Hunyango (Published under Bli...

Door Serialsleeper

1.9M 103K 68.3K

Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbab... Meer

Note
Epigraph
just a little heads up
1 : Lucky Savi
2 : Torryn Grove
3 : Serial Killer Paradise
4 : The longest night
5 : Or so she thought
6 : Immune
7 : New kind of Burn
8 : Coocoo
9 : The Family
10 : Discovery
11 : Bloodshot
12 : Retrace
13 : Could it be?
14 : Trick
15 : Doppelgangers
16 : Provoked
17 : Pieces
18 : Dead Ringer
20 : Hunyango
21 : Truth or Trick
22 : Wrong place at the worst time
23 : People like us
24 : Purpose
25 : Not so lucky Savi
26 : The Lucky one
27 : The Quicksand
28 : Consumed
Epilogue
Good News!

19 : Teamwork

46.8K 2.7K 1.6K
Door Serialsleeper



SAVANNA

"Sigurado ba kayong si Jimbo iyon?" tanong ni Liam nang bumalik kami sa Motel at ikinwento ang nangyari.

"Oo, sigurado ako," giit ni Scotty. Napatingin naman sa akin sina Trick at Liam na para bang hinihintay ang aking sagot.

"Hindi ko pa rin naalala ang nangyari sa Elevator pero may naalala na ako sa nangyari sa Mt. Torryn." Pag-amin ko dahilan para kahit si Scotty ay kunot-noo ding napalingon sa akin.

"It was about Liam." I took a deep breath and sighed as I sat on the couch. "I found him lying on the ground. I thought he was dead so I left him there ran away--Scotty no!"

Nagsigawan kaming lahat nang bigla na lang itinaas ni Scotty ang kanyang kamay at itinutok ang palad sa direksyon ni Liam. Mabilis naman itong nagtago sa likod ni Trick.

"What the hell Scotty?!" Mabilis kong ibinaba ang kanyang kamay sa sahig. Mabuti na lang at hindi lumabas ang matatalim na ugat mula sa kanyang palad.

"S-sabi mo patay na si Liam! Edi hindi talaga 'to si Liam!" Scotty said on a panic as his eyes twitched in fear.

"Anong pinagsasabi mo?! Buhay ako gago!"  Galit na bulalas naman ni Liam, hindi parin umaalis mula sa likuran ni Trick. Sumisilip lang mula sa ibabaw ng balikat nito.

"It's not him!" Humarap agad ako kay Scotty dahil baka kung ano na naman ang magawa niya dahil sa gulat at takot. "Scotty, Liam was drugged! I was probably too scared habang pinupulsuhan ko siya kaya hindi ko ito napansin at inakala kong patay na siya!"

"S-sorry..." Sa huli napabuntong-hininga si Scotty at ngunguto-ngutong bumagsak paupo sa dulo ng kama. Sa puntong iyon parang nakahinga rin nang maluwag si Liam at umalis na mula sa likuran ni Scotty. 

"Scotty huminahon ka lang. Ikaw ang makakapahamak sa kanilang lahat dahil sa pagiging padalos-dalos mo." Walang emosyong komento ni Trick na kanina pa tahimik.

"S-sorry..." Nagbaba ng tingin si Scotty sa sahig, pinagsalikop ang nanginginig na mga kamay sa ibabaw ng mga tuhod. "I get scared pretty fucking easily."

"Buti alam mo!" Bulyaw naman ni Liam kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. Nanggagatong pa eh.

"Guys we have to focus on Jimbo here!" Paalala ko at isa-isa ko silang tiningnan. "If it was really Jimbo's doppelganger then he could be next!"

"Elevator!" Bulalas muli ni Scotty at nag-angat ng tingin sa aming lahat. "S-sabi ni Savi nakita niya noon si Precious sa banyo at si Sir Dalton naman patungo sa bodega! Pare-pareho silang natagpuan kung saan nakikita ang mga doppelganger nila! Ibig sabihin sa Elevator din mamamatay si Jimbo!" 

I had goosebumps when I realized that Scotty had a point.

"Saang Elevator siya mamamatay?" tanong ni Trick.

"May sariling apartment si Jimbo na malapit lang sa University. Ilang beses na akong nakakapunta roon at may elevator din doon," sabi pa ni Liam.

"Okay so what's the plan?" tanong pa ni Scotty, kunot-noo.

Tumayo ako mula sa kinauupuan. "We protect Jimbo."

"No. We can do something better." Umiling si Liam kaya lahat kami ay napatingin sa kanya. "We catch whoever is doing this to us."

"A trap..." Bulong ko sa aking sarili.

****


Liam was right. We already had the upper hand considering we knew who the target was and the possible location. We were one step ahead so we decided to make a use of it in a form of a trap.

"Are you really sure about this Liam?"  Tanong kong muli nang nasa loob na kami ng sasakyan patungo sa apartment ni Jimbo. Nasa backseat kami ni Liam habang nasa harapan naman si Trick katabi si Scotty na siyang nagmamaneho. 

Tumango si Liam, halatang kabado. "Everyone thinks I'm a murderer, Savi. I have to do whatever it takes to get to the bottom of this and clear my name."

"Okay." Bumuntong-hininga na lamang ako. "Just keep your head down." Paalala ko na lang para walang ibang makakita sa kanya.

"Sigurado ka bang may kakilala ka doon, Sav?" tanong naman ni Scotty at sumulyap sa akin mula sa rearview mirror.

Tumango ako. "Oo. Hindi iyon lumiliban sa trabaho. Tiyak matutulungan niya tayo ngayon."

Mabuti na lang at walang guwardyang nagbabantay sa entrance. Mabilis kaming nakaakyat patungo sa 5th floor kung saan naroroon ang sariling kwarto ni Jimbo.

"You sure Jimbo's here?" tanong ko kay Scotty.

"Sabi niya nasa apartment daw siya at nagsi-siesta. Nagalit pa nga sa akin kasi distorbo daw ako sa tulog niya." Nakabusangot naman nitong paniniguro.

"He's here alright." Tumango-tango naman si Liam habang malapit ang tenga sa pinto. "I can hear music from the inside."

Kumatok si Trick sa pinto. Ilang sandali rin itong paulit-ulit na kumatok hanggang sa pinagbuksan kami ni Jimbo na halatang galing lang sa pagtulog base sa magulo nitong buhok at namumula pang mga mata. Ngunit agad nawala ang antok sa kanyang mga mata nang makita si Liam.

"What the--" Hindi na nagawang makasigaw pa ni Jimbo nang mabilis na umigkas ang kamao ni Trick patungo sa kanyang mukha. Natutop ko ang bibig sa gulat nang mabilis na bumulagta si Jimbo sa sahig.

"Damn! That's one good punch! Thank God we're in the same side!" Komento ni Liam kahit pa may blackeye din naman ito mula kay Trick.

Napahawak naman si Scotty sa kanyang panga na para bang siya ang nasaktan sa ginawa ni Trick.


****


"Do it!"

"No don't do it!"

"He has to try!"

"Eh paano kung masaktan niya si Jimbo?!"


Panay ang pagtatalo namin ni Liam habang nakatayo malapit sa walang malay na si Jimbo na nakahiga sa sofa. Katabi naman namin si Scotty na halatang litong-lito na dahil sa amin.

Napabuntong-hininga ako at muling tinaliman ng tingin si Liam dahil masyado itong padalos-dalos sa gustong ipagawa. "Liam, Scotty can practice his abilities in a better situation! He doesn't even have control over the roots!"

"Kaya nga magpa-practice para ma-control na niya ang kakayahan niya! Magagamit din natin 'to mamaya para mahuli ang hinayupak na pumapatay!" giit naman ni Liam.

Naingat ko ang dalawang nakakuyom na kamao sa sobrang panggigigil sa argumento. "On things, liam! On non-living things! Hindi kay Jimbo na maaring masaktan oras na masaksak siya ng mga ugat!"

"They're roots, Savi! Scotty could use it to his advantage if he could just focus!" Liam insisted and raised both of his hands to gesture as well.

"Not! On! Jimbo!" I clapped my hands hard as I emphasized every word. "Baby steps muna!"

Napaismid lalo si Liam at napailing-iling na rin sa sobrang gigil. Huminga ito nang malalim at lumingon kay Scotty kaya kahit ako ay napalingon din.

Kapwa kami nagulat ni Liam at hindi na nakapagsalita pa nang makitang nakatayo na si Scotty sa harapan ni Jimbo, nakataas ang isang palad.

 Dahan-dahang lumalabas ang maliliit na ugat mula sa palad ni Scotty at pumupulupot ito sa dalawang paa ni Jimbo na para bang itinatali ito sa isa't-isa. Scotty was focused and unmoving, his forehead was sweating and his palm was shaking but he looked like he had control. But what surprised me more was seeing Trick beside him, eyes are on the roots coming out of Scotty's hands.

Trick had the serious but gentle look on his face as he spoke to Scotty. His voice was too low that we couldn't hear it, but I was sure of what he was doing... he was guiding Scotty.

There was a complete silence as we watched the roots cut off on it's own. It's remnants retracting back to Scotty's  palm gently. 

Kung noon ay halos tumilapon pa si Scotty nang bumalik sa loob ng palad niya ang mga ugat, sa pagkakataong ito'y nanatili siya sa kinatatayuan habang nanlalaki ang mga mata dahil sa nagawa.

"O-oh shit..." Gumuhit ang hindi makapaniwalang ngiti sa mukha ni Scotty nang tuluyang maglaho ang ugat mula sa kanyang palad. Mabilis niyang tinitigan ang palad na walang kahit na anong bakas. 

Ngumiti naman si Trick at tinapik ang balikat ni Scotty na para bang proud sa nagawa nito. "Basta ganun lang at masasanay ka rin." Sabi pa nito na para bang nagapaalala.

Mabilis na lumapit si Liam kay Jimbo at pinagmasdan ang may kanipisang mga ugat na nakapulupot sa dalawa nitong mga paa. I got curious too kaya naman lumapit din ako at inexamine ito. 

Dahan-dahan kong hinawakan ang maninipis na ugat at namangha ako nang maramdaman ang kagaspangan nito. Ugat talaga ito ng halaman!

"We're ready to catch a monster." Napangisi naman si Liam.


****


Habang nagbibihis si Liam at masayang nage-ensayo si Scotty sa kanyang kakahayan, lumapit ako kay Trick na tahimik na kumakain ng Pizza sa mesa.

"Sinapak mo na nga si Jimbo, ninakaw mo pa ang Pizza niya." Walang kaemo-emosyon kong biro kaya namilog ang kanyang mga mata at tumigil sa pagnguya. 

Natawa ako sa naging reaskyon niya at napailing. "Nagbibiro lang ako. Kain ka lang diyan."

Nagpatuloy si Trick sa pagnguya at inabot sa akin ang hawak niyang slice ng Pizza. Umiling akong muli at ngumiti. "No, you deserve that for helping Scotty. Ano nga palang sinabi mo sa kanya?"

Nilunok ni Trick ang kinakain saka ngumiti. "Isapuso ang gustong mangyari. Kahit na anong gawin niya, parte na ng buhay niya ang mga ugat na iyon. Kailangan niya lang itong tanggapin."

Tumango-tango ako at ngumiti pabalik. 

"All set!" Biglang anunsyo ni Liam kaya napalingon kaming lahat sa kanya.

Suot na niya ang kulay violet na jacket ni Jimbo pati na rin ang bullcap na suot nito nang makita namin siya kahapon.

"May we survive this day." Bulong ko na lamang sa aking sarili. 


****


Pumunta ako sa pangalawang palapag at kumatok sa isang pinto kung saan nakapaskil ang salitang Employees only. Makaraan ang ilang sandali, bumukas ito at bumungad sa akin si Teban na kaibigan ng kapatid kong si Eddie.

Mula pagkabata, magkaibigan na silang dalawa. Pagkatapos ng highschool, nagtrabaho na ito rito bilang security guard.

"Hi Ate!" Gaya ng inaasahan, sinalubong agad ako ng ngiti ni Teban. "Nakita kitang pumasok sa building mula sa CCTV feed. Buti napadaan ka rito!" Aniya pa.

"Oo nga eh. Nga pala Ito ba ang control room ng CCTV?" tanong ko at tumango naman ito. "Teban, pwede bang pahingi ng pabor? Kaibigan ko kasi ang girlfriend ni Jimbo, isa sa mga nakatira rito. Pakiramdam niya may ibang babae si Jimbo kaya inutusan niya akong magmanman... Pwede kaya iyon?"

"Aba oo naman!" Gaya ng inaasahan, pumayag agad si Teban nang walang pagdadalawang-isip. He just looked around before making me enter just to make sure no one's watching.

Pinaupo ako ni Teban sa mismong harapan ng mesa kung saan naroroon ang mga monitor ngunit lima lang sa mga ito ang gumagana. Inalok pa ako ng maiinom. Palibhasa parang naging kapatid ko na rin siya noon dahil palagi silang magkasama ni Eddie.

"Limang CCTV lang ang umaandar?" hindi ko napigilang magtanong. Tig-isa para sa dalawang elevator, Isa sa lobby, Basement Parking, tapos sa entrance ng lobby

"Oo. Medyo wala raw kasing budget na ipagawa ang iba." Paliwanag pa niya. 

"Ate, ano palang ginagawa ng mga taong kasama mo? Nakita ko kasi silang pumunta sa basement parking at pumasok sa kotse pero hindi pa rin naman umaalis ang sasakyan?" Usisa niya at itinuro pa ang maliit na screen na nagpapakita ng Parking Lot. Mula rito ay kita ang sasakyan ni Scotty. 

"Tapos itong lalake naman kanina pa nakaupo diyan na parang tanga." Tanong pa nito sabay turo Liam sa isang monoblock chair malapit lang sa elevator. Nasa basement parking din.

"They're talking about some serious matter." Sabi ko na lang.

The plan was simple. Liam was the bait pretending to be Jimbo, I was the eyes, while Scotty and Trick are the brawns. The plan was simple but weren't sure if it would work. 

"Notice anything strange here recently?" Basag ko sa katahimikan ng silid habang hindi inaalis ang tingin mula sa monitor.

"Wala naman. Ang boring nga eh." Natawa pa si Teban. 


Higit dalawang oras ang lumipas ngunit walang nangyari. Halos makatulog na si Liam mula sa kinauupuan samantalang sina Trick at Scotty ay nasa loob pa rin ng sasakyan. Inantok din ako kakabantay pero hindi ko nagawang makatulog dahil sa sobrang kadaldalan ni Teban.

Napansin kong biglang tumayo si Liam mula sa kinauupuan at lumapit sa sasakyan. May kung ano siyang sinabi kay Trick at Scotty pero hindi ko alam kung ano ito. 

Kinapa ko ang bulsa ng suot kong jacket at napaismid ako nang mapagtantong naiwan ko ang cellphone ko sa kwarto ni Jimbo. Hindi ko maitatanong kay Liam kung saan siya pupunta.

"Teban, balik lang ako agad." Paalam ko.

I ran towards the elevator but the moment I pushed the button, a memory sudden flashed on my mind.

****

THIRD PERSON'S POV


Pinindot ni Liam ang elevator button at makaraan ang ilang segundo ay dumating ito sa basement parking na siyang kanyang kinaroroonan. Pagbukas, bumungad sa kanya si Savanna na nakasuot ng kulay Yellow na pullover and Highwaist jeans. 

"Oh? Anong ginagawa mo rito?" Nagtaka si Liam. "Aakyat ako para mag CR. Saan ka pupunta?" Tanong pa niya sa pagpasok niya sa loob.

"Sabay na lang ako sa'yo." Ngumisi si Savanna kaya naman humarap si Liam sa panel at pinindot ang 6th floor kung saan naroroon ang silid ni Jimbo. 

Kasabay ng pagsara ng elevator ang muling pagsasalita ni Savanna.

"Jimbo, naalala mo pa ba ang kasalanan mo sa amin?"

Sa isang iglap, nanlaki ang mga mata ni Liam sa takot. Mabilis siyang humarap kay Savanna ngunit kasabay nito ang pag-igkas ng kamay ng dalaga sa kanyang dibdib. Napasinghap siya at dahan-dahan nagbaba ng tingin. 

Kusang pumatak ang kanyang mga luha nang makita ang matalim nitong mga kamay na nakabaon na sa kanyang dibdib.


****


SAVANNA


"No!" Napasinghap ako nang tuluyan kong maalala ang nangyari sa elevator.

Hindi si Jimbo ang nakita ko kundi si Liam habang suot ang kasuotan ni Jimbo!

Nataranta ako at paulit-ulit na pinindot ang elevator button para umakyat sa kinaroroonan ko. "Hurry up! Hurry up!"

Masyadong matagal dumating ang elevator kaya naman tatakbo na sana ako patungo sa hagdan. Ngunit ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang biglang tumunog ang elevator, hudyat na dumating na ito.

Mabilis akong lumingon at nanigas ako sa kinatatayuan dahil sa aking naabutan.

Kitang-kita ko ang isang babaeng kamukhang-kamukha ko. Nakatarak ang buo niyang kamay sa dibdib ni Liam. Sa isang kisapmata lang hinugot nito ang kamay, tangay ang isang bagay na nababalot ng dugo.

"Liam!" Tuluyan akong napatili nang mapagtantong dinukot nito ang puso ni Liam. 

Humarap sa akin ang babaeng kamukhang-kamukha ko at tuluyang nanlambot ang aking mga paa nang bigla niyang isinubo ang puso at itinulak patungo sa akin si Liam dahilan para kapwa kami bumagsak sa sahig.

Pumaibabaw sa akin si Liam at mas lalo akong nanghina nang bumulwak sa akin ang dugo na nagmumula sa dibdib niyang nakawakwak. Tinangka kong itulak si Liam palayo ngunit tuluyan akong napaiyak nang makitang nakatitig sa akin ang takot na takot at nanlilisik nitong mga mata. Bumuka ang bibig ni Liam at bumuhos sa aking mukha ang dugo mula sa kanyang bibig. 

"Ate Savi!" Narinig kong sumigaw si Teban ngunit tila ba tinakasan ako ng lakas na gumalaw. Napaiyak lang ako nang napaiyak habang nakapaibabaw sa akin si Liam na hindi na gumagalaw.

Narinig kong sumara ang pinto ng elevator. Napatili ako at tinangkang gumapang patungo sa babaeng nasa loob ngunit sadyang hindi ko maalis ang bangkay ni Liam mula sa akin. 



▬ end of 19 // thank u ▬


Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

141K 4.5K 9
A LoreKi fanfiction (from Project Loki by @AkoSiIbarra) Rank in Fanfiction: Starting point: 06/17/17 - #643 Highest peak: 12/05/17 - #76!! shookt.
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
4M 168K 39
Ripper series #1: Envied for her almost perfect life, Tamara Consulacion has everything a girl could ever ask for. But what happens when the good gir...
17.5M 656K 66
So she tasted the deep pain that is reserved only for the strong. Crimes. Clues. Mysteries. Deductions. Detective Files (File 3) Written by Shinichi...