Among the Dead #Wattys2016

By Yllianna

37K 673 216

Choose your alliances well, sacrifice those of no use to you, outsmart the living and survive the dead. Sa mu... More

Among the Dead
⇜Prologue⇝
⇜CHAPTER 1⇝
⇜CHAPTER 2⇝
⇜CHAPTER 3⇝
⇜CHAPTER 4⇝
⇜CHAPTER 5⇝
⇜CHAPTER 6⇝
⇜CHAPTER 7⇝
⇜CHAPTER 8⇝
⇜CHAPTER 9⇝
⇜CHAPTER 10⇝
⇜CHAPTER 11⇝
⇜CHAPTER 12⇝
⇜CHAPTER 13⇝
⇜CHAPTER 14⇝
⇜CHAPTER 15⇝
⇜CHAPTER 16⇝
⇜CHAPTER 17⇝
⇜CHAPTER 18⇝ PART 1
⇜CHAPTER 18⇝ PART 2
⇜CHAPTER 19⇝
⇜CHAPTER 20⇝
⇜CHAPTER 21⇝
⇜CHAPTER 23⇝
⇜CHAPTER 24⇝
⇜CHAPTER 25⇝
⇜CHAPTER 26⇝
⇜CHAPTER 27⇝
⇜CHAPTER 28⇝
⇜CHAPTER 29⇝
⇜CHAPTER 30⇝
⇜CHAPTER 31⇝
⇜CHAPTER 32⇝
⇜CHAPTER 33⇝
⇜CHAPTER 34⇝
⇜CHAPTER 35⇝
⇜CHAPTER 36⇝
⇜CHAPTER 37⇝

⇜CHAPTER 22⇝

495 10 5
By Yllianna

                “Raaawwwrrrr!”

                Umalingawngaw ang sigaw na iyon ng pusa sa kaniyang tainga. Umiktad ang katawan nito nang mahawakan iyon ng zombie at bumaon ang mga kuko niyon sa kawawang nilalang. Nagpipilit makawala ang pusa ni Kiari pero mahigpit na nakakapit ang kamay ng halimaw dito. Nanlalaki ang mga mata niya habang hinihintay ang mangyayari. Ang susunod na gagawin ng biter sa alaga. Gusto niyang sumugod. Gusto niya itong iligtas. But she was frozen in fear.

                Natutop niya ang bibig nang muling lumikha ng ingay ang zombie. Its rotting teeth grinded against each other and a sticky, deep red liquid dripped from the side of its mouth. Gumagalaw-galaw ang ulo nito habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa pusang kumalmot dito. When the undead raised its free hand, ready to do the same damage the cat did to it, Kiari finally had enough of the scene. She instinctively tore through the branches that have been hiding her and leapt out of the vehicle.

                “Waaaaggg!” sigaw niya bago tumalon palabas ng sasakyan. Hindi niya alintana ang mga galos na likha ng mga sangang kumalmot sa kaniyang balat o ang sakit ng pang hindi pa tuluyang gumagaling.

                Natigilan ang mga biters pati ang zombie na may hawak sa pusa. Lahat ay napunta sa kaniya ang pansin. The biter growled but the fearsome noise that it made was cut short when an arrow pierced through its right eye and exited at the back of its muddy head. Halos hindi pa makapaniwala si Kiari nang bumagsak ang zombie sa lupa. Nagmamadaling tumakbo ang pusa sa kaniyang kandungan na agad niyang niyakap.

                Nag-ingay ang mga natitirang biters.

                “Haaarrrrr!”

                Halos sabay-sabay na humakbang ang mga iyon sa kaniyang direksyon ngunit isa-isa ding lumipad sa mga ulo ng mga ito ang mga arrows na gawa sa metal. Isa-isang nagbagsakan ang mga biters bago pa man may makalapit na isa sa kanila. Natutulala si Kiari habang hindi makapaniwalang pinagmamasdan ang mga walang-buhay na mga katawan sa kaniyang harapan.

                “Kyaaa!” she screamed when a biter suddenly grabbed her. Lumipad ang isa pang arrow na halos isang dangkal lang sa kaniyang mukha at tumusok sa noo ng biter. Pasubsob iyong bumagsak sa kaniyang paa. Muntik pang madali ng arrow ang kaniyang laman.

                Humihingal siya habang nakatitig sa patay. Dumadagundong ang tibok ng kaniyang puso at halos umikot ang kaniyang paningin sa sobrang nerbiyos at takot. She gasped when a hand suddenly showed in front of her face.

                Parang gusto niyang isipin na nagha-halucinate nga lang siya nang mag-angat siya ng tingin at mapagsino ang tagapagligtas. Si Haru. He’s holding a modified sling shot. Behind him, she could see the flat end of the arrows sticking from their leather holder, which was fastened around Haru’s body. Walang bakas ng kayabangan o pagkayamot sa mukha nito gaya ng nakasanayan nilang makita pero may pagkainip siyang nababasa sa mga mata nito.

                Tinanggap niya ang kamay nito. Tinulungan siya ni Haru na makatayo saka agad nitong siniyasat ng mga mata ang paligid. His gaze stopped at the small figures of the undead from afar, continuing their aimless walk into the woods.

                “Nasan ang mga kasama mo?” tanong nito.

                “N-nasa pamilihan. Dito ang meeting place namin,” nanginginig pa ring sagot niya.

Haru chuckled. “Tsk.” Ngumiti ito na hindi niya maintindihan kung nang-uuyam o natatawa sa desisyon nila o pareho. “Ikaw, driver ka lang talaga?” tanong ni Haru na noon lang siya muling tiningnan.

Umiling siya.

            “Kasama dapat ako sa pagkuha ng supplies. Pero…nahalata ni Kenji na masakit pa ang paa ko,” paliwanag ni Kiari. Umiwas siya ng tingin. She could feel his arrogance radiating from his eyes.

           Tinapunan ni Haru sandali ng tingin ang kaniyang paa bago ito nagsalita.

        “Inapag mo ‘yang pusa sa upuan ng sasakyan,” utos ni Haru. Inabot nito ang dalang knapsack at inilapag sa lupa, malapit sa pinto ng sasakyan. Binuksan ni Haru ang zipper at naglabas ng bulak, benda at gamot. Antibiotic ang sabi sa label niyon.

             Marahang inilapag ni Kiari ang pusa sa driver’s seat. Haru worked on its wounds. Nilinis niya ang mga iyon, nilagyan ng gamot saka binendahan.

         “Ano ba’ng pumasok sa kukote mo at tumili ka na, lumabas ka pa ng sasakyan?” sarkastikong tanong ni Haru habang binabendahan ang pusa. “May balak ka bang mamatay? Kaya ba nag-volunteer ka’ng sumama sa misyon na ‘to?”

                “Hindi ko kayang bayaan si Kitty. Nilabanan niya ‘yung zombie. Alam ko prinotektahan niya ako. Dapat lang na protektahan ko din siya.”

                Ibinuhol ni Haru angdulo ng benda bago ito dumiretso ng tayo at tiningnan siya sa mga mata. Sinalubong niya ang mga titig nito. Wala siyang pakialam kung isipin man nitong tanga siya. Para sa kaniya ay mahalaga ang buhay ng pusa niya. To hell with all those who doesn’t understand that.

                “Sa susunod magplano ka. At matuto kang humawak ng sandata,” sabi ng lalaki saka siya nito marahang tinapik sa ulo na parang bata. Tinalikuran siya nito pagkatapos at inayos ang mga ginamit para ibalik sa bag. Parang namamalikmata siyang napatitig kay Haru.

                Nang matapos ang binata sa ginagawa ay kinuha nito ang isang walkie talkie sa bulsa ng bag at may tinawagan ito doon.

                “Gavin.”

                Lumikha ng ingay ang walki talkie bago pumailanlang ang boses ng tinawag ni Haru.

                “Naririnig kita, Haru. Ano’ng status?”

                Haru heaved a sigh. Saka ito nagkamot ng ulo.

          “Gaya ng inaasahan natin. Pwede mo na kaming puntahan dito sa kakahuyan. Mga kalahating milya ang lokasyon namin sa posisyon mo. Sa kanang bahagi ng kalsada. Mga kalahating milya din bago ang palengke ng Tayabas. Malayo na ang mga zombie pero konting ingat din. Baka meron pa sa malapit na hindi namin nakikita.”

                Lumikha ulit ng mechanical na ingay ang instrumento bago nila narinig ang boses ni Gavin.

                “Sige. Papunta na ‘ko,” sabi nito bago ito nawala.

                “Sasama ka kay Gavin pabalik sa mansion. May motorsiklo kaming gamit papunta dito. Iyon ang gagamitin nyo pabalik,” deklara ni Haru sa kaniya.

                “Pero paano sina Kenji at Ren?”

                “Ako na’ng bahala dun,” parang pabaliwala nitong sagot.

                “I-ikaw lang?” tanong niya sa kausap. Halata ang pagdududa sa kaniyang tinig at mga mata. Tiningnan siya ni Haru.

                 “Kung iyung mga kasama mo nga napaniwalaan mong makakalabas sa palengke nang buhay bakit nagdududa ka kung tutulungan ko pa sila?” tanong nito sa kaniya. Then he eyed at her skeptically. “Duda ka rin na makakabalik sila, ano?”

                Nag-ikom siya ng bibig at umiwas ng tingin. But Haru held her chin and gently raised her head so that she had no choice but to look at him. Tinitigan siya nito. Ayaw niya pero wala siyang choice kungdi salubungin ang tingin ni Haru. Hindi niya ito gusto. Wala sa kanila ng mga kaibigan niya ang magaan ang loob kay Haru. Sa simula pa lang, alam na nilang lahat na magiging kalaban nila ang lalaki.

                Pero ang Haru na kaharap niya ngayon ay hindi katulad ng Haru na nakilala nila kagabi. Wala ang disgusto sa mukha nito. Walang panunuri sa mga tingin. Yun nga lang, wala rin siyang ideya kung anong nasa isip ni Haru.

                “Wag kang mag-alala…ibabalik ko sila.”

                 

                “Haarrr…rrgghh!” naputol ang parang paos na ingay na iyon ng zombie nang lumusot sa noo nito ang wooden stake ni Kenji. Ngunit hindi tuluyang bumagsak ang katawan niyon. Hawak ni Kenji ang madungis nitong damit malapit sa batok. Unti-unti niyang hinayaang bumaba ang katawan niyon habang nakatingin siya sa kabilang dulo ng eskinita, nagmamasid. Nang tuluyang maihiga ang zombie ay saka siya walang ingay na bumalik sa likod ng gusali at kumaliwa. Inabutan niyang inaasikaso na ni Ren ang kinakalawang na lock ng pinto.

                “Kamusta?” tanong niya sa ginagawa ni Ren. Ren gave the old lock a tug and it completely broke free from the circular metal that kept anyone from entering the building.

                “Baket kaya nag-abala pa silang maglagay ng lock?” natatawang sabi ni Ren.

                “Handa ka na?” tanong ni Kenji. Nasa handle na ng pinto ang kaniyang mga daliri, handa na para buksan iyon. Inihanda ni Ren ang sariling wooden stake bago tumango sa kasama. Kenji pulled the heavy door towards him, letting its small wheel guide it as it slid along the grove meant to keep it in place. They both wanted to curse it when it made a distinctive, heart-jumping, creaking sound. Kung meron mang zombie na malapit, siguradong narinig na niyon ang pag-ingit ng pinto.                               

                Tumambad sa dalawa ang maluwang na silid kung saan niluluto ang mga tinapay at cakes. Malaki ang silid ngunit puno iyon ng mga kasangkapan. Madilim ang loob at tanging ang liwanag na nanggagaling mula sa bukas na pinto lamang ang nagbibigay tanglaw. Sa kabilang bahagi ng kusina ay ang pintong nagdadala papunta sa ibang bahagi ng gusali. Nakalapat iyon. Ngunit sa likod ng simpleng pinto ay isang makipot at madilim na daanang nagkokonekta sa stock room, sa tindahan, isang maliit na restroom at maliit na opisina. Deep within that long hallway a shadow turned, followed by a dozen more. Attracted by the brief noise, one of them curiously took one step towards its source. Natapat ito sa sinag ng araw na lumusot sa isa sa mga butas sa bubong. It made a somewhat annoyed grunt when the sun briefly hit its eye and gave its face a smack, as if to hurt the thing that irritated its yellowing eye. Blood splurted from its torn cheek and sprayed onto the dusty floor. A tooth fell out of its rotting mouth and was immediately hidden by the dark. But none of those made it forget about that creaking sound. Still curious, the undead stepped forward, following the rest of its small herd.   

Continue Reading

You'll Also Like

EMPIRE HIGH By sai

Mystery / Thriller

5.8M 177K 63
Empire High was built for the Empire Society: Reapers, Gangsters, Assassins and Mafias. And as the classes starts, a nerd girl named Fuschia will enr...
13.9M 389K 79
Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her study, despite of her strong aversion. A...
25.4M 851K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...