“Andree Leona,” nakangiting tawag ni Austin kay Andree Leona habang unti-onting naglalaho ang kanyang katawan na parang bula.
Habang si Andree Leona ay walang tigil na umiiyak at walang magawa. Napatingin siya sa kanyang hawak-hawak at nabitawan niya iyon, ang canvass kung saan niya ipininta si Austin na onti-onting nasusunog sa paanan niya at ang lighter na ginamit para sunugin ito.
“Austin!” panaghoy niya ay tuluyan na siyang napa-upo habang nawala na sa kanyang harapan si Austin.
--
Humihingal na nagising si Andree Leona mula sa mahabang pagkakatulog. Akala niya totoo na ang kanyang panaginip. Akala niya totoong nawala na sa mismong harapan niya si Austin na parang bula na siya mismo ang may kagagawan.
Napahawak sa pisngi niya si Andree Leona at naramdamang basa iyon. Kumakabog din ng malakas ang kanyang dibdib at hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik sa normal na pagtibok ang puso niya.
Mangyayari kaya ang napanaginipan niya?
Sign kaya ‘yong panaginip niya?
Napahinga ng malalim si Andree Leona at tiningnan ang bookshelves kung saan ang kwarto ni Austin. “Austin…”
--
Nagmulat ng mga mata si Andree Leona at tiningnan sa wall clock kung ano ang oras na.
6:00
Napapikit ulit si Andree Leona dahil nakaramdam siya ng sakit ng ulo. Recently ay laging sumasakit ang ulo niya na ikipinagtataka niya. Hindi naman siya stress. Hindi naman siya napapagod sa mga daily routine niya.
“Anak,” tawag sa kanya ng ina niya na nasa labas ng kanyang silid. Bumangon siya para pagbuksan ng pinto ito. Kailangan niyang i-lock lagi ang kanyang silid dahil baka makita si Austin ng ina niya at hindi niya ma-imagine ang magiging reaksryon nito.
“Mom…” mahinang tawag niya dito. “I’m kinda sick. My head hurts, Mom.”
Nag-alala naman ang Mom niya. Dinama nito ang noo ni Andree. “Wala ka namang lagnat. Gusto mong magpacheck-up ka na? Lagi bang sumasakit ang ulo mo?”
Tumango siya. “Madalas po. Pero hindi na po siguro kailangan ng check-up. Siguro ipapahinga ko na lang muna ito, Mom.”
“Okay. But are you sure? Mas okay na rin kung magpapacheck-up ka.”
Ngumiti si Andree Leona. “Hindi na, Mom.”
“Okay. Ipaghahanda na lang kita ng breakfast mo.”
“Thank you, Mom.”
--
‘Are you okay, Andree Leona?’ nag-aalalang tanong ni Austin. Kanina pa niya naririnig ang pag-uusap ni Andree Leona at ng ina nito. Gusto niyang makita si Andree pero hindi maari dahil halos oras-oras ay nasa loob ng silid ni Andree Leona ang Mom nito.
‘I’m not. Feeling ko hinang-hina ako,’ sagot naman ni Andree sa pamamagitan din ng isip.
‘Ano bang ginawa mo?’ tanong niya.
‘Hindi ko nga alam. Pahinga lang ‘to, Austin. Sana maging okay na ako.’
Napa-isip si Austin.
--
Halos araw-araw ay sumasakit ang ulo ni Andree Leona, mga ilang oras lang naman. Minsan naman ay para siyang nanghihina. Pakiramdam niya ay may kumukuha ng lakas niya.
“Bakit namumutla ka, Andree?” nag-aalalang tanong ni Zyra Mae. Kumakain sila ngayon sa canteen for lunch.
“Okay lang ako,” nakangiti niyang sagot pero alam niya sa sarili niyang hindi okay. Sinubukan na niyang magpacheck-up pero ang sabi lang ng Doctor sa kanya ay maaring dahil sa stress o kulang siya sa vitamins.
“Sigurado ka?”
Tumango lang siya at nagpatuloy sa pagkain.
“Andree…”
Tiningnan niya si Zyra Mae at nababakas sa boses nito na may hihilingin sa kanya. “What? Say it.”
Ngumiti si Zyra Mae. “Drawing mo ako.”
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig sa kaibigan. “Baliw ka ba?”
Napasimangot si Zyra. “Please? Gusto ko lang makita ang sarili ko.”
“Magsalamin ka na lang, Zyra Mae.”
“Sige na, best friend. Tingnan lang natin tapos kapag okay na ako, pwede naman nating sunugin agad eh. Hindi ako makokosnseysa sa sarili ko kahit mawala pa siya ng parang bula.”
Napa-isip si Andree Leona nang pwedeng maidadahilan para matanggihan ang kanyang kaibiga. “Ahm… masakit ang ulo ko eh. Baka hindi kita maiguhit ng maayos ngayon.”
“Kapag hindi na masakit ang ulo mo, mamayang gabi since Friday naman ngayon, what do you think? Sa inyo ako matutulog kaya okay lang kahit magdamag tayong gising o kung masakit pa ang ulo mo mamaya, sa sabado na lang.”
“Pero…”
“Bakit ayaw mo?” malungkot na tanong ni Zyra.
Napabuga ng hangin si Andree Leona. “Okay. Okay. Later.”
Napangiti na si Zyra Mae. “Thank you, Andree. Excited na ako!”
--
“Andree Leona!”
Hindi pinansin iyon ni Andree Leona. Mas sumasakit lang lalo ang ulo niya kapag nakaka-usap o kahit nakikita niya lang ang lalaki. Kumukulo talaga ang dugo niya.
“Andree…” Naramdaman ni Andree Leona na may humawak sa kanya. Napapiksi siya at masamang tumingin kay David pero ang ikipinagtaka niya ay parang nakakita ng multo si David habang nanlalaki ang mga mata. Nakatitig lang ito sa kanya.
“Andree… perhaps did you… did you…”
Napakunot-noo si Andree Leona dahil hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ni David. “Okay ka lang?” medyo naiinis niyang tanong.
Imbes na sumagot si David ay tumayo ito, grab his bag and went out.
Nasundan na lang niya ng tingin ang binata. Natatae ba ‘yon? Nagkibit-balikat na lang siya. “Didn’t even care.”
“Anong nangyari do’n?” tanong ni Zyra Mae na nakapansin sa inasal ni David.
“Ewan do’n.”
“Noong hinawakan ka niya para siyang nakuryente at napatitig sa ‘yo.” Nakakunot-noong tanong ni Zyra at biglang ngumiti ng mapanukso sa kanya. “Baka may sparks siyang naramdaman. Ayie!”
“Tse! Sparks ka diyan. Dami mong alam.”
Natawa lang si Zyra Mae sa sinagot niya.
--
“Kamusta? Sumasakit pa ang ulo mo?” tanong ni Austin sa kanya nang abutin ang bag niya dito. Pauwi na sila.
“Okay na. Nawala na. Gamot lang katapat ng sakit ng ulo ko,” nakangiti niyang sagot.
“Mabuti naman.”
“Austin, should I paint Zyra? Nagrerequest siyang i-paint ko siya eh. Gusto niyang makita ang sarili niya bilang kagaya mo.”
“Well, I think it’s okay?” may question mark na sagot niya. “Nasa sa ‘yo naman ‘yon, Andree. Dapat na willing kang i-paint siya para maganda ang kalabasan nito. Baka ibang Zyra Mae ang lumabas kapag wala ‘yong willingness mo na i-paint siya.”
“You mean, baka maging masamang Zyra Mae iyon kapag wala sa loob na i-paint siya? Hindi mo siya magiging katulad na ideal type?”
Tumango si Austin. “Ang ugali ng iyong likha ay depende sa nasa loob mo habang ginagawa siya.”
Napatango-tango naman si Andree Leona. “Okay. I should be willing to paint her. Baka maging malditang Zyra Mae ang magawa ko,” natatawa niyang sagot. Medyo may pagkamaldita pa naman si Zyra, baka maging aso’t pusa ang dalawa kapag nagkaharap. Masisi pa siya ng kanyang kaibigan.
Nang makarating na sila sa bahay ay pinapasok niya agad si Austin sa loob. Sa tuwing darating sila sa bahay ay wala ang Mom niya. May trabaho ito at tuwing ika-anim pa ng hapon ito dumarating.
Inayos niya ang kanyang silid, mga gagamitin mamaya kapag ginawa na niya ang repleka ni Zyra Mae. Sana lang ay hindi niya ma-disappoint nag kanyang kaibigan. Medyo wala pa siyang bilib sa sarili dahil nga, si Austin pa lang ang nag-iisa niyang obra na natapos niya. At mamaya ay pangalawa si Zyra, kung matutuloy.
“Andree…”
“Hmn?” tanong niya lang habang abala siya sa pag-aayos.
“Are you happy that I am here… with you?”
Natigilan naman si Andree sa ginagawa at tiningnan si Austin. “Why did you ask all of a sudden?”
Ngumiti si Austin. “Wala. Just wanna know. Syempre, trabaho ko ang pasayahin ka kaya dapat alam ko kung napapasaya ko ba talaga ikaw.”
Napangiti naman si Andree Leona. “Oo. Napapasaya mo ako, Austin kahit sa simpleng pagsama mo lang sa akin. Para akong nagkaroon ng isa pang kaibigan, ng instant boyfriend.” Biro niya pa ng banggitin ang instant.
“At least, may purpose ang existence ko.”
--
michiimichie
Nakakalito ba??