No One Saved the Princess ꞁ ✓

By pinutbutterjelli

229 28 263

Naghihintay ako ng taong sasagip sa akin. Iyong parang sa telenovela o sa romance books, yung lalaki na lagi... More

no one saved the princess

229 28 263
By pinutbutterjelli

Ako na siguro ang pinakamalas na tao sa mundo. Parang ang saya-saya ko siguro kasi. Sa sobrang saya ko naisip ng kung sino na dapat 'di palagian, na dapat magkaproblema rin ako paminsan-minsan. 

Ayos lang sa akin iyon, kakayanin ko naman.

Pero iyon bang mangyayari ng isang araw na akala mo malaki ang utang ko tapos may kung sinong magigipit kung hindi ko mababayaran agad.

 Ano ba ang mga naganap?

(a) Natanggal ako sa trabaho dahil may nakarandam na aalis ako. Tapos bumagsak pa ako sa exam ng trabahong papasukan ka sana pagkatapos.

(b) Namatay ang alaga kong hamster na akala ko tatagal ng dalawang taon.

(c) Kulang ang pera ko pambayad sa apartment. Kanina, may love letter ulit si Manong Landlord. Konti na lang raw at siya na mismo ang mag-aalis ng mga gamit ko at itatapon pa niya sa labas

(e) May dumaan na itim na pusa habang papunta ako sa condo unit ng boyfriend ko. Magreklamo sana ako sa mga naganap pero 'di siya sumasagot sa tawag kaya pupuntahan ko na lang. Inisip ko kung tutuloy pa ba ako. Itim na pusa, e. Pero, yeah, not like I believe in them.

Ito naman ang pinakamatindi. Naglalakad na ako papalapit sa condo. Ewan ko, hindi ata nila naisip na hawak ko ang extrang susi niya. Basta ang saya.

Alam mo yung mukha ka ng bruha kasi intense kang humahagulgol. May ano ka pa, sipon na sinisinghot pabalik. 

Tapos, nang asa loob ka na, malakas ang music kaya 'di mo naririnig kung ano man ang nagaganap sa loob. Pero pagbukas mo ng pinto, doon mo lang ma-ge-gets na pang-milagro yung kanta at nasa kama ang mga gumagawa.

(f) My longtime boyfriend cheated on me with my bestfriend.

Ang saya saya.

Kulang na lang siguro makakuha pa ako ng tawag na biglang naaksidente si Mama.

Pero, wait, anong ginawa ni Ate?

Wala lang. Hindi ako basagulera. Isinara ko lang ang pinto nang pabalibag. Malay ko kung narinig nila o hindi. Basta, mabilis akong umalis. Dabog dito. Dabog doon. Hanggang sa makabalik na ako ng apartment at doon sa harap ng pinto nag-breakdown.

Ngumawa lang nang ngumawa. Bahala silang mag-react kung gusto nila. Sasabihin ko na lang namatayan ako.

Nakisabay pa ang biglang pagbuhos ng malakas na ulan. Nagmamadaling lumakad ako sa veranda at nagsimulang kumanta ng sintunado. Umuulan naman na.

"Ummmmaaasssaaanggg hiiiindddiiii mooo taaataaapppaaakaaan anggg akiiinggg mgggaa ppaaaa."

Para kang lasing, Henrietta, kastigo ko sa sarili pero hindi ako tumigil, hanggang sa may sumita sa akin.

--------------------------------

"Anak, kamusta ka na? Dalawang linggo ka nang hindi tumatawag, ah. Anong nagyari sa'yo? Nag-away ba kayo ni Seth?"

Tumingin lang ako sa overhead electric fan. Kung hindi pa sinabi ni Mama na dalawang linggo ang nakalipas ay hindi ko pa malalaman. Andaming araw na pala. Buti hindi pa ako kinakaladkad ng Landlord namin. Gumana siguro ang palusot kong namatayan ako.

Dalawang linggo na akong nabubuhay sa instant noodles. Wala akong ginawa kundi ang tumitig sa electric fan. Pilit nagpapa-hypnotize, iyong tipong ma-hy-hypnotize kang gumalaw at bumalik ulit sa sarili mong mga paa.

Hindi ko nga alam kung ano ang isasagot kay Mama.

Ngumiti na lang ako, nagsinungaling.

Madali lang magsabing okay ka. Dagdagan mo lang ng cheerful at klarong boses para maiparating sa ibang tao na totoo iyon.

Wala namang nahimigang problema sa'kin si Mama. Palaging ganoon at dahil magaling ako, kailangan ako mismo magsabi sa kanya. Kaya binola ko na lang siya. Tapos okay na.

Inilagay ko sa mesa ang phone ko at huminga nang malalim.

May susunod bang kamalasang darating kung hindi ako lalabas ng bahay?

Patawa ka, Henri.

Bakit ba ang buhay ko hindi tulad ng mga asa telenovela at pocketbooks? Iyong tipong, may aura na akong Damsel-in-Distress pero ni Prince Charming o Knight in Shining Armor, walang dumating.

Ang galing kasi roon. Kahit saang lungga magtago ang bidang babae ay may makakahanap sa kanyang prinsipe.

Bakit ako na nagmumukmok ng dalawang linggo dahil sa mga kadismayahan sa buhay ay wala man lang dumating?

Maganda naman ako. Ayos lang naman ang height ko. Sexy naman ako, ah.

Napailing ako at ipinagpatuloy na lang ang pagpapa-hypnotize sa electric fan.

--------------------------------

Malamig ng gabing iyon.

May babaeng pumunta sa dalampasigan. Nakaputing dress at naka-makeup siya para kung may makadiskubre ng katawan niya, magmimistula siyang Drowned Beauty.

Pinuno niya ng bato ang bulsa ng suot niyang cardigan. Tapos nagsimula siyang maglakad.

Sa horror movie na The Boy may eksenang ganito, may matandang mag-asawa na magkahawak-kamay na nagpalunod.

Ang babaeng ito walang kasama. Napaka-lonely. Unconsciously, naghihintay siya ng makakita sa kanya. Kaya nga siya nagsuot ng puti para mag-standout, pero ilang hakbang na ang ginawa niya wala pa ring prinsipe o kawal na dumadating.

Kahit sino na sana.

Malapit na nga siyang malunod sa lagay na ito pero wala pa rin.

Wait.

Sh*t.

Nakakatakot pala. Damn. Ayoko na.

Sh*t.

Back-up back-up, dali.

Alalahanin mo ang mga tinuro sa'yo nung gym class niyo sa swimming.

Langoy, Henri, langoy.

Humigit ako ng hininga at tawang-tawa na bumalik sa dalampasigan. Bw*s*t. Pati ba naman pangarap kong maging sirena, hindi pa matutupad.

Tatawa-tawa ako hanggang sa umiyak na lang ako nang umiyak.

Nang matapos na, huminga ako nang malalim. Akay-akay ang dala kong bag, naghintay ako ng bus sa istasyon. Umuwi sa bahay namin at ngumawa sa nag-iisang taong kinayang buhayin ako nang mag-isa: Si Mama.

--------------------------------

"...she started Freelancing at 22. And because of her tenacity and patience, she managed to build a name for herself in three years. Mapa-website man 'yan, UI/UX, designs, or brands. Minsan kinukuha rin siyang adviser ng mga startup companies. Parang apprentice ko lang siya dati pero ngayon, l-um-evel up na siya. With that said, let's all welcome this very inspiring young lady, Ms. Henri Asuncion," pagpapakilala sa akin ni Melinda, ang owner ng Cray Xyber, ang co-working space na tambayan ko nang magsimula akong mag-freelance. And she's my friend and mentor. 

Ngumiti siya at ipinasa sa akin ang mic.

"Hello sa inyong lahat," bati ko sa mga babae na um-attend ng #WomenCanCode seminar. I smile. "Maraming salamat sa pagdalo niyo, gals. Maraming salamat rin at naniniwala kayong matutulungan namin kayong ipakita pa ang kakayahan ng kababaihan pagdating sa technology. Women can code, gals. Gone were the days when coding was just for men. At alam niyo bang ang first computer programmer ay isang babae? Yes, it's true. Her name is Ada Lovelace."

And I went on. In-expand ko pa ang mga examples ng mga babae na naging epitome ng IT. I saw how my audience buzz with hope and amazement. There are ones who started writing down what I'm saying and others who are taking pictures of my slides.

"And we have my personal story. May oras na pakiramdam ko pinagsakluban na ako ng langit at lupa ng isang araw lang. Tapos, wala. I felt so alone. So alone to the point na umabot ako sa puntong akala ko, tama na siguro, one less people in the world.

"Kaso naduwag kaya andito pa rin. Buhay pa at ngayon asa harap niyo. And I want to tell you that if I had given up that day, I would'nt be here. I wouldn't be promising you na minsan malugmok ka man kung saan, maari ka pa ring lumaban.

"There are people actually willing to give you a helping hand. The God Almighty is there as well, we just sometimes forget that He is. And without me stepping forward and asking, I wouldn't be here proving to you that here I am, one strong woman. We don't need to be princesses, waiting to be saved. We can be our own savior. You can do it, girls. We're waiting for you."

Isang masigabong palakpakan ang narinig ko at kung dati naiiyak ako kung kwinekwento ko iyon. Ngayon, hindi na. If my story can help someone else, then why not?

--------------------------------

Ang lakas ng ulan. Pinagtritripan na naman ako ng panahon. Kung kelan naman andami kong pinalabang damit.

"Paano ko iuuwi ang mga ito?"

Napasapo ako ng noo. Sarap maging isda. Lumapit na lang ako sa Ate na nagmamano ng laundry shop.

"Ate, pwede po bang makahingi ng extra plastic?"

"Okay lang, Miss. Saglit," nakangiting wika niya sabay tayo para kumuha ng plastic. Iniabot niya sa akin at ginamit ko para doblehin ang lalagyan ng damit. 

It's heavy but I'm a strong and independent woman.

Kung mga unos nga ng buhay nalampasan ko, simpleng pag-ulan pa kaya.

Nag-ready ako para tumakbo na sana pero may lalaking pumigil sa akin at ibinigay niya sa akin ang isang payong.

Ibabalik ko na sana ang payong pero agad siyang tumalikod at tumakbo.

I saw his back. He has wide shoulders and untamed curls covered in a beanie. Matapang na animo kawal na sumuong sa gyera ang patakbong pagsuong niya sa malakas na ulan.

Three years.

I smile and held the umbrella close to my heart.

Hello, possible prince.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 71.7K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
1.7K 979 21
Poetry ❤ ✎3 Years Ago, I Was Your Prologue ✎3 Years Later, She's IS Epilogue Started: November 13, 2020 Ended: November 14, 2020 LANGUAGE: TAGLISH GE...
15.1K 155 4
ang daming nangangako saatin na hindi nila tayo iiwan but in the end of the day nandon sila sa iba at nagpapakasaya habang tayo ay nakakulong pa din...