PROJECT RYJO 6: The Superiors...

Bởi LenaBuncaras

335K 10.4K 939

Will the heart remembers what the mind forgets. Magbabalik ang nakaraan at makakalimutan ang kasalukuyan. Pag... Xem Thêm

Prologue
1: Impostors
2: Inside Job
3: Marriage Issues
4: Blood and Crimson
5: Penitence
6: Hide and Seek
7: Ranger
8: Twist of Fate
9: Innocence
10: One-Night Stand
11: Morning Demons
12: Beshies
14: RYJO and The Slayer
15: The Legal Wife
16: Chameleon
17: The President
18: The Hunted
19: Chasing Tails
20: Ambush
21: Revelation
22: The Lunatic
23: Teaser
24: The Dinner Plan
25: Memories Bring Back You
26: Bed and Breakfast
27: Breaking the Habit
28: Lost and Forgotten
29: Prep
30: Tunnel Dilemma
31: Face Off
32: Death Sentence
33: Positive
34: Questions
35: Painful Decision
36: The Last Promise
37: Degree of Sacrifice
38: Max
39: The Regenerator
Epilogue

13: The Provocateur

7.5K 228 4
Bởi LenaBuncaras

Katatapos lang magbihis ni Josef. Black and white tuxedo at talagang binalot niya ang sarili para lang maitago sa asawa niya ang mga kalmot niya sa likod.

Hindi niya alam ang nangyari kagabi, at nagising siyang may nakahubad nang babae sa kama niya. At kahit anong isip niyang walang nangyari sa kanila, hindi niya masabing wala dahil alam niya sa sarili niyang may babae siyang kasama kagabi na buong akala niya ay asawa niya. Hindi lang niya malaman kung ano ba ang nangyari at parang nakaramdam siya ng magaang pakiramdam pagkatapos niyang kumain.

Pero maliban pa roon, bigla niyang naalala ang itsura ng babaeng iyon. Kamukhang-kamukha kasi talaga ng asawa niya. At ang kakaiba pa, nagpakilala itong Erajin Hill-Miller.

Masyadong coincidental na kamukha nito si Erajin Hill-Miller na asawa niya.

Bigla siyang napaisip. Hindi siya nito kilala. O baka tunay na tao si Erajin Hill-Miller na ginagamit lang pala ni Armida Zordick na asawa niya. Dahil kung nagawa nitong gamitin ang pangalan ni Jocas Española na ibang bata rin, malamang na magagamit din nito ang ibang pangalan pa.

"Lord Ricardo, dalawang oras na kayong late."

Nawala siya sa pag-iisip nang marinig si Xerez. Tumalikod na siya para makaalis na sa harapan ng malaking salaming nasa sulok ng kuwarto.

"Kumain na ba si Armida?" tanong niya agad sa Guardian at pinagbuksan na siya nito ng pinto.

"Kanina pa siya kumakain, milord," sagot ni Xerez na nakasunod sa kanya.

Patungo na silang dalawa sa elevator para bumaba sa lobby.

"Kahit ano'ng mangyari, huwag na huwag mong sasabihin kay Armida ang mga nakita mo."

Yumuko na naman si Xerez. "Masusunod, milord."

Isa na namang buntonghininga mula kay Josef at huminto na sila sa elevator area at doon naghintay.

Hindi talaga matahimik si Josef. Pakiramdam niya, ang dumi ng katawan niya.

Ang lakas-lakas pa niyang mangako kay Armida na ito lang ang magiging babae sa buhay niya hanggang sa kamatayan niya, tapos biglang magigising siyang may ibang babae sa kama dahil lang wala ito sa tabi niya.

"Xerez . . ."

"Yes, milord."

Panibagong buntonghininga naman. "Di ba, sabi ko kahapon, kakausapin ko yung nakabunggo kong agent ng HQ?"

"Yes, milord. Pero hindi pa namin siya nakikita simula kahapon."

Napapikit na lang si Josef nang maalala ulit ang mukha ng babaeng Erajin na iyon. Tapos bigla niyang maaalala ang asawa niya.

Iniisip niyang ipapahanap niya si Erajin Hill-Miller, ang kaso, asawa niya si Erajin Hill-Miller.

"Itanong mo nga sa front desk kung may iba pa bang naka-log dito sa Wyatt na Erajin Hill-Miller. Gusto kong makausap."

"Uh—milord?" alinlangang sagot ni Xerez.

"You heard me, right?"

"Yes, milord."

Ting!

Tumunog ang kabilang elevator at iyon na lang ang tinungo nila.

Bago pa man tuluyang tumapak si Josef sa loob ay napaangat siya ng mukha dahil sa nag-iisang lalaking naroon sa loob. Lalaking sobrang pamilyar sa kanya.

Pumasok na rin siya sa loob at tumabi sa kanya si Xerez.

"Not expecting you here, though," anang lalaki.

Naningkit agad ang mata ni Josef habang nakatingin sa reflection ng elevator. "Mephistopheles."

Sumara na ang pinto ng elevator kaya wala nang chance para lumabas.

"Well, it's never been so nice to see you. I thought I'm already in hell after that elevator opened and saw you," chill na sinabi ni Mephist habang diretsong nakatingin sa pinto ng elevator.

Nagpamulsa si Josef. "What brought you here?" seryosong tanong niya habang diretsong nakatingin sa harapan.

"Business, as usual. You, what brought you here?" tanong ni Mephist.

"May memo na, di ba? Di mo pa ba nababasa?" tanong ni Josef.

"So, the news are true. Where's Erajin?"

"Erajin's dead."

"And so are we. We are all breathing dead people." Sinulyapan ni Mephist si Xerez na halatang nakikiramdam. "Where's Armida Zordick?"

Napangisi si Josef sa sinabi ng katabi. "She's waiting in the lobby. By the way, still not talking about me in Asylum?"

"Nobody talks about you. You're dead. And will always be."

Napatango na lang si Josef sabay tingin sa relong suot. "Aren't you shock to see me here?"

"Seeing you here? Yah. But seeing you here, nah."

Bumukas na ang elevator pa-ground floor.

"Fancy meeting you again. See you later in Hamza," kaswal na sinabi ni Josef kay Mephist pero hindi niya ito tiningnan. Lumabas na siya ng elevator.

"Likewise," sagot ni Mephist at sumunod na sa paglabas.

Sa ilalim ng pamamalakad ni Leonard Thompson, lalo na sa sarili nitong pamilya, ang trabaho ay gagawin lang sa oras ng trabaho. Pagkatapos ng trabaho, isiping walang nangyari at misyon sa pagitan ng isa't isa. Kahit pa inutusan ang isa na patayin ang isa.

At lumaki silang dalawa sa ganoong patakaran. Kailangang maging civil sa isa't isa dahil kung hindi, parurusahan sila ng matandang Thompson oras na sumuway sila.

Malayo pa lang, nakita na niya ang asawang palakad-lakad at halatang hindi mapakali.

Malayo pa lang ay natanaw na siya ng mga Guardian kaya agad ang pagyuko ng mga ito.

"Josef!" sigaw agad ng babae. Sinalubong agad siya nito at akmang hahalik sa kanya nang bigla siyang umiwas.

"Armida, no," simpleng pagpigil niya rito at hinawakan ito sa balikat.

Napabuga siya ng hininga dahil sa ginawa. Pinagmasdan niya ang mukha ni Armida na takang-taka sa ginagawa niya.

"May problema ba?" tanong pa nito.

Hindi niya alam kung malaki lang ba ang impact sa kanya ng nangyari nitong umaga lang o talagang parang nawalan siya ng nararamdaman para kay Armida. Kahit ang takot dito na baka magalit ito, wala rin siyang maramdaman.

Kung nakasimangot ito sa kanya, mas lalo siyang napasimangot sa naiisip.

At ang kakaiba pa, habang nakatingin siya sa mga mata nito, hindi na niya ito makita gaya ng kung paano niya normal na nakikita ang asawa niya.

Napaiwas na lang siya ng tingin at umiling. "Nothing." Nilingon niyang saglit ang Centurion sa likuran. "Xerez, pakihanda ng sasakyan. Dederetso tayo ngayon sa Hamza."

"Masusunod, milord."

Iginiya na sila ng mga Guardian papalabas ng Grand Wyatt kung saan nakaparada ang isang puting Mercedez Benz limousine na magiging service nila papuntang Hamza.

"Xerez," pagtawag na naman ni Josef.

"Yes, milord."

Kumumpas ng kamay si Josef para palapitin sa kanya ang Guardian. "Pasakayin mo muna si Armida sa kabilang sasakyan."

"Masusunod, milord." Mabilis niyang sinalubong si Armida at iginiya ito sa kasunod na sasakyan.

"Wait! Josef?"

"Milady, kailangan nating sumunod sa protocol," pasintabi ni Xerez habang inaalalayan ang babae patungo sa kasunod na itim na kotse.

Pagsarang-pagsara pa lang ng pinto ng kotse, naipatong agad ni Josef ang mga siko sa arm rest ng inuupuan at napahawak sa bibig para takpan iyon.

Napapikit na lang siya kapag naiisip na malamang na makakahalata si Armida sa panlalamig niya.

Nagsisimula pa lang pero nakokonsiyensiya na siya.

Pero ang ikinaiinis niya, kahit sa pagpikit, hinahabol siya ng imahen ng babae kaninang umaga.

"Baliw ka talaga, Josef . . ."

Napatingin tuloy sa rearview mirror ang Guardian na driver ng sinasakyan niya para tingnan siya habang may kung ano-anong binubulong sa sarili.

Malamang na hindi na sila magkikita pa ng babaeng iyon kaya mas mabuting ibaon na lang niya sa limot ang nangyari ngayong umaga. Para na rin iyon sa ikabubuti niya at ng asawa.








Tanghali na at paalis ng Grand Wyatt sina Razele para maghanap ng restaurant na makakainan. Ang ingay na naman kasi ni Brielle at panay ang reklamo na hindi raw siya maka-request ng gusto niyang pagkain dahil wala sa menu ng chef. Hayun at nasa parking lot sila at nagpaplano kung saang restaurant kakain para manahimik na si Brielle.

"Gab, alam mong wala akong dalang pera," paalala ni Razele.

"Uhm! My treat!" masayang sinabi ni Brielle at nagtitingin-tingin na sa phone kung saan ba masarap kumain ng tanghalian.

"Ang yaman pala talaga ni Brielle," bulong ni Erajin kay Razele.

"Jin, kung may alaala ka lang, baka mas malala ka pa diyan," sagot naman ng lalaki. "O!"

Napatingin sina Erajin at Brielle kay Razele nang bigla itong nagturo. Sinundan naman ng dalawa ang tinuturo nito.

"Sino ba 'yon?" tanong ni Erajin kay Razele.

"ARKIN! Hahaha!" sigaw ni Brielle kaya napalingon sa kanila yung tinawag nito. "Tara!" Kinuha niya agad ang kamay ni Erajin at saka niya ito hinatak papunta doon sa tinawag nitong Arkin. Nakasunod naman sa kanila si Razele.

Mabilis na binitiwan ni Brielle ang kamay ni Erajin at biglang dinamba ang lalaki para yakapin.

"O!" Kahit ito ay nagulat at sinalo na lang din ang likod ni Brielle. Halatang malakas ito dahil hindi man lang napaatras sa lakas ng pagkakabalya rito.

"Hi, Arkin!" masayang pagbati ni Razele.

"Razele," matipid na pagbati nito at sumaludo na lang habang yakap pa rin ng isang braso si Brielle.

Bumitiw na si Brielle habang ang laki ng ngiti kay Arkin. "Raz!" Nilingon niyang saglit si Razele. "He can help us!" Ibinalik niya ang tingin sa lalaki.

"Why? What happened?" tanong niya kay Brielle sabay kunot ng noo. "Akala ko, nasa Portugal ka."

"This is emergency." Itinuro ni Brielle si Erajin na nagtatakang nakatingin sa kanila. "This is the emergency."

Ngumiti naman si Arkin at kumaway nang matipid. "Hi, Jin!"

"H-Hi . . ." Matipid at nahihiya ring kumaway si Erajin.

"Your hair . . ." pagbati nito at biglang nagtaas ng isang kilay. "You did that to yourself?"

"Arkin, she lost her memory . . . again," paalala ni Brielle.

"And she cut her hair, colored it yellow sunrise, and put a fake moles on her face?"

"Haay, sana alam namin kung bakit ang pangit niya ngayon, di ba? E kaso, wala ngang alaala na naman."

Inilipat ni Arkin ang tingin sa babaeng kaharap. "Then you should talk to his husband. Baka ganiyan ang gusto n'on."

"Yes, we should!" sabay pang sinabi nina Razele at Brielle. "Kaya nga pupunta kami sa Citadel."

"Ha?" Nagtaka naman si Arkin doon. "Pero ang sabi niya, nasa lobby lang si Erajin." Inilipat niya ang tingin sa tinutukoy. "Tumakas ka ba sa kanila?"

"Uh . . ." Pare-parehas silang nalito.

"Tumakas?" tanong ni Razele.

"Ang sabi niya, nasa lobby si Jin," kuwento pa nito.

"Niya? Lobby? Si Jin?" tanong din ni Brielle.

"Nandito ang Fuhrer sa area. Papunta siya sa Hamza para sa meeting with the President. At ang sabi niya, nasa lobby si Armida Zordick."

"Pero . . ." Napatingin sina Brielle at Razele kay Erajin. "Kanina pa namin kasama si Jin. Sino ang kasama niya?"

Inosente lang silang tiningnan ni Erajin—walang kaalam-alam sa nagaganap.

Parang may pumitik sa utak nina Brielle at Razele at nagkapalitan ng tingin.

"Nagbayad sila ng pekeng Erajin," sabi ni Razele.

Gulat nilang tiningnan si Arkin na inosente lang ding nakatingin sa kanila.

"Arkin, puwedeng makisuyo?" pakiusap ni Brielle. "Ang sabi mo, papuntang Hamza ang Fuhrer, di ba?"

"Yes, he is."

Itinuro ni Brielle si Erajin. "Can you take her to him? Ikaw lang ang Leveler na puwedeng pumasok doon dahil mga Ranker pa rin kami. Superior na si Jin kaya walang haharang sa kanya."

Pinakatitigan naman ni Arkin si Erajin. "What is happening right now, Gabril?"

"Arkin, pinatapon si Jin sa labas ng Citadel at nagbayad sila ng ibang tao para magpanggap na siya. Kailangan 'tong malaman ng asawa niya."

Ibinalik ni Arkin ang tingin kay Brielle.

"Magagawa mo ba?" nakikiusap na tanong nito.

Tumipid ang ngiti ni Arkin."I'll see what I can do." Inilahad niya ang palad para alukin si Erajin palapitsa kanya. "Come with me, Jin. Kakausapin natin ang asawa mo."

....

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

353 8 12
Beautiful liar By: Sa panahong nagbago na ang lahat sayo. Sa bagong yugto ng iyong buhay Paano kung muling magtagpo ang inyong mga landas. Ano ang ga...
51.7K 402 52
CIUDAD VERDADERO SERIES #1 Sa hirap ng buhay, natutunan niyang gumawa ng paraan para yumaman agad. 'Yun ay maghanap ng lalaking mayaman ang pamilya...
1.4K 71 26
Years after the heartbreak, they crossed paths again... but this time, they told themselves to stay apart - to protect what's left of their hearts. M...
Ứng dụng Wattpad - Mở khóa các tính năng độc quyền