Obey Him

By JFstories

26.9M 1M 352K

He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's leg... More

Prologue
Jackson Cole
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Final Chapter
Epilogue
RNS
OH Uncut Collection

Chapter 16

376K 13.2K 6.5K
By JFstories

Calder is a breath of fresh air. Unang lalaki na naging kaibigan ko, unang lalaki na nakapalagayan ko ng loob, at unang lalaki na nagbigay ng kulay sa dating black and white kong mundo. 


Hindi ako worried sa realization na may gusto ako kay Calder. In fact, I am relieved that it's him that I like. The first time I met him in Davao, I trusted him instantly because I could feel that he was a good man.


Alam ko rin na hindi siya ang tipo na magti-take advantage sa sitwasyon. Hindi ko nga lang sigurado kung may nararamdaman din ba siya sa akin na kahit kaunting atraksiyon. O baka talagang naaaliw lang siya sa akin. Although he said he loves me, that could mean many things.


Kahit malaking bulas ako at nasa college na, I am still sixteen. Actually, going sixteen. Ang puwede pa lang sa akin sa mga panahong ito ay crushes. 


"Can I call you Calder now?" tanong ko na hindi sa kanya nakatingin. Wala lang. Bagay naman sa kanyang hindi kuyahin dahil mas isip-bata pa yata siya sa akin.


Nang lingunin ko siya sa ulit ay napasabunot siya sa kanyang ulo. Para siyang biglang naaburido. Pigil na lamang ang ngiti ko.


...

Pagkauwi sa mansiyon ay kaswal na naghiwalay kami ni Calder. Kasabay ng pagbaba namin sa sasakyan ay ang pagkabura ng mga ngiti namin at pagseryoso ng aming mga mukha. 


Bago ako pumasok sa pinto ng mansiyon ay pasimple ko siyang nilingon, pasimple rin siyang lumingon sa akin. Pormal ko siyang tinanguan bago ako tumalikod.


"Andito ka na pala, ganda!"


"Hi, Ate Minda!"


"May pinabibigay si Sir Jackson sa 'yo." Nakangiti niya akong hinila. Sa kilos niya ay para bang excited na excited siya. "Bilin niya na ipakita agad sa 'yo pagkauwi mo!"


"Ano?" Napasunod ako sa kanya sa sala dahil hindi niya na binitawan pa ang kamay ko. Kahit ayoko ay nakaramdam din ako ng excitement.


Ano na naman kaya ang meron ngayon?


Huminto kami sa tapat ng malaking center table sa gitna ng kulay abong mamahaling carpet. Bumagsak ang mga balikat ko at nabura ang aking ngiti. Sa ibabaw ng mababang lamesa ay may tatlong paper bag na may tatak ng mga brand na alam kong hindi biro ang presyo.


"Dinala iyan ng shopper ni Sir Jackson kaninang tanghali. Pinabili raw iyan sa 'yo ng uncle mo, at tumawag pa siya talaga para ibilin na ibigay iyan sa 'yo pag uwi mo."


Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hinawakan ko ang unang paper bag. Kulay orange ito at nababasa ko sa labas ang brand na Hermes. Hindi ko na inusisa ang loob dahil hindi ako interesado. Hindi ako mahilig sa bag. Lalo sa mamahaling bag. Bakit niya ako binilhan ng mga ito?


Para bang ang pagkain kaninang umaga at ang mga mamahaling gamit na ito ay...suhol? At bakit ganito? Ang bigat sa pakiramdam ko.


"Alam mo ang swerte-swerte mo, ganda," nakalabing sabi ni Ate Minda. "Hindi mo pa hinihiling, ibinibigay na sa 'yo. Sobrang swerte mo talaga."


"Gusto mo ba ang mga ito?" tanong ko sa kanya. "Pumili ka. Sa 'yo na ang isa." Isa lang naman. Saka, akin naman na ang mga bag na ito. Kaibigan ko si Ate Minda, at kung magiging masaya siya na magkaroon ng bag na mamahalin, magiging masaya na rin ako para sa kanya.


Namilog ang mga mata niya saka siya nagpalinga-linga nang mabilis sa paligid bago muling humarap sa akin. "Hoy? Anong akin na ang isa? Nagbibiro ka ba?!"


Napangiti naman ako. Ngayon lang ako nagkaibigan at nakapagbigay sa isang kaibigan, hindi naman siguro mamasamain ni Uncle Jackson, wala naman talaga siyang pakialam. Para sa kanya ay parang tubig lang ang pera. Plus, lahat ng bigay niya sa akin ay hindi naman siya ang pumipili, at iniuutos niya lang sa mga tauhan niya.


"Fran! Seryoso ka ba talaga?!" Hindi pa rin naman makapaniwala si Ate Minda. Kandatalsik pa ang laway niya dahil sa pagkabigla.


"Why not? You're my friend and you're nice to me."


Sa kuwarto ay agad akong nagpalit ng damit saka sumampa sa kama. Ang cell phone ko ang agad kong hinanap at kinutingting. May message sa akin si Calder na sabik ko agad na binuksan. Ah, so this is the feeling of having a crush. It's so refreshing...


Pakiramdam ko sa unang pagkakataon sa aking buhay ay ganap na tao na ako. Isang tao na may normal na pakiramdam na ganito. Masaya, magaan ang pakiramdam, at inspirado. 


Binalikan ko ang mga convo namin ni Calder sa isa't isa. Kahit mga plain lang iyon at maiiksi lang, tanungan lang kung uwian na ba, kung nasa parking na ba siya, et cetera, para sa akin ay nakaaliw iyon basahin.


Nang marinig ko ang pagbukas ng gate sa labas ay saka lang ako huminto. Automatic na itinabi ko na ang cell phone ko at nawalan na ako ng gana. Siguro kasi alam kong umuwi na siya— Umuwi na si Uncle Jackson.


Sa isang iglap, bumalik ako sa reyalidad. Hindi ako puwedeng magpakahulog sa pagiging isang normal na teenager na may crush at inspired. Isa akong malaking obligasyon sa bahay na ito, at higit sa anupaman, bilang pagtanaw ng utang na loob ay dapat aking inuuna ang pag-aaral ko.


Kinabukasan ay mag-isa lang ako sa mesa. Katulad kahapon ay bumabaha na naman ng pagkain. Utos daw ulit ni Uncle Jackson, pero wala siya ulit ngayon. Maaga ulit umalis papunta sa munisipyo.


Patay-malisya naman kami ni Calder. Pormal lang. Mahirap na at baka may makahalata. Lalo na at ihinatid ako ni Ate Minda sa garahe dahil gusto nga raw nitong sumilay sa aking bodyguard. Crush na crush din kasi ni Ate Minda si Calder.


"Ang pogi talaga niyang si Calder."


Tipid na ngiti lang ang isinagot ko kay Ate Minda. Pumasok na ako sa passenger's seat ng kotse nang umikot na rin si Calder sa driver's.


Pagkalabas ng subdivision ay inihinto niya sa tabi ng kalsada ang kotse para makalipat ako sa passenger's seat.


"Malapit na birthday mo."


Napalingon ako sa kanya. Paano niya nalaman?


"Nagtataka ka ba't ko alam?" Sinulyapan niya ako sa rearview mirror. Inginuso niya ang kanyang phone na nasa dashboard. Ah, oo nga. Friends kami sa Facebook.


Birthday ko na pala next month. Sixteen. Dalawang taon pa bago ako mag-eighteen. Wala sa loob na napasulyap ako kay Calder sa driver's. Para akong biglang napaso nang magsabay pa ang tingin namin sa isa't isa. Napabawi agad ako ng mata at napayuko. Wala naman siyang kibo.


Wala na kaming kibuan hanggang sa makarating sa university. Hindi na rin ako nakapagpaalam pa sa kanya pagbaba ko. Wala rin naman siyang sinabi.


Sa school ay hindi na ako nilapitan pa ni Olly. Parang galit na siya sa akin based sa mga matatalim niyang sulyap. Hindi ko na lang din siya pinagtuunan ng pansin. Magaan ang pakiramdam ko ngayon at wala akong balak na sirain ang araw na ito para sa isang tampuhan.


...


DATI ang palaging naiisip ko ay ang nararamdaman ng lalaking sumalo sa akin bilang isang responsibilidad. Gusto kong hulaan ang nilalaman ng isip niya, ang nararamdaman niya, at kahit ang mga araw-araw na ginagawa niya. Isa siyang palaisipan sa akin, isang misteryo. 


Si Jackson Cole. My young step-father. Ang lalaking para sa pera ay sapilitang ipinakasal kay Mama sa papel. 


Ang lalaking biglang naglaho na parang bula matapos ang kasal. At bumalik lang noong gabi na namatay si Mama. Halos hindi ko na nga siya nakilala, kung hindi ko lang natatandaan kung gaano kalamig ang mga mata niya.


Tinanggap niya ako bilang isang responsibilidan kahit pa puwede niya akong pabayaan. He supported me financially. Kahit pa umalis din siya agad, tiniyak niya na hindi ako gugutumin at mabubuhay akong parang prinsesa sa Davao. 


Tumatakbo ang araw ko sa pag-iisip kung bukod sa negosyo, ano pa ba ang pinagkakaabalahan niya rito sa Manila. Bakit bihira lang siya sa aking magpakita? At bakit, kahit kailan ay parang hindi ko pa siya nakitang ngumiti man lang?


Iyon na ang nagsisilbing libangan ko, ang lutasin ang pagkatao niya na tila isang puzzle. Pero nitong mga nakaraan, mula nang lumaki ang aking mundo, at marami na akong nakakasalamuhang tao, parang bigla na rin siyang nawala sa sistema ko.


Ngayon ay bigla ko siyang naalala. Palagi na siyang ginagabing umuwi. Pressured siya sa daddy niya na pinipilit siyang ipasok sa politika. He has no friends to talk to. Nag-iisa lang lagi siya. Para akong nakokonsensiya. Masaya ako nitong mga nakaraan, habang siya ay sinasarili ang kung ano mang nararamdaman.


Kumusta na nga ba siya?


Alas diez ng gabi. Hindi ako makatulog dahil naiisip ko siya. Naisipan ko na pumunta sa kusina para magtimpla ng gatas. Tumayo ako at pinatungan ng silk na robe ang pajama at spaghetti cotton top na suot kong pantulog. Madilim sa hallway dahil maagang natutulog ang mga tao sa mansiyon.


Nasa hagdan na ako pagkatapos kong uminon ng gatas nang makarinig ako ng tila nabasag na gamit. Napabilis ang akyat ko sa hagdan dahil malapit lang dito ang study room ni Uncle Jackson at tiyak kong mula roon ang nabasag na bagay. Kinakabahang lumapit ako sa pinto na hindi pala gaanong nakasara. Muling may kumalabog sa loob. Marahan kong itinulak ang pinto para tingnan kung ano ang nangyayari.


Sa pagsilip ko ay agad na nawala ang kulay sa aking mukha. Nakaupo sa swivel chair si Uncle Jackson habang nakatingala siya, at sa harapan niya ay may babaeng nakasubsob.


Napasabunot siya sa buhok ng babae. "Faster! Oh, fuck... fuck!" He bit his lip and threw his head back.


Walang tigil ang pagtatagis ng mga ngipin niya habang tingalang-tingala. Pawisan ang kanyang pisngi maging ang gilid ng matangos niyang ilong. Dinig ko mula rito ang marahas na pagmumura ni Uncle Jackson habang tila siya kinakapos sa paghinga. Hindi ko matiyak kung nasasaktan ba siya o nasasarapan based sa mga mararahas niyang ungol.


Ang babae naman na nakangudngod sa kanyang kandungan ay mariringgan ng basang ungol. May pagkakataon pa na tila ito nabubulunan ngunit hindi naman humihinto, sa halip ay mas lalong lumiliksi at bumibilis ang pag-alon ng ulo sa pagitan ng mga hita ni Uncle Jackson.


Napasandal ako sa pader habang habol ang aking paghinga. "Diyos ko..." Napapikit ako nang mariin. "Ano iyon? Bakit ganon?"


Saglit na panahon lang para maunawaan ko ang ginagawa nila. Hindi ako makakilos kahit gusto ko nang umalis. Butil-butil na ang pawis sa noo at leeg ko. Tumatakbo ang oras pero naririto pa rin ako at naninigas sa aking kinatatayuan. Bakit parang nakapako ang mga paa ko rito?


Nakarinig ako ng kaluskos mula sa loob, pagkatapos ay nakakabinging katahimikan. Tapos na sila? Tapos na siguro sila.


Hindi na ako makalingon dahil ultimo leeg ko ay tila na-trauma na rin at tuluyan nang naparalisado. Kasunod ng mga kaluskos ay yabag ng mga paa. Mga paang papalapit sa akin.


Impit akong napahikbi. Gusto ko nang umalis at magkulong sa kuwarto ko—


Biglang may matigas na palad na humila sa aking pulso. Napaangat ako at napayakap sa kanya nang isalya ako sa pader ng kung sino man ito.


Nanlaban ako at pilit na nanulak. "Bitawan mo ako! Wala akong nakita! W-wala akong nakita maniwala ka..."


Hinuli ng isa niyang kamay ang pisngi ko at pilit akong inihaharap sa kanya. Napaiyak na ako ngunit agad ding tumigil nang maramdaman ko ang mainit niyang mga labi sa ibabaw ng mga labi ko.


JF

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...