Aquarius (PUBLISHED UNDER IMM...

By allileya

396K 16K 2.4K

✨PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE✨ - Genevieve Hutton's life is almost perfect. She couldn... More

Surprise! Surprise!
Update
Aquarius
Book Covers
Dedication
Prologue
Chapter 1: Preparation
Chapter 2: Incipient
Chapter 3: Signs
Chapter 4: The Booth and Stranger
Chapter 5: Crying in the Rain
Chapter 6: Binx Cristobal
Chapter 7: Discover and Save
Chapter 8: Fact-Finding
Chapter 9: Solicitude towards Eve
Chapter 10: Nemesis
Chapter 11: A Life-and-Death Correlation
Chapter 12: Drops of Fluid
Chapter 13: Colloquy on AU
Chapter 14: Therapy
Chapter 15: The Dawn
Chapter 16: Rainbows and Sunshine
Chapter 17: Happiness in Disguise
Chapter 18: Graduation Day
Chapter 19: Mixed Emotions
Chapter 20: The Truth
Chapter 21: Nervous Breakdown
Chapter 22: Her Decision
Chapter 23: Home
Chapter 25: Difficulties
Chapter 26: Press Conference
Chapter 27: Emotionally Distress
Chapter 28: Reanna Aguillard
Chapter 29: Overheard
Chapter 30: A Beginning to an End
Epilogue
Note
Announcement

Chapter 24: Bombarded by Crowd

4.2K 210 11
By allileya

GENEVIEVE

I looked outside.

This is not what I was expecting to happen. I don't even know this people and what are their motives on coming here. Their actions are bothering me. Nababahala ako sa kung ano ang puwede nilang magawa.

Nahagip ng paningin ko ang sasakyan nila mommy at daddy hindi kalayuan. Hindi ko na malaman kung saang daan ba kami nakatigil dahil sa dami ng tao or malapit lang kami sa gate ng bahay?

"Mukhang hindi rin makalabas ang mga magulang mo dahil sa dami ng tao."

Mabilis akong napalingon kay Binx dahil sa tinuran niya.

"Call a security guard."

"We can't do that. Sa dami ng tao, hindi kakayanin ng isa o dalawang security guard ang paalisin sila."

"Then, call a police... or... or... kahit ano basta mapaalis lang sila rito. Isa itong pribadong lugar kaya bakit nakapasok ang ganito kadaming tao rito? We should really call a police! Binx, pano... pano kung-"

"Sshh, I need you to calm down, B. Gagawa ako ng paraan. We'll get some help via phone call," kalmado niyang saad sa 'kin nang hawakan niya ang dalawa kong kamay saka ito marahang hinalikan.

Pumikit ako at kinalma ang sarili ko. Ilang beses kong ginawa ang inhale at exhale pero parang wala namang silbi bagkus ay lalo akong nababahala at natataranta. Ngayon lang ito nangyari sa amin kaya naman ganito na lang ako mag-reak.

"Hey, hey, easy. Keep on doing that. It'll help, promise."

Sinunod ko naman ang mga sinabi ni Binx habang siya ay may kinakausap na sa phone. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak pa rin sa isa kong kamay at sa seryoso niyang mukha habang nagsasalita dahil sa kausap niya sa phone. Hindi ko maiwasang mamangha sa kanya. May mahahanap pa kaya akong kagaya niya sa panahon ngayon? I don't think so...

Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sa kanya nang tumingin siya sa 'kin at ibinaba na ang phone.

"Tumawag na ako sa estasyon ng pulis. Mayamaya lang ay nandito na sila. Okay ka na ba, B? May nararamdaman ka bang kakaiba?"

I smiled while looking intently at him.

"Sino ba naman ang hindi magiging okay kapag ang mahal at lakas mo ay nandito para pagaanin ang loob mo?"

Nakita ko naman sa reaksiyon ng mukha niya ang ginhawa nang sabihin ko iyon. He smiled beautifully at me showing his white teeth and cute dimple on his right cheek. Inakbayan niya ako at inilapit pa sa kanya so I grab the opportunity to lean on his massive and broad chest.

Naghintay kami ng ilang oras bago dumating ang mga pulis. Nakaidlip din ako sa dibdib niya. Naku, may gana pa talaga akong matulog sa mga ganitong sitwasyon, 'no? Nasa labas lang 'yong problema. Well, sino ba naman ang hindi? Nandito ang mahal mo and I'm really really tired talaga.

Nang mapaalis na ng mga pulis ang ilang tao sa tapat ng gate ay siya namang pagpasok ng sasakyan nila mommy at daddy. Nagsimula na ring paandarin ulit ni Binx ang sasakyan at dahan-dahan na kaming tumulak sa loob.

Nakita kong lumabas na ng sasakyan sila mommy kaya naman lumabas na rin kami. Inalalayan ako ni Binx sa paglabas ng kotse at kinuha niya muna sa likod ng sasakyan ang ilang gamit namin. Maglalakad na sana ako papasok sa loob ng bahay nang biglang may tumawag sa 'kin.

"Ms. Genevieve!"

Bago pa man ako makalingon ay naramdaman ko na ang mabigat niyang kamay sa buhok ko dahilan ng muntikan kong pagkakatumba dahil sa pagkabigla at kahinaan.

Agad naman akong inilayo ni Binx sa desperadang babae. May sinabi sa kanya si Binx pero hindi ko iyon masyadong maintindihan dahil sa gulat ko pa rin sa nangyari. Ibinalik siya ng ilang pulis sa labas ng gate at isinara na ito.

"Naku, Ma'am, Sir, pasensiya na po kayo. Nalingat po kasi ako. Pasensiya na po talaga, Ma'am. Sorry po sa nangyari," turan ng isang pulis sa amin pero tanging ngiti na lang ang iginawad ko sa kanya.

"Sige po. Salamat po." Narinig kong sabi ni Binx saka na kami tuluyang pumasok sa loob.

"Oh, my God, sweetie! Are you okay?" salubong sa 'kin ni mommy saka ako dinaluhan.

"May galos ka ba?" tanong naman ni daddy saka isinuri ang katawan ko kung may galos nga ba.

Hindi ko magawang makapagsalita kaya naman ay nagpagabay ako sa kanila sa upuan para makaupo na ako dahil parang 'yong bigat ng kamay ng babae ay nasa buhok ko pa at tingin ko any minute now ay babagsak na talaga ako.

"Ikukuha lang kita ng tubig, sweetie," paalam ni mommy. Aalma sana ako na huwag na dahil bawal iyon sa 'kin pero nakaalis na siya. Mukhang nakalimutan niya rin kung ano ang sitwasyon ko.

"Teka nga't pupuntahan ko 'yong mga walang silbing pulis sa labas at kakausapin," si daddy naman saka na tumulak palabas ng bahay.

Bumuntong-hininga na lang ako saka pumikit. Naramdaman ko ang paglubog ng katabi kong upuan kaya naman ay napatingin ako doon. Yinakap ako ni Binx saka hinalikan sa buhok.

"I'm sorry, hindi sana kita iniwan kanina. I'm sorry, B." 

Umiling-iling ako saka sinabing, "I'm okay. Nagulat lang ako sa nangyari."

He hugged me again as he caressed my hair.

"I'm sorry."

Nagising ako dahil sa mga taong nagsasalita malapit sa 'kin. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko kasabay ng paglinaw ng mga boses. Bumangon ako at nakita ko sila mommy at daddy na may kausap na pulis. Tumayo ako at tumingin sa labas ng bintana. They're still out there and it's getting dark already. Wala ba silang balak umalis?

Naramdaman ko ang paghawak ni Binx sa baywang ko kaya naman ay pagod akong napatingin sa kanya.

"You slept on my lap for hours," he said then looked outside of the window too.

Napabuntong-hininga na lang ako at ibinalik na ulit ang tingin sa labas, "And they're still here."

"Ang sabi ng mga pulis ang ilan sa kanila ay mga reporters galing sa iba't ibang kompanya, mga nakatira rin dito sa subdivision niyo at ang ilan ay hindi pa kilala. They're here so they can get some news from you and I will never let them come for you again just like what happened earlier," Binx explained to me kaya nabalik ang tingin ko sa kanya.

"News? From me?" takang tanong ko sa kanya nang hindi pa nagsisink-in sa 'kin ang lahat ng mga nangyayari, then, "Oh, right! They're here for my rare allergy and... not really for me."

Biglang humigpit ang paghawak ni Binx sa baywang ko.

"No, hindi ako papayag na makalapit pa sila sa 'yo. Wala silang makukuhang impormasyon sa 'yo kahit na pumuti pa ang uwak kakahintay nila diyan sa labas." Ramdam ko ang diin ng bawat salitang lumabas sa bibig niya senyales na kanina pa siya nagpipigil ng galit.

Akala ko hindi basta-basta pinamimigay ng mga doktor or nars ang personal information ng kanilang mga pasyente kaya paano ito nakarating sa media at sa ibang tao na hindi naman namin kilala at kaano-ano? Sa pagkakaalam ko rin hindi alam ng mga kaklase ko ang sakit ko at wala akong ibang pinagsabihan kundi sila mommy, daddy, mga katulong at driver, Binx and... Reanna.

Reanna, where are you?

"May iba ka bang pinagsabihan ng sakit ko?" I asked Binx out of nowhere while still looking outside of the window.

Matagal bago siya makapagsalita at in-expect ko nga na hindi niya ako sasagutin dahil alam ko namang mapagkakatiwalaan ko siya pero bigla na lang siyang nagmura.

"May tatawagan lang ako, B," paalam niya saka na umalis. Sinundan ko lang siya ng tingin na nakakunot ang noo hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Pumasok siya sa kusina at baka doon niya na lang kakausapin 'yong gusto niyang tawagan.

Si Reanna kaya iyon?

No. Sabi ni Binx simula nang umalis ng hospital noon si Reanna sa huli niyang bisita sa 'kin ay wala na siyang naging balita sa kanya so it's impossible na si Reanna ang gusto niyang tawagan.

Napagdesisyonan kong puntahan siya kaya naman nagpaalam muna ako kila mommy na pupuntahan ko muna si Binx tutal hindi pa rin naman sila tapos sa pag-uusap nila.

Nasa may pintuan pa lang ako ng kusina ay rinig na rinig ko na ang galit na galit na tono ng pananalita ni Binx na siyang ikinakunot ng noo ko. Lumapit pa ako lalo pero wala naman akong maintindihan sa kung ano man ang pinag-uusapan nila ng kausap niya sa phone. Ang naririnig ko lang sa kanya ay puro mura. Mukhang suki ang araw na ito sa mga mura ni Binx. My God! Naguguluhan na ako sa mga nangyayari.

Natural ang galaw kong pumasok ng tuluyan sa kusina. Tumungo ako sa ref at kita ko sa peripheral vision ko ang bahagyang pagtigil ni Binx. Kukuha sana ako ng malamig na tubig nang may ma-realize ako.

"Idiot," I mumbled to myself saka na isinara ang pinto ng ref. Nababaliw na talaga ako. Obvious na obvious ang galaw ko.

"I'll call you back later. We're not done yet," malamig na tugon ni Binx sa kausap niya sa phone kaya inabala ko ang sarili ko sa kung ano man na bagay para hindi niya mapansin ang pagkataranta ko.

But really, kanina pa ako nauuhaw simula nang umalis kami ng ospital. Paano na ako nito kung wala man lang akong mainom dito?

"Shi-"

"Sshh."

Nagulat ako sa biglang pagyakap sakin ni Binx patalikod. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa 'kin.

"Papatayin mo ba ako sa gulat?! Damn you, Binx!" maktol ko nang hindi pa maka-recover sa pagkagulat.

"I'm sorry, okay?" Napapikit ako dahil sa way ng pagkakasabi niya 'noon. It sent shivers down to my spine. "Gutom ka na ba?" 

"Hmm." Tumango ako saka napanguso kahit na hindi niya naman ako nakikita.

Ramdam ko ang malalalim na hininga niya sa may leeg ko kaya naman ay hindi ko mapigilang kagatin ang ibaba ng labi ko dahil sa kakaibang pakiramdam na bumalot sa 'kin.

"I'll tell mom and dad."

Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya kaya naman ay agad akong napakalas sa yakap niya at tumingin sa kanya. I crossed my hand and raised my left eyebrow to him.

He chuckled, "What? Come on."

Kinuha niya ang kamay ko saka ito pinagsalikop sa kamay niya. Napangiti na lang ako at nagpatianod sa kanya palabas ng kusina.

Naabutan namin sila mommy at daddy sa sofa na nakaupo at parang alalang-alala. Naku, sa lagay na ito, lalo lang madadagdagan ang stress nila kaya kailangan ko silang pagsabihan na okay lang ako at hayaan na lang 'yong mga tao sa labas. Wala naman silang mapapala dahil kahit ako, ayokong magpa-interview. Baka lalo lang lumala ang sitwasyon.

"Sa ngayon wala daw magagawa ang pulis kundi mag-bantay. Kung ayaw daw talaga nilang umalis, hayaan na lang daw natin sila. Paniguradong mapapagod din naman sila pero paano ka?" my mom said with a frown smile.

"Mom, I'm okay. Wala naman silang ibang magagawa kundi ang maghintay diyan sa labas. Hindi naman ako lalabas dito, di ba? So, walang mangyayari sakin." Naupo kami ni Binx sa tabi nila.

"I know, I know. Sa ngayon maghinay-hinay muna tayo. Hindi tayo lalabas ng bahay pansamantala para walang masaktan. Kung emergency, pwede tayong dumaan sa likod ng bahay dahil konti lang ang nandoon na mga tao." 

Lumipat naman ang tingin ko kay daddy dahil sa sinabi niya. 

Binigyan ko na lang sila ng tango at ngiti. Wala na rin naman akong ibang sasabihin pa.

"Kailangan ko pong lumabas dahil wala pa pong groceries si Eve at iyong mga ibang habilin po sa kanya ni Dr. Aguillard," singit ni Binx kaya napunta naman sa kanya ngayon ang atensyon naming lahat. He's right.

"Oo nga pala." Kinuha ni mommy ang bag niya at naglabas ng pera saka ibinigay kay Binx.

"Ako na lang po. May pera naman po ako rito," tanggi ni Binx.

"No, responsibilidad pa rin naming mga magulang ni Eve na bigyan siya ng kanyang mga pangangailangan kaya sa ayaw at sa gusto mo, tatanggapin mo ito. Sige na, Binx. Ayoko na tinatanggihan ako lalo na't tungkol sa anak ko," buwelta naman ni mommy kay Binx. Nakita ko ang bahagyang pag-ngisi ni Binx kaya naman ay natawa na lang din kami.

"Sige po, alis na po ako." Tumayo na siya at nagpaalam na. Palabas na sana siya nang bumalik ulit siya. "Nakalimutan kong..." Hinalikan niya ako sa ulo at sinabing babalik agad siya.

Habang nakatingin sa kanya paalis ay hindi ko maalis sa mukha ko ang pagkamangha sa kanya. Kahit kailan talaga, oo, hindi siya umaalis ng walang halik at salitang paalam sa akin. He's so sweet and I like that.

"I knew he's a good man."

Napatingin ako kay mommy ng nakangiti at sinabing, "He is."

"Pero hindi na kapag sinaktan ka niya ulit. Genevieve ha, I'm warning you. Huwag mo agad patawarin ang isang tao kapag alam mong malala ang nagawa niya sa 'yo."

"Dad, no. Patatawarin ko agad ang mga taong mahal ko kahit gaano pa kalala ang nagawa nila sakin. Mahal ko, eh," I fired back smiling devilishly at them. Tama naman ako, di ba? Matitiis mo ba ang mga mahal mo sa buhay na huwag patawarin? Hindi.

"Ano pa nga bang aasahan ko sa 'yo?"

Lumapit ako sa kanila at yinakap sila ng mahigpit.

Naabutan kami ni Binx na nagtatawanan at nagkukuwentuhan pa rin. Hingal na hingal siyang pumasok sa sala habang dala-dala ang pinamili niya. Linapitan ko agad siya at tinulungan. Ganoon din ang ginawa nila mommy at daddy.

"What happened?" I asked worriedly.

"Nahirapan akong lumabas at pumasok. Akala ko makakalusot ako sa kanila pero hindi. Muntik na rin nilang masira 'yong side mirror ng sasakyan ko."

"Oh, my God!" bulalas ko.

"Jusko! Bakit ganoon na lang sila makakilos? They are so desperate! Harassment na iyon. Puwede na tayong magsampa ng kaso sa kanila lalo na sa ginawa nila kay Eve kanina. Oh, this is so not good. Mas mabuti pang mag-stay ka na lang muna rito Binx. Naku!" si mommy.

Yinaya ko munang maupo si Binx at tinignan ko kung may galos siya pero nagpumilit naman siyang wala kaya hinayaan ko na lang siya. Ang arte, eh. Ayaw magpahawak ng katawan porket nandito pa si daddy. Tss.

"Puro coke? Para saan 'to?" takang tanong ko nang isa-isahin namin ang mga pinamili ni Binx.

'Yong mga pang-personal use ko ay naayos na namin kaya dito naman kami sa kusina namin. Ang daming pinamili ni Binx kaya inabot kami ng siyam-siyam para mag-ayos. Well, mas mabuti na rin naman 'to dahil kumpleto na lahat ang pangangailangan ko. Mabuti na lang pala at dinala niya 'yong list ng mga bawal at puwede na binigay sa 'kin ni Dr. Aguillard.

"It's a diet coke. Iyan lang ang puwede mong inumin base doon sa listang sinulat ni Dr. Aguillard. At itong ibang mga pagkain mo na konti lang ang tubig or less-likely na mag-titrigger sa hives na lumabas," sabi ni Binx.

Kami na lang din kasi ang nag-aayos dito sa kusina. Pinagpahinga ko na muna sina mommy at daddy dahil alam kong pagod na sila, ayaw lang nilang sabihin. Nag-debate pa nga kami kung tutulong pa rin ba ako o hindi. I can handle myself naman and besides, nandito rin si Binx para alalayan ako kung may mangyari man.

"Nakakapanibago," tanging nasabi ko saka na inilagay sa cabinet ang ibang diet coke dahil hindi na rin kasya sa loob ng ref.

Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang buhay ko. Parang kailan lang, ang sasarap pa ng mga kinakain ko. Ngayon, puro na less water because of my allergy. Minimal na lang ang puwede kong kainin at mga gawin pero masasarap pa rin naman ang mga pagkain ko rito at nandito naman si Binx so walang problema. Nakakapanibago lang kasi talaga. Pero alam kong masasanay din ako. Sus, ako pa. Kaya ko ito. Just a piece of cake.

"You okay?" he asked.

"Hmm," I nodded.

Nang matapos sa pag-aayos ay agad nang nagluto si Binx para sa dinner. Tumungo naman muna ako sa kuwarto ko para magpahinga muna saglit pero mukhang hindi ako makakapagpahinga dahil sa ingay ng mga tao sa labas. Yep, abot pa rito sa second floor ang ingay nila. Seriously, hindi ba sila nakakaramdam ng pagod or gutom? Or the need to go home? Kung ganito sila makaasal, nasa taas na ito ng pagkadesperada. Parang hindi naman yata tama ito. Hindi ba nila alam ang salitang 'privacy'?

Lumapit ako sa bintana at hinawi ang kurtinang nakaharang dito. Pinagmasdan ko ang dami ng tao sa baba at hindi ko maiwasang manghina. Seeing a crowd like this is making me weak and dizzy. Siguro dahil sa hindi na ako sanay makakita ng ganito kadaming tao dahil na rin sa tagal ng pananatili ko sa hospital.

Everything feels surreal. Akala ko kapag nakauwi na ako ay magkakaroon na ako ng tahimik na buhay but no. I think I will never have a quiet life because of the people that keeps on bombarding us.

Continue Reading

You'll Also Like

197K 13.4K 47
Matagal na silang magkakilala, but they never talked. They're not even friends. Pero pagtungtong nila ng 4th year highschool, things have changed. St...
242K 7.1K 79
English and Tagalog Compilation | #3 IN POETRY | The Fiction Awards 2016 Winner © 2016 kyeriella all rights reserved book cover made by @OhWanderlust_
179K 572 5
Keila Adrienne Ferrell Montenegro a cold hearted woman but it all changed when she laid her eyes on a hot and sexy conceited man. Will she be able to...
993K 7.8K 62
Paano nga ba maglaro ang Tadhana? Gaano ba ito kapatas? Gaano ba ito kabait, at gaano ba ito kasama? Tungkol ito sa tatlong tao na napili ng tadhana...