Noli Me Tangere

By DarmilynAva

293K 2K 38

Itong kwento na to ay hango sa dalawang nag - iibigan na si Maria Clara at Crisostomo Ibarra More

Isang Pagtitipon
Si Crisostomo Ibarra
Ang Hapunan
Erehe at Filibustero
Isang Bituin sa Gabíng Madilim
Si Kapitan Tiago
Suyuan sa Isang Asotea
Mga Bagay-bagay sa Paligid
Bayan ng San Diego
Mga Hari-Harian
Todos Los Santos (Araw ng mga Patay)
Mga Banta ng Unos
Tasiong Baliw o Pilosopo
Mga Sakristan
Sisa
Basilio
Mga Kaluluwang Naghihirap
Mga Kapalaran ng Isang Guro
Ang Pulong sa Tribunal
Kuwento ng Isang Ina
Mga Liwanag at mga Anino
Pangingisda
Sa Gubat
Sa Bahay ng Pilosopo
Bisperas ng Pista
Sa Takipsilim
Mga Liham
Kinaumagahan
Sa Loob ng Simbahan
Ang Sermon
Ang Kabriya
Malayang Pag-iisip
Ang Tanghalian
Usap-Usapan
Unang Ulap
Ang kaniyang Kataas-taasan
Prusisyon
Donya Consolacion
Karapatan at Kapangyarihan
Dalawang Panauhin
Mag-asawang De Espadaña
Mga Balak
Pagsusuri ng Budhi
Mga Inuusig
Sabungan
Dalawang Senyora
Hiwaga
Tinig ng mga Inuusig
Ugat ni Elias
Mga Palitan at Pagbabago
Baraha ng mga Patay at ang mga Anino
Makikilala sa Umaga ang Isang Magandang Araw
(Pagbubunyag)
Malaking Sakuna
Sabi-sabi at Kuro-kuro
Vae Victis (Magdusa ang mga Nalupig!)
Isinumpa
Pambayan at mga Pansariling Kapakanan
Ikakasal si Maria Clara
Pagtakas Hanggang Lawa
Nagpaliwanag si Padre Damaso
Nochebuena
Katapusan
BUOD NG KABANATA SA NOLI ME TANGERE

Mga Alaala

6.8K 56 0
By DarmilynAva

Ang kalesang sinasakyan ni Ibarra ay masayang bumabagtas sa isang masayang pook sa Maynila. Ang kagandahan ng sinag ng araw ay nakakapagpapawi sa kaniyang kahapisang nadarama. Sa pagmamasid niya sa kapaligiran, biglang bumangon sa kaniyang nahihimlay na diwa ang isang alaala.

Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong may ibat-ibang uri ng kasuotan na katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako ng mga bungang-kahoy, mga lalakinh hubad na nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang mga karitong hila ng mga makupad na kalabaw. Pati ang bilanggong patay sa ilalim ng kariton at malapit sa dalawang bilanggo rin ay kaniyang naalala.

Sa patuloy na pagsusuyod ng kaniyang tingin, napansin niya na walang ipinagbago ang punong Talisay sa San Gabriel. Ang Escolta naman sa tingin din niya ay lalong pumangit. Nakita din niya ang mga magagandang karwahe na ang mga sakay ay mga kawaning inanatok pa sa kanilang mga pagpasok sa mga tanggapan at pagawaan, mga tsino at paring walang kibo. Sa mga paring nakasakay sa mga karwahe, namataan niya si Padre Damaso na nakakunot-noo. Si Kapitan Tinong noon na kasama ang asawa at dalawang anak na babae at nakasakay sa ibang karwahe ay binati si Ibarra.

Napadaan din siya sa Fabrica de Tabacos de Arroceros (ngayon ay C.M. Recto) sa bahaging kinalalagyan ng pagawaan ng tabako. Naalala niya na minsan na siyang nahilo dahil sa masamang amoy ng tabako.

Nang madaan siya sa Jardin Botanico saglit na napawi ang kaniyang mga magagandang gunita. Pumasok sa kaniyang isip na ang hardin sa Europa ay nakakaakit at nakapag-aanyaya sa mga ito upang iyon ay malasin. Itinoon niya ang tingin sa malayo at makita niya ang matandang Maynila na naliligid ng makakapal at nilumot ng mga pader.

Ang pagkakapatingin niya sa Bagumbayayn ay nagpabangon sa bilin ng kaniyang naging guring pari bago siya tumulak sa ibang bansa. Ang bilin ng pari ay (1) Ang karunungan ay para sa tao, ngunit ito ay natatamo lamang ng mga may puso lamang. (2) Kailangang pagayamanin ang karunungan upang maisalin ito sa mga susunod na salin-lahi at (3) ang mga dayuhan ay nagpunta sa Pilipinas upang humanap ng ginto. Kung kaya't nararapat lamang na puntahan ang lugar ng mga dayuhan upang kunin naman ni Ibarra ang ginto nila (dayuhan).

Continue Reading

You'll Also Like

437K 19.4K 60
Died and reincarnated in the book she last read, Arisia hopes to live an interesting life unlike her previous boring one. What will be in it for her...
87.2K 573 36
Florante at Laura ni Francisco Baltazar (Complete Modern Tagalog Version)
145K 4.7K 35
{EXO Fanfiction-COMPLETED} Sino ang pipiliin niya? Ang taong mahal niya o ang matagal nang pinapangarap niya? Started: August 25, 2013 Finished: Ap...
909K 3.3K 20
Itong script na ito ay hindi sakop yung buong kabanata, bale 20 chapters lang ito. Ang original kasi na kabanata ng Noli Me Tangere na gawa ni Dr. Jo...