Once A Love Story - #Wattys20...

By MicxRanjo

78.3K 2.7K 697

Can a moment of love last forever? Hindi kailanman kasalanan ang magmahal. Sabik si Erina De Dios na mahalin... More

Once A Love Story
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Wattys2018 Shortlist!
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
We got it! WATTYS2018 WINNER!
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Good news to share
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine

Chapter Thirty-One

1.6K 87 25
By MicxRanjo




"MS. ERINA, tara na ho." Anyaya ni Miradel sa kanya. May jeep na naghihintay sa kanila at ama ni Miradel ang siyang nasa manibela upang mag-drive.

"Saan?" Napamaang siya.

"Nakalimutan na ho ninyo? Sa hacienda Guerrier ho, kaarawan ni sir Caleb at nasabihan tayong tumulong kay Aling Matilde sa paghahanda para sa pagtitipon."

Saglit siyang hindi nakahuma, pagkuwa'y matuling dumaloy sa kanyang alaala ang unang kaarawan nitong kanyang naabutan, gaano na ba katagal ang lumipas?

"Ms. Erina?" muling untag ni Miradel.

"H-ha? A, sige." At nakisabay na siya sa dalaga, hindi na niya naisipang palitan pa ang luma at maluwang na kamisetang pambahay at leggings.

Nagkalat sa bakuran ang mga mesa at upuang wala pa sa ayos, gayundin ang ilang mga arkiladong tauhan na siyang mag-aayos para sa pagtitipon. Sa kusina sila dumiretso ni Miradel. Nakita agad sila ni Aling Matilde at sumalubong sa kanila.

"Naku, pasensiya na kayo ha? Hindi ko naman akalaing mapaparami ang mga bisita ngayong gabi kaya kinulang ako sa pagplano. Hindi naman kasi ganito noong nakaraang mga taon kung magpahanda itong si Caleb, bigla na lang siyang humiling ng malakihang pagtitipon." Nasa kilos nito ang pagmamadali habang nagmamando sa mga katulong kung ano ang dapat gawin.

"Naku, ayos lang ho Aling Matilde, kahit paano nga makasasalo kami ngayong gabi sa kaarawan ni sir Caleb." Nakangiting ganti ni Miradel.

"May mga nagluluto sa likuran, pwede bang makitulong na lang kayo sa paghahanda ng mga pagkain, o kahit anong maitutulong ninyo?"

"Oho naman. Sige ho't kami na ang bahala rito." Hinawakan ni Miradel ang kanyang kamay, nagpaalam sila sa matanda at tinunton ang likuran.

Naging maayos naman ang paghahanda, natapos ang lahat bago pa man pumatak ang ika-pito ng gabi sa pagsisimula ng pagtitipon. With the Guerrier's wealth, Caleb could have just hired a caterer to prepare the food or a planner to do everything. Ngunit sa kanyang nasaksihan sa paghahanda, tila bawat isa ay isang pamilya at kahit gaano kaabala ang bawat isa, nagawa pa rin ng mga ito ang magbiruan, tumawa at magsaya. It reminded her how she loved this place, and the people of Del Rio.

Abot tanaw niya ang pamilya ni Caleb, kung paano ito awitan ng birthday song at batiin. She even saw Alvaro, his wife, Kaylee and Augustus. Mula nang dumating siya sa Del Rio, hindi niya kailanman nasilayan si Marie, gusto niya iyong ipagpasalamat dahil batid niyang malulunod lamang siya sa matinding selos, ngunit naroon pa rin ang pagtataka kung bakit wala ito sa mahalagang araw ng asawa.

Napadiretso siya sa pagkakatayo nang masilayan ang isang babaeng humalik sa pisngi ni Caleb. Matangkad ang babae, maputi, mahaba ang itimang buhok at maganda. Isang matamis na ngiti naman ang iginanti ni Caleb sabay dampi ng kamay sa baywang nito.

Her heart sank. Her eyes stung with tears. She was enveloped with jealousy.

"M-Miradel!" Hinablot niya ang braso ng katabi, kapareho niyang nakasilip mula sa halamanang nakatago mula sa mga bisita.

"Bakit, Ms. Erina?"

"S-sino iyong..." Napalunok siya. "katabing babae ni Cale-Mr. Guerrier?"

"A, si Ms. Lorena, kasintahan ni sir Caleb.

"K-kasintahan?" Pakiramdam niya'y lalong bumigat ang kanyang dibdib. "B-bakit? May asawa na siya, hindi ba?"

"Ha? Ay, hindi pa ba ho ninyo alam na biyudo na si Sir? Mga apat na taon na din magmula nang bawian ng buhay ang asawa niya sa panganganak dahil sa sakit sa puso. Bago lang sina Sir at Ms. Lorena."

Nanginginig ang buong katawan na napatitig siya kay Caleb. Halos magbaga ang kanyang damdamin sa tinitimping sakit sa nakikitang pagkakalapit ng katawan ng mga ito. At tila naman sinasadya, dumako ang nakangiting mga mata ni Caleb sa kanya, at nasaksihan nito ang pagtulo ng kanyang mga luha.

Hindi na niya nakayanan pa't mabilis siyang tumalikod, tumakbo kung hanggang saan madadala ng mga paa. Tumigil siya, umupo sa mga paa, itinakip ang mga kamay sa mukha at doon umiyak. Wala siyang karapatang magselos, ni ang masaktan. Kahit wala na si Marie, wala pa rin siyang dahilan upang umamot ng pagmamahal nito. Alam niya iyon, alam niya ngunit...bakit nasasaktan pa rin siya ng ganito? Nagkatunog ang kanyang pag-iyak.

"Bakit, Erina? Anong ibig sabihin ng pag-iyak mo?" tinig ni Caleb na nagpatayo sa kanya.

Kaswal lang ang suot nito, magaang asul na kulay ng polo shirt na nakapaloob sa dark slack pants nito. Bagong gupit din ito, clean cut at kaaahit ng bigote't balbas. Lalo siyang nakadama ng hinanakit sa isiping sadyang pinaghandaan nito ang gabi para sa kasintahan. Muling nagkasunod-sunod ang pagtulo ng kanyang mga luha kaya naman tinakpan niya ng mga kamay ang mukha.

Caleb grabbed her arms to expose her face. Napalapit siya rito, napatingala sa mukha nito. Nalanghap niya ang hinaluang amoy alak nitong hininga. "Ano sabi ang iniiiyak mo?" Magkasalubong ang mga kilay nito.

Umiling siya. "W-wala." Hinila niya ang braso subalit hindi nito iyon pinakawalan.

"Huwag mong sabihing nagseselos ka?" Saka ito ngumiti na may halong pang-uuyam.

Hindi siya nakasagot. Saying yes would be insane but saying no would be a lie. Pinili niyang manahimik, yumuko.

"Kailan ka pa natutong manahimik? Natutunan mo na rin bang mahiya?" Lalong humigpit ang pagkahawak nito sa kanyang braso.

Kahit ano pa ang sabihin nito, kahit ano pa ang gawin, hindi niya maitatangging naghatid ng munting kaginhawaan ang maramdaman ang init ng katawan nito, na totoong nasa harapan niya ito at abot kamay lamang.

"Sumagot ka!" mahina ngunit mariin nitong tinig.

Wala siyang kayang sabihin.

Sabay pa silang napalingon sa grupo ng mga bisitang pagawi sa kanilang kinaroroonan, malakas na nag-uusap at nagtatawanan. Mabilis na kumilos si Caleb at hinila siya sa mga halamanang matataas at nakahilera papunta sa swimming pool, doon siya itinulak ni Caleb, patago at walang ilaw na nakatanaw.

Lumampas ang grupo sa kanilang pinagtataguan, muling natahimik ang kanilang paligid. Erina found herself on his clothed chest, his heart was beating loud and fast. His cologne was soft in her nose. His warmth was good to her feelings. Mahigpit na nakakunyapit ang isa niyang kamay sa tagiliran ng polo shirt nito.

Nakailang hinga pa ito ng malalim bago nito napansin ang kanilang sitwasyon, at doon lang nito inilayo ang sarili sa kanya. Umatras ito ng ilang hakbang. Hindi man nila nakikita nang maigi ang isa't isa dahil sa madilim na paligid, sapat na ang tensiyon na nasa kanilang pagitan upang malaman ang reaksiyon ng isa't isa.

Muli itong kumilos, tumalikod sa kanya. Ang isiping aalis na ito ay naghatid sa kanyang pakiramdam ng kahungkagan. Ikinuyom niya ang mga palad upang hindi niya ito mahablot pabalik. Kailangan niyang pigilin ang sarili.

Ngunit gano'n na lamang ang kanyang pagkagulat nang bigla na lang siya nitong nilapitan, isinuksok ang mga daliri sa likuran ng kanyang buhok at hinilang paangat sa mukha nito. The next thing she knew, his lips found hers and he planted her kisses she never thought would be possible anymore. Marahas ang halik, mariin, may sakit. Kung gaano siya nito kabilis hinalikan, ganoon din kabilis itong bumitaw, at muli siyang itinulak, halos pabalibag bago mabilis na umalis.

Ilang minuto na ang lumipas ngunit nanatili pa rin siya sa kinatatayuan, walang kakilos-kilos. Gusto niyang isiping imahinasyon lamang ang nangyari sa kanila ni Caleb ngunit...hinawakan niya ang mga labi, sinalat ang munting sugat na gawa nito. It was real. Caleb kissed her. He did. He did. Tumulo ang kanyang mga luha. Niyakap niya ang sarili. May munting pag-asa ang nais umusbong sa kanyang dibdib ngunit, tama ba? Dapat ba?

She bit her lip. She closed her eyes. She imagined him, his face closed to hers and shared a kiss she longed to feel. She gasped upon realizing how much she missed him. Leb, Oh, Leb. sigaw ng kanyang isip.

NAGKASUNOD-sunod ang pagtungga ni Caleb sa iniinom na alak, nais iwaglit sa isipan ang ginawang katangahan sa harapan ng babaeng kinamumuhian. Kuyom ang palad na nilagok niya ang natitirang alak sa baso.

"Caleb, nagpapakamatay ka ba?" untag ng pamilyar na tinig sa kanyang tabi.

"L-Lorena."

"Oo, ako nga. Nakalimutan mo na bang kasama mo ako ngayong gabi? Hindi ako sumama sa magulang ko papuntang Singapore dahil birthday mo, kaya utang mo sa akin na asikasuhin ako ngayong gabi pero sa ikinikilos mo, mukhang wala kang balak gawin iyon?" Larawan sa mukha nito ang matinding pagkadismaya.

"I'm sorry." Inilapag niya sa mesa ang basong walang laman. Tumayo siya upang aluin ito ngunit naging mabuway ang kanyang balanse.

"Oh my god, seriously?" Maging tinig ng babae'y mayroon ng iritasyon. "I did not come for this!" she hissed at him before standing up. She grabbed her purse and left without looking back.

Tatawagin sana niya ito ngunit lalo lamang siyang nakadama ng pagkahilo nang subukan niyang humakbang. Kanina pa natapos ang pagtitipon at may usapan sila ni Lorena na ihahatid niya ito sa kanila ngunit mukhang hindi na niya magagawa pa iyon.

"'Tang-ina, nahihilo ako." Muli siyang umupo, nagmasid sa paligid, wala ng halos mga tao sa paligid.

"Naku naman, Caleb, nakailan ka ba ng ininom?"

"O, 'Nay 'Tilde?" Kumurap-kurap siya upang mamukhaan ito.

"Alam kong sanay kang uminom pero Caleb, may hangganan ang kaya mong inumin. Hindi porke't kaarawan mo e magpapakalasing ka na."

"Ako, lasing? I never get drunk-"

"Huwag mo akong ngingitian diyan at hindi mo ako makukuha sa ngiti." Kunwari'y galit na sabi ng matanda. "Halika na nga at nang madala ka na sa silid mo."

"Oh, but I have to see my kids."

"Kanina pa sila nakatulog. Bumalik na rin sa bayan ang magulang mo dahil may maagang meeting ang daddy mo kinabukasan. Halika na."

PAALIS na sana si Erina ngunit nakita niya kung paanong nahirapan ang matandang katiwala sa pag-alalay kay Caleb. Kusang kumilos ang kanyang mga paa at nilapitan ang mga ito. Tila naman natuwa ang matanda nang makita siya.

"Naku, Erina, pwede mo ba akong tulungang ihatid siya sa silid niya?"

May hiya na tumango siya.

"Diyan ka sa kabila, sabay natin siyang ihakbang. Kung kailan naman wala rito si Rommel para tumulong saka pa naglasing itong lalaking ito." Tukoy nito sa anak na binata.

Caleb was heavy, given that he was tall, and they were both women and shorter, it would be difficult to bring him in his room to the second floor.

"Sa study room na lang natin siya sa dalhin, may sofa roon na puwede niyang higaan." Turo ni Aling Matilde sa kaliwang bahagi ng pasilyo nang nasa sala na sila. Nakisunod na lamang siya.

"Erina." Kumabog ang kanyang dibdib sa pagtawag ni Caleb. "I need to talk to Erina." Sa lasing nitong bigkas.

"Oo, doon na sa study room mo nang makapagpahinga ka na rin." Sagot naman ng matanda.

Iniupo nila sa sofa si Caleb. Tiningnan siya ng matanda, ngumiti. "Kapag nakatulog, iwanan mo na lang, hindi naman niya maaalala kapag nagising siya kinabukasan. Ganyan iyan kapag nalalasing." Tinapik siya nito sa likod ng kanyang palad. "O sige, may aasikasuhin pa ako sa labas. Ikaw na muna bahala sa kanya." Saka na ito lumabas.

Isinara ng matanda ang pinto. She stood there motionless, facing him. Nakasandig ang likuran nito sa sandalan ng sofa, nakatingala't pikit ang mga mata. He could be sleeping right now so she decided to leave.

"Erina..." Kumilos ito't gustong tumayo ngunit napaluhod lamang ito sa sahig.

Mabilis niya itong dinaluhan, inalalayang makabalik sa upuan ngunit sadyang mabigat ito lalo pa't ayaw nitong tulungan ang sarili. He held onto her shoulder but he accidentally pinned her down on the floor.

"E-Erina..." Diretso ang mga tingin nito sa kanya. "Bakit? Bakit mo ginawa iyon? Wala kang puso, Erina..." His eyes teared up. Nahawa siya, napaluha rin.

Ipininid niya ang bibig, walang balak sabihin.

"Ang tigas mo. I didn't know you could be so cruel. Bakit ka bumalik? Don't you even fear my hatred to you? I could kill you, you know?" Dumampi ang isa nitong kamay sa kanyang leeg, pinadulas ang mga daliri sa kanyang lalamunan.

"P-pero masaya ako, sobra akong natuwa nang malaman kong buhay ang ating anak. At least you didn't kill her, but...you still gave her away. How could you do that? Paano kung, paano kung hindi ako ang nakakuha sa kanya? Paano kung abusado ang kumupkop sa kanya? Can you even imagine how that feels like? Huh?" Dumiin ang mga daliri nito, halos tumusok sa kanyang balat.

"Hindi kita maintindihan. Ano ba talaga, ha? Ano ba?" Sumuntok ang kamao nito sa sahig sa gilid ng kanyang mukha. Napapikit siya. Nagulat.

"How could you play me like this? Did you enjoy hurting me so much? Do you?!"

"Mr. Guerrier-"

"'Tang-ina!"

Napapitlag siya. Dumilat.

"Did you even love me? Kasi ako, minahal kita ng buong buhay ko. Isang pagkakamali na hindi ko na kailanman maitatama." Ngumisi ito, tumawa, tawang may halong pang-uuyam sa sarili. "At 'tang-ina lang dahil kahit pinarurusahan na kita, pinahihirapan, ayaw mo pa ring bumigay. You should have been asking for my forgiveness. Kneeling. Begging. Pero hindi e, ang tigas mo talaga. Ganoon ba ako kawalang-kuwenta sa paningin mo?"

"H-hindi, Mr. Guerrier, hindi-"

"Mr Guerrier?" Humaplos ang mga daliri nito sa kanyang pisngi, pinadulas sa kanyang mga labi. Doon tumitig ang mga mata nito. "How can you be so obedient now as to call me what I asked you to when you didn't listen when I begged you to stay then?"

Napalunok siya. He grabbed her shirt by her neck and pulled her up closer to his face. Halos maduling siya sa sobrang pagkakalapit ng kanilang mga mukha.

"Tawagin mo ako, 'yong dati."

Umawang ang kanyang mga labi, nais sumunod sa kagustuhan nito ngunit tila naman may bumara sa kanyang lalamunan.

"Say it." he whispered.

"C-Caleb."

"No. Not that." Umiling pa ito. Idinako nito ang kamay sa kanyang batok, marahang pumisil-pisil roon.

"L-Leb." Nahugot niya ang hininga, halos sumabog ang dibdib sa sobrang kaba.

He smiled. He pulled her closer until their lips touched, and he started kissing her.

A/N:

Two updates in a day, enjoy the reads and remember, your reactions is much appreciated.

Thanks,

MicxRanjo

Continue Reading

You'll Also Like

96.2K 2.4K 52
What will you do if you end up in someone else body?
2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
605K 21.8K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...