Once A Love Story - #Wattys20...

By MicxRanjo

78.3K 2.7K 697

Can a moment of love last forever? Hindi kailanman kasalanan ang magmahal. Sabik si Erina De Dios na mahalin... More

Once A Love Story
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Wattys2018 Shortlist!
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
We got it! WATTYS2018 WINNER!
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Good news to share
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine

Chapter Twenty-Nine

1.3K 70 11
By MicxRanjo

NASANAY na si Erina na makisama at makipagtagisan sa mahirap na buhay, natutunan niya iyon magmula nang iwanan niya ang marangyang buhay ng isang De Dios. Hindi naging mahirap para sa kanya ang matulog sa lumang kama na may manipis na kutson at kandila na siyang tanglaw sa silid. Bukas pa ibabalik ang kuryente para sa pag-uumpisa ng konstraksiyon.

Juliet used to sleep here with her mother, she smiled upon remembering her childhood friend. Nasaan na kaya ito? Ano na kaya ang nangyari rito o may-asawa na ba ito-mga katanungang naglalaro sa kanyang isipan.

Lalo pang lumuwang ang kanyang pagngiti nang maalala ang kinilalang ama, kung paano siya nitong tinanggap nang buong puso at humingi ng patawad, natikom niya ang bibig upang pigilan ang pagbalong ng mga luha. How long has it been since then? A, kaytagal na...napakarami nang nangyari.

She pursed her lips when Katerina's image flashed in her mind. Hindi pa rin niya mawari kung ano ang dapat gawin sa kanilang kasalukuyang relasyon. Kumurap siya, may isa pang katanungang nagsusumiksik sa kanyang isipan, sino ang lalaking lumapastangan sa kanyang ina? At bakit? A part of her wanted to know who her real father was.

Bumalikwas siya ng bangon at tiningnan ang kanyang cellphone, may hinanap sa kanyang contact list, nang makita ay tumipa siya ng mensahe para roon saka ipinadala. Limang minuto ang lumipas bago sumagot ang kanyang pinadalhan ng mensahe. Agad niya iyong binasa. Lumaylay ang kanyang mga balikat, wala pa ring nakalap na impormasyon ang nurse tungkol sa kanyang hinihingi.

Muling tumunog ang kanyang cellphone, picture message iyon, sa ibaba ng picture ay may nakasulat na Martin Cristobal, M.D. Napadiretso siya sa pagkakaupo at matiim na tinitigan ang larawan. Sinabi pa ng nurse na hindi raw ito sigurado kung ang nasa litrato nga ang kanyang hinahanap ngunit nakita nito sa old files ng personnel ang pangalang iyon.

Bumilis ang pagkabog ng kanyang dibdib, natatandaan pa niya ang itsura ng doktor na nagpaanak sa kanya. "I will find you baby, I will surely find you," bulong niya sa sarili. Pumatak ang kanyang mga luha, hanggang sa nakatulugan niya ang pag-iisip sa anak.



MIRADEL was shy and timid when she first met her, especially after finding out that she was her former employer's daughter. Para lang itong si Juliet, mahinhin ang mga kilos at matipid kung ngumiti.

"M-Ms. Erina, tapos ko na hong lutuin iyong pananghalian, pwede na ho nating i-serve sa mga trabahador." Hindi tumitinging sabi nito.

"Ate Erina na lang, Miradel, hindi mo naman ako naging amo e, ang papa ko lang. Saka huwag ka ng mahiya sa akin, katulad mo lang din naman ako, katulong dito."

Nanlaki ang mga mata nito saka umiling. "Naku, hindi ho. Matagal hong nanilbihan ang magulang ko sa pamilya ninyo. Napakabait din ho ni Senyor Enrique sa amin. Kung hindi nga lang nabili itong..." saglit itong tumigil, napalunok bago nagpatuloy, "itong Villa De Dios, hindi kami lilipat ng amo."

Erina genuinely smiled. She liked what she heard, that there were people who stayed loyal to her family despite of the circumstances. Kinuha niya ang ilang mga pinggang may lamang mga pagkain at inihatid sa labas kung saan nakapuwesto ang mahabang mesang gawa sa katawan ng kahoy. Tinulungan na rin siya ni Miradel.

Lunch. Snacks. Dinner. Katu-katulong siya ni Miradel sa paggawa ng mga iyon, pagkatapos ay saka lamang niya nagagawa ang pinagagawa sa kanya ni Caleb.

Isang linggo rin siyang namalagi roon bago siya nito pinapunta sa hacienda Guerrier upang mag-report. Nagpahatid siya sa truck ng mga trabahador nang hapong papauwi na ang mga ito.

Her heart throbbed at the sight of the tall and wide gate of hacienda Guerrier. She swallowed the big lump on her throat and breathed long and hard. Pinindot niya ang intercom sa may gate, sumagot sa nagtanong doon bago siya pinagbuksan. Pumasok siya, manaka-nakang minasdan ang sari-saring uri at kulay ng mga orkidyas sa gilid ng driveway.


"ERINA." Malugod na pagbati ng katiwala ni Caleb. Ngumiti rin siyang pabalik sa matanda.

"Magandang gabi ho, Aling Matilde." Yumukod siya.

"Magandang gabi naman. Wala pa si Caleb pero pinasasabi niyang hintayin mo na lang siya sa study room niya. Halika." Pinapasok siya nito sa maluwang na sala.

Ngayon lang niya napagmasdang maigi ang kabuuan ng sala ng mansiyon. Ang portrait ng kasal nina Caleb at Marie ang mabilis at una niyang napansin dahil sa laki niyon. Ang ngiti ni Marie sa litrato, gayundin kaya ang kanyang magiging ngiti kung sakaling siya ang ikinasal kay Caleb? Napakatamis at litaw na litaw ang sobrang pagmamahal nito sa napangasawa.

She scolded herself upon realizing her thoughts. Mariin niyang pinisil ang kamay sa hawak na braso.

"Erina?" tawag ng matandang katiwala.

"I-I'm sorry." Alanganin niyang ngiti bago muling sumunod dito.

"Dito madalas magkulong si Caleb kapag hindi naglalambing ang mga bata." Pumasok sila sa silid, habang ito ay dumiretso sa isa pang pinto sa may tabi ng study table, binuksan at ipinakita sa kanya. "Swimming pool, hilig ni Caleb ang magtampisaw sa hatinggabi kaya nakikita mo iyang mga tuwalya at pampalit niyang mga damit?" Sabay turo sa cabinet ng mga binanggit nito.

Tumango siya.

"Naku, mag-a-alas cinco y media na, ipaghahain ko muna iyong mga bata kaya maiiwan na kita. Bilin nga pala ni Caleb na dumito ka lang sa study niya at dito mo siya hintayin. Pasensiya ka na, kapag trabaho kasi ang usapan, hindi ko iyon masasabihan. Pero ipagdadala kita ng maiinom, saglit lang ha?"

"W-wala hong problema. I'll be here."

Mga sampung minuto na rin marahil siyang walang kakilos-kilos sa pagkakaupo. Iginala niya ang paningin sa study room, maraming mga libro, katulad lang din ng sa Villa De Dios dati. Siguro naman ay matatagalan pa si Caleb, naisip niya, kaya naman tumayo siya at marahang pinasadahan ng mga mata ang mga librong nakasilid sa bookshelf.

Nang magsawa'y ang mga litrato naman sa dingding ang pinagkaabalahan niya ng tingin. She saw a family picture of Alvaro and his wife, with their toddlers Caleb, a girl, and another boy. Napangiti siya sa batang mukha ni Caleb, wala itong kangiti-ngiti, ngunit hindi rin naman nakasimangot.

May litrato uli si Caleb, kasama naman nito si Marie at isang sanggol na kalong nito. Mabilis niyang iniiwas ang paningin doon lalo pa nang maramdaman ang matinding kirot sa kanyang dibdib.

May ilang mga litratong nakasabit sa dingding na hindi na niya kilala, sa hinuha niya'y pamilya Guerrier din ang mga iyon. Babalik na sana siya sa pagkakaupo nang may mahagilap siya ng tingin. Mabilis niyang binalikan ang isang portrait at tinitigang mabuti ang lalaking may suot na salamin sa litrato.

Hindi siya tuminag nang may kumatok sa pinto at may pumasok.

"Erina, pineapple juice o, uminom ka muna. Tumawag si Caleb at parating na raw siya."

"A-Aling Matilde, s-sino ho..." Nanginginig ang kamay na itinuro niya ang lalaki sa litrato, "s-sino ho ito?"

Lumapit naman ito at tiningnan ang kanyang tinukoy. Pagkuwan ay ngumiti ito saka siya hinarap. "A, si Martin, pinsan ng mommy ni Caleb at naging matalik ding kaibigan ng daddy niya. Doktor na iyan ngayon, pero kung saan-saan napapadpad para manggamot. Minsanan lang bumisita iyang si Martin dito sa hacienda, iyon ay kapag kaarawan ni Kaylee."

"K-Kaylee?" Pakiramdam niya'y naupusan siya ng hininga. Marami siyang gustong itanong, ngunit hindi niya alam kung ano at paanong sisimulan.

"Iyong panganay na anak ni Caleb. Hay naku, napatagal na ako rito, pasensiya ka na at kailangan ko ng bumalik sa kusina." Muli na itong nagpaalam.

She wanted to grab her arms, face her, ask her, but she didn't know how. Her body trembled. Her pulse palpated fast as twice. She could almost hear her own heartbeat like the sound of a drum. She swallowed repeatedly to clear an invisible lump in her throat.

May kabataan man ang lalaking nasa litrato, sigurado naman siyang ang doktor na hinahanap niya ay walang iba kung hindi ito. Bahagya siyang napapitlag nang bumukas ang pinto at ibinungad niyon si Caleb. Halos sabay pa silang tila natigilan at napatitig sa isa't isa.

"Pasensiya na." sa malamig nitong tinig habang humakbang palapit sa study table nito at may ipinatong na hindi kalakihang kahon doon.

Hindi siya sumagot. Ninais niyang ngumiti upang bumati ngunit hindi pa rin siya nakabawi sa pag-iisip tungkol sa larawan. Bago pa man siya makapag-isip nang mabuti, umawang na ang kanyang bibig at nagtanong. "N-nasaan na siya?" Sabay turo roon.

Natigil si Caleb sa pagrolyo ng manggas ng long sleeves ng polo shirt nito at nadako ang mga mata sa kanyang tinukoy. He knew right away who she meant.

"Tiyuhin ko. Kilala mo siya?" Sa kanya naman lumingon habang ipinagpatuloy ang pagtaas ng mga manggas hanggang siko nito.

Tumango siya, saka umiling. "W-where is he now? Do you have his number? Can I... please have it?"

Tuluyan na itong tumigil sa pagkilos at buong atensiyon siyang tinitigan. Nailang siya lalo pa't tumagal iyon. Lumayo siya sa portrait at naupo sa sofa, patalikod dito. She held her hands so tight to stop them from shaking. She swallowed again. She breathed hard and released it slowly.

May gusto pa siyang itanong, malaman, humingi ng kasagutan. Her heart was hurting to know the truth. She wanted answers now but...she bit her lip.


CALEB watched as Erina's shoulders quivered. May pakiramdam siyang mayroon itong pinipigilang damdamin at ayaw ipakita sa kanya. Muli siyang napatingin sa portrait noong bachelor days pa lamang ng kanyang ama't tiyuhin, mas lalo sa kanyang tiyuhin. Bakit interesado itong malaman ang tungkol dito?

"I will have to ask my dad regarding to that."

Bigla itong tumayo't humarap sa kanya, bakas sa mukha ang sobrang kasiyahan at nangislap ang mga mata sa katuwaan. "T-thank you! I appreciate it, really. Maraming salamat!" kulang na lang ay umiyak ito ngunit hindi pa rin ginawa.


Sabay silang napatingin sa pinto nang bigla uling bumukas iyon. "Dad! Augie took my control again!" Padabog na pumasok ang panganay na anak.

"Kaylee, knock next time?"

"Pero si Augie kasi, pinakialaman na naman niya 'yong control ng hearing aid ko. I couldn't hear my sounds!" Halos mangiyak ito sa inis.

"That does not excuse you for this kind of manner, I have a visitor as you can see."

Saka lamang nito napansin si Erina sa nakaupo roon. Ilang minutong nagtitigan ang mga ito, tila nagkailangan, na hindi madalas gawin ng anak. Nagpakawala siya ng malalim na hininga't humakbang palabas ng study room. "Okay, pupuntahahan ko muna si Augie. Erina, saglit lang." Saka siya lumabas.



ERINA lost her tongue. Hindi niya malaman kung paanong magsisimula sa kaharap. Tutok pa rin ang kanyang paningin sa maliit at bilugan nitong mukha. Mahaba ang diretso nitong buhok at may bangs. Morena ang kutis nito na katulad ng kay Caleb, ngunit lalo lamang tumingkad ang kagandahan nito. Matangos ang ilong nito na minana nito sa ama, ngunit ang hugis puso nitong labi't malalim na mga mata ay marahil sa ina nito nakuha.

"You have beautiful eyes, just like mine." Ngumiti ito.

Napaawang ang kanyang labi, muling pinagtuunan ng pansin ang mga mata nito. This time she saw a very familiar face, excluding the nose and the skin color-Kateri-

"Pwede po kayong magsalita, hindi ko nga lang po kita maririnig, hindi ko kasi suot 'yong hearing aid ko. I can do lipreading though, so when you speak with good shapes of the words, maiintindihan ko ang sasabihin ninyo."

"A-ah," she realized what she meant but didn't ask, "that's a good skill to have." Ngumiti siya.

"Kailangan ko po, bingi kasi ako."

She did get fluster for a moment, not knowing how to react but admired her at the same time. "I-I'm sorry to hear that, though I think you are very brave to have accepted that."

Ngumiti ito, lumapit sa kanya at umupo sa katapat na sofa, nakipagtitigan. "I owe it to my dad. Sabi niya, everything is possible if I put my mind and heart to everything I do. Hindi niya ako itinuring na disabled, at lagi niyang ipinaparamdam na mahalaga ako, that's why he's my everything. I love him. He's the best dad ever." She pursed her lips while her eyes twinkled.

She could see how much this girl admires her father. She felt a tight grip in her heart. Again, a familiar pain was trying to pin her down.

"Kayo po, may anak na?"

Natigil sa ere ang pagbuka ng kanyang bibig. Kumibot ang mga labi't muling ipininid.

Umangat ang hintuturo nito't itinuro sa kanyang mukha. "Your lips, pareho po tayo, heart shapes." She even traced her own lip line with her fingertip, amused by their similarities.

Naiangat din niya ang sariling kamay at kinapa ang sariling labi.

"Oh!" Namilog ang mga mata nito habang nakaturo sa likod ng kanyang kaliwang pulsuhan. "I have it too, look?" Saka nito ipinakita ang may kalakihang nunal na mamula-mula sa kaliwa nitong pulsuhan. "Hala, pwede ko na po kayong maging adult version." Natutuwa itong tumawa.

Umurong na ang kanyang dila sa nais sabihin. She believed in coincidences, two things could happen and exist at the same time, and at the same place. But could there be too much coincidences in one instance?

"Dad!" Mabilis na tumayo ang bata at nilapitan ang ama nitong nakasandig sa may pintuan, may hawak sa kamay. "Oh, good! You got it from him. Thank you, Daddy!" Hinablot nito ang maliit at kulay pink na controller ng hearing device nito. Lumingon ito sa kanya.

"Bye po. It's nice to meet you!" Saka na ito mabilis na umalis.

Napatitingin siya kay Caleb, nanatili ito sa pagkakatayo sa may pintuan, matiim na nakatingin sa kanya. Hindi niya magawang umiwas ng tingin, hindi niya mailihis ang mga mata upang itago ang nararamdaman.

"Here is the number." May iniabot itong punit na papel sa kanya nang tuluyan na itong makalapit sa kanyang kinauupuan. "He will be expecting your call." Saka ito dumiretso sa working table nito, naupo sa silyang naroon.

"M-maraming salamat Cale--M-Mr. Guerrier." Binasa niya ang numerong nakasulat roon at ang pangalang Dr. Martin Cristobal, mabilis na kumabog ang kanyang dibdib. "M-May I be excused, please?" Muli niya itong tiningnan.

Tumango lamang ito, hindi na pinansin ang kakaibang tinging ipinukol sa kanya. Hindi na siya makapaghintay na makausap ang doktor at malaman kung ano na ang nangyari sa kanyang anak.


A/N:

Thank you!

MicxRanjo

Continue Reading

You'll Also Like

2M 60.1K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
105K 3.6K 15
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
14.5M 747K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...