Hunyango (Published under Bli...

By Serialsleeper

1.9M 103K 68.3K

Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbab... More

Note
Epigraph
just a little heads up
1 : Lucky Savi
2 : Torryn Grove
3 : Serial Killer Paradise
4 : The longest night
5 : Or so she thought
6 : Immune
7 : New kind of Burn
8 : Coocoo
9 : The Family
10 : Discovery
11 : Bloodshot
12 : Retrace
13 : Could it be?
14 : Trick
15 : Doppelgangers
16 : Provoked
17 : Pieces
18 : Dead Ringer
19 : Teamwork
21 : Truth or Trick
22 : Wrong place at the worst time
23 : People like us
24 : Purpose
25 : Not so lucky Savi
26 : The Lucky one
27 : The Quicksand
28 : Consumed
Epilogue
Good News!

20 : Hunyango

44.4K 2.9K 1.9K
By Serialsleeper


Kapwa nagimbal sina Trick at Scotty nang madatnan ang duguang bangkay ni Liam sa paglabas nila ng elevator. Napako si Scotty sa kinatatayuan samantalang sumiklab bigla ang kaba ni Trick.

Otomatikong hinanap ni Trick si Savanna at natagpuan niya itong nakatulala sa isang tabi,  umiiyak, basang-basa ng dugo ang mukha at damit. Dali-dali siyang lumapit at lumuhod sa harapan nito.

"Savanna? Nasaktan ka ba? Okay ka lang ba?" Punong-puno ng pag-alala si Trick nang hawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga. Sinusubukan niyang kunin ang atensyon nito ngunit tila ba wala ito sa sarili dahil sa mga nangyari.

"Shit! Patay na si Liam!" Iyak ni Scotty ngunit naka-sentro lamang ang buong atensyon niya kay Savanna.

Nagimbal si Scotty nang makitang wakwak na ang dibdib ni Liam. Naduwal siya pero pilit siyang napatingala at napapikit upang huwag masuka. 

"'Wag mong hahawakan ang bangkay!"

Umalingawngaw ang isang sigaw at nang lumingon ay nakita ni Scotty si Teban na tagaktak ang pawis at namumutla dahil sa takot. May bahid na rin ng dugo ang pang-guwardya nitong uniporme dahil sa pagtulong kay Savi na makatayo mula sa bankay ni Liam. "Tumawag na ako ng pulis! Paparating na sila! 'Wag ninyong gagalawin ang kahit na ano kung ayaw ninyong mapagbintangan!"

Lumapit naman agad si Teban kay Savanna dala ang isang bimpo at bote ng tubig. Kinuha agad ni Trick ang bimpo at ito ang dali-daling nagpunas ng dugo na nasa pisngi at labi ng dalaga. Napatingin siya sa kamay nito at nang makitang nanginginig, mabilis niya itong hinawakan nang mahigpit.

"Sinong gumawa nito?!" Aligagang tanong ni Trick kay Teban lalo't hindi pa rin kumikibo ang nakatulalang si Savanna.

"H-hindi ko alam pero kamukhang-kamukha siya ni Ate!" Punong-puno ng takot at kalituhan si Teban ngunit pilit itong nagsalita. "M-mabuti na lang at nahagip pa rin si Ate ng CCTV sa loob ng elevator kaya may ebidensyang patunay na hindi siya ang pumatay sa lalake pero tiyak pagsususpetsahan pa rin siya dahil kamukha niya ang pumatay!"

"Ano?! kamukha ni Savanna?!" Gulat na bulalas ni Scotty.

Naguguluhan man, napalunok si Trick at mariing napapikit habang pilit na nag-iisip. Dumilat ito makaraan ang ilang sandali at mabilis na lumingon kay Scotty. "Kalagan mo si Jimbo! Kailangan nating magtulungan lahat para huwag mapagbintangan si Savanna!"

"Ha?--"

"Scotty bilisan mo na!" Aligagang bulyaw ni Trick kaya agad nagtatakbo si Scotty patungo sa kabilang hagdan. 

Marami mang katanungan dahil sa mga nangyari, mas pinili ni Trick na ituon ang atensyon kay Savanna lalo't wala pa rin ito sa wisyo dala ng mga nangyari. "Savanna? Naririnig mo ba ako?" Mahinahon niyang sambit habang ang mga kamay naman nito ang pinupunasan.

Akmang kakargahin na niya si Savanna nang mabilis siyang pinigilan ni Teban. "'Wag! Kung aalis si Ate mas lalo lang siyang pagsususpetsahan! May ebidensya na inosente si Ate pero mas mabuti nang mag-ingat!"

Sa huli mas pinagpatuloy na lang ni Trick ang pagpupunas ng mukha nito habang pilit itong kinakausap. 

Kalaunan, tuluyang dumating ng mga pulis. Mabilis mang ipinakita ni Teban ang CCTV sa kapulisan, gaya ng inaasahan, wala pa ring nagawa ang grupo nang imbitahan si Savanna sa police station. Kahit si Teban ay pinatawag din para sa imbestigasyon.


Tahimik na naupo si Trick sa waiting area ng police station kasama si Scotty. Nagsasalita ang huli ngunit tila ba nalulunod si Trick sa sariling iniisip. 

"Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?!" Kunot-noong bulalas ni Scotty nang tuluyang mapansing hindi naman siya nakikinig sa kanyang sinasabi. 

Tumayo naman bigla si Trick, walang kaemo-emosyon at halatang balisa. "Babalik ako agad. Bantayan mo si Savanna. Kapag may nangyaring masama sa kanya, ipapakain kita sa mga aso ni Dabria."

Naiwan namang nakatulala si Scotty habang nakaawang ang bibig dala ng kalituhan.


Kasabay nang tuluyang pagkagat ng dilim, dumating si Trick sa nag-iisang sementeryo sa lungsod ng Westspring. Hindi niya alintana ang katahimikan at kadiliman ng paligid kahit pa ang buwan lang ang nagbibigay sa kanya nang katiting na liwanag. 

Naglakad siya nang naglakad hanggang sa makarating sa pinakaliblib at madilim na parte ng sementeryo.

Nagsimula siyang makarinig ng mga huni ng uwak at kaluskos ng mga punong dulot ng malakas na ihip ng hangin, ngunit sanay na siya rito. Ni isang tao ay tila wala siyang nakakasalubong, lahat ng nadadaanan niya'y mga nitsong tila ba nakaukit na sa kanyang memorya. 

Nahinto lamang siya sa paglalakad nang makapaak siya ng isang malaking bubog. Yumuko siya at dinampot ito.

"Samael!" Bulalas niya sa madilim na kapaligiran. "Samael kailangan kitang makausap!"

Itinaas ni Trick ang palad at walang pagdadalawang-isip na sinugatan ang sarili; malalim dahilan para agad na umagos ang dugo mula rito.

Nakaramdam man ng hapdi, pilit na niya itong binalewala. Iniluhod niya ang isang paa at nagsimulang gumuhit sa lupa ng isang ladinong hiroglipiko hanggang sa bigla na lang itong lumiwanag.

Sa puntong iyon, narinig ni Trick ang isang malakas na bumuntong-hininga.

"Ang lakas ng loob mong magpakita ah? Handa ka nang tumawid, Trick?"

Habang nakadampi pa rin ang palad sa lupa, unti-unting nag-angat si Trick ng tingin hanggang sa makita niyang naglalakad papalapit sa kanya ang isang lalakeng nakasuot ng kulay asul na leather jacket at headphones sa kanyang tenga.  Kahit ang buhok ng lalake ay tila ba may asul na apoy sa dulo nito.

Napangisi ito at huminto sa harapan ni Trick. "Natakot sa'yo ang tao mo, no?"

Mabilis na tumayo si Trick, hindi alintana ang dugong pumapatak mula sa kanyang palad. "Samael, kailangan ko ulit ang tulong mo. May kung anong nangyayari kay Savanna at sa mga kaibigan niya."

Sandaling naglaho ang ngiti sa mukha ni Samael nang dahil sa sinabi ni Trick. "Lakas din ng loob mong humingi ng pabor ah? Nakakadalawa ka na! Baka nakakalimutan mo ang kundisyon na binigay ko kapalit ang mga doppelganger?"

Walang kaemo-emosyong tumango si Trick habang taas-noo at tila ba walang kinakatakutan. "Immortalidad ko kapalit ang mga doppelganger na magbibigay ng babala sa panganib na paparating sa kanila. Alam ko iyon at---"

"At baka nakakalimutan mong bawal iyang ginawa mong pagpasok sa kawatan na yan." May pang-uuyam sa boses ni Samael kasabay ng lalo nitong pagngisi. "Binalaan na kita Trick, oras na makipagkita ka ulit sa akin, ihahatid na kita sa kabila lalo't isa ka na lang ngayong pipitsuging nilalang. Isang pitik ko lang at burado ka na."

"Wala na akong pakialam pa." Tahasang giit naman ng binata. "Sabihin mo lang sa akin kung sino sa mga kaibigan niya ang nagbabalat-kayo. May isa sa kanilang hindi na nakabalik mula sa Mt. Torryn."

Agad na nakunot ang noo ni Samael dahil sa narinig. "Gago. Hindi na yan sakop ng trabaho ko. Ipapaalala ko lang ulit sa'yo, hindi ko alam ang lahat ng nangyayari dahil ang mga kaluluwa lang na nandito sa Westspring ang sinusundo at hinahatid ko. Ang tagabantay sa Mt. Torryn ang tanungin mo tutal jurisdiction niya iyon."

"Bawal makialam sa mga buhay ng tao, Trick. Alam mo iyan. Kung tutuusin napakalaking kalabagan na iyong pagpapakawala ko ng mga Doppelganger. Kung tutuusin, napakalaki na ng tulong nila sa iyon." Panunumbat pa ni Samael.

Tila ba walang pakialam si Trick sa mga narinig, bagkus, tila ba mas lalo lamang sumiklab ang determinasyon at desperasyon sa kanyang mga mata. "May isang nilalang na nagagawang gumaya ng kanilang mga mukha. Pumapatay ito. Malakas, mapupula ang mga mata, at may mahahaba at matatalas ng mga daliri. Pinatay niya ang kaibigan ni Savanna habang kamukha si Savanna. Anong klaseng kalaban ang meron kami?!"

"Kami?!" Napahalakhak si Samael at napahawak sa tiyan. "Diablong-ama! Damang-dama mo na talaga pagiging tao ah?"

"Samael, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo." Giit ni Trick.

Napabuntong-hininga na lamang si Samael habang may ngisi sa kanyang labi. "Kung sasabihin ko sa iyo, maibibigay mo ba ang kapalit?"

"Kahit ano ibibigay ko, tulungan mo lang ulit sina Savanna." Walang pagdadalawang-isip si Trick bagay na lihim ikinamangha ni Samael.

"Sabihin mo nga sa akin..." Napahaplos si Samael sa kanyang panga habang patawa-tawa pa rin. "Bakit mo ba talaga tinutulungan yang si Savanna?"

Ilang sandaling natahimik si Trick at hindi nakapagsalita bagay na lalong ikinatawa ni Samael.

"Paborito ko siyang tao." Mahinang sambit ni Trick bagay na agad ikinabuntong-hininga ni Samael.

"Hunyango." Tipid na sagot ni Samael sabay silid ng mga kamay sa kanyang bulsa. "Hunyango ang kalaban ninyo at ngayon pa lang, magpaalam ka na sa paborito mong tao. Hanggang diyan lang ang alam ko kasi labas na 'yan sa trabaho ko."



▬ end of 20// thank u ▬

Note: Hunyango is my own concoction of a mythological creature. Wala kayong mahahanap if you'll research about it kasi I devised it on my own. However, it was inspired by an already existing mythological creature which I will talk about when the book ends hihihi. You'll know more about my own hunyango in the following chapters. Thank youuuuu!


Continue Reading

You'll Also Like

17.5M 656K 66
So she tasted the deep pain that is reserved only for the strong. Crimes. Clues. Mysteries. Deductions. Detective Files (File 3) Written by Shinichi...
35.3M 1.1M 69
Sabi nila, lahat ng taong sobrang in love ay nagiging desperada. Kaya naman sa kagustuhan ni Jillian na mahalin siya ni Luke, nagawa niyang nakawin a...
2.3M 83.7K 39
Pact Series #3 | "Think like a knight, act like a pawn"
17.3K 625 15
Basahin ito mabuti dahil ito ay istorya mo. Kasunod na istorya ito ng Seen 10:27pm