BHO CAMP #7: The Moonlight

By MsButterfly

1.9M 55.3K 4.6K

It was so tiring to hope for the constant moon only to get a dying and burning satellite in the end. I wanted... More

PROLOGUE
Chapter 1: Nostalgia
Chapter 2: Play
Chapter 3: Light
Chapter 4: Mission
Chapter 5: Void
Chapter 6: Beat
Chapter 7: Indulge
Chapter 8: Demons
Chapter 9: Solace
Chapter 10: Use
Chapter 11: Heroic
Chapter 12: Ride
Chapter 13: Inspiration
Chapter 14: Haunt
Chapter 15: Warm
Chapter 16: Soldier
Chapter 17: Breathe
Chapter 18: Taint
Chapter 19: Fly
Chapter 20: Revenge
Chapter 21: Detach
Chapter 22: Stitch
Chapter 23: Chase
Chapter 24: Done
Chapter 25: Dream
Chapter 26: Arrow
Chapter 27: Ask
Chapter 28: Fear
Chapter 30: Moonlight
EPILOGUE
Author's Note
Up Next

Chapter 29: Dance

59.3K 1.8K 204
By MsButterfly

#BHOCAMP7TM #HugotNiAiere #AieCher #BHOCAMP

AIERE'S POV

"Sigurado ka ba na kaya mo? I can go with you if you want."

Nag-angat ako ng tingin mula sa inaayos ko na mga tupperware para pagkasyahin ang mga iyon sa paper bags sa harap ko at nakangiting umiling ako kay Archer. "Wag na. After niyo kumain babalik na kayo sa practice eh. Kaya ko na 'to."

Naisipan kasi ng mga magulang ko na gawin akong delivery girl. Pwede naman kasi na staff na lang ng Craige's ang magpadala sa kanila ng pagkain pero katulad ng inaasahan ay kinokonsensiya na naman nila ako na hindi na ako na raw ako nagpapakita sa kanila.

"Are you sure?"

I turned away from the paper bags and I wrapped my arms around his waist. Dahil mas matangkad siya sa akin ay kinakailangan kong tumingala para makita ang mukha niya na hindi naman naging mahirap dahil nagbaba rin siya sa akin ng tingin. "Archer sa villa lang ako nila mama pupunta hindi sa ibang bansa. I think I can handle myself."

Pinaningkitan niya ako ng mga mata pero pinalibot niya na rin sa akin pabalik ang mga braso niya. "Aalis ako ulit mamaya. I'll be home in the evening."

I pressed my lips together to stop myself from asking. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na kaya kong mag-intay. I will wait for him and I will continue to trust him. Kaya kahit buong pagkatao ko ang sinasabihan na ako na tumakbo palayo ay nanatili pa rin ako sa tabi niya.

Dahil tama sila Freezale. Alam na ni Archer kung ano ang pakiramdam na mawalan. He will never inflict that pain to others much more to himself.

Kaya kahit hindi ko maiwasan mag over think I will continue to stay where I'm at. Hanggang handa na siya na magsalita. Hanggang makuha ko na ang paliwanag na hinihintay ko.

Marahang tumango ako. "Okay."

Nanatiling nakatingin lang siya sa akin na parang may iniisip. Hindi ako nag-iwas ng tingin at binigyan ko lang siya ng maliit na ngiti. To my surprise, his face leaned towards me and he placed a gentle kiss on my lips.

"I'll be back." he whispered.

"I know."

"I love you."

Muli akong nasurpresa sa ginagawi at sinasabi niya na pag ngiti na lang ang tangi kong nagawa. Tumango ako ulit at mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kaniya. "I know, honey."

He gently tuck a lock hair behind my ear and then he whispered again. "You know?"

"I know."

The way he asked...it feels like he's confirming if I know what he feels. Like he's making sure that I know that I love him. And with that, kahit konti lang pakiramdam ko ay gumaan ang pakiramdam ko. Kahit na nandoon pa rin ang takot na siguro nga ay hindi na mawawala.

"Sa tingin ko kailangan ko ng gamot sa allergy. Parang nangangati ako sa nakikita ko sa harapan ko."

"Inggit ka lang, Thunder."

Lumingon ako sa mga panira ng moment at nakita ko ang mga kabanda ni Archer na kasalukuyang kumakain at nakatingin sa amin na para bang palabas kami sa telebisyon. The last one who speak was Rushmore.

"Excuse me hindi ako naiinggit no."

Ngumisi si King at sumingit sa usapan. "And yet ikaw lang ang apektado."

"Don't tell me hindi kayo naalibadbaran sa dalawang love birds na 'to?"

"Medyo. Pero hindi kami kasing affected mo." sabi ni King at kumindat. "Hagilapin mo na kasi ang prinsesa mo para hindi ka bad mood."

"Huwew. 'Wag niyo na nga akong kausapin."

Hindi ko napigilang mapangiti. Kahit kasi ayaw pa nilang aminin sobrang obvious na. Hindi naman mga tanga ang mga tao rito. Isa pa pati kilos at mga salita nila nakokopya na nila sa isa't-isa. Kaya hindi nakakapagtakang one of these days sila naman ang mamomoblema sa love life nila.

Naniningkit ang mga mata ni Thunder nang dumapo iyon sa akin at makitang nakatingin ako sa kaniya. "What?"

"Wala. 'Wag mo kong kausapin. Ayoko sa mga bitter." sabi ko sa kaniya.

"Hindi ako bitter."

"Weh?" Inginuso ko ang kinaroroonan ni Hera na ngayon ay nasa isang panig ng Craige's at nakikipagtawanan kay Will. Ang taong kamukhang kamukha ng namayapang miyembro ng Royalty na si Comet. "Mukhang 'yon ang dahilan kaya allergy ka sa amin na mga masasaya."

Imbis na lumingon sa tinuturo ko ay inamba lang niya sa akin ang tinidor niya. If I know siya ang dahilan kung bakit ang gulo ng relasyon nila ni Hera. They're together but they're not. Hera's with him and sometimes she's not. It was like she's letting Hera find what he think will be better for her.

Mukhang tama si Freezale ulit. Hindi pa nagigising ang kapatid niya at katulad ng mga lalaking miyembro ng banda ay nasa phase pa rin siya na tinutulak niya palayo ang taong mahal niya.

Huwew. "Makaalis na nga. Baka masyado ng maapi si kuya Thunder isumbong pa tayo sa nanay niyan."

Archer chuckled and touched his lips on mine again before he finally let me go. Kinuha niya ang mga paper bag at binitbit iyon. Nakangiting sumunod ako sa kaniya hanggang sa makalabas kami ng Craige's.

Nang makarating do'n ay inabot niya sa akin ang mga paper bag na naglalaman ng mga pagkain na inorder ng parents ko. Pakiramdam ko pinabili na ata nila lahat ng menu na nasa 'special of the day' ng restaurant.

"See you later, babe."

I smiled at him and nodded my head. Tumalikod na ako sa kaniya at naglakad patungo sa kinaroonan ng villa ng parents ko. Thankfully malapit lang iyon kaya hindi ako masyadong nahirapan na bitbitin ang mga pinapadala nila.

Nang makarating sa tapat ng villa ay bahagyang itinaas ko ang siko ko para pindutin ang bell pero hindi ko maabot iyon. Dahil inaatake na naman ako ng katamaran ay ginamit ko na lang ang noo ko at pinangpindot ko iyon sa bell.

Impit na napatili ako nang hindi ko pa halos naiaangat ang ulo ko ay bumukas na ang pinto at iniluwa no'n si mama na naiiling na nakatingin sa akin.

"Kahit kailan ka talaga, Aiere. Puro ka shortcut pwede mo namang ibaba 'yang mga dala mo."

Ngumuso ako. "Nakita niyo naman na parating na ako hindi niyo pa binuksan ang pintuan. Pinahirapan niyo pa ko."

"Where's the thrill in that?" she asked and took a paper bag from me. "Isa pa nagpupustahan kami ng ama mo kung anong gagawin mo. Ibababa mo ba ang mga paper bag at mag do-door bell o tatamarin ka."

"Sinong nanalo?"

Tinaasan niya ako ng kilay na para bang hindi siya makapaniwala na tinatanong ko pa iyon. "Sino pa ba sa tingin mo?"

"Right."

Naiiling na sumunod na ako sa kaniya papasok ng villa. Ano pa bang ineexpect ko? Hindi naman nananalo ng pustahan si papa sa kaniya. Minsan hindi ko alam kung ipinanganak lang ba na swerte ang ina ko o talagang pinanganak na malas si papa.

Inilagay namin ni mama ang mga paper bag sa ibabaw ng coffee table na puno ng mga papel na mukhang importante. Pero dahil mukhang wala namang pakielam si mama na ilagay do'n ang dala niya ay ipinagkibit-balikat ko na lang iyon.

Kahit naman ng mga bata kami ni kuya hindi basta-basta nagagalit ang mga magulang namin. Kahit pa na minsan dahil sa kakulitan namin at pagiging naturally curious namin ay may nasisira kami na gamit nila ay walang galit sa mga boses na inuutusan lang nila kami na ligpitin kung ano ang nasira namin. Then after that they will talk to us without any hint of anger. Ipapaliwanag nila sa amin kung ano ang nasira namin o kung para saan.

Hindi nila sinasabi sa amin kung mali o ano ang ginawa namin. Basta ipapaliwanag lang nila kung ano iyon at pagkatapos ay hinahayaan na nila kami na mag-isip kung mali ba ang ginawa namin. After that my brother and I would feel guilty then we will apologize. Tapos no'n hindi na namin inuulit.

"Aiere! Baby ko!" Napangiwi ako ng tumakbo si papa palapit sa akin sa pa-slow motion na paraan. Pero bago pa siya makarating sa akin ay natigil siya sa ginagawa at mabilis na umiba ng direksyon ng maamoy ang dala ni mama. "Food!"

Hinarang ni mama ang kamay niya sa mukha ni papa. "Wag mong gagalawin 'yan. Do'n tayo sa may pool area kakain. Kukunin ko muna 'yung blanket."

"Kay!" my father happily said and picked up the bags.

"Wynd."

Ngumuso ang ama ko at nilingon si mama. "Hindi ako kakain, promise. Have some faith."

"You realize that I'm married to you for years, right?"

Nilunok ko ang tawa na nais kumawala mula sa mga labi ko. Mahilig kasing pagtripan ni papa si mama kaya kung anong kabaligtaran ng inuutos ni mama iyon ang ginagawa niya. Well, when it comes to unimportant things of course.

"Kasama ko si Aiere." nakanguso pa rin na sabi ni papa na umaaktong nagtatampo. "Grabe naman 'to. Parang hindi tayo friends ah?"

"Papa's girl 'yang anak mo. As if isumbong ka niyan sa'kin."

Ako naman ngayon ang napasimangot. "That's not true! Ako kaya ang nagsabi before sa'yo, Ma, na nagpapacute iyong elementary teacher ko kay Papa."

"Yes. Dahil gusto mo na ilipat ko kayo ng teacher ng kapatid mo dahil ayaw niyo sa teacher na iyon. And for your information, nauna na ang kuya mo na magsabi sa akin."

I rolled my eyes. "Because he's a mama's boy."

"That he is." she said with a smile and grinned at me. "Patas lang. Dahil lagi kayong nagkakampihan niyang ama mo na kasing tigas ng ulo mo."

"I was a good girl!"

"Of course you are. Anak kita eh." sabi ni mama na ngumisi bago dinugtungan iyon. "But you're also stubborn because you are your father's daughter."

"Hoy, Autumn! Makapagsalita ka parang hindi hati ang genes natin sa mga bata ah? Patas lang ta'yo. Para kang ng others. Isama mo naman ako sa mga pangarap mo!"

Akmang sasagot si mama pero itinaas ko na ang kamay ko at inilagay iyon sa bibig ko para pumito. I'm their daughter and I lived with them almost all my life so I know that they can argue and argue for hours.

Lumapit na ako kay papa at tinulungan ko siya sa mga bibit niya at nauna na akong lumabas papunta sa pool area. Ipinatong ko ang mga paper bag sa damuhan at pabagsak na sumalampak ako sa tabi niyon. I looked at the pool and the heart shaped jacuzzi at the opposite end of the pool. Idinagdag lang iyon noon. Supposed to be dapat ay normal lang na jacuzzi iyon pero hindi gusto ni mama ang orihinal na plano. Of course she and my father argued until my brother and I thought of a solution. Draft pick.

Kaya imbis na pagtalunan ay naglagay kami ng mga option sa jar. Ako ang naglagay do'n ng heart dahil trip ko lang. To my surprise iyon ang nabunot. Kaya kahit hindi bagay iyon sa modernong desenyo ng villa ay pinayagan na rin kami nina tito Warren at tito Craige, na ng mga panahon na iyon ay mga boss pa ng BHO CAMP, na magpagawa ng heart shaped jacuzzi.

Nakangiting nag-angat ako ng tingin nang maramdaman ko na tumabi sa akin si papa. Sumandal ako sa balikat niya at muli kong binalik ang tingin ko sa pool.

Ang daming nangyari sa lugar na ito. We usually do our picnics here. Parehas kasing busy sina mama at papa dahil sa BHO CAMP Hospital at sa pagiging agent nila. Pero sa kabila no'n ay sinisiguro nila na may oras sila para sa amin. That Sunday will always be our time. The family time.

Naramdaman ko na umangat ang kamay ni papa at umakbay sa akin bago niya isinuklay iyon sa mahaba kong buhok. Napangiti ako at mas lalo akong sumiksik sa kaniya.

I missed this. Lagi niyang ginagawa 'to noong bata pa ako. Kahit nasaan kami nakakatulog ako kapag sinusuklay niya ang buhok ko.

"Baby?"

"Yes, Pa?"

"Naalala mo noong bata ka pa? Umuwi ka na iyak ka ng iyak. Sabi mo inaaway ka ng kaklase mo. Hindi mo kamo alam 'yung dahilan. Turns out that he has a crush on you that's why he's messing with you."

Natatawang tumango ako. "Yup. Sabi mo sa akin baka may gusto lang sa'kin. Kasi gano'n kamo ang ibang lalaki. Papansin. Then you were right because the next day he gave me a freshly picked flowers."

"Then when you were in high school, you came home crying because your prom date ditched you for your nemesis."

"Yep. Okay lang po kasi si kuya hindi na siya naghanap ng makaka-date niya kahit ang daming gusto na maimbitahan niya. Then you didn't go to the Medicine Awards to get your award because you surprised me with the worst but also the best rendition of Sweet Child O' Mine. Hiyang-hiya no'n si kuya pero nakisayaw at nakikanta siya kasama mo para sa akin." I said laughing at the memory. Tandang-tanda ko pa kung gaano kapula si kuya no'n sa kahihiyan pero ginawa niya pa rin. "Everyone taught it was so corny but they all loved it. Kahit na iyong supposed prom date ko at iyong kaaway ko na iyon ang nakoronahan na Prom King and Queen, for weeks I think, about lang sa performance niyo ni kuya ang laging pinag-uusapan sa school."

"I remember too. Ikinalat ng mama mo ang video namin noon sa lahat ng kakilala niya." natatawa na ring sabi niya.

"I think they even played it at the headquarters."

Nanatiling nagtatawanan lang kami doon habang nakasiksik ako sa kaniya at nakayakap. Nagpatuloy lang siya sa pagsuklay sa buhok ko.

Kahit siguro saan ako mapunta lagi kong hahanapin ang pagkakataon na yakap ako ng ama ko. It's like there's no safest place on Earth than here being in his arms. Kahit pa na hanap ko na ang security na iyon sa piling ni Archer ay hindi pa rin no'n magagawang talunin ang yakap ni papa.

"Then when you were in college you got your heart broken. Umiiyak ka no'n sa amin ng mama mo. Hanggang sa naulit pa ng naulit ng naulit. You always go to us...until you just suddenly stopped."

Napalingon ako sa kaniya pero nanatili lang siya na diretsong nakatingin sa harapan niya. Bumuka ang bibig ko para magsalita pero naagaw ang pansin ko ni mama na nakatayo di kalayuan sa amin habang may hawak na malaking blanket. May kung anong emosyon ang bumakas sa mga mata niya bago niya hinayaang mahulog sa damuhan ang blanket at tumalikod. "M-May nakalimutan pala ako."

I opened my lips to call for her but she hurriedly went inside. Nag-angat ako ng tingin kay papa na nakatingin din sa direksyon na pinasukan ni mama. "What's happening, Papa?"

Nagbaba siya ng tingin sa akin bago masuyong ngumiti at umiling. "Nothing."

"Pa-"

Gaya ng ginawa ni Archer kanina ay inipit niya ang buhok ko na nililipad ng hangin sa likod ng tenga ko. "You're just my little girl until you finally grew up. Hindi ka na umiiyak sa amin kasi alam ko na ayaw mo kaming mag-alala. Ayaw mo na masaktan kami dahil sa mga nangyayari sa'yo. And when that ex of yours marked you, I almost lost my mind."

May kung anong tila pumipiga sa puso ko sa naririnig kong sinasabi niya. Lagi kong iniiwasan na mapag-usapan namin ito dahil ayokong ma-disappoint sila sa akin. Kasi umpisa pa lang naman ng relasyon ko sa mga naging ex-boyfriend ko ay sinabihan na nila ako ng opinyon nila sa mga iyon.

Pero dahil akala ko nasa tama ako...dahil akala ko do'n ako magiging masaya, tinuloy ko pa rin kahit na hindi sila sang-ayon. Despite that they never left my side. Lagi lang nila akong sinusuportahan.

My eyes blurred from the moisture gathering in my eyes. "Pa..."

"Sabi ko sa sarili ko, paano niya nagawang saktan ang pinakaiingatan ko? How can he even hurt my daughter that made me fall in love again when I first laid my eyes on her the moment she was born?" He shook his head and gently trace his finger on my cheek that is now wet with tears. "How can he even marked this beauty? How can I let that happened?"

Sunod-sunod na umiling ako. "Hindi niyo kasalanan, Pa. Nagkamali ako. Nagtiwala ako. It was all my fault."

"You're wrong. Ano man ang mangyari sa inyong magkapatid, it will always be our fault. Dahil magulang niyo kami. It will always feel like that. Kahit na matatanda na kayo. Kasi hindi naman kami tumitigil bilang magulang niyo." sabi niya at pinunasan ang luha na naglalandas sa mga mata ko. "Lagi kong pinagdadasal na sana mahanap mo na ang lalaking iingatan ka at mamahalin ka katulad ng pagmamahal namin sa'yo. I keep on praying even though it breaks my heart a little at the thought of letting you go. Hanggang sa natagpuan mo siya. I never like any of the men from your past relationships. Until Archer."

"He's a good man." I said with a smile. "He makes me happy like no else can. Pakiramdam ko kapag kasama ko siya hindi ako kulang. Na hindi ako kailanman naging kulang. He made me feel like I'm perfect all along."

"Iyon lang ang gusto ko para sa'yo."

Nanatiling nakatingin ako sa kaniya sa kabila ng luha na hindi ko malaman kung bakit ayaw tumigil sa pag-alpas mula sa mga mata ko. "Why are you making me cry? Ano bang nangyayari?"

Ngumiti siya at hinila ako para ipalibot sa akin ang mga braso niya bago mahigpit niya akong niyakap. "Nothing in particular."

"You're acting weird."

Tumawa lang siya at hindi na sumagot pa. Bahagya niya akong inugoy na para bang isinasayaw-sayaw niya ako. "This will be tough but it's okay."

"Ang alin po?" nalilitong tanong ko.

"Knowing that when you're crying, it's not me you're going to run to."

Tumingin ako sa langit para pigilan ang mga luha ko na gusto na muling bumagsak. "Pa, hindi naman ako iyakin. Hindi mo kailangan mag-alala."

"Sino namang may sabi sa'yo na hindi ka iyakin?"

I peeked from my father's arms and I saw my mother standing behind us with my brother. Nakaakbay sa kaniya ang nangingiting kapatid ko habang si mama ay nakayakap sa bewang niya at namumula ang mga mata. "Hindi ako iyakin. Emosyonal lang ako kasi pinapaiyak niyo ko."

"Iyakin ka. Trust me. Ilang taon niyo kaming nirindi ng papa mo sa iyak niyong magkapatid."

"Whatever." I said and rolled my eyes. "Kailan ba tayo kakain? Malamig na ang mga ito for sure."

Lumapit sila mama dala ang dinampot niya na blanket. Nag kaniya-kaniya na kami ng kilos para i-ayos iyon pati na ang mga pagkain na dala ko kanina. Hindi nagtagal ay nilalantakan na namin ang mga pagkain galing ng Craige's na talaga namang hindi ipapahiya ang BHO CAMP sa kahit na sino.

Like always, we all ate loudly. And by that it means that we never stop talking. Gano'n kasi kami lagi. Kahit kung ano-ano lang ang napagkukuwentuhan.

I finished eating my fried chicken and I was about to reach for the last one na hindi pa nakakain nang maunahan ako ni mama ro'n. Pero katulad noong bata pa kami ni kuya ay tinanggal niya ang balat at hinati niya iyon bago inilagay sa mga plato namin ni kuya na nagpatuloy lang sa pagkukuwento kay papa.

My eyes met my mother's and she just smiled at me. Binangga niya ang balikat ko gamit ng kaniya at mahinang bumulong. "I love you. Do you know that?"

"I know." I whispered and bump her shoulder back. "I love you too."

"I love you more."

I just smiled and didn't argue.

Because I know for sure that she is right.





HINDI ko mapigilang hindi mapangiti habang pinapanood si Archer na kasalukuyang inaayos ang make-up niya. Nakaupo ako sa tabi niya pero nakaharap ang kinauupuan ko na silya sa direksyon niya para makita ko ng maigi ang ginagawa niya.

It's just weird to see him transform from being Archer to the rockstar version of himself. Ngayon lang din naman ako nakatambay sa backstage ng ganito hindi katulad noon na pumupunta lang ako sa concerts nila para manood. But now I'm here to support him. As his girlfriend.

"What?" he asked, turning to me.

Natatawang umiling ako. "Para kasing binubugbog mo ang mukha mo."

He's aggressively putting his foundation na para bang may kasalanan sa kaniya iyon at pinaparusahan niya. Kahit naman sabihin na ang tagal na nila sa banda ay hindi ibig sabihin ay sanay na sanay sila sa pag make-up. Hindi katulad sa mga babae na pag pamper ang tingin sa mga ganitong bagay, sa kanila parang burden pa.

Bumuntong-hininga siya at sumusukong initsa ang make-up sponge niya sa vanity desk na nasa harapan niya. "I don't even know why we need to keep doing this shit."

"Uhh, you're a rockstar."

"Marami naman diyan na katulad namin na hindi nag aayos ng ganito." nakahalukipkip na sabi niya.

"Iba naman kasi ang image na pinoportray nila. Iba naman ang sa inyo. Hindi kayo kasing hardcore ng iba. Ang ga-gwapo niyo pa. Malamang mas gustong i-enhance ng management niyo 'yon para ipangalandakan sa lahat." paliwanag ko at kinuha ang make-up sponge. Hinawakan ko siya sa ilalim ng baba para iharap ang mukha niya sa akin at maingat na idinampi ko sa kaniya ang sponge. Malayo sa ginagawa niya kanina. "Bakit kasi hindi ka nagpaayos sa make-up artist niyo para natapos ka na kaagad? Sila King okay na ah."

"Bago ang make-up artist namin ngayon."

"Hindi mo gusto?"

"Hindi sa gano'n." sabi niya at napapakamot sa ulo niya. Pinitik ko ang ilong niya para tumigil siya sa paggalaw na ikinangiti niya lang at hinuli ang kamay ko na hindi na niya pinakawalan. "But she's...umm...a bit of a rock band fanatic."

"Anong masama do'n?"

Huminga siya ng malalim at sinalubong ang mga mata ko. "Her clothes are tight, short, and she have a huge...you know. I just don't want you to be uncomfortable."

Napatigil ako sa pag-ayos ng make-up niya at nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. I mean, how sweet is that right? Hindi ko alam kung ano ang koneksyon niya sa Amelie Garcia na binibisita niya pero sa mga ganitong pagkakataon gumagaan ang mga dinadala ko na takot dahil sa pagpapakita niya ng respeto sa kung ano ang meron kami.

"It's fine with me, Archer. As long as she knows that you're taken and she's not making any moves at you."

"She's professional, I think. Wala namang iba sa kinikilos niya sa ibang mga miyembro."

"Then it's fine with me." I said with a smile. Inabot ko ang eyeliner niya at tinanggal ko ang takip no'n. "Close your eyes."

Ipinikit niya ang mga mata niya at binitawan na niya ang kamay ko na alam niyang kakailanganin ko. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko para mas makalapit ako sa kaniya at maayos ko ang paglalagay niyon sa mga mata niya.

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko nang maramdaman ko ang mga braso niya na pumalibot sa bewang ko habang nananatili siyang nakapikit.

"O ayan maganda ka na." sabi ko pagkaraan nang matapos na ako.

Minulat niya ang mga mata niya habang nakayakap pa rin sa akin. His beautiful eyes focused on mine while his eyebrow raised in question. "Sinong maganda?"

Akmang sasagutin ko siya nang dumiin ang kamay niya sa tagiliran ko dahilan para mapabunghalit ako ng tawa. Mabilis na lumayo ako sa kaniya pero hinila lang niya ako pabalik at patuloy na pinagkikiliti. Pakiramdam ko ay mapapadausdos na ako sa sahig sa sobrang kakatawa habang nangingilid na ang luha sa mga mata ko. "I'm sorry! I'm sorry!"

"Eto na naman po sila."

Napatigil kami ni Archer sa paghaharutan at napalingon sa nagsalita. Kaagad nag-init ang magkabila kong pisngi nang makita ko ang buong miyembro ng banda na nasa pintuan at sa likod nila ay sumisilip ang ibang mga agent na manonood din ng concert. Mabilis akong dumistansiya kay Archer habang siya ay tumayo naman.

"You see? Iyan ang torture na napapanood namin araw-araw." sabi ni Thunder na pumasok na at pabagsak na umupo sa sofa.

"Sus. Pagdadaanan mo rin 'yan." sabi naman ng pinsan namin na si Sky na nakaabrisete pa sa nangingiting asawa na si Adonis. "No, Hera?"

Napatigil sa akmang pag-upo si Hera sa isa sa mga upuan doon at napadiretso siya ng tayo. Taas noong lumakad siya papunta sa pintuan para muling lumabas. "Tabi mga, alipin. Bibili ako ng beer at sumasakit ang ulo ko sa inyo."

Animo dagat na nahawi ang mga agent na nakangising pinadaan siya. Nagtama ang mga mata namin ni Freezale at pinanlakihan ko siya ng mga mata na para bang sinasabi na mukhang may napana na talaga ang nag gagalang baby also known as Kupido. Tinalikuran niya ako at humarap na lang siya sa asawa niya para maitago ang ngiti na nais sumilay sa mga labi niya.

"Ready ka na ba, Archer?" tanong ni Thunder.

Bumuka ang bibig ni Archer para magsalita pero nakapamewang na inunahan ko na siya. "Bakit mo tinatanong? Nagdududa ka ba sa kakayahan niya? FYI lang ah. Archer is the most amazing and talented guitarist from you all."

"Hey!" angal ni Den na nasa isang gilid pala ng kwarto. "Magaling din ang asawa ko, excuse moi!"

"No offense." sabi ko kay Rushmore na nakangiting nag thumbs up lang. Binalingan ko ulit ang pinsan ko na nakasimangot na. "Naiintindihan mo?"

"Hindi. Dahil ako ang pinakamagaling. Naiintindihan mo?"

"Hindi rin." balik ko sa kaniya. "You're the lead guitar, yes, but that's boring. Bass guitarist si Archer. Four strings lang 'yon and he's amazing. Bukod do'n kaya niya na tumugtog ng lead at kaya niya rin mag acoustic. Ikaw kaya mo bang mag bass?"

Nalukot ang mukha ni Thunder na parang hindi makapaniwala na nilalabanan ko siya. "Hoy, na in love ka lang parang wala ng pamilya-pamilya ah? Pinsan mo ko!"

"Kinalat mo ang video ko!"

Nawala ang simangot niya at napalitan iyon ng ngiti. "Sabagay. That was fun though, right?"

"No." I said while giving him a death glare.

Naputol lang ang pagbabato ko sa kaniya ng imaginary daggers nang maramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Archer. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at bahagya akong napapikit nang bigyan niya ako ng magaang halik sa noo.

"I'll see you later?" he asked.

Mukhang mag la-last run down na sila. Kung sabagay kailangan na rin naming pumunta sa section namin bago pa kami mahirapang makapunta ro'n kapag sobra ng dami ng mga tao. "Okay. Good luck. Kaya mo 'yan."

"Siyempre. Ikaw ang good luck charm ko eh."

Tumango ako at tumingkayad ako para humalik sa pisngi niya. Akmang lalayo na ako pero hindi niya ako binitawan at nanatiling mahigpit lang na nakapalibot sa akin ang braso niya. "Archer?"

"Sa'yo lang."

Naintindihan ko kaagad kung ano ang tinutukoy niya. It's our thing. Alam kong hindi naiintindihan iyon ng iba dahil kami lang ang nakakaalam no'n. His voice was so clear and sure when he said that, that my heart instantly started thumping faster. "Akin lang."

Nanatiling nakatitig siya sa akin na para bang may gusto siyang sabihin pero walang salitang lumabas mula sa mga labi niya. Napalingon ako sa kanan ko ng maramdaman kong may umangkala sa braso ko at nagulat pa ako nang makita ko si Athena na umabrisete sa akin.

"Halika na. Baka ma-postpone ang concert sa tagal niyong maglambingan." sabi niya at hinila na ako palabas.

Pagkalabas ay rinig na rinig na namin ang ingay na nanggagaling mula sa mga taong naghihintay sa Royalty. Nang magawa naming makalabas para pumunta sa section namin ay nabigla ako sa dami ng tao na bumungad sa akin.

It was like a sea of people. Kaniya-kaniya sila ng taas ng mga banner nila kung saan may mga mukha ng miyembro. May mga individual posters din kung saan buong pagmamalaki nilang ipinapakita kung sino ang pinakapaborito nila sa Royalty. There's a lot that's cheering for Archer as well kahit pa na talaga namang lamang ang mukha ni King na siyang bokalista ng banda.

"Wala man lang ba akong yakap mula sa pinakamamahal kong kapatid?"

Napakurap ako at nilingon ko ang nagsalita. Napangiti ako nang makita ko ro'n ang kapatid ko na si Fiere. Lumapit ako sa kaniya at kaagad na yumakap. "Akala ko hindi ka pupunta? Bihira ka naman manood ng concert nila ah. Anong meron?"

Nagkibit-balikat siya. "Pinilit ako ng asawa ko."

Kinindatan ako ni Athena na kumilos para lumipat ng pwesto para napapagitnaan na namin si kuya. Tinignan ko ang iba pa naming kasamahan at napakunot ang noo ko ko nang mapansin ko na halos lahat ng agents ay nandito. Maliban na lang sa kambal na Eris at Enyo, Phoenix at Snow, at Hermes at Storm.

"Hala. Bakit ang dami atang agents ngayon?" takang tanong ko.

"Baka gusto lang ubusin ng Royalty ang mga ticket nila." sagot ni Athena.

Naguguluhang umiling ako. "Imposible 'yon. Matagal ng sold out ang tickets nila."

"Baka trip lang. Matagal naman na rin mula ng last na magkaro'n ng concert ang Royalty."

Kung sabagay. Baka naka party mode nga ang mga agent. Nakakapagtaka lang kasi usually hindi naman sila pumupunta. Hindi naman lahat kasi mahilig sa klase ng musika na tinutugtog ng banda. Pero mabuti na rin na nandito sila. Mas masaya kasi mas maraming susuporta sa Royalty.

Lumingon ako sa likod at muli kong inilibot ang paningin ko. Itututok ko na sana ang mga mata ko sa stage nang may mapansin ako di kalayuan sa amin. "Holy sheezums."

"What?" my brother asked.

Imbis na sagutin ko siya ay inabot ko ang kamay ni Athena at niyugyog ko siya. "Athena look!"

"Aray ko! Madidislocate ang buto ko sa'yo- hala shit!"

"Anong ginagawa niya dito?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Hindi kalayuan sa amin ay naroon ang babae na laging kasama ni Archer niton mga nakaraang araw. Amelie Garcia. Pakiramdam ko ay umaakyat na lahat ng dugo ko sa utak ko habang nakatingin sa babae na kinakausap ang babaeng katabi niya.

"Well...she's a fan of the band right?" Athena asked hesitantly.

"Sino bang-" napatigil sa pagsasalita ang kapatid ko na lumingon din sa likod namin. "Oh."

Kunot-noong nilingon ko siya. "Anong oh? Hindi mo naman alam ang tungkol sa kaniya ah."

"H-Ha? Sinabi ni Athena."

"Wala naman-"

Hindi na naituloy ng babae ang sasabihin nang ipitin ni kuya ang mga labi niya sa pagitan ng dalawa niyang daliri. "Magsisimula na. Wala munang maingay."

"This is a rock concert kuya. Walang taong tahimik dito." nagdududang paliwanag ko. "Anong meron?"

"Wala. Manood ka na lang."

"Kuya."

Hinawakan niya ako sa ulo at inikot niya 'yon para mapaharap ako sa stage. Naging mabisang paraan naman ang pag-distract niya sa akin dahil natutok na ang atensyon ko sa malaking screen kung saan pinapakita isa-isa ang miyembro ng banda.

Nakitili ako sa mga tao nang lumabas ang larawan ni Archer sa screen. Mukhang hindi ko naman kailangan pahirapan ang sarili ko dahil marami rin talagang tagahanga ang lalaki.

An exclaimed of surprise and excitement echoed through the sea of people when the lights suddenly went out. Mas lalong lumakas ang sigawan nang marinig namin ang pamilyar na intro ng isa sa pinakaunang kanta ng Royalt na 'Rough Sex'.

Pero hindi ko akalain na may ititindi ba ang ingay dahil pakiramdam ko ay mayayanig ang buong lugar nang unti-unting bumukas ang ilaw dahilan para makita namin ang ngayon ay nasa kaniya-kaniya ng mga puwesto na miyembro ng banda.

Halos hindi ko magawang i-apak ang mga paa ko sa lupa at nanatili akong nakatingkayad habang sinisigaw ang pangalan ni Archer na tutok ang mga mata sa guitara niya. Suot na niya ang damit na inihanda para sa kanila ngayon.

I saw it earlier and I imagined what it would look like but it's obvious that it can't be compared to what it looks like in reality. It's a bad boy rockstar outfit that combines the casual rugged looking sando top with a bit of a dressy leather jacket. Hapit iyon sa kaniya kaya mas lalong kitang-kita ang kurba ng mga braso niyang pamilyar na pamilyar sa akin ang pakiramdam.

"You look so hot!" I screamed. "Rock on, Archer!"

"Oh God." I heard my brother said loudly.

"Rushmore ikaw ang pinakapogi sa lahat!"

Nilingon ko ang nagsalita at pinaningkitan ko ng mga mata ang asawa ng lalaki na si Den. Tinaasan niya ako ng kilay na parang hinahamon at hindi naman ako nagpatalo dahil muli kong isinigaw ang pangalan ni Archer.

My eyes widened with surprise when at the next moment, Archer's eyes found mine. Kumindat siya sa akin bago buong lakas na ini-strum ang guitara niya dahilan para umalingawngaw ang tunog no'n sa buong stadium. I think I just orgasmed.

We continued screaming and swaying as the vocalist of the band started singing. Nakisabay kami sa pagkanta ni King habang iwinawagayway sa ere ang mga kamay namin.

Sa kabila ng aircon ng stadium ay parang walang epekto iyon dahil ramdam ko ang init na bumabalot sa akin. Sa dami ba naman kasi ng tao at dahil na rin sa kakasayaw namin ay hindi na nakakapagtaka iyon. But I didn't mind. Walang may pakielam dahil lahat kami ay nagkakasiyahan.

Royalty's music is loud, vulgar, and sometimes too dark and sexy but that's what made them so awesome. Kaya mas minahal sila ng lahat dahil bawat kanta nila ay iba't-ibang bagay ang ibinibigay sa nakikinig niyon.

"I just love this crowd! Don't you guys?" nakangiting tanong ni King sa mga kasama nang matapos ang kanta nila. Bilang sagot ay ini-strum ni Thunder ang guitara niya na sinundan ni Archer at Rushmore habang si Harmony naman ay pumalo sa drums niya. "They said they love you too!"

"Magtagalog ka! Nasa Pilipinas ka!" sigaw ni Triton.

Gumawi ang tingin sa amin ni King na ngumisi. "Siyempre hindi kumpleto ang concert kapag wala ang mga kaibigan namin sa VIP section na panira ng moment namin."

"Gwapo mo King! Labyu!" sigaw naman ni Ocean.

"That would really make me happy if that came from my beautiful wife." King said with a roll of his eyes. Lumapit siya sa dulo ng stage at huminto siya tapat ni Freezale na yakap ang tablet niya habang may pinipigil na ngiti sa mga labi. "Kamusta, Lady?"

Inangat ni Freezale ang kamay niya para mag thumbs up at itinakip ang tablet niya sa bibig niya nang tumutok sa kaniya ang spotlight.

Kahit nasa pinakaunahan na kami ng stage ay malayo pa rin iyon sa pinaka-stage para maiwasan ang mga tao na makasampa. May mga bouncer din na nakabantay sa kabilang bahagi ng harang. Kaya nang umuklo pa si King ay kaagad na lumapit ang mga bouncer para saluhin siya kapag nahulog siya.

"I can't hear you wife." he said.

Inangat ni Freezale ang kamay niya at iginalaw iyon na parang sinasabing ipagpatuloy na ni King ang concert. Kahit na matagal na rin silang kasal ni King ay hindi pa rin naman talaga siya sanay sa atensyon ng maraming tao.

"As you can see, mahiyain ang asawa ko. But she's the best you guys!" sabi ni King na umayos ng tayo at naglakad papunta sa gitna ng stage. "And this next song is for her. Lady!"

Napangiti ako nang marinig ko ang isa sa mga kanta ng Royalty na hindi pwedeng hindi nila pinapatugtog sa umpisa ng mga concert nila kahit malayo iyon sa usual na maingay nilang kanta. Iyon kasi ang isa sa mga kanta na ginawa ni King para sa asawa niya.

The fans didn't mind and they still cheer for the band. Hindi magkamayaw ang lahat lalo na nang matapos ang kanta ay sinunod naman ang isa pa sa mga top hits songs nila na Vehemence.

The song was followed by Hidden, Clandestine, Void, and Comet; ang kanta na ginawa nila para sa dating drummer ng banda.

To be honest, I attended quite a lot of concerts. Both foreign and local bands dahil sa pag-aaya ng mga kasamahan ko. Kakaunti lang sa mga iyon ang nagustuhan ko talaga dahil mapili ako sa kanta. Isa pa I usually like old songs. Iba kasi ang binibigay sa akin na feels no'n dahil pakiramdam ko bawat linya ng kanta ay tumatama sa akin.

But seeing Royalty perform, it's astounding. Nakakaproud na makita kung paano nila binibigyan ng buhay ang mga kanta nila at kung paano minamahal iyon ng fans nila. They are a local band but the support their getting is amazing.

"Sino dito ang nakakaalam ng dahilan kung bakit naisulat ko ang kanta na Clandestine?" tanong ni King pagkatapos ng kanta.

Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang maraming tao na nagtaas ng kamay. Pagkatapos kasi ng lahat ng nangyari noon ay lumabas ang katotohanan tungkol sa koneksyon ng noon ay ex-girlfriend ni King sa nangyaring pagkamatay ni Comet. Marami sa mga tao ang nagbigay ng theory nila tungkol sa kanta na Clandestine na ginawa ni King para tukuyin ang ginawang pang-iwan sa kaniya ng babae.

"I wrote that before because at that time, that's what I needed. Gano'n din ang Void na isinulat ko kasama ni Archer." sabi ni King at itinuro ang kinaroroonan ni Archer na nagtaas lang ng kamay at bahagyang ngumiti. "That song reminded me of my daughter, Ashia, who died before she was born. It reminded me how it felt like to lose her and to be reminded of that moment everyday. Nang i-draft namin ang kanta na iyon ay sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang gusto kong isulat. But Archer took over and for some reason, the way he constructed the song just breaks my heart."

Narinig ko si Archer na kinanta iyon noon. Alam ko kung ano ang tinutukoy ni King dahil iyon din ang naramdaman ko nang marinig ko iyon kay Archer. It was like I can feel how hollow and empty he is. Like I can feel his pain.

"Hindi ko akalain na kinuha niya ang sakit sa pinagdaanan niya kaya nagawa niyang iparamdam iyon sa kanta." Nagpatuloy si King sa pagsasalita habang ang mga kabanda niya ay nananatiling naghihintay. Naglakad siya at tumigil lang siya nang makarating siya sa gilid ng stage kung saan naroon si Archer. "We all watched the news right? Sigurado ako na nabalitaan niyo ang tungkol sa buhay ni Archer. It was painful just to think of what he went through. Hindi ko man maihahambing iyon sa nangyari sa akin dahil alam kong kagaguhan ko ang dahilan ng mga pinagdaanan ko ay masasabi ko na alam ko kung ano ang ibig sabihin ng salitang sakit. But I got saved from the world when I was drowning of Clandestine because I found a person that would change the course of my life and inspire me to write Lady. And now let's hear it from Archer as his Void finally turned to a Moonlight Dream."

"Bagong kanta ba nila?" tanong ko. "Akala ko next month pa sila mag re-release ng bagong album?"

Napakunot-noo ako at nilingon ko ang kapatid ko na hindi na sa stage nakatingin kundi sa akin. May kung anong emosyon sa mga mata niya na hindi ko maintindihan. Umangat ang kamay niya at marahang ginulo ang buhok ko bago sumenyas na tumingin ako sa stage.

The lights went out again and suddenly the impossibility happened; the crowd went quiet. Pumainlang sa paligid ang malamyos at mabagal na musika habang nananatiling nakapatay pa rin ang ilaw.

I felt shifting of bodies near me na para bang may mga sumasama sa section na kinaroronan namin. Hindi ko sila makita pero nararamdaman ko na sumisikip na ang kinaroroonan namin.

"Anong nangyayari?" tanong ko.

Walang sumagot sa akin at hindi ko na rin nagawang mahintay ang kasagutan nila dahil sa pagkagulat ko ay bumukas ang malaking screen sa stage kung saan bumungad sa lahat ng taong nandito ang mukha ko.

My jaw dropped when I saw myself sleeping, my hair scattered around the pillow while my hands are tucked below my cheek. May kamay na umangat at marahang hinawi ang buhok ko na nakatabing sa mukha ko.

I bit down on my lower lip when the the spotlight opened, illuminating Archer standing at the center of the stage with a microphone strapped on its stand in front of him. Ngumiti siya sa direksyon ko at sa pagkabigla ko ay nagsimulang kantahin ang kanta na ngayon ko pa lang maririnig...maging ng buong mundo. "I was lost, walking alone. Losing hope, losing home. I wander through the dark. Finding nothing but my shadow. I'm jealous of the night with its own tiny lights scattered at the sky embraced by its grace...something I never had. "

Nag-cut ang video at ang sumunod na kuha ay mukhang galing sa CCTV camera. At dahil security camera iyon ng BHO CAMP ay malinaw na malinaw iyon. Kuha iyon nitong mga nakaraan lang kung saan naglalaro kami ng Mobile Legends sa Craige's, magkayakap, naglalakad sa mapunong bahagi ng BHO CAMP habang magkahawak-kamay, at mga patagong kuha pa na ako lang ang kita. Probably taken by Archer's phone. I can see myself laughing by what he said. Then the next it was a video of me and him. Natutulog ako sa balikat niya.

"And then suddenly, It was like they lead me to you. Stars pointing out at the dream...of the beauty under the moonlight."

Itinakip ko ang kamay ko sa bibig ko habang nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luhang nag-uunahan na pumatak mula sa mga mata ko. Nanatiling nakatingin sa akin si Archer habang patuloy na kumakanta. Telling me through his song how I mean to him.

My eyes went up to look at the screen and I saw Archer and me again. Kuha iyon kung saan nasa ospital pa si Archer. He was awake and we were both laughing at Thunder's antics. Then scene after scene followed, showing the world the moments I had with him.

"Soft like satin, white as pearl. A breath of life to those kissed by death. Worshiped by the radiance above. An answer for the whispered prayers. Why did I ever envied the sky? With its dust of illuminance? When now I found you, the only light shining in mine. "

The video showed next the time I was singing at the fountain. Kung saan nahulog kami ni Archer. Isa-isa pinakita doon kung paano kami mag-asaran. Kung paano kami umakto sa isa't-isa noong mga panahon na hindi pa namin naiintindihan ang nararamdaman namin. Pinakita rin doon na nagtatalo kami ni Archer sa dining area ng headquarters at ilang sandali lang ay hinalikan niya ako. It was our first kiss.

"Dancing through the breeze, leaves rustled with each whip of the wind. My hand holding yours, that's when I know for sure. Because suddenly it was like they lead me to you. Stars pointing out at the dream...of the beauty under the moonlight."

Tinanggal ni Archer ang mikropono sa kinalalagyan no'n at naglakad siya sa patungo sa kinaroronan namin. The lights widened, showing his band mates playing their instruments behind him. Maging si King ay may hawak na guitara.

Huminto si Archer sa tapat ko at yumuko para magkapantay ang mga mukha namin at may ngiti sa labi na nagpatuloy siya. Kumikislap ang mga mata niya sa emosyon na alam kong repleksyon ng sa akin.

Behind him, the screen showed us wrapped in each others arms. Dancing under the moonlight. The first time I danced with him. Ang pinakaunang beses na naramdaman ko na kahit paano kumpleto ako. Kasi pinaramdam niya iyon sa akin. Pinaramdam niya na buo ako kahit nasasaktan ako. He gave me comfort and security. And even if I didn't know it at that time...that was the first time my heart recognized him.

"I was lost and losing hope. I wander, jealous of the night for having what I never had. Until the stars lead me to the dream. And I danced with the beauty under the moonlight."

Sa pagkabigla ko ay naramdaman kong umangat ang katawan ko mula sa lupa. I gasped in surprise and I looked down to see my brother carrying me and pushing me up so I can cross the barrier. Pero hindi pa do'n natapos dahil mula sa kung saan ay nakita ko ang ama ko na umakyat sa harang para tumalon sa kabilang panig.

Lumapit siya sa kinaroroonan namin at ipinasa ako ni kuya sa kaniya habang sa tabi ng kapatid ko ay nandoon si mama na inaalalayan siya. Mahigpit na kumapit ako sa balikat ni papa nang maibigay ako sa kaniya at iginaya niya ako paakyat ng entablado. Tumigil siya sandali at lalong bumuhos ang luha ko nang halikan niya ang noo ko...then finally he let me go. Because the hand of the man I love was waiting for me to pull me up right into his arms.

I can feel my knees shaking but he held me up. Like always, giving me strength. Tumingin siya ng direkta sa mga mata ko. The eyes of his that were full of demons before but now I can see nothing but light.

"Nabuhay ako na puno ng galit, pagsisi, at sakit. Dahil iyon lang ang alam ko. Iyon lang ang nakamulatan ko. I continued living not because I want to but because I need to. As a penance for the sins I thought were mine. But you showed me differently. Dahil binigyan mo ako ng rason para gustuhing manatili na mabuhay. You gave me a reason...and that is to love you." Umangat ang kamay niya para punasan ang mga luha na patuloy sa pagbagsak mula sa mga mata ko. Hinarap niya ako sa mga tao na tahimik na nakikinig sa kaniya. "This is Aiere Roqas. The woman that annoyed me more than anyone, who made me feel just by the sight of her tears, and the woman who breathe life in me when I was about to quit fighting and who carried the weight with me when I couldn't handle anymore. Siya ang nag-iisang babae na gusto kong makita sa bawat umaga na gigising ako, ang huli kong gusto na makita sa pagtatapos ng araw, at ang tanging babaeng gusto kong pagbigyan ng buong puso ko."

"Archer..." I called out to him, my voice breaking with my sobs.

Humarap siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Itinuro niya ang screen at kita roon si Archer na pokus na pokus sa mga kagamitan sa harapan niya habang may hawak na maliit na band ng sing-sing at inaayos iyon. The woman I know as Amelie was also there helping him with what he's doing.

He was creating a ring for me.

When I turned to look at him, I was surprised to see him kneeling and looking at me with a smile that I never saw in him. Ngiti na walang takot at pag-aalinlangan. A smile that is free from everything he's been carrying throughout his life.

Sa kamay niyang hindi nakahawak sa akin ay naroon ang pinakamagandang sing-sing na nakita ko sa buong buhay ko. It has a simple cut diamond at the center but there are tiny diamonds scattered at the band of the ring that were cut in an intricate design. Ang pinaka band no'n ay may nakaukit na korteng kalahating buwan at mga maliliit na bituin na pumapalibot doon.

"Mahal kita. Mahal na mahal kita. At wala na akong iba na gustong mahalin pa. My dream, my moonlight. Be with me."

Pinahid ko ang luha ko gamit ng isa kong kamay. "Nasaan na ang question mark? Dali para makasagot na ko."

He smiled the brightest smile I ever saw on him and he finally asked the question. A question I never thought I will hear in this lifetime.

"Will you marry me, Aiere Roqas?"

Nakangiting tumango at walang pagdadalawang isip na sumagot. "Yes."

Ramdam ko ang lamig ng sing-sing nang tuluyan niya na iyong naisuot sa akin. I marveled at the sight of it on my finger for a moment. Just for a moment because no matter how beautiful it is, nothing can compare to the perfection in front of me. The perfection of Archer's love.

I threw myself at him and he immediately wrapped his arms around me. Mahigpit niya akong niyakap na para bang ayaw niya na akong pakawalan.

Muling tumugtog ang Moonlight Dream at sa pagkakataon na ito ay si King na ang umaawit. To my bewilderment, everyone at the crowd raised their phones to provide light and swayed it in the air.

And even if we can't see the moonlight that is shining in the dark outside, here inside the stadium with the people giving us light, we danced like we are the only one in the room. As if we're being transported at that first moment.

At that first dance under the moonlight.


___________________End of Chapter 29.

Continue Reading

You'll Also Like

651K 28.9K 45
A night of mistake turned my life into a series of turmoil. A night when alcohol was mixed with suspicion, pain, and even...love. Mali man o tama. B...
20.5M 704K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
3M 71.3K 33
Athena Lawrence dreams are not just about a house made of candies but also about the man she want to spend her sweet life with. Fiere Roqas. Pero m...
4.3M 121K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...