalikan ito.

Nang mahalikan ni Daniel ang Prinsesa bigla nalang nahimatay si Daniel.

“Ha-Ha-Ha! At sino may sabi na pwede mawala ang sumpa?” 

Lumingon silang lahat sa nagsalita. Ang Reyna ng Bhutan na si Reyna Gretchen. Iba ang suot nito. Hindi mukhang pang-reyna. Kundi damit ng isang mangkukulam.

“Wala na ang alipin. Wala na kayong magagawa doon!” tumawa ng masama ang masamang mangkukulam. 

“Walang hiya ka, Gretchen!” sagot ng reyna sa mangkukulam.

Sasampalin na sana ng reyna ang mangkukulam ngunit naglabas ng isang makapangyarihan at kakaibang bola ang mangkukulam sabay inihagis ito sa reyna at hari. 

“Ina! Ama!” wika ng prinsesa sa hari at reyna na naging bato.

“At ikaw, Prinsesa. Hindi sana mapapahamak yang alipin na iyan at ang iyong magulang kung pinakasalan mo ang aking anak na si Prinsipe Enrique!” 

“Patawad po ngunit hindi ko po mahal ang inyong anak. Si Daniel po talaga ang aking mahal at mamahalin ko habang buhay.” sagot nito sa mangkukulam.

“Kung ganon, mamatay ka na!” wika nito sabay inihagis ng isang bola sa prinsesa. Kinuha ng prinsesa ang hawak na espada ng kanyang ama sabay ginawa itong panlaban sa makapangyarihan na bola.

Dahil sa lakas ng pwersa na ginawa ng prinsesa ay naibalik ang bola sa mangkukulam. Laking gulat ito at tumama ito sa dibdib ng mangkukulam sabay naglaho nalang ang katauhan nito.

Matapos maglaho ng mangkukulam ay napangiti ang prinsesa sa ginawa niya ngunit biglang may tumulong luha sa kanyang mga mata dahil nakita niya ang kanyang ina, ama at ang kanyang mahal na walang buhay, Umiyak nalang ang prinsesa habang ang ulo ng alipin ay nasa hita ng prinsesa.

Pinikit ng prinsesa ang kanyang mga mata at winika: ”Gumising ka, prinsipe.” 

Nanatili na umiiyak nalang ang prinsesa. Nakapikit pa din ang mga mata ito at iniisip na sana ay hindi nalang ito nangyari pa.

“Huwag kang umiyak. Ayaw kong makita na umiiyak ang aking prinsesa.” 

Napadilat siya at napatigil sa pagiiyak ng makarinig siya ng pamilyar na boses. Napatingin siya sa alipin pero wala na ito. 

Dahil isang prinsipe na ang nakikita nito.

“Daniel? Ikaw na ba 'yan?” tanong nito sa prinsipe.

“Ako nga, mahal na prinsesa.” hinalikan ito ang prinsesa ng mariin. 

Bumalik agad si Daniel sa Bhutan para sa kanyang ama. Nagulat nalang ang ama nito dahil biglang bumalik ang kanyang anak. Dahil doon ay bigla nalang naglaho si Prinsipe Enrique. 

“Maayos na po ang lahat, ama.” 

“Mabuti at nakabalik ka na, mahal kong anak. Sa atin na ang kaharian. Naibalik na muli sa atin ang kaharian.” wika nito sa prinsipe. 

Samantalang ang prinsesa naman ay pumunta sa isang mangkukulam upang maibalik sa normal ang kanyang ina at ama. Mabuti at nakabalik na muli ito sa kanilang katauhan.

Makalipas ng ilang araw ay nagkita ang prinsesa at prinsipe. Naglalakad sila sa may ilog ng Wildolsia. Isa sa mga pinakamaganda at romantikong puntahan sa kaharian. 

“Masaya ako dahil maayos na ang lahat.” wika ito sa prinsesa habang nakahawak ito sa kamay niya. 

Humarap ang prinsesa sa kanya sabay ngumiti.

“Napakaganda mong ngiti, prinsesa. Sa ating dalawa, kahit anong mangyari. Ikaw pa din ang prinsesa at ako pa din ang iyong alipin.”

Continue Reading