ONE SHOT COLLECTION

By SuperG_19

23 0 0

Kung anong maisip kong storya ay isusulat ko dito. - у σ υ я ѕ т я υ ℓ у ♡ More

G O O D B Y E
DO I KNOW YOU?

C O N F E S S I O N

10 0 0
By SuperG_19

Nandito ako sa field ngayon tamang nood lang ng soccer hays, Bukas na ang valentines at ilang buwan nalang din at mag babakasyon na hindi kona naman siya makikita

"Hoy Layla sino nanaman bang tinitingnan mo diyan?" binigyan kolang ng konting tingin si ruby at nag patuloy nako pag masdan ang ilang taon kona ding crush

"Aysus, kilala kona. Si clint naman lagi eh, Kelan kaba kasi aamin diyan sa crush mong yan?" dagdag wika pa niya, ang daldal talaga nitong babaeng ito

"Ayaw ko nga kasing umamin ka--"

"Kasi siya ang gusto mong lumapit sayo" pinutol niya ang sinabi ko "Abay walang mangyayare layla kung ikaw ang mag hihintay, ni hindi ka nga matingnan niyang si clint eh lapitan pa kaya?" dagdag pa nito

"Kaibigan ba talaga kita? Bakit ang bastos ng bunganga mo?" inis pero pabiro kong wika

"Sinasabi kolang naman yung totoo, Ilang buwan nalang at lilipat na tayo ng kanya kanyang paaralan ikaw din baka pag sisihan mo" naintindihan ko naman ang pinupunto niya

"Pero paano nga kasi kung umamin ako tapos hindi naman niya ako pansinin? Mapapahiya lang ako"

"Eh paano naman kung hindi? Tsaka okay lang kung mapapahiya ka remembrance mona dito sa school" humagalpak lang siya ng tawa matapos niyang sabihin yon

"Bahala kana nga diyan" tumayo nako at pinulot ang bag ko sa damuhan ngunit biglang may gumulong na bola dito nag angat ako ng tingin at nakita ko siyang papalapit

"C-Clint?" fvck!

"Miss kunin kolang sana yung bola?" pinulot ko ang bola at binigay sa kanya

"Salamat" ngumiti lang siya at umalis na, pinanood kolang siya hanggang sa nag laro na siya ulit

"Ghaaaaaaaad! Ruby nakita moyon?!! Nilapitan niya akooo!!"
kinikilig kong saad

"So aamin kana?"

"Ewan, Hindi niya ako kilala rubs, Miss tawag niya sakin eh" nalungkot ako bigla sabagay paano nga ba niya ako makikilala eh hindi naman kami naging classmate since first year, Hindi talaga kami siguro tinadhana.

"Edi mag pakilala ka, Bukas na ang valentines umamin kana sa kanya tutal may event naman tayo non diba?" napaisip ako sa sinabi ni ruby, sige wala namang mawawala eh dignidad kolang.

K I N A B U K A S A N

Medyo inaantok pa ako ngayon dahil napuyat ako sa ginawa kong confession letter kay clint pero dahil sa excitement kong nadarama ay bumangon na ako at naligo matapos ay nag ayos nako ng sarili ko, Oo na hindi lang basta ayos, Nag paganda ako okay na? Nilugay ko ang mahaba na medyo kulot kong buhok sinuklay ko ito nag liptint ako na diko naman talaga usually ginagawa pag kelangan lang sa school, Pero ngayon excuse muna kasi kelangan ko sa kalandian ko. Nag pulbos nalang ako dahil hindi naman ako marunong gumamit ng iba pang kolorete sa muka. I prefer to wear black jeans and gray long sleeve and gray shoes. i spray some perfume before i went out to my room.

Sinuot kona ang bag ko nag kiss at nag paalam nako sa parents ko "Alis napo ako" sumagot lang silang mag ingat ako, Sana kayanin ko.

Pag pasok ko ng gate ay may ilang studyante din ang napatingin sa akin dahil siguro ngayon lang ako nag ayos ng ganto, Sana si clint din pag nakita niya ako ay tumigil siya pag lalakad at titigan na niya lang ako. Okay libre ang mangarap. Nag patuloy na ako sa pag lalakad ko, Bakit kaya wala pa si ruby?

Tumingin lang ako sa ilang booth na nandidito, Wedding booth may nakikita agad akong ikinakasal nakakatuwang isipin kung ikakasal kami ni clint diyan, Jail booth may nakakulong na isang babae at lalaki palagay ko'y may gusto ang isa sa kanila, gusto kong makulong kami diyan ni clint at aamin ako ng nararamdaman ko sa kanya, Photobooth mahaba ang pila na gustong mag pakuha ng litrato ang iba ay mag kakaibigan at ang iba naman ay mag kakasintahan, Naiisip kong mag pakuha kami ni clint diyan. Hays hanggang sa isip kona lang ba talaga clint yung scenery na kasama kita?

Lumakad pa ako sa may bandang dulo at nakita ko ang isang booth diko lang mabasa masyado pa ang pangalan dahil mukang bago palang nila isina-saayos ito.
Nailagay na nung lalaki ang malaking tarpaulin at nakasulat ang

"Confession Booth?" napalingon ako nung may nag salita sa likod ko

"C-Clint?" agad siyang lumingon sa akin nung tawagin ko siya

"Hmmm bak--" hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya ng biglang may nag posas sa dalawang kamay niya

"Sorry clint nakasuot ka kasing redshirt eh kaya hinuli ka namin, Makukulong kalang naman ng 30mins eh pero pag nag bayad ka ng 100 pesos dika na namin ikukulong" buti nalang at naka gray ako

"Mag babayad nalang ako, May pupuntahan din akong booth eh." inabot niya ang 100 pesos dun sa mga nag mamanage ng jail booth, pero saang booth kaya siya pupunta?

"Salamat pre, pero saan ka naman pupuntang booth?" pag aalam pa nung lalaki

"Sa confession booth" umalis na ang mga lalaki na nakangiti nung sinabi niya iyon, Samantalang ako eto natulala, Aamin ako sa kanya tapos aamin pala siya sa iba. Napaka gandang valentines naman nito.

"Clint alis nako ah?" pag papaalam ko sa kanya tumango lang siya bilang sagot

Tumakbo ako papuntang cr nag kulong ako sa isang cubicle at nilock ko ito.

"Fvck clint buti nalang hindi ako umamin sayo dahil mapapahiya lang talaga ako. Bakit ba kasi pag nag kacrush ang isang tao dun pa sa hindi siya kayang icrush back? Clint hindi pa tayo pero pinaiyak mona agad ako. Clint bakit kaba ganyan ha? Nag puyat pako para dito sa confession letter nato pero masasayang lang pala dahil may gusto ka namang iba, Bakit ba hindi nalang ako? Maganda naman ako diba? Nag liptint pa ako para sayo nilugay kopa tong buhok ko miske naiinitan na ako tapos hindi molang naman mapapansin at sa iba kapa may gusto!!!" mahabang saad ko sa banyo habang umiiyak ako

"Are you done?" fvck! boses ni clint yon, narinig kaya niya lahat ng sinabi ko?

"Oo narinig ko, Lumabas kana diyan" sa isip kolang yun ah? pero narinig niya. nag punas akong luha at matapang ko siyang nilabas

"Girls comfort room to bawal ang boys alam mobang pwede kitang ioffice?" pag tataray ko kahit alam kong namumugto ang mata ko

"Bakit bigla ka atang naging masungit?" syempre para di halata ts

"Pwede ba wa--" inilagay niya yung pointed finger niya sa labi ko dahilan para mapatigil at matahimik ako

"Sssshhhhhh" saad niya "Wag kana mag balak mag dahilan pa, huli kana oh kaya kulong ka" he smirked tinabig ko siya at aakmang tatakbo ngunit hinawakan niya ako sa aking braso

"Where are you going? Hindi pa ako tapos mag salita hindi ba? As i've said huli kana kaya kulong ka, kulong ka sa puso ko at di kana makakatakas pa" ha? naguluhan ako sa sinabi niya

"A-anong i-ibig m-mong s-sabihin c-clint?" nauutal kong saad

"Kinikilig kaba kaya ka nauutal layla? Kung ganon nakakatuwa naman" namumula niyang saad "Alam kong hindi moko naiintindihan hayaan mo at ipapaintindi ko sayo, pero wag tayo dito hindi magandang umamin ng nararamdaman sa loob ng c.r" lumabas kami sa c.r at nag lakad hindi ko alam kung saan kami pupunta hinahayaan kona lang kung saan niya ako dadalahin dahil hanggang ngayon ay naguguluhan ako, alam ko naiintindihan ko na parang gusto nga niya ako pero naguguluhan ako dahil sa bakit paano at kelan?

"Pwede bang bumalik kana sa katinuan? Nandito na tayo oh hindi ako sanay ng ganyan ka" nag angat ako ng tingin at nakita kong nasa tapat kami ng Confession Booth hindi ko alam kung bakit ako ganto naiinis ako sa sarili ko

"Oh Clint siya naba yon? Tara simulan na natin" sabi ni johnson hindi ko siya kilala nabasa kolang sa tag name niya

'Sige na layla wag kana choosey gusto mo naman to diba? Matagal na eto nayon oh" pag kausap ko sa aking sarili

Pinalakad lang kami sa isang red carpet papunta sa may lamesang may nakatayong lalaki na nag aantay, Teka confession booth ba to? Bakit parang wedding booth. Nakadating na kami sa tapat nung lalaki

"Ang booth namin ay maraming klase ng confession nasasayo na kung ano ang gusto mo, Pipili lang kayo sa ilang kulay ng papel na hawak ko Yellow for friendship kung gusto mo siyang maging kaibigan Pink for crush kung gusto mong umamin ng nararamdaman mo sa kanya and Red for jowa kung gusto mo siyang maging girlfriend/boyfriend you can only choose one" Pag papaliwanag samin ni Gusion ng mechanics hindi ko ulit siya kilala nabasa kolang sa tag name niya.

"Ladies first" he said

Nag lakas loob na akong bunutin yung pink tutal eto naman na yon eh nandito nato wala ng atrasan

"Pink?" he asked

"Yes, Hmm to be honest sobrang nahihiya na ako sayo ngayon lalo na at alam naman nating dalawa kung ano yung narinig mo sa c.r, And yes crush kita clint since 1st year high school, Ewan koba kung bakit hindi manlang kita naging classmate sa 6years nating pagiging schoolmate maybe hindi tayo para sa isa't isa pero hindi ako sumusuko dahil lang don sa hindi kita nagiging classmate, Lagi kitang pinapanood pag may laro ka lagi akong nag lalagay ng Hindi mo manlang nga ako napapansin eh kahit nga pangalan ko hindi mo alam pero okay lang ulit. Umamin na ako clint okay na?" tatalikod na sana ako nung bigla niyang hawakan ang braso ko, tumingin ako sa kanya

"Hindi mo manlang ba papakinggan ang sasabihin ko?"

"Bakit kopa papakinggan kung alam kong masasaktan lang ako?" sabi ko sa isip ko tumalikod na ako ng tuluyan, nakakaisang hakbang palang ako nung mag salita siya

"Pink yellow at red, pinipili ko itong tatlong to. I don't care about the mechanics i'll still choosing it" nilingon ko siya at hawak nga niya ang tatlong kulay na iyon, anong ginagawa niya? anong nangyayare?

"First is pink i have crush on you, oo torpe ako kaya hindi ako umaamin natatakot lang din kasi akong umamin sayo dahil baka ireject mo ako, never ka din naman nag tapat ng feelings mo saken, i know ang kapal ko pakinggan kasi inaantay pa kitang umamin kung pwede namang ako, and yung narinig ko sa cr kanina i grab that chance kasi alam kong hindi moko irereject, sorry ha? natatakot lang kasi ako, Sabi nga nila kung gwapo ka at maraming nag kakagusto sayo pero yung taong gusto mo ay hindi ka naman gusto wala lang din yang gwapo mo, ang sakit lang kasi isipin nun kaya hindi na ako nag tangkang umanin layla, since enrollment palang nung 1st year high school crush na kita pero ikaw nung pasukan lang at alam ko ang pangalan mo Layla Bernadette Villaran Gonzales sadyang nag panggap lang din akong hindi kita kilala dahil torpe nga ako. Second is Yellow i want to be your friend first kasi duon naman talaga nag sisimula ang lahat diba? Getting to know each other muna pero if you want The last is red, Let me be your boyfriend,I'm worth it i promise you, i won't hurt and leave you but don't get me wrong Hindi ako nag mamadali ofcourse i'll wait for you to get ready, kahit gaano katagal basta alam kong sa huli akin ka." wala akong masabi naluluha nadin ako sa mga sinabi niya, gusto niya ako at gusto kodin naman siya

"Sige ligawan moko pero tama ka, kilalanin muna natin ang isa't isa" he smiled

"Since I chose to be with you and you chose to be with me, I am pretty certain that being together is meant to be." i smiled back

Kung may mga bagay kang gustong makuha kelangan mo itong pag hirapan at hintayin dahil pag minamadali mag kakamali.
- у σ υ я ѕ т я υ ℓ у ♡

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 33.5K 64
"Love is like war,easy to begin but very hard to stop." Alastair Gray McKlein- a wealthy young-man guy with an epitome of God except to his personali...
853K 1.2K 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
132K 421 16
This story is not mine credits to the rightful owner 🔞
36K 1.7K 44
Veranell Laxinne is a well-known heiress of the Laxinne family. Her father, a military general, and her mother, a famous lawyer, have provided her wi...