Once A Love Story - #Wattys20...

By MicxRanjo

78.3K 2.7K 697

Can a moment of love last forever? Hindi kailanman kasalanan ang magmahal. Sabik si Erina De Dios na mahalin... More

Once A Love Story
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Wattys2018 Shortlist!
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
We got it! WATTYS2018 WINNER!
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Good news to share
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine

Chapter Thirty

1.3K 68 26
By MicxRanjo


LAMPAS hatinggabi na ngunit ayaw patulugin ng sariling diwa si Caleb. Nasa silid siya ng anak na babae, matamang pinagmamasdan ang mahimbing nitong pagtulog habang yakap ang isang lumang baby bolster.

Kasinlaki lang nito ang unan nang baby pa ito, ngunit heto't maliit na kumpara sa inilaki ng anak. It was the only thing Kaylee had when he took her in, and for some reason she did not let it go and only stopped crying once she had the pillow closed to her.

Umupo siya sa gilid ng kama ng anak, kinuha ang kaliwang kamay nito't may tiningnan. Naipikit niya ang mga mata, humugot ng isang malalim na hininga at marahang pinakawalan. Muli niyang pinagmasdan ang mukha nito...napalunok siya, isang mahinang tawa ang kanyang pinakawalan. Suminghot siya't pinahid ang luhang tumulo sa mukha.

Nanginginig ang kanyang buong katauhan sa nasaksihan. And all these years, sariling anak pala niya ang kanyang kinupkop. Samu't saring emosyon ang kanyang nararamdaman. Gustong gusto niyang yakapin ang anak ngunit ayaw naman niya itong magising. Pinagsawa na lamang niya ang mga mata sa pagmamasid sa maamo nitong mukha.

Tumayo siya, maingat at sinigurong hindi magigising ang anak. Inayos niya ang kumot nito bago nilisan ang silid at dumiretso sa study room. Huminto siya sa portrait ng tiyuhin at ama at tiningnan uli iyon. Bumalik sa isip ang kanilang pag-uusap na nangyari kanina, at kung paano niya sinabing sagutin nang totoo ang mga itatanong ni Erina nang mayroon siyang pahintulot.

Umupo siya sa silya, dinampot ang sinaling alak sa baso na nasa mesa at tinungga, pumunit sa kanyang lalamunan ang mainit na alak kasabay nang pagbalik ng kanyang masakit na nakaraan.

"What will you do, Erina? Paano kang babawi sa mga ginawa mo? I can't wait to see how you are going to beg to take back what you threw away." Mahigpit na kumuyom ang kanyang kamay sa basong hawak.



MAINGAY ang pagbagsak ng tubig ng talon sa ibabaw ng lawa, ngunit hindi niyon nagambala ang nasa isipan ni Erina. Wala na yatang sisikip pa sa nararamdaman niya ngayon, halos hindi na siya makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman. Hindi niya malaman kung paano at ano ang kanyang dapat isipin at gawin sa mga nalaman.

Patuloy sa pagpatak ang kanyang mga luha habang walang tigil ang pagbalik ng isang nakaraan. She didn't just hear her baby cry, she saw her, how beautiful and perfect she was. How she held her for the first time and scared that she may drop and hurt her. How could there be such perfection in a sin?

Her cries made sound. She wept. She grieved for her lost when she gave her baby away. Mali, nagsimula ang lahat sa mali kaya naman ayaw niyang magpatuloy na mamuhay sa isang pagkakamali. Akala niya'y naputol niya ang isang kasalanan, nakalayo, nakalimot...ngunit sadyang mapanukso ang kapalaran. She just wanted to make everything right, but why did she end up hurting?

Hindi siya halos makahinga sa pag-iyak na pinakawalan. Kahit anong pagtambol ang gawin niya sa kanyang dibdib, hindi pa rin niya magawang palitan ang sakit na nararamdaman ng kanyang puso. Makababawi pa ba siya? Matatanggap pa ba siya ng mga taong mahal? Maniniwala pa ba ang mga ito sa kanya pagkatapos ng kanyang mga ginawa?

Umiling siya, paulit-ulit saka nagpakawala ng malakas na tawa, tawang may halong pagtangis. Hindi...dahil maging siya ay hindi niya mapapatawad ang sarili sa ginawang pananakit sa lalaking mahal, lalo pa ang pagtapon sa isang buhay na pareho nilang pinangarap at binuo...hindi. Hindi.

"Get lost, Erina...get lost." Paulit-ulit niyang bulong sarili. "Tama nang malaman mo na buhay siya, na may pamilya siyang nagmamahal sa kanya. It's more than enough. Let her live her life quietly. She deserves it. Let her go, you did it once, you can do it again. She's happy and that is the most important. Tama na...tama na." Lumusong siya sa tubig at muli, hinayaan ang sariling lumubog kasama ng bawat kirot sa kanyang dibdib.



"MS. ERINA, ako na ho ang gagawa niyan." Inagaw ni Miradel ang isang sakong manga na dala-dala nito.

"Ako na, ano ba? I'm stronger than you think." Matamis na ngiti lamang ang iginanti nito sa kasama saka muling inagaw ang sako mula rito.

Caleb couldn't take his eyes from Erina. Mahigit dalawang linggo na mula nang makausap nito ang kanyang tiyuhin at hindi niya inasahan ang ganitong reaksion mula rito. Lalo lamang lumalim ang galit na kanyang nararamdaman, kung paanong tila balewala lamang rito ang katotohanang nalaman. He wanted to drag her and make her kneel. Beg. Cry in blood. Dapat ay humihingi na ito ng patawad.

He felt his pocket, making sure he still has the result of the DNA test he requested from his uncle. Nagulat ang tiyuhin nang ipadala niya ang litrato ni Erina rito, kasama ng hair specimen nito at ng anak na si Kaylee, at sa loob lamang ng isang linggo ay nakuha na niya ang resulta. He wanted to make sure that he was not wrong. Kahit sapat na ang sinabi ng tiyuhin na si Erina nga ang nag-iwan kay Kaylee sa ospital, kailangan niya ng katibayan na sariling dugo't laman nga nila ang sanggol na kinupkop.

Looking at Erina made him feel worthless. Gusto niyang ihampas sa mukha nito ang papel, sabihing siya ang mapalad na nakakuha sa kanilang anak subalit nagtimpi pa rin siya. Ito ang dapat na lumapit. Ito ang dapat na magmakaawa. Hindi ba't iyon ang dahilan nang paghahanap nito sa kanyang tiyuhin na nagpaanak dito?


"Caleb, okay na itong disenyo ng M&J's, ano, ito na ba ang final draft?" agaw ni Rommel sa kanyang pag-iisip.

Tiningnan niya ang ipinakita nito, tumango. Nasa site sila ng De Dios, mabilis ang pagbuo ng kanyang mga plano kahit dalawang buwan pa lamang ang nakalilipas. He had to admit that Erina was doing a great job, she knew exactly how and what were the things that needed to be done.

"Daddy!" Isang matinis na boses ang umagaw sa kanyang atensiyon.

"Augie!" Sinalubong niya ang tumatakbong anak. Lumundag ito sa kanyang mga braso, sinalo ito't pinangko.

"Daddy, look, a star!" Ipinakita nito ang stamped star sa braso. Kagagaling lamang nito mula sa pre-k class nito.

"Ang galing-galing naman ng anak ko, nakakuha ng star." Hinalikan niya ito sa pisngi.

"I'm a good boy." Ngumiti ito, ngiting walang ipinagkaiba nang kay Marie, the thought touched his heart.

"Yes, a very good boy. Good job, Augie."

"Si ate Kay o." Sabay turo nito sa kanyang panganay na lumihis ng hakbang at tinungo ang kinaroroonan ni Erina. Kumabog ang kanyang dibdib.



"Hi!" Kumaway si Kaylee kay Erina.

Natuod sa kinatatayuan si Erina, namutla ang mukha nito't hindi nakahuma.

Nangunot ang noo ni Kaylee, lalong ngumiti. "It's me, Kaylee, Kaylee Guerrier, his daughter?" Saka itinuro ang kanyang kinatatayuan. "Nakalimutan mo na?"

Sa halip ay yumuko lamang si Erina, matipid na ngumiti saka mabilis na nagpaalam, tinalikuran si Kaylee. Tiningnan siya ng anak, nagtanong ang mga mata, bakas sa mukha nito ang disappointment. Lumapit ito sa kanya. "She must have forgotten about me already." Nagkibit ng mga balikat.

Napatiim-bagang naman siya, nangalit ang pakiramdam. How dare she do that to his daughter? How dare her! Ganoon na lamang ang pagpupuyos ng kanyang pakiramdam.

Tinawag niya si Miradel at saglit na ibinilin ang mga anak dito. Pinuntahan niya kung nasaan si Erina, nadatnan niya ito sa may kusina, inilalabas ang mga manggang hilaw sa sako. Marahas niya itong hinablot sa braso. Nabitiwan nito ang hawak na prutas, may pagtatakang napatingin sa kanya.

"Wala kang karapatang saktan ang anak ko!"

"M-Mr Guerrier-"

Itinulak niya ito sa may lababo habang hawak pa rin nang mahigpit ang isa nitong braso. "Putang-ina, Erina, 'tang-ina..." Nakatingala ito sa kanya, nakatungo naman siya rito. "You hear me? Huwag na huwag mong sasaktan ang anak ko."

"I-I'm s-sorry...I'm so sorry."

"For what? Huh? Para saan ang sorry na hinihingi mo?"

Her face turned as white as a sheet. The expression she was showing should have been satisfying him-fear, powerlessness, fragility, but he could see that she was still holding back her tears so adamantly.

"H-hindi ko sinasadya." Her lips quivered. Her eyelashes fluttered. Her body trembled.

Hindi niya naiwasang mapasinghal, nakuha pa niyang tumawa ngunit batid niyang pagak iyon at para lamang makabawi siya sa damdaming pinipigilan. Tumahip ang kanyang dibdib. Nagkatunog ang kanyang paghinga. Kumuyom ang kanyang kamao. Binitiwan niya ito.

Mabilis nitong iniyakap ang mga braso sa katawan, yumuko, lalo pang umatras gayong wala naman na itong maaatrasan pa.

Gusto niyang sabihing, "Sige, ganyan nga, manginig ka sa takot," ngunit hindi niya magawa. Kahit nauupusan na siya ng hininga dahil sa tinitimping galit, hindi niya pa rin magawa.

Tumalikod siya, iniwan itong walang kakilos-kilos. He went out and looked for his children. Nang makita ang mga ito ay nagyaya na siyang umuwi. Ibinilin niya kay Rommel ang mga dapat pang gawin.

Umupo si Kaylee sa passenger seat sa kanyang tabi. He started the pickup truck and drove away.

"Dad, are you mad?"

Saglit niyang nilingon ang anak, napakunot ng noo. "Bakit mo naman naitanong?"

Huminga ito ng malalim at pinakawalan. Waring tinatantiya ang nais itanong. "Nakita kitang...sinaktan mo siya?"

Kumabog ang kanyang dibdib. "K-Kaylee, sweetheart, hindi ko...hindi ko sinasadyang gawin iyon. Nabigla lang din ako. I don't know what came over me."

Inalis nito ang paningin sa kanya at idinako sa labas ng bintana. "I like her though."

Humigpit ang kanyang mga kamay sa manibelang hawak. "Kay..."

Katahimikan ang namagitan sa kanila. Ilang minuto pa'y narating na nila ang hacienda Guerrier.

"Shower muna ako, Dad." Nauna na itong bumaba ng sasakyan at pumasok ng mansiyon.

Pinuntahan niya ang backseat, inalis sa car seat si Augustus at binuhat itong papasok sa tahanan. "Punta ka na kay lola 'Tilde mo at maligo muna bago ang dinner, okay?"

"Opo!" matinis nitong sigaw bago tumakbo sa may kusina upang hanapin ang matandang katiwala.

Pumunta siya sa study room, dire-diretso sa swimming pool habang isa-isang kinalas ang mga butones ng suot na plain white polo shirt at hinubad. Hindi na siya nag-atubili pang tanggalin ang suot na black jeans at basta na lang tumalon sa tubig. Sumisid siya sa may anim na talampakang lalim ng pool, lumangoy paroon at parito, nais alisin sa isip ang mukha ni Erina.

Nang mapagod ay tumigil siya't isinandig ang likuran sa gilid ng pool, hinayaang nakalubog ang buong katawan. Mapakla siyang ngumiti dahil hindi niya napagtagumpayang iwaglit sa isipan ang taong nais kalimutan. Erina's images seemed to have found a special place in his mind and he couldn't get it off.

Inihilamos niya ang mga palad sa mukha at buhok. Sa hinuha niya'y walang balak si Erina na ito mismo ang lumapit sa kanya. She even avoided her own daughter after knowing the truth. How could she be nonchalant about it? As if Kaylee did not matter at all.

Muli siyang napasinghal sa galit. Ngumiting may kaakibat na pangungutya. At bakit nga naman hindi, kung nagawa nga nitong yurakan ang kanyang pagmamahal, lalo pa ang ipamigay ang kanilang anak, ano pa nga kaya ang balewalain ang presensiya nilang mag-ama? Si Erina ang katulad ng isang taong walang pagpapahalaga sa damdamin ng iba. Dapat ay alam na niya iyon. Dapat ay natutunan na niya na sadyang ganoon nga ang tunay na pagkatao nito.

But she didn't abort her. Buhay siya, ang kanilang anak, paalala ng kanyang isipan. Huminga siya ng malalim at inilubog ang ulunan sa tubig. Bakit? Bakit hindi nito itinuloy ang paglaglag sa kanilang anak? Ano ba talaga ang layunin nito? Hindi niya maintindihan ang mga ginawa nito. Mga katanungang nagtatalo sa sariling isipan.



ERINA remained in the fully furnished kitchen of the guesthouse. Iginala niya ang paningin sa dating kusina ng Villa De Dios, pinalitan ang wall décor ng mas maliwanag na kulay at dinagdagan ang mga mesa't upuan para sa mas maramihang guests na magsasalo sa pagkain.

Kaylee, her daughter approached her. Lumundag ang kanyang puso sa sobrang kaligayahan na ito mismo ang lumapit at bumati sa kanya. She almost hugged her, kissed her, and told her how much she missed her, but she stopped herself. Sobrang kapal naman na ng kanyang mukha na gawin iyon matapos ang kangyang mga ginawa. She bit her lip.

Ang bigat ng kanyang dibdib. Caleb knew everything that Kaylee was the baby she gave away, that she was the flesh that they both created, both of their bloods running in her veins. Hindi niya alam kung hanggang saan ang mga nalalaman nito, kung kailan pa nito alam na anak nilang pareho si Kaylee, kung bakit niya ito tinalikuran.

Pinunasan niya ang mga luhang tumulo sa mga pisngi, suminghot. May asawa na ang lalaking patuloy pa ring iniibig. May ina ang kanilang anak na siyang kinikilala nito't kasa-kasama. Masaya na ang mga ito, buo ang pamilya, saan pa siya lulugar? Bakit pa siya magtatanong? Bakit pa siya manggugulo? Bakit pa siya manghihiling ng pag-asa na makilala ng anak?

A...sapat ng nakikita niya kahit paano si Kaylee, palihim na minamahal si Caleb. Dapat ay makuntento na siyang nabigyan ng pagkakataon na muling masilayan ang kanyang mag-ama, sapat na iyon. Asking for more would be too shameful of her.

A/N:

Thank you!

MicxRanjo

Continue Reading

You'll Also Like

98.2K 2.5K 52
What will you do if you end up in someone else body?
106K 3.7K 15
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
65.9K 1.2K 75
(SLOW UPDATE) Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky...