THE PANTI EXPERIENCE

Por JayPanti

955 12 0

"This Book Has It All! - Ink, Paper, Pictures and lots and lots of Words. If You Are Looking For A Book That... Más

DEDICATION
INTRODUCTION
AHEMM... MORE OF MELANIE
MGA JOKES NA ORIGINAL AT PINULOT
Ahemm again... Si Tina naman.
Para Kay Manny At Sa Lahat Ng Mga Kamukha Niya. (Huling hirit)
JOKE TIME... PULOT AT ORIG
Ahemm.. Ahemmm.. At Finally Si Alexa naman.
More.. more.... of Ahemmm Alexa.
Mga Payong Panti sa Buhay at Iba pa.
Kung Paano Ko Naloko ang Consul At Binigyan Pa Ko Ng 10 Years US Visa
MORE JOKES

A SHORT SURVEY ABOUT MY HIGH SCHOOL LIFE

106 1 0
Por JayPanti

So umpisahan ko muna ang book na ito sa pagsagot sa isang napakawalang kwentang survey na 'di ko alam kung sino ang gumawa. Pero thanks na din sa iyo dude at sinayang mo ang isang buong maghapon ko. Salamat na din at nagkaroon ako ng venue na maikwento sa readers ang konting high school life ko.

Tapos na ko sa Friendster. Na-meet ko na iyong kanilang 3,000K limit na friends kung kaya't di na ko makapag-add ng friends. Dun sa mga nagpapa-add pa, sorry na lang po talaga. Punta na lang kayo dun sa Facebook account ko at i-add nyo ko: jay.panti@ gmail.com. Dun ako medyo active ngayon, kakalaro ng Mafia Wars. Nakakatakot kasi mag-Farmville at baka kasi kung sino pa ang ma- fertilize ko ng 'di oras.

Dahil sa wala na akong magawa sa Friendster ay nakatuwaan kong sagutin ang isa sa mga surveys dun na ewan ko ba kung bakit pinagtiyagaan ko din naman sagutin. So find below my answers to the survey about my high school life. Wala lang, as in talagang wala lang. Nag-enjoy di naman ako reminiscing my high school days.

1. Inaaway mo ba yung guard sa gate?

Never ko kaya inaway yun. Hindi ako mahilig makipag- away! Friend nga namin si Manang para makalabas-pasok kami sa loob ng school. Binibigyan pa nga namin si Manang ng yosi. Madalas pa nga siya makisindi sa amin. At sabay-sabay kami minsan nina Manang mag-yosi pag uwian na at wala ng tao.

2. Lagi ka bang nale-late?

Never akong nale-late. Wala sa vocabulary ko ang word na late. Absent madalas ako, pero never late. Paano ako male-late? Eh lagi akong nagigising sa sigaw ng nanay ko sa umaga. "JAY!!!!! Gising nahhh!!!!!" Tapos hinahatid niya pa ko sa school heheh! Nakakahiya nga eh.

3. Complete uniform ka ba lagi?

Complete uniform with white handkerchief, white socks, white briefs, and white teeth. Bagong cut lagi ang nails, clean cut

at laging naka-comb with gel ang hair. Sinusuklayan pa ko madalas ng nanay ko, kakahiya talaga. Tapos laging bagong shine ang shoes ko na lagi naman napapagtripan tapakan ng mga classmates ko.

4. Sumusunod ka ba lagi sa mga school rules?

Always. Uhmm.. Madalas lang ako talaga makatulog sa loob at labas ng classroom. Lalong-lalo na sa library at sa simbahan na katabi ng school namin. Akala tuloy nila eh napaka-studious at religious ako. Kasama ba sa rules 'yon?

5. Kumakanta ka ba ng Pambansang Awit at School Hymn?

Yup. Sumasayaw pa ko minsan complete with actions. Walang sinabi yung "Nobody".


6. Active ka ba sa klase?

Tamad ako. Lagi ako walang gana mag-participate. Pero pag kasama si Dina, kahit anung activity pa yun, siyempre sasali ako! Napasali pa nga ako sa Glee Club nun kahit hindi ako maganda kumanta kasi andun lang si Dina. Heheh! Ayun at ginawa akong background singer, yung chuwariwap kung tawagin.

7. Mababa ba ang IQ mo o mataas?

IQ or Intelligence Quotient is the measure of cognitive ability of an individual and is measured in terms of mental vs. chronological age of a person. Di ko pa na-measure. Di ko din alam kung paano i-measure. Bibili na lang siguro ko ng timbangan nun para malaman ko.

8. Nakikipagdaldalan ka ba habang nagle-lesson ang teacher?

Never. Kabastusan naman yata yung nakikipagdaldalan ka habang nagtuturo yung teacher. Good breeding ako kahit ganito ko. Madalas lang namin gawin yung kumuha ng tissue paper, bilugin iyon, basain ng konting tubig at itapon ng malakas paitaas hanggang sa dumikit iyon sa ceiling nang hindi nakikita ng teacher. At pag hindi iyon dumikit at nahulog, pipigilin mo lang yung tawa mo. Mahirap din gawin iyon at kung susubukan niyo ay siguraduhing hindi kayo mahuhuli ng teacher niyo at baka maipatawag pa ang parents niyo at nakakahiya. Just let the professionals do it. It takes a lot of practice. Heheh!

9. Hina-harass mo ba ang mga teachers niyo?

Hindi. Make good friends with your teachers. Wag niyo silang i-harass at laging iwasan mapag-initan kayo. Remember, sila ang gumagawa ng mga grades natin. Kahit bobo tayo, kahit bagsak tayo sa mga exams, eh nasa kanila pa din ang final decision kung ipapasa ka nila o magkikita pa ulit kayo next year. Always smile to your teachers dahil sa sila kasi ang magpapasang-awa sa 'yo just in case maging kaawa-awa ka nga.

10. Napapunta ka na ba sa Discipline's Office dahil sa kabalbalan?

Di ko na matandaan. Actually, di ko kasi mabilang sa dami, heheh! Isulat ko na lang yung mga natatandaan ko.

a. Nung nilagyan namin ng rubbing alcohol yung pineapple juice ng teacher namin during our recess. Malas may nagsalita at nagsumbong. Teacher's pet kasi yung bwiset na yun. Di naman siya sipsip pero mukha siyang pet dog. Siyempre kahit totoo, todo deny kami heheh.. mahirap yatang mapagbintangan ng totoo.

b. Nung may humila ng chair ng classmate kong babae habang papaupo siya. Siyempre bumagsak at napaupo siya sa floor. Napatawa kami ng malakas. At sa kamalas-malasan, ako ang napagbintangan ng teacher na humatak ng silya ni classmate. Putragis. Tumawa lang, napapunta na sa office. By the way, first time ko yun nakakita ng Hello Kitty na panty, care of my classmate na nahulog.

c. Nung field trip namin ng second year, imbes na tubig ang dala namin sa aming mga water jugs, beer ang laman nito. Malas at may nakiinom pa na teacher, lusot na sana.

d. Nasa loob kami ng comfort room at nagyoyosi. Siyempre may isa kaming lookout. At nung sinabi ng aming lookout na may paparating na teacher, tapon agad ang mga yosi sa toilet at sabay flush. Tago agad kaming tatlo sa loob ng isang cubicle at ini-lock pa namin ang pinto. At dahil sa may space sa ilalim ng pintuan ng cubicle at baka kami ay masilip, pinaupo namin si Mel sa toilet na kunwari ay nagpupupu. At kaming dalawa ni Gary ay tumapak naman sa toilet seat. Naisip kasi namin na pag sumilip ang teacher namin sa cubicle ng CR eh yung dalawang paa lang ni Mel ang makikita nito at iisipin nito na nagbabawas nga lang talaga si Mel.

At ganun nga ang nangyari, dahil sa amoy ng sigarilyo ang loob ng CR ay pinilit hanapin ng aming principal na si Miss Salazar ang pinanggagalingan ng amoy. Kahit na nagkunwari pa ang aming lookout na si Alvin na jumijingle para hindi makapasok sa loob ng CR si Miss Salazar ay walang epek ito. Dire-diretso pa din siya sa pagpasok sa loob ng CR sabay silip sa ilalim ng mga cubicles. Pag silip niya sa aming cublicle ay eksaktong mga paa lang ni Mel ang kanyang nakita. At yun nga at muli siyang tumayo na at nung papaalis na siya ay bigla niyang nakita ang mga daliri ko na nakasabit at nakahawak sa ibabaw ng cublicle. Yun ang malas. Talas talaga ng mata ng principal namin. Unang beses pinatawag sa school ang nanay ko.

e. Exams namin noon at aaminin kong hindi ako nakapag- aral. Pero laking suwerte ko pa din kasi ay si Mel ang ka-seatmate ko. Alam na alam ko naman na hindi ako papabayaan ni Mel at papakopyahin niya ako. Wala naman sanang magiging problema at talagang kinopya ko ang buong exam paper ni Mel. From top to bottom to the next page, talagang kinopya ko lahat except yung name niya sa heading. Malas na lang at maling-mali pala ang mga sagot ni Mel sa kanyang exams. Naghinala ang aming teacher na nagkopyahan kami at agad ko naman itong inamin dahil sa ayaw ko din naman mapahamak si Mel. Nag-magandang loob na nga yung tao eh napahamak ko pa. Kaya ayun, pangalawang beses pinatawag ang nanay ko sa school namin.

f. Nagdala ng porno magazine ang isa namin kaklase at habang nakatingin ako at naglalaway sa nakikita ko sa magazine ay biglang nagtakbuhan papaalis ang mga kaklase ko at ako ang naiwan sa table. Dumating pala yung teacher namin na di ko namalayan dahil sa abala ako sa pagtingin sa magazine at yun at napagbintangan pa ko na sa akin daw yung porno mag. Buti na lang at lalake yung teacher namin si Mr. Garcia at alam kong maiintindihan niya na normal lang sa aming mga students na paminsan-minsan ay tumingin sa mga ganun na magazine. Pero malas at pinagalitan pa din kami lalo na ako. Kasi ay ok lang naman daw na tumingin kami sa mga pictures ng mga sexy na babae pero bakit naman daw mga seksing babae na nakadamit pa ng madre ang aming mga trip. Nasa Dominican school pa man din daw kami. Malas talaga pero swerte pa din at 'di naman pinatawag ang nanay ko. Binigay ko na lang kay Sir yung magazine at 'di na din niya isinoli.

g. Nakatulog ako sa aming Religion class. Super nakakaantok kasi talaga nung time na yun kasi natatandaan ko ang topic namin ay tungkol kay Samson and Delilah na kung saan sinasabi na nakukuha ni Samson ang lakas niya sa haba ng kanyang buhok. Wala kasi akong ganang makinig kasi ay crew cut ang gupit ko nun na requirement sa aming CAT. Ayun at nakatulog nga ako at nung nagkataon na ginising ako ni Miss Mendoza ay malas at nananaginip ako na nakikipag away daw ako kay Mel at ayun at nasuntok ko si Miss sa mukha. Di naman masyado malakas pero napapunta pa din ako sa Principal's Office.

11. Napahiya ka na ba sa klase?

Yup, madaming beses pero di ko malilimutan yung minsang tinawag ako ng aming teacher sa Math para mag-solve ng problem sa blackboard. Madali lang naman kasi yung problem kaya nag- raise ako ng hand at tinawag naman agad ako at parang nagtataka pa yung teacher namin at alam ko ang sagot. Dahil sa favorite kong puwesto sa classroom ay dun sa bandang likod, medyo mahaba- haba din ang aking nilakad papunta sa harap. Ayun at nung malapit na ko sa blackboard ay bigla akong napatid dun sa bag ng classmate kong nakaharang sa gitna ng aking dadaanan. Siyempre nadapa ako at pinangtukod ko yung mukha ko sa sahig. Siyempre ang sakit nun at tiningnan ko agad ang aking ilong kung may dugo ito dahil nga sa sakit. Buti na lang at wala. Pero ang nakakainis ay yung nasaktan ka na nga ay nagtatawanan pa ang buong klase. Gawain ko din kasi talaga yung pagtawanan ang mga kaklase ko kung sila ay nadapa, natalisod o natapilok. Gumaganti lang siguro sila.

Pero lakinggulatkongparangmedyolumamigangpakiramdam ko sa bandang puwitan ko. Nasayad kasi yung puwet ko sa malamig na floor. At ayun nga! Sabi na nga ba at napunit ng malaki yung pantalon ko sa may bandang puwet dulot ng aking pagkakabagsak. Putragis, una kong kinapa ay kung may suot akong brief. Buti na lang at meron, hehe! Putragis na mga kaklase ko, buti na lang ay 'di ako nakunan ng picture. Pahiyang-pahiya talaga ako lalo na sa mga gels nung panahon na yun at hanggang ngayon tuwing nagkikita- kita kami ng aking mga former batchmates ay di nila pwedeng hindi iyon ipaalala sa akin. Hayyzzzz...

Meron pa palang isa. One time kasi ay 'di ako nakikinig sa aming Araling Panlipunan at nakita ako ng aming teacher na si Mr. Pacalda at bigla akong tinawag. Dahil sa hindi nga ako nakikinig ay tinanong ko si Gary kung ano ang question ng aming teacher.

Jay: (whisper) Pre, ano yung question ni Sir?

Gary: (whisper) Ahh.. kung sino daw magsa-sign ng permit mo sa field trip natin.

Jay: Ahh.. Sir, Nanay ko po!

Ayun at biglang nagtawanan ang buong klase at pati yung teacher namin ay napatawa na din ng malakas at napansin kong yung ibang mga kaklase ko ay naluluha pa kakatawa. Nalaman ko na lang na yung question pala ng aming teacher ay kung sino ang nag-mediate ng dalawang grupo na nag-sign na Pact of Biak-na- Bato, akala ko si Mom. Heheh!

13. Gumagawa ka ba ng assignments o copy lang?

Madalas copy lang. Madalas din naman akong gumawa ng mga assignments pero ewan ko ba kung baket ayaw nilang kopyahin yung mga answers ko kaya ayun at copy na lang ako ng copy sa mga masipag gumawa. Kahit na ino-oofer ko na sa kanila yung ginawa kong assignment eh ayaw pa din nilang kopyahin. Actually hanggang ngayon ay nagtataka pa din ako kung bakit ayaw nilang kumopya ng mga assignments ko kahit willing to share naman ako.

14. Kumakain ka ba tuwing break?

Kapag may extra time pa. Kasi nga ay tuwing break lang ako gumagawa minsan ng mga assignments at nagre-review na din kapag may mga tests. Pero madalas naman ay may extra time ako kaya order na din ako ng extra rice sa canteen namin.

15. Ano ang first line ng School Hymn ninyo?

Hail St. James! Alma mater dear... Die fame resounds both far and near.

Basta parang ganun, hala papagalitan ako nito ni Miss Mayor, heheh! Dati kasi pag natapos na ang aming recess at na-late kami sa pagbalik ng aming classroom ay papakantahin kami sa harap ng classroom at ito nga ang madalas kong kantahin... bukod sa "My Sharona".

16. Naging medalist ka na ba?

Sa chess, varsity player ako nun, walang tumalo sa akin ng patagalan na nakaupo kaharap ang chess board. Magdamagan kaya kong umupo at makipag-chess at antayin ko makatulog yung kalaban ko sa tagal kong tumira. Nanalo kami sa championship laban sa LaSalle Greenhills. Na-default sila kasi nag high tide sa Malabon nalubog daw yung school bus nila, heheh. Ayun at binigay din sa amin ang mga medals! Proud kami siyempre.

17. Nangotong ka na ba sa kaklase mo?

Di naman actually kotong. Pero natatandaan ko pag may Christmas fund drive ay madalas kaming mag-volunteer nina Gary at Mel. Kami ang madalas magbalot ng mga de lata at pagkain na donated ng aming mga kaklase. Madalas namin kunin nun yung mga imported na canned goods tulad ng Spam at corned beef. Dadalhin namin yun sa bahay ni Erwin at titikman namin. Imported daw kasi yung mga canned goods at baka di kayanin o 'di kilala ng mga tiyan ng aming mga pagbibigyan kung kaya't kami na ang nagvo- volunteer na kumain nun, kaysa naman sa sumakit pa ang tiyan ng mga poors. Sama talaga namin noh?

18. Natutulog ka ba sa klase?

Dati, pero nung fourth year na ko minsan na lang. Madalas ay nakapikit lang ako habang nakayuko sa desk yung gising na tulog. Mahirap ng makatulog ng mahimbing. Nung minsan kasi na nakatulog ako ng mahimbing ay nilagyan nila ang mukha ko ng design gamit ang mga colored chalks. Ayun at nagmukha akong Bugs Bunny. Himbing kasi ng tulog ko talaga nun.

Outstanding student ako nung elementary. Lagi kasi ako OUT.... STANDING sa labas ng classroom. Lagi kasi ako nakakatulog sa religion class namin. Sino naman kasi hindi makakatulog pag pinagro-rosary kami bago mag-start ang klase.

19. Pumapasok ka ba sa ibang room kahit na may klase sila?

Never. Di talaga ko umaalis ng upuan ko. Nakatayo lang ako pag-recess, pag may kukunin sa locker at kung wiwiwi.

20. Gusto mo ba ang mga patakaran ninyo sa inyong eskwelahan??


Dati nung elementary ako, ok lang. Pero nung nag high school na ko, ewan ko ba kung bakit pinaglayo na nila ang boys' and girls' lavatory. Super layo talaga. Dati kasi natatandaan ko magkatabi pa yun. No chance tuloy nung high school na ko. Hehe!

21. Nagdadala ka ba ng mga pagkain sa room niyo?

Lagi ako meron dalang extra food sa bag ko. Para nga akong elementary student parati. Lagi kasi akong pinagagawa ng sandwich ng nanay ko. Gusto niya, yun lagi ang kakainin ko at nagagalit siya tuwing bumibili ako ng mga junk foods. Pero nung pinabaunan niya ako ng fresh milk ay umangal na ako. Sobrang nakakahiya na yun, 'di ba?

23. Ano ang pinakamahirap na subject para sa iyo?

Biology siguro, mahina kasi ang memory at imagination ko. Hirap akong mag-identify kung mammal o reptile o amphibian. Saka takot talaga ko sa mga palaka. Sayang nga at late ko na na- realize na very interesting pala ang Biology, magagamit sa pagtanda mo. Sayang talaga.

24. Natawag mo na bang "Sir" ang Ma'am nyo, at "Ma'am" ang Sir niyo?

Pag kasi nasanay ka na laging "Miss" ang tawag mo, pati si Sir matatawag mo na din "Miss". Per yung isa naming teacher na miss eh parang sir talaga, machong-macho ang dating. Lagyan mo lang ng bigote ang mukha nun kamukha na niya si Mr. Suave.

25. Ano ang pangalan ng eskuwelahan mo nung high school?

St. James Academy, Malabon. Dapat may Malabon kasi nga ay madaming St. James daw na school like yung St. James Quezon City at Bulacan. Dati ay pinatatakbo ito ng mga Maryknoll sisters na dating headquarters ng Miriam College sa Katipunan. Tapos pinatakbo ito ng mga Dominicans. Ngayon lahat tumatakbo na pag baha. Heheh!

26. Naaksidente ka na ba sa school?

Madalas lang mauntog sa classroom. Pinakagrabe na yata nung mag-wrestling kami ni Erwin. Nadala kami sa aming harutan sa aming auditorium at kumuha si Erwin ng foldable steel chair at hinampas iyon sa likod ko. Akala yata eh ako si Triple H. Gulat lahat dahil sa lakas ng tunog ng pagkakatama ng bakal na silya sa likod ko. Ayun nabugbog at nagkapasa ng grabe yung likod ko. Hirap matulog ng nakadapa nung kinagabihan. But that's not all, pinabayad pa sa amin yung nakupeng na steel chair. Sabi kasi sa commercial ng wrestling "Don't Try This At Home!" so yun sa school namin tin-ray.

27. Ano ang laging kinakain mong pagkain sa canteen?

Yung sandwich na gawa ng nanay ko. Madalas Ma-Ling ang palaman with sandwich spread, Lady's Choice, heheh!

28. Madalas ka bang mag-CR sa school?

Madalas kong samahan si Mel at si Gary sa CR para mag- yosi. At ako ang madalas mapagbintangan ng aming teacher na nag-yosi kasi ay ako ang laging nangangamoy. Lagi kasi nila akong binubugahan ng second- at third-hand smoke.

29. Nagkaroon ba kayo ng Prom?

Sa Philippine Plaza pa, yung Sofitel ngayon. Ka-partner ko nga si Dina. Mahirap din pala yung medyo popular yung ka- partner mo sa prom. Imbes kasi na sa akin ang lahat ng attention ni Dina ay napakaraming gustong pumapel na mga epal sa kanya. Kung bakit kasi sila pumunta ng prom na mga walang partner tapos ay makikipartner sila sa may partner na. Kakainis. Masaya na din naman at naka-kiss ako kahit paano, heheh!

30. Pag wala kayong class, saan ka madalas pumunta?

Sa classroom pa din ako nagii-stay. Kuwentuhan lang. Super ok kasi yun pag super cute yung kakwentuhan mo. Pero pag walang cute na kakwentuhan, pagtiyagaan ko na din makipagkwentuhan kina Mel and Gary, ok na din kasi puro yung mga cute din naman ang lagi namin topic.

31. Na-confiscate na ba yung ID mo?

Minsan lang yata. Pero ok lang kasi ay sampu naman ang mga IDs ko. Nakakuha kasi kami ng mga blank school IDs sa office ng aming registrar. Nakakalat lang kasi dun so kinuha na namin at baka mawala. Kaysa naman sa mapunta yung mga blank IDs sa mga bads. Tapos yung isang classmate namin master na master ang pag- forge ng mga signatures kaya madami kaming mga IDs talaga.

32. May stage ba sa school ninyo?

Di lang stage, may auditorium pa at may mga foldable steel chairs na kamuka ng mga ginagamit sa wrestling. Multi-purpose pa pala yun huh. Minsan stage, minsan volleyball court, minsan basketball court, minsan badminton court, pati table tennis dun pa din. Pati chess. Minsan nagiging seminar room din yun. Madalas nagiging kainan din yun pag may mga functions. Basta lahat, dun sa aming auditorium ginagawa. Medyo maliit kasi yung aming school... pero pero pero malinis 'to pati sa kusina. Heheh!


33. Kung meron, kailan ka huling umakyat sa stage ninyo?

Nung naglalaro kami ng sipa sa auditorium at sa lakas ng sipa ko ay natanggal ang sapatos ko at tumilapon sa stage. Ayun umakyat ako at kinuha ko yung sapatos ko sa ibabaw ng stage. Pero bago yun, nung inawardan kami ng mag-champion kami sa chess.

35.Kailan ka huling umiyak sa school ninyo?

Nung last retreat na namin nung fourth year. Ewan ko ba. Di naman ako iyakin pero naiyak talaga ko. Sa Baguio kasi yun last retreat namin at si Fr. Sonny Ramirez ang nagbigay ng retreat. Style niya kasi ay papatawanin niya muna kayo sa umpisa ng kanyang lecture hanggang sa maging sad at maiyak ka sa bandang huli. Sa totoo lang ay 'di naman ako tinatablan nun, sabi nga ng nanay ko ay iba kasi talaga ako, special child daw.

3-day retreat iyon at tuwing umaga ay nagbibigay ng mass si Father. Favorite na favorite namin noon yung part na "Peace be with you". Kasi, dun ay allowed kang makipag- hug at beso-beso sa mga kaklase mo. Siyempre lamang ka na agad kung maganda ang katabi mo kasi nga ay limited lang ang time ng "Peace be with you". Buti na lang at co-ed ang school namin. Parang ilang kasi ako kung makikipag-hug at beso-beso ako sa lalake din.

Gabi pa lang ay pinag-uusapan na namin ito at sabi nga namin ay kailangan lang namin ng magandang puwesto para maging success ang aming "Peace be with you." So, ayun ang nangyari, nakatulog ako ng mahimbing at 'di man lang ako ginising nila Mel nung time na ng Mass. Na-miss ko tuloy ang "Peace be with you!" Di ko into inabutan. Badtrip, ayun at bad trip na talaga ako samantalang nakita ko sina Mel na ubod ng laki ang mga ngiti nila after ng Mass.

Matapos ang mahaba-habang lectures and sermons ni Fr. Sonny ay na-realize ko din sa wakas na may mas mahalaga pa pala tayong role na dapat gampanan pagkatapos ng ating high school – Spread the Word daw, 'wag daw spread the legs. Ayun at nung nag- college na ko and up to now ay nalilito ako kung ano ba talaga ang aking i-ispread. Nakakaiyak talaga, 'di ba?

Seguir leyendo

También te gustarán

17.2K 389 32
hi guys ang istorya na ito ay tungkol sa vhoice pwede nyo rin ito basahin kahit anong love team kayo try ko rin gumawa ng bicol vicerylle at jhice sa...
836 13 10
"This Book Has It All! - Ink, Paper, Pictures and lots and lots of Words. If You Are Looking For A Book That Speaks To The Heart And Inspires The Min...
70.6K 1.1K 28
(Isang nakakaaliw at kakaibang story description na magiging dahilan upang mahikayat ka at hindi mapigilan na basahin ang kwentong eto. That's all. D...
26.5K 214 18
Hello po!!!! tandaan nyo po eto pong istoryang ito ay fanfiction lamang po medyo may mga totoong nangyari sa totoong buhay hehe para po ito sa mga as...
Wattpad App - Desbloquea funciones exclusivas