The Two Weeks Relationship

By erzaaa78

18K 542 89

Mula nang iwanan si Luan ng kanyang pinakamamahal na boyfriend na si Alex, tinatak na niya sa kanyang isip na... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Epilogue

Chapter 8

843 26 1
By erzaaa78

Five pa lang ng umaga ay gising na ako. Feeling ko nga, para na akong adik, e. Nakatatlong tasa ng kape na rin yata ako. Hindi rin ako mapakali sa isang puwesto, lakad ako nang lakad. Si Xzayvian kasi, e! Ipapakilala raw ako sa parents niya ngayon tapos ganito 'yung itsura ko? Hindi nga ako makatulog kasi anong sasabihin ko sa parents niya? Mukha pa namang mayaman sila Xzayvian kasi may kotse siya, ang hindi ko lang maintindihan ay bakit sa apartment lang sila nakatira ni Xsen. Pero kahit na, mayaman pa rin sila at kinakabahan pa rin ako.

Nang magseven am na, nagluto muna ako ng pancit canton tapos naglaga ng itlog para kainin. Binuksan ko rin iyung TV at nilagay sa Unang Hirit. Wala pa bang cartoons? Detective Conan? Ang tagal naman. Pagtapos kong kumain, naglinis muna ako ng bahay, halos mapangiwi ako nang makita ko iyung labahin. Hindi pa nga pala ako nakakapaglaba! Ano ba iyan. Natambakan na naman ako.

Naligo na rin ako at nagbihis lang ng pajama at white t-shirt. Para kasing init na init ako, hindi ako mapakali sa katawan at kinatatayuan ko. Pagbalik ko sa sala, simula na iyung Detective Conan, sa wakas. Nakatitig lang ako sa TV ko at tinitingnan bawat suspect, may pangalan pang nakalagay, 'di ko naman mabasa dahil ibang language. Sino iyung pumatay? Parang ang galing lang ng suspect kung sino man siya kasi walang nakakita o nakahalata. Lahat sila nasa iisang lugar lang nang mangyari iyung kahina-hinalang putok ng baril.

"Luan?"

"Ay, baril!" Napatingin agad ako sa pinto, nandoon si Xzayvian at nakangiti pa sa akin ng alanganin. Ginulat niya naman ako.

"You okay?" I nodded. "Sorry, ah? Binuksan ko na iyung pinto, bukas naman kasi 'tsaka kumatok naman ako kaso walang nagbubukas..." Sabi niya at kinamot 'yung batok niya. Napakamahiyain talaga nito. I smiled.

"Okay lang. Kumain ka na?" He shook his head.

"Hindi pa, pero kakain na rin ako, gusto ko lang sana na tanungin ka kung kumain ka na para sumabay ka na sa amin ni Xsen," tumayo ako at binigyan siya ng upuan.

"Kumain na ako, kayo na lang ni Xsen ang magsabay." Tinanggihan niya lang iyong upuan kasi aalis din naman daw siya agad kaya ginilid ko na ulit.

"Ah, sige..." Tipid siyang ngumiti at akmang isasara na iyung pintuan nang tinawag ko ulit siya. "Ano 'yun?" Naiisip ko lang, ba't ba tuwing kaharap ako ni Xzayvian para siyang makahiya na unti-unting tumitiklop.

"Iyong sa ano... about doon sa chat mo sa akin kagabi, tuloy pa rin ba?" I smiled awkwardly, ayan, nagaya na rin tuloy ako sa pagkamahiyain ni Xzayvian.

"A, e... ikaw, I mean, ikaw bahala... okay lang ba?" Para akong naalarma bigla, okay nga lang ba? Okay lang ba na ipakilala niya ako sa parents niya? Well, kung iisisipin, ang saya lang noon kasi aasahan mong loyal at mahal na mahal ka talaga ng boyfriend mo kasi gusto ka niyang ipakilala sa parents mo pero... two weeks lang naman 'to, 'di ba? Paano kapag nagbreak na kami tapos hanapin ako ng Mama niya, anong sasabihin niya? Baka isipin ng Mama niya na laro-laro lang 'to sa amin.

"Ikaw ba? Gusto mo ba talaga akong ipakilala sa parents mo?" Kasi baka naman hindi niya talaga gusto or napipilitan lang siya kasi masyado siyang mabait.

He took a deep breath and smiled at me. A genuine one. "To tell you the truth, yes. I want you to meet my parents and my parents to meet you."

"Bakit? Bakit gusto mo?" It took a minute before he answered my question. He looked directly at my eyes.

"Kasi mahal kita," and that made me speechless.

Hindi ko alam ang tamang mararamdaman ngayon, nakasakay ako sa kotse ni Xzayvian papuntang bahay nila. Hindi na ako kinakabahan, siguro... dahil na rin sa sinabi niya sa akin kanina, na mahal niya ako. Siguro, dahil doon, napanatag na rin ako na kaya gusto niya akong ipakilala ay hindi dahil nakokonsensya siya kundi dahil mahal niya ako.

Pero, hindi ko alam... kasi parang unti-unti ko na ring nakakalimutan si Alex. Nalilipat iyung atensyon ko kay Xzayvian, siguro nga, malapit na talaga akong makamove on kay Alex dahil kay Xzayvian, ang saya lang. At kung dumating man ang tamang panahon, baka magustuhan ko si Xzayvian... mahalin ko rin siya at magkaroon na talaga ng tunay na kami. Iyong walang due date, kami na talaga. Forever na iyon.

'Tsaka, sure naman ako na kaya kong mahalin si Xzayvian, sino ba naman kasing hindi mafo-fall sa kanya? Ang bait, maginoo, hindi ka sasaktan, almost perfect na kumbaga. Kaya time will come, magkakagusto rin ako sa kanya at mamahalin ko rin siya. Sana lang ay magkasama pa rin kami ng time na iyon at close pa rin kami. Kasi 'yung closeness, ang hirap niyang ibalik kapag nawala na... parang trust lang.

"Nervous?" I shook my head. "Ba't parang ang lalim ng iniisip mo?"

"Iniisip lang kita, kung anong mangyayari sa atin in the near future," I said, smiling. Natawa naman ako nang mamula siya. Grabe talaga, ang bilis tablan ng mga sweet words. Paano na kapag naging sweet na talaga ako? Baka sumabog na siya. Hay, nako.

"Mangyayari? Iyong magkakababy na tayo?" Ako naman iyung namula sa tanong niya. Pinalo ko siya sa braso niya, kaya pala namumula siya!

"Kung anu-ano iyong iniisip mo! Ang ibig kong sabihin kasi ay kung tayo pa rin ba o... alam mo iyon?" Natahimik kaming dalawa. Mukhang hindi na rin niya alam 'yung tamang sasabihin kaya nagdrive na lang siya at hindi na nagsalita. Parang naging awkward tuloy iyung atmosphere. Ano ba naman kasing klaseng thoughts iyan, Luan?

Nang makarating na kami sa sinasabing isa pang bahay nila, halos manlaki na lang iyung mata ko sa nakikita ko. Ito ba talaga iyung bahay nila? For real? Ang yaman pala talaga nila... yeah, alam ko na mayaman sila pero hindi ko akalaing ganito kayaman. Iyong totoo, presidente ba ng Pilipinas iyung tatay o nanay ni Xzayvian?

Pagkapark niya sa garahe nila, lumabas na kami ng kotse niya. Para akong batang naliligaw dito na tingin nang tingin sa gilid-gilid. Ang ganda kasi talaga. Muntik pa nga akong matalisod, buti na lang nahawakan ako sa bewang ni Xzayvian.

"Hey, ingat ka, baka madapa ka diyan." I just nodded. Pagpasok namin sa bahay nila, sumalubong agad sa amin ang sangkatutak ng maids. Binati kami ng good morning at pinapasok sa bahay. Okay, okay. Hindi ko akalaing ganito kayaman si Xzayvian, sobrang mangha na talaga ako. Hindi na ako makaget over.

May sumalubong sa amin na babae na tingin ko ay nasa 45 ang edad. Nanay yata 'to ni Xzayvian. Lumapit si Xzayvian dito at hinalikan sa pisngi. Tumingin sa akin 'yung babae. Napakagat ako sa labi ko. Ano bang dapat kong gawin? I smiled awkwardly.

"A... hello po. Good morning din po..." Nanatiling poker face iyung babae at tumingin lang sa akin, napalunok na lang ako nang tumalikod ito at sinabing sundan daw siya.

Lumapit sa akin si Xzayvian at hinintay ako sa paglalakad.

"Are you okay?" I nodded. "You look pale. Masama ba ang pakiramdam mo?" I shook my head.

"I'm good. Walang masakit o masama ang pakiramdam, okay lang talaga ako." Tumango siya at naglakad na kami.

Nasa dining room kami, nagse-serve ng pagkain iyung mga maids ngayon. Naagaw iyung atensyon ko sa mga maids nang umubo iyong nanay ni Xzayvian.

"Xzayvian," parang tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan. "Who's that girl?"

Xzayvian cleared his throat. "Mom, I want you to meet Luan... My girlfriend," tumingin sa akin iyong Mom ni Xzayvian. Parang hindi niya yata ako gusto para kay Xzayvian.

"Seryoso ka na ba rito?" Bahagyang kumunot iyong noo ko. Anong seryoso?

"Yes, Mom. Siya na iyon... I'm sure of that," hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila kaya palipat-lipat lang ang tingin ko.

"She's not pregnant, right?" Ha? Ba't naman ako mabubuntis? 'Tsaka... wala naman kaming ginagawa ni Xzayvian. Sobrang galang kaya ni Xzayvian sa mga babae.

"Of course, I love her. Promise. I am serious with her." Nagulat ako nang may sumilay na ngiti sa labi ng mom ni Xzayvian.

"Finally... nahanap mo rin ang babaeng para sa'yo," nahanap? Ako? Hindi ko alam iyung tamang gagawin ko, kung ngingiti ba ako o hindi.

Kasi... ako ba talaga?

Pangatlong araw na ngayon. Mayroon pa kaming 11 days. Parang ang tagal pa naming magkakasama ni Xzayvian pero sa totoo lang, sandali lang iyan. Ang bilis lang kaya ng araw.

Masaya ako na kilala na ako ng parents ni Xzayvian, gusto nila ako para sa anak nila. I'm happy because of that. Kung buhay lang din siguro ang parents ko, ipapakilala ko si Xzayvian sa kanila at sure ako na magugustuhan din nila si Xzayvian.

"Anong gusto mong gawin natin ngayon?" He asked. Nandito lang kami ngayon sa bahay nila, sa apartment. Tita Daisy told us na roon na lang tumira sa bahay nila, sinabi ko kasi na sa apartment lang ako nakatira at wala na rin akong magulang but I refuse. Ganoon din naman si Xzayvian.

"Ewan. Ikaw ba, anong gusto mo?"

"Ikaw. Ay, hindi pala, mahal nga pala kita." He said then pinched my nose. Napangiti na lang ako.

"Ikaw, ha... bumabanat ka na, kapag ako bumanat baka sumabog ka na diyan," pang-aasar ko sa kanya.

"Sumabog dahil sa sobrang pagmamahal sa'yo," he winked at me.

"Boom!" Nagulat pa kami sa pagsulpot ni Xsen. Tumingin siya sa amin. "Ginagawa niyo," we just shrugged. Si Xsen talaga.

Nanood na lang ulit kami sa Movie Central, may TV plus kasi sila Xzayvian, e. Maganda iyong movie ngayon kaya pinanood na lang namin. Nang matapos na iyung movie ay nilipat namin sa MYX kaso hindi namin type 'yung music kaya nilipat namin sa ABS-CBN pati sa GMA hanggang sa nauwi kami sa YEY.

Seriously, tv plus is life. Kapag bumibisita kasi ako kila Tita Jel ay doon lang ako nakakanood sa tv plus.

"Gusto mo magbike?" Tanong niya habang nanonood kami ng Garfield.

"Bike? Hindi ako sanay, e..." Narinig ko siyang tumawa kaya inismiran ko lang siya. Hindi nga kasi ako sanay, hindi naman kasi ako nagkaroon ng bike nung bata ako.

"Gusto mo, turuan kita?" Napatingin agad ako sa kanya. Matagal ko ng gustong magbike, so why not?

"Talaga?" He nodded. Napangiti na lang ako at inaya na agad siya.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 25K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
39.7K 841 27
Mag karelasyon si marx at glaiza ng 4 na taon ngunit nauwi ito sa wala dahil nag asawa ng bglaan si marx At ang hnd alam ni glaiza ay 3 ang batang is...
44.3K 2.1K 61
Life is full of lies so just deal with it! DOORMATE BUDDIES 💙 hotburnn_
38K 1.2K 62
She survived because the fire inside her burned brighter than the fire around her. Now that she's back on her feet, something isn't right.. She's not...