The Girls (Currently Editing)

By Exostanlorica

48.3K 1.2K 572

She's a girl and I'm also a girl. So, what will happen with our love story? More

Prologue
Chapter 1 (Roommate xx)
Chapter 2 (The game xx)
Chapter 3 (Love expert xx)
Chapter 4 (Why? xx)
Chapter 5 (Meet the twins xx)
Chapter 6 (Truth or dare? xx)
Chapter 7 (Dating game xx)
Chapter 8 (Open forum xx)
Chapter 9 (The confession xx)
Chapter 10 (Babe? xx)
Chapter 11 (Yes or no 2 xx)
Chapter 12 (Weird feelings xx)
Chapter 13 (Shit happens xx)
Chapter 14 (Advice xx)
Chapter 15 (Foundation day xx)
Chapter 17 (Shocking event xx)
Chapter 18 (Complicated situations xx)
Chapter 19 (Let the best woman win xx)
Chapter 20 (N and M xx)
Chapter 21 (Allison xx)
Chapter 22 (Christmas xx)
Chapter 23 (Avowal and agonized xx)
Chapter 24 (The ball xx)
Chapter 25 (The ball part 2 xx)
Chapter 26 (The other Knapp xx)
Chapter 27 (Cyan xx)
Chapter 28 (Cyan's feelings xx)
Chapter 29 (Sabrina xx)
Chapter 30 (N&A xx)
Chapter 31 (Cyan's POV)
Chapter 32 (Wrong timing xx)
Chapter 33 (Cyan and Nathalie xx)
Chapter 34 (Playful destiny xx)
Chapter 35 (Lovelots xx)
Chapter 36 (Friendship and Love)

Chapter 16 (Her feelings xx)

970 40 19
By Exostanlorica

Weirdness xx

-

Monik's POV

Mabuti na lang at hindi nahalata ni Naomi yung pagbanggit ko sa pangalan ni Nathalie kahapon, iniisip niya kaya si Nathalie non?


"Yow twin sister!" may biglang umakbay sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Ang kambal kong sobrang lawak ng ngiti.


"Hi" sagot ko habang naglalakad kami papuntang booth para magbantay.



"Ba't ang lungkot mo ata?" tanong niya.


"Hindi ah! Masaya nga ako eh." sabi ko na ngumiti pa talaga, naalala ko kasi si Naomi.


"Aaah." tinanggal na niya pagkakaakbay niya sa akin at hindi na muling nagsalita.


Netong mga nakaraan na araw, ang weird ng mga kinikilos ng kambal ko. Hindi ko alam pero nararamdaman ko na may problema siya.


"Tinatamad akong magbantay Monik!" sabi niya habang nakasimangot doon na nakatingin na sa booth na babantayan namin. Tinanong ko kasi siya kagabi kung gusto niyang magbantay at pumayag naman siya pero bakit ngayon tinatamad na siya?


"Pumayag ka na kagabi! Wala ng bawian." sabi ko na hinila ang kamay niya papunta sa booth. Nadatnan namin sila Naomi, Aubrey at Nathalie na nag-aayos na doon. Maaga palang kasi kaya wala pa masyadong tao. Diba dapat hindi na magbabantay si Naomi dahil nagbantay na siya kahapon?


"Nasaan si Allison?" tanong ni Monica kay Nathalie pero nagkibit-balikat lang si Nathalie.


"Bakit hindi mo alam? Diba magkasama kayo sa condo?" tanong niya ulit kay Nathalie, bakit ba niya gustong makita si Allison? Pero nasaan nga ba si Allison?


"Oo kasama ko siya sa condo pero pagkagising ko kanina, wala na siya." sagot ni Nathalie na walang karea-reaksyon ang mukha, umupo naman si Monica doon sa isang upuan at kinuha ang cellphone sa bulsa.


"Hi guys!" bati ko sa kanila kaya ngumiti naman sila sa akin.


Tumulong na ako sa pag-aayos at natapos rin naman namin agad. Umalis muna si Nathalie pati si Aubrey para maglibot-libot kaya naiwan kaming tatlo dito. Ako, si Naomi at ang kambal ko.

"Bakit nandito ka? Magpahinga ka na lang muna dahil kayo naman ang nagbantay kahapon." Sabi ko kay Naomi kaya naman naupo na siya doon.

"Aalis na rin muna ako." sabi ni Monica pero sinamaan ko siya ng tingin.


"Anong aalis ka diyan! Ni hindi ka nga nagbantay dito kahapon kaya kasama kitang magbabantay ngayon, kailangan namang magpahinga ni Naomi ngayon dahil sila ang nagbantay kahapon dito." sabi ko na hinarangan siya kasi lalabas na siya.


"Psh! Ang daming alam! Tinatamad nga akong magbantay! Kayo na lang, tsaka Monik alam mo?" sabay bulong sa akin ni Monica.


"Chance mo na rin ito para ma-solo mo siya." nagulat ako sa ibinulong niya kaya napatingin ako sa kanya ng nakakunot noo.



"Anong sinasabi mo?" tanong ko na bumulong rin.



"Alam ko Monik, alam kong gusto mo si Naomi." sabi niya na tinanggal na yung kamay ko na humaharang sa kanya sabay labas pero mabilis ko siyang pinigilan.


"Sinabi mo ba sa kanya?!" tanong ko na napapalunok.


"Hindi, hindi dapat ako ang magsabi." sabi niya na ngumiti pero halata mong peke, wait. Bakit pekeng ngiti lang? hindi ba siya masaya? Nandidiri ba siya sa akin kasi ang gusto ko ay isang babae?


"Bitawan mo na ako, may pupuntahan pa ako." sabi niya na tinatanggal ang pagkakahawak ko sa kanya pero hinila ko siya papasok sa loob, hindi siya pwedeng umalis dito! Baka mapaamin ako ng wala sa oras kay Naomi tapos baka mandiri sa akin si Naomi kapag nalaman niyang may gusto ako sa kanya kaya mas ayos na rin na meron akong kasama para wala akong masabi o gawin na kakaiba.


"Hindi ka pwedeng umalis! Magbabantay tayong dalawa!" sabi ko sa kanya kaya naman sumama ang tingin niya sa akin.


"Ayaw ko ngang magbantay!" pagpupumilit niya pero hindi ko na siya pinansin, pinagpahinga ko na muna si Naomi doon kaya naman dalawa lang kami ng kambal ko ngayon ang nag aasikaso.


Habang may mga ikinakasal, ako yung nagpapanggap na pare at siya naman yung nag-aayos ng damit ng bride at groom.


"Heeey!" habang nagpapahinga kami dito ay biglang may isang babae na sumulpot, halata mong tibo siya dahil na rin sa porma at tindig niya. Siguro sa section c siya kasi hindi ko masyadong kaclose ang nasa section na yon.


"Gusto kong magpakasal kami ng babaeng yan!" sabi niya at pumunta sa direksyon ni Naomi tapos kinuha ang kamay niya sabay hila sa kanya sa pagkakaupo.


"W-wait!" sabi ni Naomi na nagulat sa nangyari, pati rin naman kasi ako nagulat.


"What do you think you're doing?!" pero mas lalo akong nagulat sa nangyayari ngayon at sa reaksyon ng kambal ko. Hawak ng kambal ko ang kamay ni Naomi tapos medyo nakayakap siya sa kanya, parang nanonood ako ng teleserye na pinag-aagawan ang isang babae.


"What?! Sabi ko gusto ko siyang pakasalan tsaka magbabayad naman ako kaya alisin mo yang pagkakahawak mo sa kamay ng gusto kong pakasalan!" sabi ng babae at nagpupumilit na tanggalin ang pagkakahawak ng kambal ko sa kamay ni Naomi.


"Huwag mong pilitin ang ayaw sa'yo! Tsaka hindi mo ba nakikita na nagpapahinga siya!" sabi ng kambal ko na hindi nagpapatalo. Bakit ba siya nagkakaganito?


"Tsk! Wala siyang sinasabi na ayaw niya sa akin, huwag kang epal! Taga-bantay ka lang dito!" sabi ng babae na hinila na si Naomi. Nagtitigan silang dalawa ng masama kaya naman pumagitna na ako at pinigilan silang dalawa sa pag-aaway.


"Hayaan mo na Monica." sabi ko at hinila na yung kambal ko.


"Ayaw kong suotan yan ng groom!" sabi ni Monica at umupo lang doon sabay nag-headset, pssh! Kahit kailan talaga itong kambal ko.


"Dito tayo, bibihisan ko kayo." sabi ko at pumunta kami sa dressing room. Binihisan ko na silang dalawa, pagkatapos ay lumabas na ulit kami at pumunta na ako sa harap para maging pare nila.


Kahit man ayaw ko itong ginagawa kong magpanggap na isang pare tapos ikinakasal sa iba itong babaeng mahal ko, wala rin naman akong magagawa kasi taga-bantay lang ako.


Nasa parte na kami na tinatanong ko silang dalawa kung gusto nilang maging parte ng buhay ng isa't isa pero biglang may sumigaw.


"Tama na nga yan! Nakakairita na kaya! Pati pagmumukha nilang dalawa nakakairita eh!" sabi ni Monica at inirapan yung babae.


"Tama na! magbayad ka na doon na babae ka! Tapos na ang kasal!" sabi niya na kinuha yung bayad ng babae tapos tinanggal yung ribbon sa damit niya at hinila na palabas sabay tulak sa kanya kaya natameme lang kami doon ni Naomi sa ginawa niya.


"What?!" pagkalingon niya sa amin na nakataas ang kilay.


"Bakit mo pinalayas?! Hindi ko pa nga tapos yung wedding ceremony eh!" sabi ko.


"Hindi na kailangan! Hindi na rin importante! Fake wedding lang din naman!" sagot niya na umupo na ulit, tumingin ako kay Naomi na nakatulala pa rin doon kaya naman pinuntahan ko siya. Tinulungan ko siyang tanggalin yung wedding dress at veil niya kaya nagpasalamat siya sa akin, itinabi na rin niya yung flower doon sa mesa.


"Kahit fake wedding lang yun, at least may karanasan siyang ganon kaya siguro importante sa kanya eto." sagot ko na tinabi na yung wedding dress at veil sa dressing room.


Hindi na ako pinansin ni Monica kaya naman nanahimik na lang din ako.


-


Allison's POV


Maaga akong umalis sa condo dahil sasamahan ko si Sabrina para mag-shopping, tumawag kasi siya kagabi at tinanong ako kung pwede ko siyang samahan na mag-mall total daw eh foundation day naman kaya pumayag ako. Hayaan ko na raw yung attendance, siya na daw ang bahala doon.


"Hi." bati sa akin ni Sabrina pagkakita niya sa akin, nandito na kami ngayon sa loob ng mall.


"Hello!" bati ko naman sa kanya.


"Tara?" sabi niya kaya tumango ako, nagpunta na kami sa cinema para manood muna kami ng 'If I stay' na palabas.


Habang nanonood kami biglang hinawakan ni Sabrina yung kamay ko kaya nagulat ako at napatingin sa kanya.


"Nilalamig kasi ako eh." sabi niya na nakatingin sa akin, halata ko naman sa kamay niya na nilalamig siya kasi ang lamig ng kamay niya.


"Eto oh." sabi ko nang tanggalin ko yung jacket ko at binigay ito sa kanya, kung bakit kasi hindi siya nakasuot ng jacket eh.


"Ha? ah- eh paano ka?" tanong niya na hindi pa rin kinukuha yung inaabot kong jacket.


"Anong paano ako? hindi naman ako nilalamig eh." sagot ko tapos pinatalikod ko siya sa akin tsaka ko nilagay yung jacket ko sa kanya.


"O ayan, hindi ka na siguro lalamigin." sabi ko na umayos na ulit sa pagkakaupo.


"Nilalamig pa rin kaya ako." sabi niya kaya naman napatingin ako sa kanya, tumingin rin siya sa akin tsaka niya inilapit ang mukha niya.


"Gusto ko kasi... yakapin mo ako." ano? anong pinagsasabi niya?


"Ano?!" medyo napasigaw ako kaya naman feeling ko ay napatingin sa part namin halos lahat ng tao, pagtingin ko kay Sabrina ay umayos na siya ng upo tsaka niya ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.



"Huwag kang maingay." sabi niya na nanood na lang doon.


Hindi na ako makapokus sa pinapanood ko dahil sa sinabi ni Sabrina, nakakailang na rin.


Natapos ang pinapanood namin na wala pa rin ako sa sarili ko, pagkalabas namin sa sinehan ay biglang hinawakan ni Sabrina ang kamay ko kaya naman bumalik ako sa reyalidad.


"Tara! kain na muna tayo?" sabi niya tapos hinila na ako, nagpunta kami sa greenwich.


"Libre ko na lahat okay?" sabi niya na nagpunta na sa counter para um-order.


Ang weird na ng nararamdaman ko. Bakit ganito yung pakikitungo niya sa akin ngayon?


"Eto pa oh." sinusubuan niya ako ng pizza kaya naman kumagat ako doon, nakakahiya naman kasi kung tanggihan ko pa.


"Eto pa." hindi ko pa nalulunok yung isinubo niya sa akin na pizza meron na naman siyang sinusubo sa akin, ako naman itong siraulo na sinubo ulit kaya naman nabulunan ako. Mabilis pa sa alas kwatro na binigyan niya ako ng tubig tsaka siya tumayo tapos hinagod yung likod ko.


"Thanks." sabi ko, bigla siyang lumuhod sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko.


"Ayos ka na?" worried na worried na tanong niya kaya naman tumango ako.


"Pupunta muna ako sa banyo." paalam ko tsaka tumayo na kaso pinigilan niya ako kaya napatingin ako sa kanya.


"Samahan na kita." sabi niya pero umiling lang ako. Kailangan may magbantay sa table namin.


"At bakit?" biglang nagbago yung tingin niya sa akin kaya naman medyo nagulat ako.


"Huwag na, kumain ka na lang diyan." sabi ko pero ayaw niya talagang bitawan yung kamay ko.


"Sasama nga ako!" sabi niya at hinila na ako papunta sa banyo.


Okay, weird na talaga.


Natapos na akong umihi at nakita ko siyang nakatingin sa salamin.


"Tara na, tapos ka na diba?" tanong niya na tumingin na sa akin tapos nagpunta sa direksyon ko at inakbayan ako.


"A-ano, hindi mo na ako kailangang akbayan." sabi ko na tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin.


Lumabas na kami tsaka kumain ulit.


Nagkwentuhan lang kami doon pero hindi pa rin mawala yung pagkailang ko sa kanya.


Pagkatapos naming magkwentuhan ay nagpunta kami sa WOF (World of fun), naglaro lang kami ng kung anu-ano doon.


"Umuwi na tayo?" tanong ko kasi gabi na at gustong gusto ko na talagang umuwi kasi iba na yung nararamdaman ko.


"Bakit naman?" tanong niya na humalukipkip bigla doon.


"Eh kasi, ano- anong oras na." sabi ko na tumingin sa relo ko.



"7:00pm palang naman ah?" tanong niya na inirapan ako tsaka niya hinila yung baba ng damit ko papunta sa gitna ng mall, I mean kung saan madaming tao.


Anong ginagawa namin dito? bigla niyang binitawan ang pagkakahawak niya sa damit ko tsaka niya ako hinawakan sa kamay.


"May sasabihin akong importante kaya makinig kang mabuti." sabi niya kaya medyo kinabahan ako. Bakit kailangan na dito pa sa gitna?


"Tara doon?" tanong niya na tinuro kung saan medyo konti lang ang tao kaya naman medyo nawala yung kaba ko.


"Anong sasabihin mo?" tanong ko pagkapunta namin dito sa gilid ng mall.


"I like you, Allison." sabi niya agad na niyakap pa ako pero ako? tulala lang doon na parang estatwa.


"Heeey! nagulat ka ba?" tanong niya na tinanggal na ang pagkakayakap sa akin.


"T-totoo ba sinasabi mo?" tanong ko.


"Oo. Hindi lang bilang kaibigan." sabi niya na sobrang lawak ng ngiti.


"Kailan pa?" tanong ko na tulala pa rin, walang reaksyon.


"Noong una palang kitang makita, noong magkasama kayo ni Natahalie." sabi niya, huh? First day of class palang? pero akala ko si Nathalie ang gusto niya?


"Anong masasabi mo? gusto mo rin ba ako?" sa sobrang gulat ko sa tanong niya ay hindi agad ako nakasagot at nag-panic pa ako kaya naman medyo natawa siya.


"I think you like me too?" patanong na sabi niya na ngiting-ngiti doon.


"But I -" naputol yung sasabihin ko nang magsalita siya.


"We're officially dating now." napanganga ako sa sinabi niya, anong date? date?!


"Okay! wait!" sabi ko kaya naman napahinto siya sa pagngiti ngiti niya.


"Ugh! Sabrina. You know umm. Yes, you're beautiful and kind but..." okay, sasabihin ko na.


"But I already like someone else." sabi ko kaya kitang kita ko kung paano mawala ang pagkawala ng ngiti sa mukha niya at napalitan ng kunot na noo.


"Who?" kalmado niyang tanong na halata mo namang maiiyak na.


"S-sabrina, don't be like this." sabi ko na hahawakan na sana yung mukha niya pero nilayo niya ito at nakita ko na tumulo na ang mga luha niya.


"Just answer my damn question!" sabi niya na umiiyak na.


"Si Nathalie." pagkasabi ko ay bigla siyang tumalikod tsaka naglakad na palayo sa akin kaya naman sinundan ko siya. Ngayon lang ako nagsabi sa isang tao ng totoong nararamdaman ko. I didn't expect na masasabi ko yun sa taong nagconfess sa akin ngayon.


"Wait! saan ka pupunta?" tanong ko pero hindi niya ako pinapansin kaya naman hinila ko yung braso niya at pinaharap siya sa akin.


"Saan ka ba pupunta?!" tanong ko.


"Pupuntahan ko si Nathalie at tatanungin ko sa kanya kung may gusto rin ba siya sa'yo..." sabi niya. Medyo nagulat ako sa sinabi niya kaya nabitawan ko ang braso niya. Ano bang sinasabi niya? bakit pa?


"...At kapag sinabi niya na wala siyang gusto sa'yo, sa tingin mo?! anong mararamdaman mo ha?!" tanong niya na hinawakan pa ang braso ko, may mga tao na rin na tumitingin sa amin pero wala kaming pakialam.


"Sabrina! Bitawan mo ako." sabi ko kasi hindi ko masagot ang tanong niya.



"Sagutin mo ang tanong ko! huwag mong isawalang-bahala lang!" sabi niya na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.



"Masasaktan." sabi ko na napayuko.


"So, sa tingin mo? anong nararamdaman ko ngayon ha?!" tanong niya. Alam ko naman eh, alam ko naman na masakit kasi pinagdadaanan ko rin yan.


"Pasensya ka na Sabrina pero hindi talaga kita gusto, kaibigan lang ang tingin ko sa'yo." sabi ko na tinanggal na ang pagkakahawak niya sa braso ko tsaka na ako naglakad palayo sa kanya. Tinatawag niya ako kaso hindi na muli akong lumingon pa.


Umuwi na ako sa condo at nadatnan ko doon si Nathalie na nanonood habang kumakain ng pizza.


"Hey! saan ka galing?" tanong niya pero sinabi ko na wala.


"Okay." sabi niya na hindi na ulit ako pinansin.



Ano rin kayang mararamdaman ko kapag sinabihan ako ni Nathalie na ayaw niya sa akin? na hindi niya ako gusto?


Naalala ko si Sabrina, alam ko namang masakit kasi alam ko yung pakiramdam na yun pero mas mabuti ng alam niya na hindi ko siya gusto kaysa naman magsinungaling ako na may gusto rin ako sa kanya.


Mas okay na ito, at least kahit papaano hindi ko masyadong masasaktan ang loob niya, and at least alam na niya na wala akong gusto sa kanya, na alam na niya kung anong gagawin niya. Tama naman ang desisyon ko kaya wala akong ikaka-konsensya.


Pero ako? hindi pa niya sinasabi na wala siyang gusto sa akin ay nasasaktan na ako, ramdam ko na rin namang hindi niya ako gusto kasi may gusto nga siyang iba at yun ang masakit, yung alam mong may gusto siyang iba at sa'yo pa talaga sinabi.



Kailan kaya ako aamin?



Kaso, may balak pa kaya akong umamin?

Continue Reading

You'll Also Like

172K 3.3K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
312K 21.6K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
722K 15.7K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...