The Two Weeks Relationship

By erzaaa78

18K 542 89

Mula nang iwanan si Luan ng kanyang pinakamamahal na boyfriend na si Alex, tinatak na niya sa kanyang isip na... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Epilogue

Chapter 11

754 22 0
By erzaaa78

Hindi ko alam kung paano ako nakasurvive kagabi, basta ang alam ko, tinulak ko na lang siya at tumakbo na papasok ng bahay. First time kasi iyon, e... Naging kami ni Alex pero hindi naman kami umabot sa ganoong punto, hanggang sa pisngi lang. Pero 'yung kay Xzayvian... Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.

Alam ko naman na lasing lang siya noon pero kasi, iba talaga, parang ayoko na tuloy lumabas ng bahay. Tiyak kasi na magiging awkward kapag nagkita kami! Sana lang, hindi niya maalala iyong nangyari kagabi kasi lasing naman siya, pero paano kung naaalala niya pa rin? Mamamatay yata ako sa sobrang awkward! Kaso, ayoko namang sayangin 'yung araw na 'to o 'yung araw bukas, kasi ilang araw lang naman kaming magkasama tapos aalis na ako papuntang China.

Nakarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pintuan. Ito na siya. Nanatili lang akong nakahiga at nakatalukbong sa kumot, sure ako na si Xzayvian iyan pero ayokong buksan iyong pinto, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Hindi naman ako iyong humalik pero ako pa iyong natatakot na makita siya. Pero kahit na, hindi talaga ako lalabas. Lalabas ako pero mamayang 2pm na, kapag papasok na ako sa café.

Ilang minuto pa siya sa pagkatok pero nagsawa rin yata kaya umalis na, wala na akong narinig na katok, e. Mabuti naman at umalis na siya, tinanaw ko 'yung orasan ko, 9:16am na pala. Okay. Ilang oras na lang akong hihiga at maghihintay dito bago lumabas. Kaya ko ito, hihiga lang naman o... sa sala na lang ako, manonood ng TV.

Tumayo na ako, niligpit ko muna iyong pinagtulugan ko 'tsaka ako lumabas ng kwarto, sakto namang bumukas iyung pinto ko.

Wait... Bumukas? Nakalock iyan, ah?

Nakita ko si Xzayvian na pumasok, sinara niya 'yung pinto. Nanlaki agad iyong mata ko, anong ginagawa niya rito? Paano siya nakapasok? Tumalikod agad ako at tumakbo papuntang kwarto. Hala! Ba't ba walang pinto 'tong kwarto ko? Kurtina lang 'yung nakapartition. Humiga ako at nagtalukbong ng kumot. 'Wag kang papasok dito. Cross fingers.

"Luan..." Ramdam ko iyung pagpasok niya rito sa kwarto dahil sa yabag ng paa. Ba't ka pumasok? Nanatili lang akong 'di gumagalaw. I heard him sighed. "Hey," napasinghap pa ako nang tapikin niya ako.

Ano bang dapat kong gawin? Tumayo bigla sabay takbo palabas ng bahay? O magpakain na lang ako sa lupa? Ano ba iyan!

"Uh... S-Sorry," napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko siyang magsalita. Sorry? Para sa paghalik niya? E? "Nirerespeto kita. Promise. Pero, hindi ko kasi napigilan, 'tsaka wala ako sa wisyo ko noon... alam mo naman na lasing ako, 'di ba?" He sighed again. "Sorry ulit. Naiintindihan ko naman kung hindi mo ako kakausapin. But, if you need me or you have a problem, you can talk to me, I'm always here... for you," napangiti na lang ako. Sabi ko nga, hindi talaga mawawala 'yung sweetness sa katawan niya, e. Kainis na iyan.

Mga 30 minutes pa akong nakahiga pero hindi ko na siya maramdaman, siguro wala na. Tumayo na ako at nag-inat-inat. Anong oras na ba? 10am na? Hindi pa ako nagsasaing! Oh, my gosh.

Paglabas ko ng kwarto, hindi ko alam iyong ire-react ko nang makita ko siyang nandoon sa may lababo at naghuhugas ng mga pinggan. Nandito pa rin siya? Bakit ba ang tibay niya pagdating sa akin? Lalo akong nahuhulog, e.

"Xzayvian," pinatay niya iyong gripo at tumingin sa akin. He smiled.

"Gising ka na pala. Diyan ka muna sa sala, magsasaing lang ako." O...kay? Napatango na lang ako. For real? Ako, tulog? Hay.

Pumunta ako sa sala at binuksan 'yong TV, ano namang gagawin ko rito bukod sa manood? Parang gusto ko na ulit pumasok. Namimiss ko na 'yung mga classmates ko. Ano kayang kukunin nila sa college? Sana magkakaklase pa rin kami. Kinuha ko iyong walis tambo at nagwalis muna, tinali ko rin iyung kurtina para maaliwalas, binuksan ko ang pinto at nagwalis sa labas ng bahay.

"Nandiyan si Xzay?" Nakita ko si Xsen na may dala-dala pang bike. I nodded.

"Tawagin ko ba?" He shook his head.

"'Wag na, nagre-ready na 'yon bilang asawa mo, e. Sabihin mo na lang na umalis ako... Dala iyong bike niya," sabi niya at tumawa. What? May nakakatawa ba doon? Hindi ko talaga sila minsan maintindihan. Talaga 'tong dalawang X na ito.

"Sige na nga. Umalis ka na." He laughed again.

"Inis na inis ka sa'kin? Baka sa akin ka pa maglihi, ah..." He stopped then grinned. "Nakita ko kayong dalawa kagabi, nagki-kissing-kissing." Nanlaki iyong mata ko at halos sumikip ang dibdib sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Hoy, Xsen Kyle! Lumayas-layas ka na nga rito at baka mabato pa kita ng walis." He made a face.

"Baka kaya mo, ang banal mo kaya masyado." He finally said then walked away with his bike— or Xzayvian's bike rather.

Pagkatapos kong magwalis, pumasok na ulit ako sa bahay, tapos... tapos... Amoy sunog! Anong nangyayari?

"Xzayvian!" Tumakbo agad ako papuntang kusina. Nandoon siya at tinitingnan 'yung sinaing, pumunta ako roon at sinilip. Halos malukot iyong mukha ko, pinatay ko agad 'yung kalan at gasol. "Sunog na iyong kanin ko!" Sayang iyung bigas ko! Ang mahal-mahal na kaya ng bigas.

"N-Nasunog ko ba?" Mangiyak-ngiyak ko siyang tiningnan at inilingan.

"Iyong kalan 'yong nakasunog," 'yung mukha niya ay parang bata na hindi alam iyung gagawin. Gusto kong magalit pero paano? Para siyang anghel na nahulog sa lupa, e.

"Sorry, Luan... Gusto ko lang naman na tulungan ka." I nodded.

"Okay lang. Wala na naman akong magagawa, kung may undo button lang sana. Pero hayaan mo na! Sabi ko nga kasi, hindi ka sanay magsaing, e." Nilagay ko sa lamesa iyung kanin.

"Gusto mo, o-order na lang ako ng kanin?" I immediately shook my head. Grabe naman 'to, kanin lang, o-order pa?

"Okay na 'to," pero mukha pa ring hindi siya okay kaya nginitian ko na lang siya. "Sabi nga pala ni Xsen, aalis daw siya."

"Ah, okay." Pumunta akong kwarto para kumuha ng pera. Bibili akong ulam sa may kanto.

"Dala raw 'yung bike mo." Pagpapatuloy ko.

"What?" Medyo tumaas iyong boses niya.

"Dala raw 'yung bike mo." Mukha siyang naluging ewan. Ano bang mayroon sa bike niya? Masyado sigurong mahalaga.

"Hay! Gago talaga." Okay?

Iyong feeling na hindi ko alam 'yung paano ako uuwi pagtapos ng trabaho ko? Natatakot kasi ako baka lasing na naman si Xzayvian tapos halikan niya na naman ako!

Fine. I'm over thinking again.

"Pero nagustuhan mo naman?" Napanguso ako sa tanong ni Carlo.

"Hindi, ah..." Tinaasan niya ako ng kilay.

"Weh?"

"Hindi ka nagkakamali." Bigla siyang tumawa ng malakas. Ang OA naman nito.

"Laugh trip ka talaga, Luan! Pero anyway, ano bang status niyo? Mahal mo na ba?" I sighed.

"'Di pa ako sure pero sure ako na nahuhulog na ako sa kanya." He slowly nodded.

"Medyo complicated tayo diyan, ah." Pumangalumbaba siya.

"Oo nga, e." Hinintay lang namin na mag-eight pm at umuwi na ako. Wala namang masyadong costumer na dumating.

Lulunok-lunok pa ako habang dumadaan sa bahay nila Xzayvian at Xsen. Okay. Sarado na 'yung bahay nila, baka tulog na? Or nagmo-movie marathon. Basta, ang mahalaga, wala na siya rito sa labas. Pagpasok ko sa bahay, nilock ko agad iyong pinto at nagluto na ng ulam at nagsaing ng kanin. Naghalf bath lang ako at kumain tapos natulog na.

Wala naman ako masyadong iniisip ngayon kaya nakatulog ako ng mahimbing.

Minulat ko 'yung mata ko, medyo napasarap iyong tulog ko, ah. Ang ganda ng panaginip ko, kasama ko sila Mama at Papa. Sana pati sa reality. Napangiti na lang ako pero agad din iyung napawi nang makita ko si Xzayvian sa tabi ko na natutulog.

Okay.

Si Xzayvian nasa tabi ko at natutulog.

Teka... magkatabi kami?

"Hala!" Napatayo agad ako at napatakip ng kumot sa katawan.

"Hey... Natutulog pa ako," humihikab niyang sabi. What the... what the... my gosh!

"H-Hoy! Bakit ka nandito? Akala ko ba nirerespeto mo ako? Paano ka nakapasok, ha?" Sunod-sunod na tanong ko. Umupo siya mula sa pagkakahiga at nag-unat-unat. Mapupungay pa iyong mata niya at magulo ang buhok... E? Ba't ko ba siya dini-describe?

"Easy ka lang... Inaantok pa ako, e..." pipikit-pikit pa siya. Ano iyan, maganda rin iyung panaginip niya?

"Don't care! Ba't ka nandito?"

"Kasi wala ako roon." Kinuha ko iyung unan na nasa harap ko at binato sa kanya. Alam niya bang masamang pilosopohin ang bagong gising? "Joke lang, ito naman. Ang tagal mo kasing gumising kaya pumasok na ako rito, tapos nabagot akong hintayin kang gumising kaya natulog na rin ako sa tabi mo, pero wala akong ginawa sa'yo! Nirerespeto nga kita, e." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Weh? Wala ka talagang ginawang kahit ano?" He immediately shook his head. E 'di wala! Grabe naman makailing 'to.

"Kain na tayo? Nagluto ako." Tumango na lang ako at kumain na kami.

Napagdesisyunan naming gumala at syempre sagot ni Xzayvian 'yung gastos, aba naman, wala pa akong sweldo 'tsaka ang yaman-yaman ni Xzayvian kaya kaya na niya iyan. 11am kami umalis ng bahay, sa paggagalaan na rin namin kami kakain ng lunch, saktong 2am, ihahatid niya ako sa trabaho ko.

"Saan tayo pupunta?" I asked while he's driving.

"Sa pupuntahan." I frowned.

"Nakakatawa." I sarcastically said.

"Tawa ka na," I faked a laughed para sa ikasisiya niya.

Mga 45 minutes pa siyang nagdrive at nakarating na kami sa isang park. Magpi-picnic kami? Lumabas kami ng kotse niya, binuksan niya iyung dala niyang payong at pinayungan ako. Feeling ko, bodyguard ko siya. Guwapong bodyguard, syempre.

May tinawagan siya saglit, tapos naglakad na kami ulit. Lumapit siya sa isang lalaki na nakaformal suit pa. Wow. Saan lakad ni kuya? Sa meeting sa park? Napatingin ako sa dala nito... 'Yung bike! Kinausap pa ni Xzayvian saglit iyung lalaki at umalis na ito. Mabuti naman. Ako iyung naiinitan sa suot ni Kuya, e. Para kasing ang init, 11am na kaya tapos nakaformal attire pa siya.

"Magba-bike tayo. Hindi tayo nakapagbike noon kasi tumalsik ka sa bike." He said then chuckled. I pouted. Ang sama talaga.

"Dito talaga? Ang init kaya," iitim ako nito, e. Ang mahal pa naman ng kojic, char.

"Doon tayo sa malilim, sakay ka na sa bike mo, sundan mo lang ako pero dapat sabay pa rin tayo." Okay. Medyo magulo siya roon sa part na iyon.

Sumakay ako sa bike ko at nagsimulang pumidal. Ayie! Hindi pa rin ako makapaniwalang sanay na akong magbike. Ang gamit ko kayang bike ngayon ay bike na mataas iyung upuan, iyong pinili ko noon na ibibigay daw sa akin ni Xzayvian. Sana nga akin na lang, sanay na naman akong magbike, magagamit ko na ito.

Umikot-ikot kami roon sa part na malilim lang, ang saya-saya lang. Kasama ko si Xzayvian... Pang-ilang araw na ba namin? Pang seven na. Ang bilis naman ng araw. Pang-isang linggo na pala namin.

Napahinto ako sa pag-iisip at pagpidal ng bike nang makita ko si Alex. Oo, si Alex. Kasama si Iza, ewan pero napangiti na lang ako, siguro... hindi talaga kami para sa isa't-isa at bagay naman sila. Stay strong na lang.

"Uh... Xzayvian," I called him. Pero 'di na pala kailangan kasi nakatingin na siya sa akin. "Puntahan ko lang saglit sila," tinuro ko sila Alex. Mukhang hindi siya okay pero tumango na lang siya. Wala naman akong masamang gagawin. Kakamustahin lang naman.

"Alex," tumingin agad siya sa akin. Ngumiti siya.

"Luan." I smiled, too.

"What's up?"

"Ito, okay lang. Ikaw?"

"Okay lang rin, stay strong sa inyo..." Tumingin ako kay Iza at ngumiti. "Don't worry, wala na 'tong halong ka-bitter-an." I laughed.

"You already moved on?" I nodded.

"With the help of him." Tinuro ko 'yung puwesto ni Xzayvian pero wala na siya roon. Nasaan na iyon?

"Him?" I shook my head.

"Next time, ipapakilala ko sa inyo. Ah, sige na. Una na ako." Kinawayan ko lang sila. Nasaan na si Xzayvian? Ang likot talaga noon. Nawala lang iyung tingin ko, nawala na agad.

Sumakay ako sa bike ko— o bike niya pala at umikot sa park. Wala na rin kasi iyung bike niya roon. Saan ba pumunta iyon?

Ah, ayon!

Nakita ko siya na may kausap na babae, nagbike ako palapit sa kanila at naglakad na lang nang malapit na. Tatawagin ko sana siya kaso nacurious naman ako sinasabi nung babae kaya pinakinggan ko muna.

"Seryoso ka talaga sa kanya?" Masamang makinig sa usapan ng iba kaso... Minsan lang naman 'to, e.

"Yes." Seryosong sagot ni Xzayvian.

"Hindi ako naniniwala. Tigilan mo na 'to Xzayvian, alam kong ginamit mo lang siya para makabalik kayo ni Xsen sa bahay nila Tita Daisy. Kayo talagang dalawa, sakit kayo sa ulo. Kaya kung ako sa'yo, umuwi ka na sa inyo. Tigilan mo na iyong babaeng iyon... Iyong Luan, tama ba?" Natulala ako at hindi makagalaw.

Ginamit lang?

Bakit parang mas masakit pa 'to kaysa noong niloko ako ni Alex?

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 18.9K 41
Dice and Madisson
1.4K 144 25
~ Cause there's something in the way you look at me. It's as if my heart knows you're the missing piece.~
205K 3K 17
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...