Enclave Series 1 : Rush Villa...

By _AyEnNe_

34K 1.5K 223

"It hurts when you have someone in your heart, but you can't have them in your arms" - Rush More

Introduction
Chapter ONE
Chapter TWO
Chapter THREE
Chapter FOUR
Chapter FIVE
Chapter SIX
Chapter EIGHT
Chapter NINE
Chapter TEN
Chapter ELEVEN
Chapter TWELVE
Chapter THIRTEEN
Chapter FOURTEEN
Chapter FIFTEEN
Chapter SIXTEEN
Chapter SEVENTEEN
Chapter EIGHTEEN
Chapter NINETEEN
Chapter TWENTY
Chapter TWENTY ONE
Chapter TWENTY TWO
Chapter TWENTY THREE
Chapter TWENTY FOUR
Chapter TWENTY-FIVE
Chapter TWENTY SIX
Chapter TWENTY SEVEN
Chapter TWENTY EIGHT

Chapter SEVEN

991 50 0
By _AyEnNe_

Brianna (POV)

“naitext mo na si Rush?” tanong ni Alice habang inaantay ang prof namin.

Umiling ako “why would i? Kung ayaw nya ng magpakita, I don’t mind” pagsusungit ko trying to hide the bitterness.

“ weh? Talaga? Ayos lang sayo? “ pagsita ng katabi ng hindi makumbinsi sa sinabi ko.

Ganuon ba ka obyus na kahit papaano ay namimiss ko yung kumag na iyon ?

“ magkaiba ang sinasabi mo sa inire-react ng mukha mo eh” tudyo nito 

I roll my eyes on her.

“ pwede ba---” daing ko sana na kagyat nyang pinutol

“ aba’y pwedeng-pwede, gurl. Wala namang nagbabawal sayo na hindi mo ma-miss si Rush noh” sambot nito na ikinalaki ng aking mga mata.

“I didn’t say that I miss her you idiot”

“oh, come on! Your mouth says no but your reaction says yes” kantyaw nito.

I just sighed and shook my head at kapagdaka’y ibinato dito ang lapis na aking hawak hawak.

“ang saya mo eh noh ?” pagsusungit ko na ginantihan lang nya ng nakakalokong pagngiti.

Asungot talaga to’ kahit kailan.

Tama bang ipamukha pa sa akin ang bagay na iyon? Oo na sige na! Tama sya. Namimiss ko na si Rush.

Kahit ganito naman ako na animo palaging may dalaw kapag nandiyaan sya ay may isang bahagi naman sa puso ko ang nasanay sa presensya nya.

Grabe naman kasi eh, saan ba iyon nagsusuot at hindi man lang makuhang mangamusta?

Ni text or even call ay wala. 

Ang hanep talaga.

Maghanda ka ng valid mong dahilan kung bakit mo ito nagawa sa akin dahil kung hindi.

Naku lang talaga!

Makikita mo Rushmoore Villanueva makakatikim ka sa akin ng matinding konyat oras na lumitaw ka!

“ kaya nga naimbento ang cellphone para gamitin sa taong namimiss natin. It makes the communication easier para sa mga pusong nangungulila” kagyat na hirit ng aking  katabi.

Binalingan ko itong nanliliit ang mga mata.

Nayayamot na nga ako at lahat kakaisip sa unggoy na iyon ay dinadagdagan pa nitong gaga na ito.

“ alam mo ikaw, manghuhula ka ba? Lahat na lang ng reaction ko may interpretasyon sayo eh, gusto mo bang ipagtayo kita ng kubol?” I said to her sarcastically.

Humagikgik lang ang loko “ kahit wag’ na at baka malugi ka pa.”

“ikaw lang naman ang kaya kong basahin, kabisadong-kabisado na kita dahil sa tagal ng pinagsamahan nating dalawa” pangangatwiran nito.

“whatever Alicia” tangi kong nasagot.

Natigil ang paguusap namin when our professor came in.
……

“Alice, I’ll go first at may dadaanan lang ako sandali. Meet you at the cafeteria” paalam ko sa kaibigan ng matapos ang aming klase namin.

“okay, paki-order ako ng usual food ko if happen na mauna ka ha?” bilin nito na hindi ko pinag-abalahang lingunin.

“okies” I replied then stormed out of the room.

I was on my way to the exit door of our building when I noticed a group of female students na nakahambalang sa aking daraanan.

They are muttering to each other na hindi nakaligtas sa aking pandinig.

“what is she doing here?”

“god! My cousin is right, she’s gorgeous nga!”

“sino kayang sadya nya dito? Hindi ba at nasa magkabilang building ang mga kaibigan nya?”

“baka naman may pinopormahan?”

“oh no! Cannot be, jusko.. not her.. she’s Storm Adrianne Lee for god sake. Hindi nya kailangan ang magpa-cute sa isang babae. She can have anyone she like without doing that”

“I know right? Even me I’m willing to get a one-night stand with her kung gugustuhin nya”

“oh, come on. hindi ang kagaya mo ang papatulan nya”

Magkakasunod na komento at salitang sagutan ng ilan sa kanila while staring at this person na nasa gawing dulo at prenteng naninigarilyo.

I raise my eyebrow.

Is smoking inside the university already allowed?

My alter-ego reacted but then manage to disregard it at iiling-iling na nakiraan sa kanila.

Dumiretso ako hanggang halos makalabas na ng pintuang iyon when I heard someone calls my name.

“Brianna Buenaflor?” ani ng isang tinig na nagmula sa aking likuran.

I paused and turned around with creasing forehead “yes?” I response staring at this person with tousles blonde hair.

Ialong  kumunot ang noo ko ng matanto na ito iyong taong pinag-uusapan ng mga babaeng aking nilagpasan sa hallway.

Prente itong nakasandal sa may pader while puffing her cigarette.

Nakasuot ito ng nursing uniform, white pants and white upper shirt.

Gaya ng komento na aking nadinig, malakas nga ang dating nito. Maganda or shoud I say gwapo dahil obyus naman na isa itong lesbian. Matangkad, maayos ang tindig at makinis. May resemblance sya sa isang local celebrity na maangas din ang dating at umaapaw ang karisma.

Kumilos ito ng hindi man lang nag-abalang sumulyap sa akin. Inilaglag nito ang upos ng sigarilyo at saka iyon pinatay gamit ang kanyang paa.

Matapos nuon ay tsaka lang ito nag-angat ng tingin.

She darts me with a pair of cold brown eyes, stood up straight and tilt her head.

“hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I came here for Rush” bungad nito na ikina-angat ng aking kilay.

“layuan mo ang kaibigan ko” she said in a cold voice. Pabulong iyon ngunit madiin which make me feel irritated.

I hissed “excuse me?!” asik ko sa kanya.

Ni hindi nga nagpapakita ang kumag na iyon!

She steps forward making a small distance between us.  Sure, she looks intimidating but I didn’t entertain the feeling.

Nakipagtitigan ako dito until she leans. “I know you heard me”

Aba at loko to’ ah!

Naningkit ang mga mata ko at umatras “fyi lang noh! wag’ ako ang pagsabihan mo kundi ang kaibigan mo”

“ sya nga itong panay ang lapit sa akin kaya mas mabuti kung kayo ang mag-usap pwede?!” dugtong ko.

The person whose name is Storm just hissed.

Naningkit ang mata nito and look at me intently. “ you really are something Ms. Buenaflor. I know now why our friend is head over heels in love with you”

My heart skips a beat when she mentioned that. It makes may heart warmth kasabay ng pag register ng nakangiting mukha ni Rush.

“still.. we don’t like you for her.” She said casually “ masasaktan lang si Rush sayo at kapag nangyari iyon ay Hinding hindi ka namin mapapatawad. Brianna.” Dugtong nito in cold tone. Emphasizing my last name bago ito tumalikod at naglakad papalayo.

Ilang segundo akong natigilan habang binabalikan ang pagbabanta nito.

Ano bang poblema nya kung panay ang buntot sa akin ng kaibigan nya ?

Grabe, ganuon na ba ka big deal na nagkagusto sa akin si Rush? Like seriously? She said that they don’t like me for Rush.

Pero bakit ? For all I know ay maraming nagkakandarapa na mapansin ko, at ang kibuin at bigyan ko ng atensyon ang kaibigan nila ay isang malaking karangalan na.

Pero bakit nga ba nila ako pinapalayo kay Rush.

Naiirita kong hinawi ang sariling buhok.

Lintek! Nasan ba kasi iyong taong iyon.

“hoy!” biglang sulpot ni Alice. “ano iyon?” sabay nguso kay Storm na tuluyan ng nakalayo .

Hindi ako kumibo.

“hoy! Ano kako iyon eh” pangungulit nito shaking my arm.

“wala”

“anong wala? Eh naabutan kong kayo ang pinag-chichismisan duon.” tukoy nito sabay turo sa likuran ko.

I glance at what her pointing at nakita ko ang kulumpon ng mga estudyanteng nagbubulungan pa din habang nakatingin sa akin.

I hissed. Tsk! Mga tsismosa.

“bakit ka kinausap ni Storm?” pukaw ng katabi na nakapag-pakunot ng noo ko.

“you know her?”

“ oo naman, luh. Isa iyon sa famous dito sa campus noh. Anak ng isa sa mga board member ng school natin.

Napaismid ako.

Ah kaya naman pala ganuon umasta.

Mayabang kasi may pwesto ang mga magulang.

“pinopormahan ka ni Storm?” tudyo ng katabi ko.

“hell no! Iyong hambog na iyon.”

“eh bakit nga kasi kausap mo ?” pangungulit nito.

“tsk! Layuan ko daw si Rush” direkta kong tugon dito.

Ito naman ang nanlaki ang mga mata. “oh! Bakit naman daw?!”

“ewan! “ iritado kong tugon.

“halika na ngang kumain, nabubwisit lang ako!” dugtong ko at kapgdaka’y hinatak ito ng walang pakundangan.

--------

Halos kakapasok ko lang ng aming bahay when I heard my cellphone ring. Dala ng mainit pa ring ulo dahil hindi makamove on sa pagbabanta ni Storm ay nasinghalan ko ang tumawag na iyon. Only to found out that it was my Dad calling from Australia.

“Sorry Dad, I didn’t know that it was you. What happen to your number bakit iba na naman itong gamit nyo ?” tanong ko after I sat on our sofa.

“my phone is with your Mom. Nandito ako sa isang event ng maisipan kong tawagan ka. Kamusta ka na ? I talked to Manang Gigi last week and she said you went home drunk.buti na lamang at inihatid ka ng kaibigan mong si--- what’s her name again?”

I roll my eyes sa pagsusumbong na ginawa ng aming kasambahay..

Kahit kailan talaga oo.

“Rush dad. Suitor ko.” matamlay kong tugon never lying to him.

Wala naman kaso kung malaman nilang may nanliligaw sa akin na kalahi ni Blue dahil matagal na nilang tinanggap na iba ang gender preference ko pagdating sa pag-ibig .

“manang said, she looks like your ex-gi—”

“dad, please.” Pakiusap ko dito cutting his sentences.

It seems that its the reason why he called up. He wanted to confirm kung totoo nga ang sinabi ni Manang Gigi.

We pause for a while until I heard him clears his throat.

“I don’t know what you gotten into Bree. But if you’re just using this person para maka-cope up kay Blue I am telling you now. I won’t tolerate it. Mas mainam pang sumunod ka na lang dito sa Australia at dito ka na mag-aral kaysa kung ano anong kalokohan ang pinaggagawa mo diyan. “
Nagkukukot ang kalooban ko sa sinabi nito.

“ alam niyong mas gusto ko dito Dad” mahinahon kong tugon kahit na naghuhumiyaw ang rebelde kong kaloban.

“then don’t do anything stupid. Brianna” asik nito na dinugtungan na malalim na buntong hininga.

“anak naman, how many times do we need to tell you na iwas-iwasan mo ang pag-inom ng sobra. Your mother and I won’t restrain you from going out with your friends. Pero yung iniuuwe ka dahil sa kalasingan ay hindi namin gusto iyon” pambawi nito sa malambing na tinig.

“I’m sorry Dad, hindi na po mauulit” paumanhin ko sincerely.

“good. That would be the last okay?”

“opo”

“anyway, next school vacation ay uuwi ka dito. We want you to meet someone. It’s my friend’s daughter and they want them to just exposed her to ----”

“daddy, are you setting me up for someone? Kasi kung oo. Magalit napo kayo pero ayoko” I cut him off ng hindi magustuhan ang sinasabi nito.

Kunot ang noo kong ibinalya ang sairili sa headrest ng upuang iyon.

“of course, not anak, ipapakilala ka lang namin sa kanya but we are not forcing you to like her. Just meet her. That’s all we want. Okay” paliwanag nito na kahit papaanoy ikinagaan ng aking loob.

I sighed.

“sure Dad. No problem” tugon ko.

Mangilan-ngilang bilin pa ang sinabi nito bago nagpaalam at ibinaba ang tawag  na iyon.

Napapailing akong tumayo at tumungo sa aking kwarto.

What a day, kanina lamang ay pinagbantaan ako ng kaibigan ni Rush na layuan ito samantalang itong Tatay ko ay ipagtulakan akong ma-meet ang kung sinong babae na tinutukoy nya. 

Pumasok ako sa kwarto ko and just like a routine ay ibinaba ang sariling gamit at dinampot ang litrato namin ni Blue.

Naalala ko ang mga sinabi ni Alice. She had a point on telling me to stop entertaining Rush if ang gusto lang naman ay buhayin sa katauhan nya si Blue.

I admit it.

Pinipilit ko ngang makita sa katauhan nya ang ex-girlfriend ko.

How I’ve tried to change everything about her maging sa pagkain. Kagaya na lang the other day ng malaman ko na ayaw nya ng coffee ay pinagpilitan ko pa ring uminom sya nito when I exchanged my drink to her.

Blue loves coffee a lot but Rush did not.

Maski sa way nito kung paano replayan ang paglalambing ko ay magkaiba sila. And I prove it the night when I got drunk at hawakan si Rush sa braso nya habang nagda-drive.

If it was Blue she just simply grab my hand and will place on her legs dahil ayaw nito ang inaabala sya habang nagmamaneho.

But what Rush did that makes my heart skip a beat, is when she intertwines my hand to her at hindi iyon binitawan all throughout the ride. Kahit obyus na nahihirapan sya sa pagkambiyo habang nagmamaneho.

I sighed when confusion hits me.

What Alice didn’t know that despite the fact na ipinipilit kong maging magkahawig si Blue at si Rush ay may isang bahagi naman sa akin ang umuusbong. And part of me is scared at the same time ay may sumusungaw na guilt.

Hindi ko alam how would i react to this feeling if pakiramdam ko ay nagtataksil ako kay Blue.

I promise to love only her but my heart is a traitor dahil unti-unti na iyong tumitibok para sa isang tao. And I just can’t accept it.

I was in my deep thought analyzing everything when a sudden knock interrupts me.

I open it and I saw Manang Gigi smiling.

“may bisita ka sa ibaba”

I sighed.

“kung si Alice po iyan ay papanikin nyo na lang dito sa kwar—”

“ si Rush ang nasa ibaba hindi si Alice”
Kumunot ang noo ko kasabay ng pag-igkas ng aking puso ng marinig ang pangalan ng taong pinanabikan.

“ babain mo na “ tugon ni Manang Gigi bago tuluyang tumalikod.

Natigilan ako pansumandali until I decided to went down at harapin ang taong nagsimulang gumawa ng espasyo sa puso ko. 

Continue Reading

You'll Also Like

276K 4.7K 23
Dice and Madisson
48.1K 2.6K 23
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
838K 28.7K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.