The Two Weeks Relationship

By erzaaa78

18K 542 89

Mula nang iwanan si Luan ng kanyang pinakamamahal na boyfriend na si Alex, tinatak na niya sa kanyang isip na... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Epilogue

Chapter 9

757 28 2
By erzaaa78

Sayang. Hindi natuloy 'yung pagba-bike namin ni Xzayvian dahil umulan kaya nagstay na lang kami sa bahay nila at nanood ng TV. Akala ko pa naman ay matututo na akong magbike, hindi pa rin pala. Pero bukas, sabi niya naman ay tuturuan niya na raw talaga ako kahit na umulan pa raw, papayungan niya raw ako basta matuto lang akong magbike. Napangiti na lang ako.

Ang bait niya talaga, sino ba namang hindi mahuhulog sa lalaking 'to? Napakadaming alam, matatameme ka na lang kapag kasama mo, e. Pero naisip ko lang, posible kaya akong mahulog sa kanya kahit na tingin ko kay hindi pa ako tuluyang nakakamove on kay Alex? Just thinking. Tingin ko kasi... hindi malabong magkagusto ako sa kanya, e.

"Chess tayo?" Napatingin ako sa kanya.

"Sanay ka?" He nodded. "Hindi ako sanay, e." Ngumiti siya at napailing na lang. Seriously, ba't ba siya ganiyan ngumiti? Mabilis akong makakamove on kay Alex nito, e.

"Turuan na lang kita, sayang kasi iyung time, e." My forehead creased.

"Ba't sayang?" Tumayo siya at pumunta sa may cabinet sa gilid, binuksan niya iyun at kinuha iyung gagamitin namin... kung tuturuan niya ako. Pero sabi niya ay tuturuan niya raw ako, kapag tumagal pala siya na turuan ako.

"Two weeks lang naman tayong magkasama, pangatlong araw na ngayon tapos mamaya ay uuwi ka na. E 'di bukas, pang-apat na araw na. Ilang araw na lang? 7 days," he stopped then sighed. "Ba't ba kasi ang bilis ng araw? Tapos parang nananadya pa, tuwing kasama kita 'tsaka mas bumibilis..." Natawa na lang ako sa kanya. Ang cute niya kasi, para siyang bata na inis na inis sa buhay.

Lumapit ako sa kanya at tinapik siya sa balikat. "It's okay. We can extend our 'two weeks relationship' if you want," sumilay ang isang ngiti sa labi niya pero bigla rin iyun nawala.

"'Wag ka ngang paasa. Aalis ka kaya pagkatapos ng two weeks." Ay! Oo nga pala. Susunduin na nga pala ako ng Tita ko para sa China na ipagpatuloy ang aking buhay.

"Sorry na... pero, promise, gagawin natin lahat ng bagay na gusto mo bago matapos ang two weeks." I smiled at him.

"Weh?" Nailing na lang ako. Para talagang bata. He grinned. "Kahit... medyo bastos?" My eyes widened. Pinalo ko siya sa braso, ang lawak ng isip niya. Grabe. "Joke lang naman. Tinry ko lang naman na i-suggest, baka makalusot." Pinanliitan ko lang siya ng mata. He pinched my nose.

"Tama na, masakit." Tinanggal niya agad at tiningnan ako na parang nag-aalala.

"Nasaktan ka?" Kumunot iyung noo ko.

"Ha?"

"Nasaktan ka ba?" Ulit niya. I slowly shook my head. He sighed. "Buti naman. Sorry, hindi ko na uulitin." Ano raw? Hindi ko siya gets, ah.

"Ang alin? Alin ang 'di mo uulitin?"

"Iyong pagpisil ko sa ilong mo," he said then shyly smiled. I laughed.

"Iyon lang pala. Okay lang, 'no."

"Baka masaktan ka ulit." Napa-okay na lang ako. Ang weird talaga minsan ni Xzayvian, may nakain na naman yatang kung ano, kung anu-ano sinasabi, e.

Inayos niya na iyung chess game pieces, white akin tapos black iyung sa kanya. Pinaliwanag niya muna sa akin iyung mga tawag doon sa inayos niya. King, Queen, Rook, Bishop, Knight, at Pawn. Pinaliwanag niya rin sa akin kung paano iyung galaw nung bawat game pieces at sinabi niya rin na bawal makain iyong King, kapag nacheckmate na raw iyon, talo na raw ako pero kapag check lang daw, hindi pa. Sabi niya rin sa akin na 'wag ko raw basta ipakain 'yung Queen ko kasi malaki raw iyung pwedeng itulong sa'kin noon.

Tapos, habang tumitira raw or nag-iisip ng igagalaw 'yung kalaban ay mag-isip na rin daw ako ng igagalaw ko o iyung magiging strategy ko para hindi na raw ako mahirapan kapag ako na iyung titira. Nasayahan naman ako sa pagtuturo niya, para siyang teacher na nagpapaliwanag sa kindergarten kasi sobrang ingat niya sa pananalita at saka sobrang hinahon.

Naglaban din kami at... nanalo ako. Yeah, hindi kapani-paniwala ang pangyayaring iyon pero ganoon talaga, nanalo ako, hindi ko naman gustong mangyari iyon dahil naaawa ako kay Xzayvian kasi kakaturo niya pa lang sa akin tapos matatalo ko na agad siya kaso ganoon talaga... talo siya.

Ang yabang ko grabe.

Pero syempre, joke lang iyan! Hindi naman ako mananalo kay Xzayvian, master na yata iyan, e.

Nakakailang pa, sabi niya sa akin ay habang tumitira iyung kalaban, mag-isip na ng strategy, e siya nga nakatulala lang yata sa mukha ko. Hindi tuloy ako makapag-isip ng maayos kung ano iyung ititira ko, nakain niya pa iyong Queen ko. Hay. Tapos kapag titingin ka sa kanya, ngingitian ka bigla. Oh, my gosh! Nag-improve na talaga siya. Dati kasi may pamula-mula pa ng tainga, ngayon, kaya ng tumitig. Matatag.

Paggising ko pa lang yata nakila Xzayvian na ako. Masyado yata akong naadik sa mukha niya at hindi na ako nagsawa. Hindi naman kasi nakakasawa, e. Napangiti na lang ako. Feeling ko talaga, para na akong ewan. Paalis kami ni Xzayvian ngayon kasi kukunin namin 'yung bike niya sa bahay nila tapos kukuha rin daw kami ng bike para sa akin. Sa village rin nila kami magba-bike kaso hanggang 9am lang kasi mainit na masyado kapag 10am. Okay lang naman, 6:30am pa lang kaya. Ang aga pa, 'di ba? Hindi naman kami excited.

"Pang-apat na araw na, Luan." Sumandal ako sa upuan ng passenger seat at nginusuan lang siya. Hindi na talaga ako nahihiya pagdating kay Xzayvian, nasanay na ako sa mukha niya.

"Alam ko rin naman na pang-apat na araw na natin pero hindi ko naman sinasabi." Inistart niya na 'yung kotse at nagsimula ng magdrive.

"Seven days na lang kasi, ang bilis talaga. Paano kaya kung sundan na lang kita sa China?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi pwede." Ngumuso siya.

"Bakit naman?"

"Tapusin mo muna 'yong college mo dito, then, pagtapos na rin ako, graduated na ako... babalik ako rito at hahanapin kita. Magiging tayo ulit pero ang kaibahan lang sa ngayon ay sa susunod, hindi na two weeks. Forever na 'yun." He smiled.

"Weh?" Natawa na lang ako. Ang hilig talaga nito sa weh. Parang laging niloloko, e.

"Oo na. Magdrive ka na, kapag tayo ay nabangga, wala ng forever." He grinned.

"Hindi ko hahayaang mangyari iyon, Luan." Nagkibit-balikat lang ako.

Pagdating namin sa kanila, pinapasok lang kami nung guard at pumasok na sa bahay nila. Dapat pala dinala ko 'yung phone ko para makapagbago na ng profile sa Facebook. Speaking of profile sa Facebook...

Tiningnan ko si Xzayvian at kinalabit. Nandito kami sa kwarto niya at hinahanap niya iyong susi ng room na pinaglalagyan daw niya ng mga bike niya.

"Yes?" Hinahanap niya pa rin iyong susi. Magsasalita na sana ako kaso bigla siyang sumigaw. "Ayon! Nahanap ko rin, let's go." Lumakad na siya pero huminto rin nang mapansin niya na hindi ako nakasunod. "Ay, oo nga pala. Ano iyon?"

"Ba't ako iyung profile picture mo sa Facebook?" Ngumiti siya at kinamot iyong batok niya.

"A, e... dapat ko pa bang ipaliwanag iyon? Mamaya na lang." I eyed him.

"Mamaya, ah! Kapag iyan... hindi mo sinabi," tumango siya sa akin.

"Promise, sasabihin ko sa'yo. Tara na," naglakad na siya, sinundan ko lang siya.

Nang nasa tapat na kami nung room na sinasabi niya, binuksan niya na iyon at... wow. Ang daming bike na bumungad sa akin. Para siyang tindahan ng bike at iba't ibang klase.

May kinuha siyang isang bike. "Ito iyong gagamitin ko, ikaw? Pili ka na." Nanlaki iyung mata ko.

"Papahiramin mo talaga ako? Paano kapag nasira ko?" Mukha kasing mamahalin pa, e. "Wala akong pambayad diyan." He laughed.

"Okay lang, 'tsaka, iyo na naman 'yung pipiliin mo..." Hala! Totoo?

"Baka mahalaga sa'yo iyang lahat... hihiramin ko na lang 'tsaka aayusin ko iyong paggamit." He shook his head.

"Mahalaga iyan pero mas mahalaga ka." Oh, my gosh. Xzayvian naman! Feeling ko talaga ay playboy siya, sanay na sanay sa mga banatan, e.

"Pero mahalaga nga sa'yo iyan?" He nodded. "Pero sure ka rin na okay lang kahit na akin na lang iyung isa diyan?" He nodded again. "Paano kapag sinabi kong gusto ko iyang lahat? Bibigay mo ba sa akin iyan?" Syempre, joke lang. Hindi nga ako sanay magbike, anong gagawin ko diyan? Ibenta ko na lang.

"Oo naman." Tipid niyang sabi.

"Xzayvian Austria! Totoo?" Hindi makapaniwalang sabi ko. He just nodded. I laughed. "Joke lang, ito naman. Kakalawangin lang iyan sa bahay, e... pero hihiram lang ako ng isa." I said.

"Seryoso ako, pwede mong hingin lahat ng iyan, Luan Keihl de Lara." Okay? Masyado talaga siyang seryoso.

"Whatever. Basta, itong red ang napili ko. Bike na tayo..." Tumango lang siya at kinuha na iyung red na bike. Kaya ko bang sumakay diyan? Parang ang taas ng upuan, naastigan kasi ako kaya iyan iyung pinili ko. Nilock niya ulit iyung pinto.

Nilabas lang namin 'yung bike at lumabas na ng bahay nila. Yes. Ito na, tuturuan niya na ako, sa wakas, sa 19 years na nabubuhay ako, ngayon pa lang ako makakasakay sa bike.

"Sakay ka na... tapos pidal ka, hahawakan ko naman iyong bike." I nodded. Parang ang weird lang namin, kasi dapat sa normal lang na bike muna ako sasakay para madali agad akong matuto pero itong sinasakyan ko, mga pambiker na talaga 'to, e.

"Hawakan mo, ha..." Nanginginig na sabi ko. Ang taas naman kasi ng upuan, ang hirap umupo. "Pipidal na ba ako?" He nodded. Unti-unti na akong pumidal, okay self. Kaya mo iyan, matututo ka ring magbike.

"Bitawan ko na?" I immediately shook my head.

"Hindi pa ako ready!" Narinig ko siyang tumawa. Napanguso tuloy ako.

"Sige na nga, bitawan mo na." Kinagat ko iyung labi ko.

"Okay." What? Anong okay? Oh. My. Gosh.

Binitawan niya na nga!

"Huy, Xzayvian! Hala, paano 'to!" Tuloy-tuloy ako sa pagpidal, paano ba pahintuin 'to? Nadiinan ko na lang iyong pagkagat sa labi ko nang maramdaman ko na masesemplang yata ako.

Teka.

Ba't hindi masakit? Dinilat ko iyung mata ko. Ah. Kaya naman pala, nasalo niya ako. He smiled at me.

"Got you."

Continue Reading

You'll Also Like

56.7K 1.6K 34
Hannah Daeriel Valeria is seen as perfect by many because she's beautiful, smart, and comes from a wealthy and respected family. But not everyone kno...
8.8K 356 43
[COMPLETED] "I break the rules,I don't need the rules,I need him." What if you have rules to follow? What do you prioritize those rules or your heart...
6.6K 148 47
AGE GAP SERIES #1: THE 10 YEARS GAP Waiting for the right time for us. SHIANA JANE LEDEVIONA, 14 years old from ASEA (Asian South East Academy) ARY...
13.1K 636 106
Allie Rose Garcia, is a girl with a jolly personality, lovable and an always positive girl, but.. that was all before when she think no one will leav...