Follow me on Twitter: @ecpkrys27 I'll follow back
Add me on Facebook: www.facebook.com/krystleraicke
----
"Girl! Nakita mo ba si Josie?" Bungad ni Sherly kay Gela. "Hindi pa ngae. Nag-aalala na nga ako kung asan yun. Ilang missed call yung iniwan niya kagabi. Nagtext siya ng tulong then I replied for what yung hinihingi niyang tulong.
She replied after an hour that she's doing fine. Magpapatulong sana siya sa thesis niya, I wonder......" "Gela! have you seen Josie?" Hindi pa man tapos magsalita si Lora ay humirit na si Carla.
"That's what we've been talking about ni Sherly. I haven't seen her, why?" "Teka wait friend, diba best friend mo si Josie? Oh bakit di mo alam kung asan yun?" Tumaas ang kilay ni Gela. "Wait Carla, pag sinabing best friend, kailangan alam ko agad lahat ng aktibidades ni Josie? Adik lang ah."
"Owkiee, sorry naman, pwedeng magsorry?" May sinasabi pa si Carla ngunit hindi na narinig pa ni
Gela ang sinasabi ng mga kaibigan. Nakatuon ang isip niya sa text ni Josie na 'tulong' at mga
missed call na tila ba parang importante ang ipinahihiwatig.
"Josie, san kna? 2 days kna di pmapasok. Wlang tao sa apartment mo kaya lalo akong nag-aalala.
Last txt mo, humihingi ka ng help. Den I asked u kng para saan sbe mo para sa thesis mo. Pls. call
me aftr u read dis mesage. Godbless bessy." Nag-aalalang text ni Gela para sa kaibigan. Alam
kasi ni Gela na di ugali ni Josie ang hindi magpaalam o magsabi man lang kung saan ito pupunta.
Walang naintindihan si Gela sa kanilang klase kaya ilang beses siyang nasita ng mga professor.
Umuwi siyang puro si Josie ang iniisip. "Tao po." Muntik nang mahulog ang basong hawak ni Gela
nang may biglang kumatok sa pintuan ng Condo unit niya. "Sandali lang!" Bago niya buksan ang
pinto, sumilip muna siya sa peephole ng pinto. Naging ugali na niya ito dahil sa nag-iisa siya sa
Maynila habang nag-aaral dahil nasa probinsiya ang kanyang mga magulang na nagbabantay ng
kanilang hacienda. Hindi niya inaasahan ang bisita. "Josie!" Aga niyang binuksan ang pinto ngunit
wala namang tao. Inisip niyang guni-guni lang niya iyon kakaisip kay Josie. Maya-maya'y tumunog
ang kanyang cell phone. "Bessy, sorry l8 rply. pasensya na di ako nagttex or tmawag man lng. Bc
kc." Napalagay na ang loob ni Gela pero nagtataka siya sa sumunod na text. "Bessy, nsa labas
ako ng pin2 mo, bkt mo cnara agd?" Sumilip muli sa peephole ng pintuan si Gela at naroon nga si
Josie na nagtetext. Binuksan niya ang pinto at tulad kanina, wala pa ring tao. "Josie? Nice prank
bes, pero not effective." Lumabas na siya nang tuluyan para tingnan kung para saan nagtatago si
Josie., ngunit wala talaga. Pumasok na siya sa kanyang unit. Nang biglang may humawak sa balikat niya. "Bessy!" Muntik himatayin sa takot si Gela. "Josie! Adik ka! Tinakot mo ko!" Tinawanan lang siya ni Josie. "Bakit bes, akala mo multo? Huwag kang matakot sa patay, sa buhay ka matakot. Hindi mo alam ang kaya nilang gawin."
Naging seryoso ang tinig ni Josie sa mga sinabi nito. "Asan ka ba nanggaling? Halos buong
kampus pinaghahanap ka!" Ngumiti si Josie na tila may sekreto itong alam. "I just went to my own
death." Sabay tawa. Hindi nagustuhan ni Gela ang biro ni Josie. "Ayoko nang ganyan Josie. Saan ka nga ba galing?" Malapit nang mairita si Gela dahil puro tawa lang ang binibigay ni Josie. "Stop itGela, it doesn't mean na best friend kita dapat alam mo na lahat. By the way, this would be the last time you are going to see me. I will no longer attend to our school anymore. If you're asking why, well kasi mag-iibang lugar ako. I don't say, mag-iibang bansa. Lugar meaning pwedeng impyerno or langit. Thanks for being a good friend. Don't bother to look for me. you won't find me. But take this as a warning. Never ever trust anyone. Never ever Gela. Para sa iyo rin yan. Hindi yan paalala, babala yan. Hindi yan pananakot, babala yan. Please take good care of yourself. BYE!"
Nakanganga na si Gela sa mga pinagsasabi ni Josie nang magulat siya dahil bigla itong tumakbo palabas ng unit niya. Hinabol niya agad ito at paglabas niya labis ang pagtataka niya dahil mabilis nawala si Josie. Takang-taka siya sa ibig ipahiwatig ni Josie sa kanya na alam niyang si Josie lang ang makakasagot.