Immortal City

By Kokonoze

649K 19.2K 3K

They are special. They are different. They are chosen. They are, but not her. Celestine Demafelix was chosen... More

Immortal City
Note
01 - Cenon Thanh
02 - Kaven Slade
03 - Zairus Demafelix
04 - Lucienne Starr
05 - Xaniel Velasco
06 - Celestine Demafelix
07 - Drake Parker
08 - Julien Ruiz
09 - Kaoru del Valle
10 - Ione Alcazaein
11 - Riley Avena
12 - Van Veridiano
13 - Luna White
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Character Design
Special Chapter: The Moon and the Fireworks
Special Chapter: Tale of Hers
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 12

7.2K 325 40
By Kokonoze

Chapter 12
Inside The Maze


"Start moving."

Halos mapatalon ako nang bigla kong marinig ang boses ni Kuya Zairus. Muntikan ko nang isipin na baka nandito rin siya sa madilim na lugar kung nasaan ako kaya lang naalala kong may earpiece nga pala kami kaya kami nagkakarinigan.

"M-Masyadong m-madilim. B-Baka isa lang 'tong trap," sabi naman ni Riley, Number Eleven. Ramdam ko ang takot sa boses niya dahil kinakabahan din ako kagaya niya.

"No," ngayon ay si Drake naman ang nagsalita. "This isn't a trap. Tama si Zairus. We have to start moving."

"Are you nuts?!" sabi ni Lucienne at halos mapapikit na ako sa lakas ng boses niya. "Worry a little, won't you?! Paano kung tama nga si Riley? What if this is really a trap?"

"I really think it's unnecessary to shout. We're in the middle of a competition, remember?" cold na sabi ni Kaven.

"Hello? Hello, guys?" Kumunot ang noo ko sa narinig ko. "Naririnig niyo ba ko? Hindi ba sira ang earpiece ko? Nahulog kasi, e, tapos natapakan ko pa. Baka hindi na gumagana. Testing lang, haha. Sagot naman kayo, oh. Helloo."

"Oo, Kaoru, naririnig ka namin," sabi ko sa kanya na sa tingin ko ay narinig din ng iba.

"Oh, hello, C!" tawa niya. "Gumagana nga." At tumawa ulit siya.

"Are we done with the pep talk? Pwede na ba nating pag-usapan kung anong plano?" sabi ni Xaniel, Number Five. Narinig ko pa siyang bumulong, "That was an awful pep talk, by the way."

"The plan is simple. Start moving," sabi ni Kuya Zairus. And then, "Celestine, are you okay?"

Naramdaman kong uminit ang mukha ko. Nakakahiya. Sigurado ako na narinig 'yon ng iba! T-Teka, magkapatid naman kami kaya wala namang malisya 'yon, 'di ba? Ano ba kasing iniisip ko!

"Okay lang ako, Kuya," sabi ko.

"Ha? Anong sinasabi mo, C? Sinong kinakausap mo? Mukhang 'yung earpiece mo yata ang sira," sabi ni Kaoru at pinagtawanan ako. Talagang hiyang-hiya na ako ngayon.

"Think of the person you want to communicate with," sabi ni Kuya. "Sa gano'ng paraan, siya lang ang makakarinig ng sinasabi mo."

Ibig sabihin, ako lang ang nakarinig ng sinabi niya kanina? At dahil hindi ko alam na pwede pala ang sinasabi ni Kuya, lahat ng members ay narinig ang sinabi ko. Okay, mas nakakahiya 'yon.

"Put your right hand on the right side of the wall while walking," sabi ni Drake. "Or any side. Just pick one and don't ever let go of it. That way malalaman niyo kung saan na kayo napupunta. Malay natin, eventually it would lead us to its end and find ourselves our exit."

Smart.

"Doing it already," sabi ni Julien na ngayon ko lang narinig magsalita.

"Suportado ko 'yung sinabi ni Drake. Everyone start walking and don't lose the wall," sabi ni Ione na kagaya ni Julien ay ngayon ko lang din narinig magsalita.

Don't lose the wall, sabi ni Ione.

I don't have any wall.

"Wait, baka kasi mali lang ako ng pagkakaintindi o tama nga ako," umpisa ni Cenon, Number One. "Ang sabi kasi sabay-sabay dapat tayong makakalabas ng maze, 'di ba? Paano natin gagawin 'yon kung magkakaiba tayo ng maze? Paano tayo makakalabas ng sabay sabay?"

Oo nga, ano? Bakit hindi ko naisip 'yon?

"That's an easy question," sagot ni Lucienne with her usual conceited self. "Kailangan lang natin hintayin ang iba na mahanap ang kani-kanyang exit, then we could all go out at the same time."

"No. If you're doing it easy, you're doing it wrong," sabi ni Van na parang nang-aasar.

"What's your suggestion then, genius?" Lucienne hisses. She sounds pissed.

"Don't ask me. Ask the real genius here. Come on, Zairus. Tell us what's in that freaking brain of yours."

"I told you to start moving and that's it," my brother says, probably tired of all the whining. "It's a simple instruction that if you actually care to follow, I'm sure somewhere inside your freaking brain, you'll come up with a general idea to remember the route you've taken. We've spent six minutes and forty-seven seconds. While everyone's becoming a brat we're also wasting our time."

"So we're just going to keep moving and that's it?" tanong ni Xaniel.

"That's our best bet."

Silence.

I'm thinking about Luna in the middle of this silence.

Hindi ko pa siya narinig na magsalita simula pa kanina. Kasali rin ba siya rito sa opening ceremony? Nasa maze rin ba siya tulad namin? Kanina pa kasi pinaulit-ulit ang salitang chosen twelve.

Nag-aalala ako dahil labintatlo kami.

"Luna? Nasaan ka?" tanong ko kay Luna at alam kong siya lang ang makakarinig nito this time. O baka hindi. Baka hindi niya narinig ang sinabi ko. Baka nga hindi niya narinig dahil matapos ang isa, apat, sampu, labing anim na segundo, hindi ko narinig ang boses niya.

Silence.

Everything's filled with silence. But it doesn't last for long.

"It's a cycle," rinig kong sabi ni Riley na sa tingin ko ay sobrang kinakabahan. "It's a cycle! We're not going anywhere!" at ngayon ay narinig ko ang paghikbi niya. Umiiyak siya. Natatakot siya. "Sinunod ko naman ang sinabi ni Drake. Sinunod ko lahat pero wala pa rin! Paulit ulit lang ang mga pag-liko ko. Paano kung hindi na ako makalabas dito?"

She's terrified. I can feel her how she fears this maze. She's afraid that she might not be able to get out. Ever.

"Calm down, Riley. This isn't the time to panic," Kaoru says softly and I can sense his sincerity. For a short period of time, I almost thought it wasn't Kaoru speaking.

"Calm down?! I can't! I told you this was a trap! We're all going to die!"

"No, we're not! Walang mamamatay!" It's the best thing I've heard from Lucienne all day.

"I think we're all experiencing what you are going through, Riley," sabi ni Kuya Zairus. "If memory serves me right, it's my 23rd time to walk on the same sequence of turns. I think this is a pattern."

Pattern? I almost forgot.

"It's been twenty-eight minutes! Baka hindi na tayo maka-abot sa twenty chosen twelves." I ignore what Riley says.

"Remember what the voice told us?" I ask them. "We should keep in mind a sentence that would help us solve this maze," I tell them but what Riley said still rings on my mind. Paano nga kung hindi kami makaabot?

"You have to be on top to find your way down," paalala ni Ione. "That's what I heard. I thought it was useless shit. It doesn't even make sense. Kailangan nasa itaas ka para makababa ka? So kailangan natin akyatin itong pader, gano'n? Bakit mo sinasabi ngayon 'yan, Celestine?"

"Sigurado akong hindi naman sa atin sasabihin 'yan kung walang purpose," sagot ko.

"I think I know where this is going," sabi ni Kuya.

"You have to be on top to find your way down," pag-ulit ko. "It doesn't literally mean that we have to get up there only to go back down here. Sa tingin ko, ang ibig sabihin no'n ay kailangan natin makita ang nasa ibaba from the top view. At sa tingin ko rin, walang exit ang maze na 'to."

They were silent for a few seconds so I continue with my theory.

"I think we're not supposed to find an exit but find a way out instead. Base on their venue and stuff, hindi na malabong isipin na isang komplikadong maze 'to," sabi ko sa kanila habang iniisip ang kalagayan ko. Wala ako sa isang maze. Pero hindi ko alam kung bakit.

"Diretsuhin mo na kami, Celestine. Ano ba talagang sinasabi mo?" tanong ni Lucienne.

"What Celestine wants to say is that we're not actually going to find our way out with our bare feet," my brother explains. "Instead we're looking for letters. This is not a maze. This is a puzzle."

I shouldn't be surprised. If there's anyone who can figure a way out of this maze before me, it's Zairus.

"Letters? Puzzle? Teka, ang gulo." Mukha ngang naguguluhan na si Ione. Nagsabi rin ng kani-kanyang reaksyon ang iba at halos lahat sila ay naguguluhan.

"Kaya paikot ikot lang tayo dito sa maze dahil nasa loob tayo ng isang letter," pag-explain ni Kuya. "Ang shape ng maze natin ay shape ng isang letter. Mayroong apat na tuwid akong dinadaanan sa maze ko. At 'yung tatlong daan ay konektado sa isang daan. Hindi ko na kayo pahihirapan pang mag-isip kung anong letter ang maze ko. Sa tingin ko capital letter lang ang mga maze. Letter E ako. Ngayon, isipin niyo kung anong letter ang inyo."

Pansamantalang natahimik ang lahat pero 'di rin nagtagal dahil bigla nalang nagsalita si Kaoru.

"That explains it! Kaya pala isang straight na linya lang ang dinadaanan ko kanina pa, tapos pareho pang walang exit ang dulo."

At matapos ang ilang segundo ay sinabi na nila ang letter na sa tingin nila ay maze nila.


No. 01        Cenon            P

No. 02        Kaven             C

No. 03        Zairus             E

No. 04        Lucienne       A

No. 05        Xaniel             T

No. 07        Drake             H

No. 08        Julien             H

No. 09        Kaoru             I

No. 10        Ione                M

No. 11        Riley               O

No. 12        Van                 N


"Ikaw ba, C? Anong letter ang sa'yo?" isang tanong na ayokong sagutin ang tinanong ni Kaoru. Paano ko sasabihin sa kanila na 'di tulad nila ay walang pader sa paligid ko?

"Ah, ano, ah, letter J," pagsisinungaling ko.

"You're lying." Halos mapatalon ako nang biglang magsalita si Kuya Zairus. Walang nag-react kaya sa tingin ko ay sa'kin niya lang 'yon sinabi.

"Hindi ko alam, Kuya. Ang sa'kin kasi, isang madilim na lugar at walang kahit anong pader. Anong ibig sabihin no'n?" sabi ko pero hindi niya ako sinagot.

"Try to form a coherent word from these letters," sabi ni Kuya at sa tingin ko ay para sa aming lahat 'yon.

Lumipas ang ilang minuto at isa isa na silang nagsalita.

"Sa tingin ko hindi lang isang salita ang mabubuo kung hindi kasama ang letter J," sabi ni Cenon. "Kaya lang kung dalawang word nga 'to. Dapat may space, 'di ba?"

"Ngayon ka pa ba magpapaka-dalubhasa sa grammar, Cenon? Okay lang kahit walang space!" sabi ni Van.

"No," my brother interjects. "Tama si Cenon. Kailangan ng space."

"Ano bang pinagsasabi niyo?" tanong ni Xaniel na parang naiirita na.

"Celestine's maze isn't letter J. Celestine is our space. Now on the count of three, everyone say those two words."

One.

Two.

Three.

"The Champion."

Everything goes white.

Kung kanina ay sobrang dilim, ngayon naman ay sobrang liwanag.

It's so bright that I can feel the light pricking through the half-closed lids of my eyes. Right after I adjust to the new venue, I hear something that made my heart race.

I see my fellow members beside me.

"The chosen twelve who made it in last place—Immortal City."

Continue Reading

You'll Also Like

850K 25.9K 68
Si Stella Franz ay isang typical na unemployed fresh graduate ng Advance Information Technology sa taong 473 G.E.. Due to her frustration to find a...
762K 30.7K 112
THANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 MINT ACADEMY SERIES #3 After a month they finally found their peace bu...
5.1M 195K 44
Akala ni Jill Morie ay tapos na ang laban, matapos nilang matalo ang Memoire ay payapa na silang namumuhay ngayon sa Isla Ingrata. Subalit biglang ma...
247K 16K 55
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH After an unexpected apocalypse, Amira and her friends found themselves trapped inside the border of Luzon, in which the vir...