Obey Him

De JFstories

26.8M 1M 351K

He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's leg... Mais

Prologue
Jackson Cole
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Final Chapter
Epilogue
RNS
OH Uncut Collection

Chapter 17

401K 16.2K 10K
De JFstories

BIGLA NIYA AKONG NAITULAK.


Napaigik naman ako dahil bumagsak ang aking likod sa pader. Nanlalaki ang mga mata sa akin ni Calder habang hawak-hawak niya ang sariling bibig. "Hindi ko alam na titingala ka!"


Kahit ako ay tigagal sa kanya. Hindi ko ininda ang pagkirot ng aking likod sa biglang tulak niya, mas nanuot sa aking isip ang pagsagi ng mga labi niya sa gilid ng mga labi ko. Counted ba iyon?!


Nagbago ang ekspresyon niya nang maalala ang sitwasyon. Napanganga naman ako maalala rin kung ano ang meron sa loob ng study room.


"You shouldn't be here. You should be sleeping by now."


Nakatulala ako sa kanya at sa mga mata niyang may bahid ng galit. Bakit siya galit?


Hinila niya ako sa pulso. "Come..."


Marahan ang mga hakbang ko dahil nanghihina pa rin ako sa aking nakita. Sabog pa rin ako, at kahit anong gawin kong bura sa isipan ko ay hindi ko talaga makalimutan ang naabutan kong eksena sa loob ng study room.


"Fran..." Nilingon ako ni Calder nang hindi na muling humakbang ang mga binti ko pasunod sa kanya.


Naningkit ang mga mata niya at binitawan ang aking pulso. Salubong na salubong ang kanyang mga kilay habang nagtatagis ang mga ngipin. He was about to say something ng may mauna sa kanya.


"Frantiska."


Nanigas ang leeg ko ng marinig ang malalim boses na mula sa study room. That deep voice sent shivers all over my body.


"What are you guys doing here?" Malambing na boses naman ng isang babae ang sumunod. "Calder, may kailangan ka kay Jackson?"


"Yes. Ibabalik ko lang ang susi ng Jaguar." Pormal na ang mukha ni Calder at ang dalawang kamay ay nasa loob na ng kanyang bulsa.


Lumitaw sa harapan ko ang magandang mukha ni Valentina. Litaw na litaw ang makinis at morena nitong balat sa suot na kulay puting halter blouse. Maayos ang buhok nito na nakapuyod, manipis lang ang make up sa mukha at lipstick sa mga labi. Kaswal ang kilos niya na parang walang ginawang kahit anong kahalayan ng nagdaang oras.


"Frantiska, why are you still awake?" malamig ang boses ni Uncle Jackson, katulad ng kanyang mga mata.


"Uminom... ako ng tubig."


Namilog ang mga mata ni Valentina. "She's Fran? The daughter of your late wife?"


Sa akin nakatutok ang walang emosyong mga mata ni Uncle Jackson. "Fran, I would like you to meet Val."


"Valentina Zosia Hynarez." Inilahad ng babae ang palad sa akin. "I've heard so much about you."


Nanginginig ang kamay na tinanggap ko ang palad ni Valentina. Mainit-init iyon. Ayoko ng isipin kung saan niya ihinawak ang palad na ito.


"You're really a beauty! Mukha kang manikang babasagin, kaya siguro ingat na ingat sa 'yo itong si Jackson." Friendly itong tumawa. "Ganon talaga kapag mga dalagita, iniingatan nang bongga. You know what? I have a younger sister. Same age mo lang siguro. Ipapakilala ko kayo kapag nagkatime. Pwede kayong maging magkaibigan."


I wonder who's her younger sister. At kung alam ba nito ang pinagagawa ni Valentina.


"Gusto ko pa sanang magtagal, ang kaso may meeting pa ako tomorrow. Dumaan lang talaga ako to ask for Jackson's suggestion para sa project na winowork out ko. And maaga rin ang school mo tomorrow, right? Kaya ba-bye na lang talaga muna. We can bond some other time." Niyakap ako ni Valentina. "Anyway, nice to finally meet you, Fran."


"Nice to m-meet you, too." Napigil ko ang aking paghinga dahil sa kakaibang amoy na nasamyo ko mula sa babae. Humahalo sa mamahalin niyang perfume ang amoy na iyon. Hindi naman matapang at mabaho, kakaiba lang talaga.


Bumaling ito kay Calder. "Ikaw na ang maghatid sa akin."


Mabilis akong napalingon kay Calder na pormal pa rin ang reaksyon ng mukha. Hinintay kong tumanggi siya, ngunit nadismaya lang ako nang tumango siya at mauna nang tumungo sa hagdan ng mansiyon.


Sumunod naman agad si Valentina sa lalaki. Naiwan kami ni Uncle Jackson sa hallway na may dim na liwanag. 


"How's your day, doll?"


Napakislot ako at agad nag-iba ng tingin. "A-ayos lang..." labas sa ilong na sagot ko. Inaalala ko pa kung kumusta siya, iyon pala ay marami siyang paraan para mapaligaya ang sarili. 


"You may go back to your room. You should be sleeping by now." Kay hinahon ng boses niya na nakapagtataka.


Tumango ako at nanatiling nakaiwas ang mga mata sa kanya. Hindi ko magawang tumingin sa kanya na hindi ko naaalala ang reaksyon niya kanina habang nasa ilalim niya si Valentina.


Tumalikod na ako at marahang naglakad pabalik sa aking kuwarto. Gustuhin ko mang magmabilis ay parang napakabigat talaga ng aking mga paa. Inabot yata ako ng ilang minuto sa paglalakad lang. Ito na yata ang pinakamatagal na paglalakad sa buong buhay ko, lalo pa at ramdam ko na nakasunod pa rin ng tingin si Uncle Jackson sa akin.


Nagulat ako nang pagpasok ko sa kuwarto ay naroon si Calder. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang nakayuko.


"Anong ginagawa mo rito?!" Agad kong ini-lock ang pinto at nilapitan siya.


Nag-angat siya ng tingin at ngumisi.


"Nasaan si Valentina?"


"Umuwing mag-isa."


"Ha?"


"He will never know."


Ang tinutukoy niya si Uncle Jackson. Hindi niya sinunod ang utos ng lalaki na ihatid si Valentina kung saan lupalop man ito nakatira. 


Lumapit siya at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Agad akong napapikit. Ramdam ko ang pagyuko niya para hagkan ako sa noo. "Goodnight, my baby. Please forget what you saw tonight..."


Nang dumilat ako ay wala na siya. At nakasara na muli ang sliding door sa terrace ng kuwarto ko. "Goodnight too, Calder." Hindi ko lang alam kung kakayanin kong makatulog ngayong gabi, o kung magagawa ko bang kalimutan ang nakita ko kanina...


...


Hindi ko na namalayan ang oras sa kagustuhan kong gawing busy ang aking maghapon sa school. To be busy was the only way para makalimot sa mga bagay na gusto kong kalimutan. After my research ay nautusan pa ako ng librarian na maghatid ng files sa kabilang building. Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa loob at halos wala na talagang ibang estudyante maliban sa nagpa-practice sa gym. I texted Calder na palabas na ako ng gate, dahil malamang na kanina pa siya sa parking lot. Walang reply mula sa kanya.


My mind was somewhere else kaya hindi ko napansin ang mga lalaking nakatambay sa parking lot.


"Brod, she's here."


Napaangat ako ng mukha at napatingin sa kanila. Tatlo sila na nakasandal sa kulay pulang sedan. Isa lang ang nakauniform pa na nakilala ko agad kahit pa nakatagilid ito at nakayuko sa hawak na cell phone.


Napaatras ako ng marahan siyang lumingon sa akin, nakangisi. It was King Latorre! Anong ginagawa niya rito? Hinihintay niya ba ako? Bakit? Hindi ko na siya idinemanda sa panghaharass niya sa akin! Ano pa ba ang kailangan niya?


"Wala naman palang kasama, kaya mo na 'yan, Latorre," said the man beside him.


Napalingap ako sa paligid. Wala si Calder!


Mangilan-ngilan na lang din ang sasakyan dito at wala nang katao-tao. Papadilim na rin at kahit ang anino ng guard sa pinakamalapit na gate ay hindi ko na matanaw. Pinilit kong ignorahin sila at magpanggap na hindi natatakot. Naglakad ako palampas sa isa sa mga kasama niyang lalaki para makapunta sa kalsada ngunit hinagip nito ang aking braso.


"Masungit pala talaga 'to e."


"Ano ba?!" Pinagpag ko ang kamay ng lalaking humarang sa akin. "Bitawan mo ako!"


"Matigas 'yan," narinig kong sabi ni King. Nasa harapan ko na agad siya.


"Pakawalan niyo ako dahil parating na ang sundo ko!" pananakot ko sa kanila. 


"Parating palang pala, e. Meaning wala pa."


"Sama ka muna kay Latorre. Magusap daw muna kayo."


Gigil na tinapunan ko ng matalim na tingin si King. "And why should I talk to you, you jerk?!"


Nakangisi niyang pinisil ang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay. "Ang tapang mo rin, ano? Ikaw pa ang may ganang magtaray after what you did to me?"


Nanlaki ang mga mata ko. How dare him?! Ako pa ang lumalabas na may atraso?!


"You're the first woman who ever did that to me, Frantiska Jezebel Justimbaste!"


"Let me go!" Panay iwas ang ginawa ko ngunit hindi niya ako binibitawan.


"You made me look like a fool!" Napaluha ako sa sakit ng diinan niya ang pagkakapisil sa aking pisngi. "At muntik pang maperwisyo ang susunod kong henerasyon sa kabayolentehan mo! You kicked my balls, you shitty bitch!"


"You deserved it, maniac!" Dinuraan ko siya na mabilis niya namang naiwasan.


Nagtawanan ang dalawa niyang kasama. "Brod, akala ko ba syota mo na 'to?"


"What?" Tiningnan ko ang lalaking nagsalita. "Who told you that?! He's not my boyfriend and he will never be my boyfriend!"


Muling pinisil ni King ang pisngi ko. Mas mariin na halos bumaon na ang mga daliri niya sa akin. "We're in a M.U. stage, bitch. Matapos mong magbigay ng motive, you'll just gonna deny me like this? Di ka pa masaya na ginago mo ako nong party?!"


"Motive?! Anong sinasabi mo?!"


"Playing innocent again, Fran?! O baka magpanggap ka na naman na ngayon mo lang din ako nakilala at nakausap? Ganyan ba ang laro mo? Nag-e-enjoy ka ba sa pagmamaang-maangan? Okay, sige sasakyan ulit kita ngayon. Magpakilala ulit tayo sa isa't isa!" He grabbed my arm and pulled me to the car.


"A-ano ba?! Hindi ko alam ang sinasabi mo—" Pinaghahampas ko siya nang pakaladkad niya akong hinila papunta sa backseat ng sedan. "Where are you taking me?! Ano ba?! Bitawan mo ako!"


"Just fucking shut up, bitch!"


"No! Ayoko! Bitawan mo ako—" Isang sapak ang ibinigay niya sa akin na halos magpadilim sa paningin ko.


"Sinabi na kasing manahimik ka! Nakakapikon ka na!" Pilit niya akong pinapapasok sa loob.


Binuksan ng isa sa mga kasama niya ang pinto at tinulungan pa si King na ipasok ako sa loob. Kahit mahigpit ang kapit ko sa pinto at napabitaw rin ako ng mahilo ako sa natanggap kong sapak mula kay King. Napahagulhol na lang ako habang pilit pa ring nanlalaban.


Ang isa sa mga lalaki naman ay napapalatak ng makitang umiiyak na ako. "Mga brod, out na muna ako. Baka madale ako dito."


"Phil, ang baby mo!" asar na busga ng lalaking nagbukas sa pinto ng sedan.


"Gago, ayoko madamay. Graduating na ako, maigi na iyong nag-iingat. Yari ako kay erpat kapag di pa ako nakagraduate this year."


"Bahala ka! Basta wag ka maingay, hindi mo kami pwedeng ilaglag."


Tumalikod na ang lalaking nagngangalang Phil. Mabilis ang mga lakad nito palayo.


Lalo akong napahagulhol sa takot ng maiwan kami. "Parang awa mo na, pakawalan mo ako, King. Uuwi na ako... please..."


"Panyo, Arevalo!" Nakalitaw sa bulsa ng lalaki ang kulay maroon na obviously branded scarf. Inabot iyon ni King ngunit pinigilan siya nito.


"Damn, brod, this is Sandoval's!"


"Papalitan ko 'yan, and will you stop acting like a pussy?!" Padaskol niyang inagaw ang scarf mula rito at mahigpit na itinali sa magkabila kong pulso.


"H-hayup ka..." Nanghihinang sambit ko. Nawawalan na ako ng lakas at pag-asa.


"Hindi naman aabot sa ganito kung di ka masyadong matapang!" singhal niya sa akin. "Kung hindi ka nag-inarte, mag-uusap lang sana tayo! Pero gaga ka! You pushed me to do this to you!"


"Kikidnapin mo iyan? Latorre, may CCTV dito, gago!"


"Madali na ipabura ang records niyan. Saka ibabalik ko rin naman 'to, tuturuan ko lang ng leksyon. Don ka na sa unahan, umalis na tayo!"


Butil-butil ang pawis ni Arevalo habang nakatingin sa akin. Si King naman ay pilit akong pinapahiga sa backseat.


"Are you really sure about this, brod?"


"Yes. Drive the car bago pa may makakita sa atin!"


"San tayo?"


"Sa Batangas."


Nahintatakutan ako sa pwede kong sapitin sa mga kamay nila. "No, please..." impit na iyak ko.


Napahinto sila pareho ng may dumating na kotse. Isinubsob ako ni King sa upuan. "Dont you fucking make a noise!" Mariin ang hawak niya sa leeg ko. Hindi na ako makahinga. "Arevalo, kilos na! Isarado mo ang pinto!"


Hindi ko na alam kung nasaan si Arevalo ngunit hindi sumara ang pinto ng backseat. Matapos ang katahimikan ay nakarinig ako ng putok ng baril.


"Shit!" Bumitaw sa akin si King.


Saan galing ang putok ng baril?!


"Tangina, brod! Tangina, may tama ako!" Boses ni Arevalo.


Inipon ko ang aking lakas para tumihaya at tingnan ang nangyayari. Mabilis naman akong nakakilos dahil umalis sa likuran ko si King. Bumaba siya ng kotse para harapin ang kung sino.


"Who the fuck are you?! Bakit ka nakikialam dito?!"


"Binaril ako sa binti, gago! Tangina!" hiyaw ni Arevalo.


"Sino ka sabi bakit binaril mo ang kaibigan ko, gago ka!"


Madilim na sa labas at si King na lang at ang matangkad na lalaki na nasa harapan niya ang nakikita ko. Malamang na nakalugmok sa sahig si Arevalo dahil may tama ito.


"Tangina ayoko pa mamatay! Ga-graduate pa ako!" Patuloy pa rin ito sa pagmumura hanggang sa makita ko ito na gumagapang papunta sa harapan ng kotse. Kumapit ito sa pinto ng passenger's seat at nagpumilit makatayo.


Pasugod si King sa lalaking may baril ng bigla itong huminto at napaluhod sa sahig matapos ang dalawang putok.


"Argh! My knees!" Basag ang boses ni King. "F-fuck..." Sumubsob ito sa kung saan.


"Latorre!" sigaw ni Arevalo. Hindi nito malaman kung ano gagawin, kung pupuntahan si King o tatakas na lang na mag-isa. Sa huli ay tinalikuran nito ang kaibigan at paika-ikang pumasok sa driver's seat.


Nagpanic ako ng nasa harapan na ng manibela si Arevalo. Ngunit bago nito ma-start ang kotse ay dalawang putok pa ulit ang narinig namin at pagkatapos ay maingay na singaw ng mga nabutas na gulong.


Napapalahaw ito sa manibela. "Putanginaaa!"


Humawak ako sa pinto ng kotse upang lumabas. Nasa harapan ko na ang matangkad na lalaking nagligtas sa akin. Nanginig ang aking mga labi nang salubungin niya ako sa paglabas ng kotse.


Napuno ng luha ang mga mata ko. Akala ko hindi na siya darating. Hiniklas niya ang bewang ko at payapos akong hinila pababa. Napahagulhol agad ako sa kanyang dibdib. Hinayaan niya lang akong umiyak sa dibdib niya.


Gumanti siya ng yakap sa akin. Mas mahigpit. Inalis niya ang nakataling scarf sa mga pulso ko. Kinarga niya ako matapos ang ilang minuto at saka dinala sa nakaparang sasakyan. Kulay puti ang kotse na dala niya ngayon, hindi ko na nabistahan kung anong kotse dahil sa nanlalabo pa rin ang aking paningin sa luha. Hindi ko na rin nakita kung ano ang nangyari kay King.


Pagkalapag niya sa akin sa passenger's seat ay umikot na siya sa kabila. Nakayuko pa rin ako habang umiiyak kahit nasa tabi ko na siya.


"I'm sorry h-hindi ko sinabi sa 'yo ang tungkol kay King. Ayoko lang na mag-alala ka at may gawin ka. As much as possible, gusto ko na lang sanang kalimutan ang nangyari, hindi ko kasi akalain na babalikan niya pa ako."


Tahimik lang siya sa aking tabi.


"That night..." sumisigok na simula ko. "Ihahatid niya lang dapat ako mula sa party na pinagdalhan sa akin ni Olly. Akala ko mabait siya... akala ko ihahatid niya nga talaga ako pauwi..."


Dinig na dinig ko ang paglagutok ng mga buto niya sa kamay.


"P-pero hindi niya ako hinatid..." Muli akong napaiyak. "Sinubukan niya akong pagsamantalahan. Hinalikan niya ako at hinawakan sa kung saan-saan. Hindi ko siya malabanan dahil mas malakas siya sa akin. I... I tricked him na okay lang sa akin ang ginagawa niya, para lang pumanatag siya..." Pumiyok ako sa panginginig habang nagkukuwento. "Dahil doon natakasan ko siya."


Hindi pa rin siya kumikibo.


"I'm sorry, matigas ang ulo ko. Muntik na akong mapahamak. God knows, sising-sisi ako pagkatapos. Diring-diri ako sa sarili ko. Kung hindi dahil sa 'yo, baka hindi ko na makalimutan iyong nangyari..."


Naramdaman ko ang pagpatong niya ng jacket sa katawan ko.


"S-sana hindi magbago ang tingin mo sa akin after all what I've told you... sana m-mahal mo pa rin ako..."


Hindi siya sumagot. Siguro ay sobrang disappointed siya. Nagsikip ang dibdib ko sa lungkot. Ang sakit na iyong taong gusto kong makasama sa kabila ng agwat namin sa isa't isa, ay tuluyan na sa aking nawalan ng gana. Dahil sinungaling ako, dahil hindi ako marunong makinig, at dahil napakahina kong tao.


"U-umuwi na tayo..." nauutal na sabi ko. "Tara na. Gusto ko na lang magpahinga..."


Ngunit lumipas na ang ilang minuto na hindi niya pa rin ini-start ang makina ng kotse.


Kumuyom ang mga palad ko sa aking kandungan. "Ano ba?! Ang sabi ko, tara na! Bingi ka ba, ha?! Gusto ko na sabing umuwi at magpahinga!"


Wala pa rin siyang sagot kaya nilingon ko na siya. Naiinis na kasi ako. Bakit hindi siya nagsasalita?


Napaawang ang mga labi ko nang tingnan ko siya at magsalubong ang mga mata namin. "Uncle Jackson..."


JF

Continue lendo

Você também vai gostar

2.7M 101K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
1M 29.5K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
496K 36K 8
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...