Century Between Us

Від greyneverfades

22 7 0

Paano kung nagkita ang dalawang tao, na hindi naman pala nakatadhana na magtagpo? Would they still insist to... Більше

Disclaimer
Prologue
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5

CHAPTER 1

5 1 0
Від greyneverfades

Nate's POV

Hindi uso sakin mga prank at mga gimik ng mga kababaihan ngayon.

Tss.

Napakaagressive nila, akala mo'y mauubusan ng lalaki sa mundo kaya gumagawa ng paraan makahanap lang ng boyfriend.

Hindi ko lang alam sa babae na to at kina-career niya masyado.

Ganito na usual treatment ko sa mga babaeng papansin, nakakayamot. Hindi ko naman kasalanang maging gwapo pero wag silang abusado, i felt so betrayed kapag pinapamukha pa lalo nila sa akin eh.

By the way, Nate Wesley Osmeña nga pala 18.

"May tra-ba-ho pa-ako-ka-ya-pwe-de-lu-ba-yan mo na ako please lang parang awa mo na", mabilis kong sabi sabat takbo ng mabilis para matakasan siya. Ang kulit parang tutang sunod ng sunod.

Tss.

Kailangan ko ba talagang putulin ang bawat linya para lang maintindihan niya. Napaka-slow witted naman masyado.

So, matapos ang encounter na yun medyo nawawala narin sa isip ko ang mga pangyayari, nagpalit na agad ako ng damit at sinimulan ko na ang pagiging service crew ko dito sa jollibee.

Part-time job ko ito, bilang estudyante kailangan kong kumita ng pera para sa sarili ko, kasi alam ko namang hindi ako bibigyan ng pera nina Dad. May family issue kasi kami, we're not a broken fam, may broken relationship lang ako amongst them, except sa dalawa kong kapatid. It's a long story kasi. Tragic at sigurado akong wala rin yung kapatawaran. It's my fault, lahat ng nangyari 5 years ago kasalanan ko.

I'm a F*cking asshole that time.

Actually, kung nasa puder lang ako ng mga magulang ko ngayon hindi ko na kailangan pang kumayod ng ganito. Kung hindi lang nangyari ang lahat, kaso mapride akong tao. Kapag sinabi ko, firm na yun at hindi na pwedeng mabago.

Punas dito.

Punas doon.

Linisin ang lamesa.

Magwalis.

Magmap.

At kung anu-anu pa.

Nakakapagod talaga pero kailangan kong maging matatag para sa sarili ko, kasi may kailangan pa akong patunayan.

Habang todo-emote ako sa pagpupunas, yung mga kasamahan ko naman tawa ng tawa habang nagkukwentuhan.

Dahil nga curious ako tinanong ko sila.

"Pre, anung meron doon" sabay nguso sa labas ng building.

"Ahh may babae kasi doon sa labas na nagsesermon ng kung anu-anu about history. Ewan magugunaw na ata ang mundo." Sabay tawa ulit

"So weird", at humagalpak na naman sa kakatawa kaya nakitawa nalang din ako.

Wala akong panahon sa mga ganyang bagay eh.

Bumabaha na ako mula sa second floor upang magahugas ng mga plato. Pero kamuntik ko ng mailaglag ang tray na hawak ko ng makita ko ang babaeng may teleleng sa labas ng jollibee habang ngiting-ngiti sa akin at nagpapabebe pa.

Habang pinipilit na pumasok sa loob ng salamin. Hinahanap pa niya yung bukasan. Takas ba siya sa mental?.

Bale salamin lang ang namamagitan sa aming dalawa. Mukha siyang baliw sa ginagawa niya. Tsk.

Tumingin naman yung dalawa Kong kasamahan sa akin na may " ayieeeeeee" look.

"Tol, type ka tol", at ayun ako na ang tampulan ng tukso sa loob ng work.

Sa wakas at matapos ko na din hugasan ang gahiganteng plato. Sarap-tuloy matulog pag-uwi.

Nag-inat-inat ako sabay hikab papalabas ng pinto dahil out ko na at wala narin ako klase dediretso nalang akong condo.

" Kamusta ginoo", at yumuko siya sabay hawak sa palda na parang makikipagdate ng folk-dance. Parang timang lang.

Muntik naman akong mapaatras sa estatwa ni jollibee dahil sa gulat. Pasulpot-sulpot tong babaeng ito. Pahamak talaga eh.

"Anu ginagawa mo dito ginang", habang ginaya ko yung tono ng kanyang pananalita at pagtaas ng imaginary kong palda, makikisabay nalang ako sa trip ng baliw na ito, masyadong malagim ang nakaraan nito para magkasapak ng ganito.

" hayaan mong ibahagi ko sa iyo ang kabuunan ng istorya", tapos nagpabebe na naman siya sa pag-upo na parang si Ate Charo.

"Habang ako'y naglalakad-lakad sa lugar na ito upang maghahanap ng indi.. Pilipino ng nakatutulong sa akin, ngunit ni isa'y wala nagdalawang-isip na pakinggan ang layon ko. Hindi narin masama na nasilayan kita sa pangalwang pagkakataon", ngumiti naman siya sa gawi ko.

Yung sweet na smile, yung babaeng babae talaga, nakakainlove at mukhang sincere kaya sa ngiting yun naalala ko na naman siya. Hays.

Kelan ba ako lulubayan ng multo mo.

Nginitian ko nalang siya pabalik.

Tumayo na ako at nagsimulang magalakad paalis at hindi ko na siya pinansin ang pinagsasabi niya.

Hindi pa ako nakakalayo

Muli ko siyang nilingon at napansin kong umiiyak siya,' yung pigil na pigil, hindi mo gusto pero ayaw makisama ng mata mo.'

Pakiramdam ko pareho kami ng sitwasyon ngayon.

Hindi pinakikinggan, pero kailangan maging malakas parin.

" Anung pinaglalaban mo?", bumalik ako at tinanong siya kaya dali-dali niyang pinahiran ang luha niya. Iniangay niya ang ulo niya, medyo namumulala na yung mata niya pati pisngi.

"Pamilya"

Ramdam na ramdam ko yung pagbanggit niya ng salitang iyon. Corny pero solid parang natamaan ako, biglang kumirot yung puso ko.

Siguro nga pareho lang kami, hindi namin kayang ipaglaban ang sarili naming pamilya. Ang kaibahan lang, sinusubukan niya ngayon, pero ako naduduwag parin.

Medyo maputla na siya at namumungay-mungay na ang kanyang mata na parang anytime matutumba siya.

" Gino...o" at tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Hindi ko siya agad nasalo kaya nakasalampak yung mukha niya sa semento at sigurado ako may bukol ito paggising nito.

Medyo nastunned muna ako saglit tsaka naisipan ko na tumawag ng tricycle sa papuntang hospital.

Nataranta na din ako kasi baka mapano ito at ako pa ang masisi, sagutin ko pa to.

After ilang oras ay bumalik na yung doktor na tumingin sa kanya.

"Sir, kasama po bakayo ng pasente?", napatango nalang ako sa doktor, no choice kahit nakakahiya dahil sobrang dungis niya at amoy kanal na toh.

"Anu pong pangalan ng pasyente?", tanong ng doktor.

Napakamot naman ako sa batok dahil kahit ako mismo hindi ko alam.

"Uhh, ehhh hindi ko alam doc. Siya nalang po tanungin niyo kapag nagising na siya. Nakita ko lang po siya palaboy-laboy sa kalsada kanina. Nagmagandang-loob lang ako", save your ego men.

"Ahh ganun ba, sige nabalik nalang ako. Pero para narin sa kaalaman mo medyo mababa ang dugo niya sa ngayon siguro sa pagod at gutom na din, may sinat din siya. Pero maayos na siya, pwede na kayo umuwi pagnagising siya"

"Salamat doc", at umalis na yung doktor.

So ako naman parang timang dito na nakatitig sa babaeng toh. May itsura siya pero may saltik lang talaga.

San kayang lupalop ito galing?

Napatingin naman ako sa medyo wavy at brownish niyang buhok, tapos maliit din yung labi niya, mahaba ang pilik-mata at matangos ang ilong. Kapansin-pansin ding mukhang mayaman ito dahil parang amerikanang hilaw ang itsura.

Ewan ko ba at tinititigan ko siya, ang payapa ng awra niya pag-tulog sana hindi na siya magising, for sure alam niyo na. Baliw-baliwan na naman.

Tsk.tsk.

Ini-iscan ko siya,mula ulo hanggang paa.
Hindi ko siya minamanyak, ini-iscan ko lang. Magkaiba yun, slight lang nature na naming mga lalaki yun eh.

Makinis naman, pwede ko kaya siyang pagkakitaan, natawa naman ako sa iniisp ko.

Pero joke lang yun.

Naalimpungatang na ata siya at gumising na, agad siyang napabalikwas at kabadong-kabado habang tinitigan ang dextrose, halatang kinakabahan siya kaya agad kong hinawakan ang dalawa niyang kamay at siya naman ay nagsisigaw sa loob ng ospital kaya naglapitan yung mga nurse at pinipigilan siyang gumalaw.

"Miss, dudugo po yan. Wag kayong malikot, tawagin mo si Nurse Tyron dali" sigaw nung nurse sa kasamahan niya.

Saka ko lang narealize na sobrang lapit na pala ng mukha ko sa kanya. At agad naman akong napabitaw. Dumating na yung nurse Tyron at tinurukan na siya, dahilan para unti-unti siyang kumalma.

Dug. Dugdugdug.dug

Napatingin naman siya sakin na nakasimangot, pero nagpupumilit parin niyang tinatanggal yung swero.

"Miss, ang kulit mo" sabi nung nurse Tyron sabay ngiti sa babaeng teleleng na ito.

Ang cheap naman ng type ng lalaking ito.

Kaya tinanggal nalang nung nurse yung swero at nag-aalala sila na baka bumaon pa daw yung karayom kapag nilikot lang lalo.

Kaya naisipan ko ng umuwi matapos magbayad ng isang libo. Tsk. Tatlong araw ko ng sweldo yun eh. Pahamak talaga to.

Anu naman kayang gagawin ko sa kanya?
Mali kayo ng iniisip, hindi ko siya pinagnanasaan. San naman kaya ito titira?

Tsk.

Anu bang pakialan ko dun eh hindi ko naman siya kilala.

At dahil curious ako kung nasa matino ba siyang pag-iisip tatanungin ko nalang siya para mahimasmasan ako sa pagkawala ng isang libo mo.

"Anung pangalan mo?", habang hindi umaalis ang tingin sa daan.

Oo, naglalakad-lakad kami kasi naman wala na akong pera. Wala akong choice.

Nag-isip siya ng kaunti na parang nagdadalawang-isip na sabihin sa akin.

"Sabihin mo na. Akala mo naman kikidnapin ko siya, kapag mayaman pala siya na nagka-amnesia, sus wag ako miss" banat ko na naman

"Matilda Generoso, anak ni Don Carpio Generoso at Donya Alejandra Generoso ng Bayan ng San Victorino", sagot niya habang tulala at tahimik na naglalakad.

Seryoso ba siya? Parang nasa 80's lang kung makabanggit siya ng Don at Donya ah. Lakas maka-flashback sa classical era.

Muli ko siyang nilingon. Nakatingin lang naman siya sa mga steps niya na parang may malallim na iniisip. Parang kanina lang ang weird nya, ngayon weird nanaman.

So, weird.

Tumawid na ako sa pedestrian lane habang naka-stop pa yung traffic light pero pagdating ko sa dulo, yung mental na babae eh hindi umaalis sa kanilang kalsada at nakatingin lang sa akin, nagtama ang paningin namin.

Hindi ko alam pero biglang nagpalpate yung puso ko.

Nang bumalik na ako sa sarili kong katinuan, binalikan ko siya at hinatak siya. Patanga-tanga pa naman ito.

"Bakit hindi ka sumunod?, pinahihirapan mo ba talaga ako?", sigaw ko sa kanya na mukhang ikinastatwa niya.

Nakarating na kami sa Crescent Building ng wala siyang imik.

Actually naka condo ako, sabihin mo ng bakit pa nagpapakapagod eh ang condo naman ay afford. Well, I have connections may mga pinsan akong mga rk talaga, literal na rk. Babae nga binibili nila eh, baryanalang ang condo na ito.

Pumasok na ako sa lobby ng Building samantalang siya naman ay nakasunod lang.

Medyo malayo din ang agwat namin, nakakahiya siya kasama eh.

Lumapit siya dun bigla guard

"Magandang-gabi, ikaw ba ang Guardia-sibil ng palasyong ito?, nasan ang inyong amo, maari ko ba siyang makausap?", napatingin naman sa kanya yung guard at lumimit ang noo. Masungit pa naman yun.

Hinawakan ko siya sa braso at kinaladkad,
" Kasama ko siya, pasensya may Alzheimer's itong pinsan ko", tinanguan nalang ako nung guard.

Pambihira, sobrang kahihiyan na ito ahh.

Napupuno na ako.

Binuksan ko ang elevator at pinindot ang 25th floor.

"KAMANGHA-MANGHA, NGAYON KO LANG NASAKSIHAN ANG KAKAIBANG IMBENSIYON NA ITO! Sabihin mo ginoo sinong imbentor nito?", tinaasan ko lang siya ng kilay.

Hinihimas-himas naman niya yung pinto ng elevator tapos pinapasok-labas yung paa niya na parang bata. Sayang-saya siya sa ginagawa niya.

Bigla nalang akong napangiti.

Tsk. Parang kanina lang yamot ako sa kanya ahh, nay split personality na ba ako ngayon?

O baka naman nahahawa na ako sa kabaliwan niya?

Продовжити читання

Вам також сподобається

59.8K 7.9K 22
This is the sequel of RRR, so new readers please read it before starting this book. Agneya, the soon to be crown prince of Rakshatra, was bounded by...
5.9M 462K 95
Sitting on the bed, I was waiting for my husband to arrive. It was our wedding Night. I rolled my toes as the visuals of him slowly touching my cheek...
Empire of Righteousness Від AmayaValery

Історичні романи

266K 17.8K 154
The Divine woman Draupadi was born as the eternal consort of Panadavas. But we always fail to treasure things which we get easily. Same happened with...
My Sin Від XxMeixiangxX

Історичні романи

1.7M 68.9K 65
Liu Quiaqio, the Empress of the Jin Dynasty has given his heart, soul, and body to the emperor, he loved him to the point it exhausted him, but the c...