BHO CAMP #7: The Moonlight

By MsButterfly

1.9M 55.5K 4.6K

It was so tiring to hope for the constant moon only to get a dying and burning satellite in the end. I wanted... More

PROLOGUE
Chapter 1: Nostalgia
Chapter 2: Play
Chapter 3: Light
Chapter 4: Mission
Chapter 5: Void
Chapter 6: Beat
Chapter 7: Indulge
Chapter 8: Demons
Chapter 9: Solace
Chapter 10: Use
Chapter 11: Heroic
Chapter 12: Ride
Chapter 13: Inspiration
Chapter 14: Haunt
Chapter 15: Warm
Chapter 16: Soldier
Chapter 17: Breathe
Chapter 18: Taint
Chapter 19: Fly
Chapter 20: Revenge
Chapter 21: Detach
Chapter 22: Stitch
Chapter 23: Chase
Chapter 25: Dream
Chapter 26: Arrow
Chapter 27: Ask
Chapter 28: Fear
Chapter 29: Dance
Chapter 30: Moonlight
EPILOGUE
Author's Note
Up Next

Chapter 24: Done

55.1K 1.7K 114
By MsButterfly


#BHOCAMP7TM #HugotNiAiere #AieCher #BHOCAMP

A/N: Pasensya na sa typo at grammatical errors na maliligaw. Aayusin ko 'yan pagkatapos kong gumala :3 See you sa BBW!

AIERE'S POV

Tahimik na nakatayo lang ako sa isang bahagi ng interrogation room at nakahalukipkip na pinapanood ang mga nagaganap. Sa kabila ng one way na salamin ay naroon si Athena at kausap si Mrs. Chase. They've been in there since we arrived about an hour ago. Hindi ko pa nagagawang kausapin si Dawn para sa debriefing ko dahil tutok ako sa ina ni Archer na sa hindi malamang kadahilanan ay nagkakaroon ng panic attack kapag hindi niya ako kasama.

She don't trust anyone but for some reason she want to stick with me even though I'm the one who infiltrated their home and brought her here. Siguro dahil alam niya kung ano ang koneksyon ko sa anak niya.

Ang tagal bago ko nagawang kumbinsihin na pumasok siya sa interrogation room na hindi ako kasama. Mabuti na lang talaga at si Athena ngayon ang kaharap niya dahil kahit paano ay naibsan ang takot niya sa aura ng babae na nakangiting humarap sa kaniya. Athena looks harmless but of course all the agents knows that she can throw a punch as hard as any men here.

"Ang ganda ng first impression mo sa mother in law mo ah."

Hindi ko nilingon ang nagsalita at nanatili akong nakatingin sa salamin. "Wag ngayon, Hera."

"Just saying. When this is all over hindi ko alam kung paano mo kukumbinsihin ang ina ni Archer na matimtimang bride to be ka."

Pinaikot ko ang mga mata ko. "Right. As if that's possible. Kahit nga anak niya hindi ko magawang kumbinsihin na hindi tumakbo palayo sa akin."

"Sad life." sabi ng babae na wala namang pang-aasar sa boses. Alam naman namin pareho na iisa lang ang direksyon na tinatahak ng buhay pag-ibig namin. "Fries?"

Nagbaba ako ng tingin sa inaabot niyang Jollibee fries at umiling na lang ako. Nagkibit-balikat siya at nagpatuloy sa pagkain habang nakinood na rin sa pag i-interrogate na ginagawa ni Athena sa nanay ni Archer na ngayon ay nakayuko lang at yakap-yakap ang sarili niya.

"How monstrous can a man be to break a woman like that?"

Hindi ko sinagot ang tanong ni Hera at nanatili lang akong nagmamatiyag. Pero sa utak ko ay naglalaro ang parehong tanong. Gaano ba kasama si Christopher Chase para magawa niyang durugin ang kung ano ay datinh pagkatao ng babaeng ito? Gaano siya kasama na nagawa rin niya iyon kay Archer?

It's not just about the kidnapping...or the murder of Ashley. It's the years of living under the same roof with that man. I can only imagine how Archer suffered by being with him. Sa isang bata na katulad niya noon na ang kinalakihan niya ay ang galit sa kaniya ng kinikilala niyang ama...I wonder how he can even be the man who he is now.

I can see not only Archer's scars but also his wounds that never healed. He could be anything. He could have lived with anger and resentment towards life. But he didn't. Ang tanging ginagawa niya lang ay tanggapin kung anong buhay ang binigay sa kaniya. He lived with the guilt but he continued living. Kahit bawat araw ay mahirap para sa kaniya.

Kahit ang huling kailangan niyang gawin ay palayuin ang taong nagmamahal sa kaniya dahil iyon ang sa tingin niyang tama.

I feel a sudden changed in the air and I looked up to see Archer entering the room. Hindi man lang siya lumingon sa gawi namin at direktang nakatingin siya sa kinaroroonan ng ina niya. Halo-halong emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya.

Hindi pagkapaniwala. Sakit. Pagsisisi.

I want to erase those last two parts. I want to shake him to make him understand. I want him to stop blaming himself. Pero alam ko na kailangan kong maghintay. Alam ko na dadating din ang pagkakataon na magagawa niyang matuklasan iyon sa sarili niya.

It's not his fault that he's hurting me. Hindi niya kasalanan na nasasaktan ako dahil alam ko na hindi iyon ang intensyon niya. He's been through so much. He only knows pain and regret because that's what he was taught by this life. Alam ko iyon. Naiintindihan ko.

That's why I want to keep myself whole for him until he's ready to do the same for me.

"Mrs. Chase, any information from you would really help to keep this going."

Napalingon ako muli sa kinaroronan nila Athena pero katulad kanina ay hindi pa rin nagsasalita ang ina ni Archer at nanatiling nakayuko na para bang may kinatatakutan. Napabuntong-hininga na lang ako. Looks lik we'll be staying here for a while.

"Kung pinapasok niyo si Dawn diyan kanina pa tapos 'yan." sabi ni Hera na hindi man lang nangiming hinaan ang boses niya dahil nandito si Archer.

"We don't need to scare her more, Hera." I said exasperatedly.

"Just saying." she said, shrugging her shoulders. "Though, Athena's good with interrogation too. Iyon nga lang mukhang hindi tumatalab ang pagiging persuasive niya ngayon. Must be the honeymoon glow."

I can only sigh with Hera's babbling. I trained my eyes on the other side of the one way mirror and watched Athena's non-faltering patience. Kaya siya lagi ang natotoka sa ganitong pagkakataon ay dahil sa iba't-ibang taktika na ginagamit niya sa mga ganitong pagkakataon. Athena must have realized that scaring Archer's mother is not the best way to go.

"Anything, Mrs. Chase. So we can help your son." Nang hindi pa rin umimik ang ginang ay nagpatuloy si Athena. "Right now, there's a huge possibility that your husband is carrying out his plans on harming your son. You already lost a child. Help us on making sure that you wouldn't lost another."

"H-hindi mapipigilan."

"Ang alin, Mrs. Chase?"

"He's been p-planning for years. I-I thought that when Archer is out of the house that he will finally stop. H-Hindi...hindi ako kumokontak sa anak ko. Hindi ako nakikipagkita. Kasi...kasi akala ko titigil na si Christopher. Akala ko hindi niya magagawa kung ano ang mga inaakala ko."

"Inaakala? So you don't know for sure if he's the one behind everything that happened?"

"A-Alam ko. Sigurado ako. Noon may hinala na ako. When my children got kidnapped I was there all the time that Christopher had a contact with the kidnappers. Pag umaalis na ang mga pulis...nakikita ko kung gaano siya kagalit. I thought it was normal. His children were taken away. Pero narinig ko siya...paulit-ulit niyang sinasabi na "Hindi dapat nangyari 'to. Hindi ganito."." Her breath wheezed as if she's physically struggling to keep on talking. "Bata pa lang si Archer...no...hindi pa naipapanganak si Archer malaki na ang galit niya sa anak ko. Sa akin at sa mga pagkakamali ko. Akala ko...akala ko sa pag dating ni...ni...ni A-Ashley maayos na ang lahat. Pero hindi pa pala."

"Paano niyo nagawang siguraduhin?"

Kita ang sakit sa mga mata ni Mrs. Chase. Na para bang bawat salitang lumalabas mula sa bibig niya ay lumalatay sa kaniya. Nabuhay si Archer na puno ng guilt na nagkukulong sa kaniya palayo sa kahit na anong magpapalaya sa kaniya. Her mother lived her life with her own prison too.

"P-Pagkatapos mailigtas si Ashley naospital ako. I wasn't myself for a long time. They need to forced feed me, clean me up...I was locked inside my own body. I was mute but I wasn't blind. I wasn't deaf. Dinala ako ng isa sa mga katiwala namin noon sa hardin kung saan katapat ang opisina ni Christopher. Bukas ang bintana ng opisina niya. M-May bisita siya. I can hear him telling his visitor that he wants everyone involved with the kidnapping to be...to be dead. Akala ko dahil kay Ashley. H-He's a hard man. He's difficult to please and he resents me. But he loved Ashley. Kaya akala ko iyon ang dahilan ng mga ginagawa niya. B-But I heard him tell the man he's with that he's willing to pay a lot of money so the truth won't resurface. Then...then..."

Tumayo si Athena nang tuluyan ng napahagulhol ang babae. Tumingin siya sa gawi namin at sumenyas kahit na hindi niya kami nakikita. Lumapit ako sa isang bahagi ng control room at kumuha ako ng bottled water habang si Hera naman ay inabutan ako ng tissue na nasa lamesa. Kinuha ko iyon at lumapit ako sa control room.

Freezale entered the command and the door opened. Inabot kos a nakahandang mga kamay ni Athena ang mga dala ko at matipid siyang ngumiti bago ako tinanguhan. When the door closed again, I went back to my corner and listened again.

"It's okay, Mrs. Chase. Just take a deep breath."

Binigay ng babae ang tissue at tubig sa ginang na sa nanginginig na mga kamay ay kinuha naman iyon. Nilingon ko si Hera na nakatingin din sa loob at nang maramdaman ang mga mata kong nakatuon sa kaniya ay nilingon ako.

"She needs to be taken to the hospital to receive the right treatment." I said. "She's not alright."

"Aiere." sabi ng babae na sa pagkakataon na ito ay ako naman ang pinipigilang magsalita. She looked at me pointedly as if reminding me about Archer's presence.

Nilingon ko ang lalaki na alam kong nakikinig ngunit nanatili lang sa kaniyang ina ang atensyon niya. I wonder how long since he last saw her. Kung gaano katagal niyang hinintay na magawang makapagsalita ang ina niya tungkol sa katotohanan.

"I heard him."

Bahagyang umuklo si Athena sa direksyon ng ginang nang muli itong magsalita pero sa mahinang boses lang. "What is it again, Mrs. Chase?"

"I heard the man asked Christopher about his original plan. A-And...and Christopher answered him. I can remember his words clearly. Kahit anong gawin ko hindi ko makalimutan...kahit hanggang sa pagtulog dala-dala ko ang sinabi niya." Hinawakan ni Athena ang kamay ng ina ni Archer na sobra na ang panginginig. Pero nagpatuloy ang ginang. "My original plan to kill that boy will still be carried out. It can wait."

May hinala na kaming lahat. Lumaki rin si Archer na dala ang hinala na iyon kahit wala pa siyang katibayan na maaaring ang kinikilala niyang ama ang siyang nag orkestra ng mga nangyari sa kanila ni Ashley. But confirming the truth, I can see how that creates another set of wound in him. A much bigger one.

Maging kay Athena ay kita ang pagbabago sa narinig pero pilit niyang itinago iyon at pormal pa ring hinarap ang babae. We're not yet done but I want it to be. Ayoko ng marinig pa ni Archer ang mga bagay na alam kong lalo lang nagpapahirap sa kaniya.

"Alam niyo ba kung bakit ito ginagawa ng asawa niyo, Mrs. Chase?" Athena asked.

"A-Akala niya hindi niya anak si Archer."

Hindi lang sa akin nagmula ang sunod-sunod na pagsinghap. My body bucked with surprise on how Veah Chase phrased her words. Automatikong gumalaw ang katawan ko patungo kay Archer nang makita ko na tila nanghihina na napahawak siya sa lamesa sa tabi niya. But he shook his head, still not looking at me, and raised his hand to stop me.

I bit down my lower lip to stop myself from letting the tears escape that started to formed in my eyes. Nanatili ako sa kinatatayuan ko kahit na iyon ang huling bagay na gusto kong gawin.

"What do you mean, Mrs. Chase?" Athena prompted. Nakakuyom ang mga kamay niya pero nanatiling kalmado ang ekspresyon sa mukha niya. Freezale was right on not letting me do the interrogation. I'm too involved in this and I'm pretty sure that I won't stay calm.

"P-Pinagkasundo lang kami ni Christopher."

Tumango si Athena nang hindi kaagad dinugtungan ng ginang ang sinabi niya. "Dito ho ba dadating si Asterio? May ugnayan ho ba kayo sa kaniya bago kayo ipinagkasundo sa ngayon ay asawa niyo?"

"No...no it's not because of that. K-Kaibigan ko si Philip Asterio. Kababata. Alam niya kung gaano ko kagusto si Christopher. Kaya isa siya sa tumulong sa magulang ko na kumbinsihin na ipagkasundo ako kay Christopher. Kahit...kahit may kasintahan na siya ng mga panahon na 'yon. M-Mayaman ang pamilya namin kaya hindi tumanggi ang mga Chase. Alam nilang malaki ang magiging tulong ng pamilya ko sa kayamanan nila pag nagkataon."

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig. I thought their lives are already complicated. Hindi ko akalain na may ikakakumplikado pa ang buhay nila.

"It wasn't long that I realized that I was wrong. He hated me. He resented me for what I did...but he...he resented me more when I tried to get away. I-Iyong kasintahan niya noon ay nagpakasal na sa iba. Lalong tumindi ang galit niya sa akin. He was cruel. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong sinasaktan. I told everything to Philip. Dahil sa umpisa ayokong sukuan si Christopher. Kasi...kasi mahal ko siya. Philip was adamant on taking me out of my prison. Pero ayokong umalis. So Philip did everything he could to keep me sane. He continued to convinced me that I need to get out." Sunod-sunod na namalibis ang luhang hindi na matapos mula sa mga mata ng ginang. Kita ang paghihinagpis sa kaniya. "Akala ko kaya kong maalis ang galit niya kapag hindi ako sumuko. Kapag patuloy ko lang siyang minahal. But I failed to continue on giving him love because before I realized...he already broken me."

"And what happened next, Mrs. Chase? Paano naisip ng asawa mo na si Asterio ang ama ni Archer?"

"Philip was the one who stayed with me. Ilang beses niya ako sinubukang kumbinsihin na tumakas. He said he will stay with me because...because he loves me. I-Isang beses...may...may nangyari sa amin. Umalis noon si Christopher para sa isang business gathering sa Cebu. Pumunta si Philip sa bahay. I told him everything. I showed him my bruises. Then he told me that we should drink the pain away. Pumayag ako. Then...then that happened. He knew. Philip knew. Akala niya kapag nahuli kami ni Christopher ay pakakawalan na ako ng lalaki. That he will hate me enough to throw me out. But Christopher has no plan to do that. When he caught us...he...he made the guards torture Philip bago nila pinakawalan ang kaibigan ko. Sinabi sa akin ni Christopher na hinding hindi niya ako pakakawalan. Na parehas kaming magdudusa sa loob ng kulungan kung saan ko siya ikinulong. Then he....he..."

"Mrs. Chase?"

"He raped me."

Malakas na gumalabog ang lamesa sa tabi ni Archer nang tumama roon ang nakakuyom niyang mga kamay. The table leaned sideways from the impact. Tuluyan na akong lumapit sa kaniya at hinawakan ko ang kamay niya na ngayon ay namumula na sa lakas ng pwersa sa ginawa niya. "Archer..."

Hinanda ko ang sarili ko sa inaasahan ko na paglayo niya pero sa pagkagulat ko ay kumapit sa akin ang kamay niya na para bang humihiram siya sa akin ng lakas.

"Alam ko na iniisip mo na nakakatawang pakinggan ang sinabi ko. Mag-asawa kami kaya-"

"With all due respect, Mrs. Chase, you don't know me." Athena said, still with a perfect calmness that is a contrast of the darkness tainting her aura now. "Married or not, without consent it's still rape. Marital rape might be uncommon but it doesn't mean that it isn't true."

"R-Right."

Sandaling namayani ang katahimikan sa interrogation room. Sa tingin ko ay hinahayaan lang din muna ni Athena na bahagyang kumalma ang babae na ngayon ay nananatiling nanginginig. Pero hindi naman nagtagal ay muling nagsalita ang babae na tila nilalakas na lang ang loob na magpatuloy.

Being silent for years, this might be so new to her. Dahil sa matagal na pagkakataon ay nanatili nakatikom ang mga labi niya na sabihin ang nararamdaman niya.

"I-I can't confirm who the father is. Pero nararamdaman ko...na...na si Christopher ang ama ni Archer. A-Ang mga ginagawa niya, ang mga nawala sa amin, ang mga pinagdaanan ng mga a-anak ko...hindi tama. Pero wala akong nagawa." Tinutok niya ang bibig niya na para bang pinipigil niya ang hikbi na nais kumawala roon. "Ilang beses kong sinubukan na sabihin sa kaniya. Pero sarado ang utak niya. Malaki ang paniniwala niya na hindi sa kaniya si Archer. Ang pagkakamali ko lang ang nakikita niya kay Archer."

Pakiramdam ko ay kinakapos ako ng hininga sa mga naririnig. Archer hates his father almost with the same weight he has for himself. Nabuhay siya na dala ang galit na iyon. I don't think his father ever treated him like his own. Archer must have wondered why. Kung bakit iba ang trato sa kaniya ng sarili niyang ama. Kung bakit nagawa nitong pumili ng isang buhay na ililigtas mula sa kanilang dalawa na magkapatid. Kung bakit hanggang ngayon ay hindi siya magawang patahimikin ng sariling ama.

Now he knows.

I don't know what's worse. Iyong hindi niya alam ang dahilan o ngayong nakumpirma na niya ang lahat.

Mariin akong napapikit nang maramdaman ko na kumawala ang kamay niya na nakahawak sa akin. Nang magmulat ako ng mga mata ay marahang idinampi niya iyon sa pisngi ko bago umatras at walang salitang lumabas ng kwarto.

Sandaling nilingon ko si Hera at tinanguhan niya lang ako. Dali-daling lumabas ako at sinundan si Archer na papalayo ng naglalakad.

"Archer!" I called out to him.

Hindi niya ako nilingon at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Tinakbo ko ang distansiya sa pagitan namin at mahigpit na kumapit ako sa kamay niya dahilan para mapatigil siya.

"Aiere, please." he whispered.

Umiling ako at lalo lang humigpit ang pagkakahawak ko sa kaniya. "I lied. You're not just a mission. You should know that. You mean the world to me, Archer Lucas Chase. Kahit sino ka pa. Kahit anong tingin mo sa sarili mo. But please...please, open your eyes and see what I saw in you. Your parents mistakes does not define who you are. It will never change the way I see you."

Tears rolled down my eyes when I saw his own fell from his beautiful eyes. Kita ko ang sakit na nakabalatay sa mukha niya na para bang hindi niya na magawang itago ang emosyon na nais sumabog sa kaloob-looban niya.

Umangat ang mga kamay ko at inilapat ko iyon sa magkabilang pisngi niya dahilan para mapayuko na lang siya na animo nais ikubli sa akin ang mga luha niya. Bumaba ang mga kamay ko sa leeg niya pero hindi ko inalis ang mga iyon. I can see the strain on his neck, his veins popping as if he's keeping his emotion locked inside him.

"Archer..."

"I always wondered why. Sabi ko sa sarili ko...I must be adopted. A stray that they fed and kept inside their house. Then I thought, I looked so much my mother that I might be her bastard from another man. Dahil walang ama ang kayang gawin ang lahat ng ginawa at patuloy na ginagawa sa akin ng kinikilala kong ama."

I ached for him. My heart reaching out to his pain as if it's my own. "Honey..."

"I hated him for what he did. I hate him for making me lose so much. Pero sabi ko sa sarili ko, siguro nga kasalanan ko rin. Kung hindi dahil sa akin siguro masaya sila. Pakiramdam ko sobrang kamalasan ang dala ko sa kanila."

"It was never your fault."

"My mother is too broken and too weak and my own father is a scum." He looked at me, his eyes shining with his tears that kept falling. Tumango siya at mapait na ngumiti. "I can see that now but it doesn't hurt any less. It doesn't make anything right."

Pinahid niya ang mga luhang nagmamalibis mula sa mga mata ko at matamang tinitigan ang mukha ko na para bang kinakabisado iyon. I closed my eyes when he leaned forward, his face getting closer to mine. Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa akin. Our lips wet from our own tears.

I felt him move and when I opened my eyes...I saw him walking away.





HUMINGA ako ng malalim at iginalaw-galaw ko ang ulo ko para matanggal ang pangangalay sa leeg ko. I can feel the tiredness seeping inside my body but I fought against it. Kailangan kong magpokus sa plano na inihanda namin.

Dalawang araw pa lang ang nakakalipas mula ng magawa naming kunin ang ina ni Archer mula sa poder ng ama n'ya. We sketched out various tactics to pin Christopher Chase down until I suggested this one.

May ebidensya man kami sa pamamagitan ng sarili niyang asawa pero hindi sapat iyon para magawa naming patatagin ang pundasyon ng magiging kaso laban sa kaniya. We don't want him to come up for air. We want him to drown.

Gusto rin naming makita ang koneksyon niya sa Claw. It was just a guess but we want to prove our theory right. That a few years ago, Christopher Chase asked for Claw's help to take down everyone who knew his plans. Gusto rin naming malaman kung sila rin ang kumikilos ngayon.

Matagal ng tahimik ang Claw. But we know that they still exist. Naghihintay...nag-aabang. We rattled their forces and they readying themselves to fight back again. Gano'n din kami. Naghahanda para sa muling pagbabalik nila.

During Royalty's fan meet, we came across a person that we can't detect from our own system. Nagawa man naming protektahan ang mga imbensyon ng BHO CAMP mula sa kakayahan ng Claw na itago ang sarili nilang mga imbensyon at magawang malaman ang presensya namin sa pamamagitan ng sa amin ay hindi ibig sabihin no'n ay may paraan kami para i-detect sila pabalik. That's why the experiment department invented a device that has the ability to do that.

But during the fan meet, that blind spot made us think about the possibility that their behind this.

"Sigurado ka na ba, Aiere?" Nanggaling ang tanong na iyon mula sa suot ko na listening device. It's hidden inside the corner of my ears. Kung titignan para lang iyong maliit na tattoo. "Your brother is on his way here."

"I'm sure, Freeze."

Nag-angat ako ng tingin sa concierge na napapatingin sa akin. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin at kinakabahang inabala ang sarili niya sa mga gamit sa harapan niya.

Pumupunta ako sa lugar na ito dalawang araw na. Buong maghapon umuupo lang ako sa lobby ng condominium kung saan may unit si Archer at naghihintay. Nakatulong pa na nasa taas si Archer dahilan para mas mapatibay ang ginagawa ko. Before the day we saved his mother ay dito rin ako nagtutungo kahit saglit lang sa isang araw.

Sinisigurado ko na maririnig ng lahat kung sino ang pakay ko. Kung bakit ako nandito.

Because I know someone is watching.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at lumapit ako sa concierge na napapitlag at napatingin sa akin. "Ma'am..."

"Alam kong nasa taas si Archer. I'm his girlfriend. So tell him that I'm here."

"M-Ma'am ayaw niya po kasi talagang tumanggap ng bisita-"

"Hindi ako titigil hangga't hindi siya bumababa dito!"

Mabilis na kinuha niya ang telepono at iniangat 'yon para tumawag. Binigyan ko siya ng matalim na tingin bago ako muling bumalik sa kinauupuan ko kanina. Pinagkrus ko ang mga binti ko at humalukipkip.

After what happened, Archer left BHO CAMP to go here. Hindi naman siya pinigilan kahit ng pinsan ko na si Thunder dahil kahit saan naman siya pumunta ay sinisiguro naming may nagbabantay sa kaniya. Lahat ng exit sa lugar na 'to ay binabantayan ng mga agent na nasa iba't-ibang pusisyon.

I looked again at the concierge but this time I made sure that he wouldn't notice my stare. Nakita kong naibaba na niya ang telepono pero nakatutok pa rin ang mga mata niya sa baba habang ang kamay niya ay bahagyang gumagalaw.

"May sira ang ilan sa mga working camera nila." pagbibigay alam ni Freezale. "Must be a system error. I'm trying to revive them now."

Muli akong tumayo at lumapit sa kinaroroonan ng concierge. I saw him immediately dropped his phone and looked at my way. "M-Ma'am ayaw po talaga ni sir-"

"I'm the most important person in his life. He said that himself. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya at itinutulak niya ako palayo. So tell him that I'm waiting. Babalik ako kahit abutin pa ako ng isang taon."

"Ma'am-"

"He asked me to marry him. So why would he do this to me?"

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ng lalaki at tinalikuran ko na siya. Dumiretso ako sa labas ng condominium at imbis na dumiretso sa parking ay naglakad lang ako. I made sure that I parked a few blocks away from here. Hindi naman mahirap gawan ng dahilan 'yon dahil bukod sa malawak ang parking nila ay talaga namang puno ang malapit sa mismong condominium.

Tumingin ako sa langit at sa kabila ng sitwasyon ay may maliit na ngiti na kumurba sa bibig ko ng makita ko ang buwan na sumisilay mula sa makakapal na ulap.

"Hera?" Nagpatuloy ako sa paglalakad para lang mapatigil nang wala akong narinig na sagot ni Hera mula sa pagtawag ni Freezale. "I think her mic is broken. My connection pa rin ang LD niya. Nyx-"

"Ako na ang pupunta."

"Got it, kuya." sabi ni Freezale sa kapatid na si Thunder. "Aiere, continue."

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero napahinto rin ako ng may marinig ako na kaluskos. Lumingon ako mula sa pinanggalingan pero wala akong nakita na kahit na ano. But I can feel it. I can feel the hair on the back of my neck rising as if warming me.

Mabilis akong naglakad at habang ginagawa iyon ay naririnig ko rin ang mabilis na pagkaluskos na animo na kasunod sa akin. Niyakap ko ang sarili ko at halos tumakbo na ako para lang matunton ang kinaroroonan ng sasakyan ko.

I click the button on my key and my car beep to life. Hinawakan ko ang handle ng driver's side para buksan iyon pero bago ko pa magawa iyon ay may mga braso na pumalibot sa bewang ko at marahas akong hinila.

Napasinghap ako at nagtangang sumigaw pero mabilis na tumakip ang isang kamay sa bibig ko. I grasped in pain when I felt my hair being pulled back and at the next second my head crashed on the side of my car.

I can feel the dark clouding my eyes but as expected I didn't lose consciousness. My body can endure so much that it won't just let me faint even with the pain I'm feeling.

"Shit, shit, shit!" Thunder shouted.

"I still need two minutes to revive the cameras. What's happening?" Freezale asked with a strained in her voice.

"I'm taking Hera out. She's bleeding from her head. Someone take my place, now!"

Pinigil ko ang kahit na anong reaksyon mula sa naririnig at pinanatili ko lang nakapikit ang mga mata ko. Naramdaman ko na umangat ang katawan ko at kasunod n'yon ay rinig ko ang paglangitngit ng mga gulong na para bang nagmamadali ang nagmamaneho n'yon.

I heard a soft click and then I felt my body hit the solid floor of a car when I was toss inside. Malakas na galabog ang sunod ko na narinig na nasundan ng ugong ng sasakyan na humarurot paalis.

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. I don't need to move my body to know that I'm inside a trunk of a vehicle. Everything was dark and cramp. But unlike a normal sedan car this one got a few space. Must be a pick up with a cargo area.

Iniangat ko ang kamay ko na may suot na relo at may pinindot do'n para magsilbi ko na liwanag para lang mapasinghap sa nakita ko.

"He's here." I whispered.

It all came to me. The system error of the cameras that Freezale were trying to revive. Hera's location at the back of the condominium and her attack.

"Aiere?" tawag ni Freezale nang hindi ko dinugtungan ang sinabi ko.

"They eliminate the cameras on the back side of the condominium and Hera was the one guiding near the exit."

"Yes-"

"Archer's here with me." I said with the same quiet voice. "This can't be happening. This is not the plan"

Ang kanina ay nagkakagulong ingay ng mga agent sa kabilang linya ng listening device ay ngayon ay napuno ng katahimikan. The silence goes on for a few seconds before all hell break loose again. Pero hindi ko magawang ibigay sa kanila ang pokus ko at nanatili akong nakatingin sa binata na nakapikit ang mga mata sa harapan ko at walang malay.

Hinawakan ko ang pisngi niya at pinaglandas ko iyon hanggang makarating sa braso niya pababa sa kamay niya pero hindi ko nagawa iyon nang maramdaman ko na nakatali sa likod niya ang mga kamay niya.

"I don't want you to experience this hell again, Archer." I whispered in an agonized voice. "You shouldn't be here."

Kahit iyon ang huli ko na gustong gawin ay bumitaw ako sa pagkakahawak sa kaniya at pinatay ko ang relos ko dahilan para tuluyang sakupin ng dilim ang paligid namin.

Tinanggal ko ang relos at inilagay ko iyon sa ilalim ng carpet bed ng sasakyan at siniguradong nakaipit iyon sa pinakasulok na parte ng sasakyan. Then I reached for Archer again, my hand clasping on his arm.

We will get through this. He will be safe. He needs to be safe.

"This will be over soon. I promise."





NANATILING nakapikit ang mga mata ko kahit naramdaman ko ang pagkagat ng malamig na bagay sa palibot ng mga kamay ko at ang pwersa mula roon nang umangat ako mula sa lupa. Pinanatili kong pantay ang paghinga ko kahit pa ramdam na ramdam ko ang sakit na gumagapang sa mga braso at kamay ko na siyang nagdadala ng bigat ng buo kong katawan.

"Itali mo rin ang isang 'yan. Pero sa upuan na lang. Paharap sa babae niya."

That voice is familiar. Ilang beses ko ba na pinakinggan ang boses niya sa lumang record na isa sa mga data na nasa pag-aari ko? Ilang beses ko bang narinig ang kaparehas na boses na puno ng tinatagong kasamaan?

Christopher Chase.

"Malapit ng magising 'yan." sabi ng isa pang boses ng lalaki.

"Eh di mabuti. Nang masimulan na natin." sabi ni Christopher Chase. "Tinawagan mo na ba ang boss mo? Nasa sasakyan na ang kalahati pa ng kabayaran na naibigay ko na noong una. Pwede niyo ng kunin."

"Siguradong matutuwa po 'yon."

"Mas ang tuwa na nararamdaman ko. As always, Claw never fails me. Hindi ko lang kayo maintindihan bakit inabot tayo ng ganitong katagal."

"May mga pangyayari lang na kinakailangan ayusin."

Yes. Yes! Now that part is confirmed. Totoo ngang unti-unting bumabangon na ang Claw. They might be trying to reached out on old clients to gain more money. Money that they've lost because of us. My cousin, Storm was one of the reason why they failed in ruining us. They tried to send a spy sa pamamagitan ng dati ay asawa ni Phoenix na si Mira o mas tamang tawagin na Chantelle Claw pero nabigo sila.

And now this.

"P-Papa anong- no! No!"

I clenched my fist tight when I heard Archer's voice. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko kahit na ang gusto ko ay makita siya. I want to tell him that it's gonna be okay. I want to tell him that me being taken away by his father is part of the plan. I want to assure him. But I can't.

With him being here made everything complicated. Hindi siya dapat nandito.

"No! Let her go!" His screamed pierced right through me, his agony striking me with such force that I nearly call out for him. "Ako na lang. Pakawalan n'yo na siya. Please, Pa. Ako na lang."

"Wag mo akong tawagin n'yan. Hindi kita anak."

"I am your fucking son!"

"Anak ka sa pagkakasala ng ina mo!"

Nakarinig ako ng malakas na tunog na animo pagtama ng balat sa balat. I can feel my nails biting into my flesh when I realized that he slapped his own son.

I want him to hurt. I want him to suffer. Katulad ng ginawa niya kay Archer. Katulad ng taon na pinagdusahan ng anak niya dahil sa mga pagkakamali at pagdududa na hindi niya naman nakumpirma. Even if Archer is not his son...kahit pa mapatunayan niya, what he did and continue doing will never be right.

"I am your son even if you never treated me as one. Hindi ko kasalanan...hindi ko kasalanan kung ano man ang pagkakamali na nagawa ni mama. Hindi ko kasalanan na kayo ang naging magulang namin ni Ashley."

"Don't say her name. You have no right."

"I have all the right because I was the only who loved her all through this years. Ako ang tumatakip sa tenga niya kapag sumisigaw si mama dahil sinasaktan mo ang ina namin. Ako ang nanatiling kapatid niya kahit na nakikita niya na iba ang pagtrato mo sa akin. Ako ang ngumingiti sa kaniya kahit na ilang beses mo akong sinaktan pag pinagtatakpan ko si Ashley kapag nagkakamali siya dahil takot siya sa'yo. Ako ang gusto ng mamatay para lang mabuhay siya. Kahit hindi mo pa sabihin. Kahit hindi mo pa hingin. I carried all the guilt all these years kahit ikaw ang may kagagawan ng lahat. Because I can't accept, I can't process how evil our own father can be that he put our safety on the line. Galit sa pagkakamali na hindi ako ang may kagagawan. You did all that. We lost her because of you."

"Ikaw ang dapat nawala!" sigaw ni Christopher kasunod ng malalakas na galabog. "Ikaw ang dapat namatay!"

"Sana nga. Sana nga ako na lang. Because if I did die then I wouldn't need to bear the truth of what you are and what you have done. I wouldn't need to live my life knowing my own father wants to kill me."

"You are not my son. Alaala ka lang ng pagkakamali ng ina mo na wala ng dinala sa buhay ko kundi kamalasan. Ikaw ang dapat nawala hindi ang anak ko! Kaya ngayon mararamdaman mo kung ano ang naramdaman ko."

I opened my eyes at the same time that I heard the loud sound of a machine being brought up to life. I found myself dangling up on the air a few feet from the ground. Sa baba ko ay may malaking glass container na naglalaman ng tubig. Pero imbis na itutok ang atensyon do'n ay nanatiling na kay Archer ang mga mata ko.

Nangingitim ang gilid ng mga mata niya habang duguan ang ngayon ay putok na niya na ibabang labi.

"Ako na lang! 'Wag siya, 'wag siya! Nagmamakaawa ako. 'Wag siya."

Tila mas lalong nasiyahan si Christopher Chase sa nakikitang paghihirap ng anak niya habang

nakatingin sa akin. He's doing this because he want Archer to feel the same hell he's in not realizing

that Archer has already been living inside it for a long time.

Christopher Chase looked at me expectantly but I just closed my eyes and wait for the wet to hit me. Hindi nagtagal iyon dahil ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagtama ng mga paa ko sa tubig hanggang sa unti-unting pagbaba ng katawan ko roon.

"No!"

Archer scream was the last thing I heard when my head finally went under. I started moving my body. Iginalaw ko ang mga kamay at katawan ko na para bang pumapasag ako mula sa ginagawa sa akin kahit na ang katotohanan ay inukubli ko lang ang pagkilos ng mga kamay ko para kunin ang nakaipit na device sa sleeve ng suot ko na jacket. It's thin like a paper so there's no wonder why they didn't see it.

Nararamdaman ko ang unti-unting pagkaubos ng hangin sa akin pero hindi ko ininda 'yon. I will endure it. No matter what happen I will get out of this alive. For Archer. I don't to be one of his demon. So I will get out of here with him. Even if it takes all the strength of my body. I will endure it.

Nang maramdaman ko na umaangat ang katawan ko ay mabilis ko na idinikit ang tila papel na bagay na iyon sa gilid ng container.

I gasped for air when I was again pulled out from the water. My ears cleared and I heard Archer shouting for my name again. His voice is full of fear and his eyes are wild from what he was seeing. As is half of him is still here while the other part of him is seeing the nightmare again he lived with for years.

"You're a filth." I said in a wheeze as I catch for breath. "You will never be half of a man that Archer is. Mabuti na lang pala at wala na dito si Ashley. Dahil hindi niya makikita kung anong klaseng ama ang meron siya."

Kita ang gulat sa mukha ni Christopher Chase na mukhang hindi inaasahan ang sinabi at inaasta ko. He's expecting me to cower with fear the way he keep on feeding those around him. But I will not yield for him. I will not let him break me. For his son.

"How dare you." he seethed with anger, his eyes blazing with hatred at me. Nilingon niya ang isa sa anim na lalaki na naghihintay sa isang tabi. "Slice her up."

Kumilos ang lalaki at may pinindot sa control na hawak niya. Gumalaw ulit ang kinatatalian ko at umusog iyon pakanan. I looked down at my feet and I saw a machine with two blades facing each other whirling fast.

"I can't wait." I said with sarcasm.

Dahan-dahang bumaba ang katawan ko patungo sa baba. Itiniklop ko ang mga binti ko at iginalaw ko muli ang kamay ko. I swayed my body back and fourth, throwing myself forward each time with more force.

"We're surrounding the place, Aiere." Erebus said. "Any moment now. Ready yourself."

Nagtagis ang mga ngipin ko nang maramdaman ko ang pagbaon sa kamay ko ng bakal na nakatali ro'n pero hindi ako tumigil sa ginagawa ko.

"What is she doing?!" Christopher Chase shouted above the noise of the machine.

"Wag kayong mag-alala, boss. Wala ng kawala 'yan."

I instantly wrapped my legs at the steel rope above me when my legs were close enough to reach it. Ibinaluktot ko ang katawan ko para magawang maabot ng mga kamay ko ang hita ko. I can feel every bit of my body protesting from what I'm doing but I didn't stop.

"Aiere, no!"

I looked down at the machine and I saw it getting near my hair. Mabilis na ibinalik ko ang mga mata ko sa ginagawa ko at iginalaw ko ang kamay ko patungo sa hita ko at may hinila ako ro'n na maliit na nakaangat na tela na hindi kapansin-pansin.

At the same time that I pushed my hand inside the secret pocket and grasped the small cylinder shaped thing, I heard the sound of blades finally taking purchase of its target. I didn't looked down and instead I hurried open the top part of the device I'm holding.

A light emit from its opening and immediately sliced its way to the steel above my hand. With only seconds left before my head will be cut off, I focused on cutting my way out of this. Too much of it and I will fall to my death, with the blades waiting for me below. If I failed to cut it I will be sliced apart.

Those seconds feels like a life time. Rinig ko ang mabilis na tibok ng puso ko maging ang pagtawag sa akin ni Archer. Pero nanatiling tutok ang atensyon ko. Because I need to. Because I will endure.

No matter what.

Nang matiyak kong kaunti na lang iyon ay hinila ko ang kamay ko habang nakabuka ang mga iyon at nakahandang kumapit sa kahit na anong maabot n'yon. I breath escape out of my parted lips when I managed to grasped on the rope then I pulled myself up without stopping to look down. Nang matiyak ko na nakalayo na ako sa mga blade ay itinulak ko ang katawan ko pakaliwa at hinayaan ko na mahulog ako mula roon.

I felt pain shot from my leg up to my hip bone from the impact but I ignored it and rolled to the ground. Mabilis kong ikinubli ang sarili ko sa mga malalaking container na nagkalat sa warehouse na kinaroroonan namin habang ang isa kong kamay ay dinukot na ang nag-iisang armas na dala ko. A small knife hidden at the compartment in my left leg.

"Hanapin n'yo! Bring her back to me alive I'm not done with her!"

Umulingling ang sigaw ng ama ni Archer kasunod ng mga yabag na nagmumula sa iba't-ibang direksyon. I can hear someone close to me but I continued moving. Imbis na manatiling tahimik ay sinsigurado ko na gagawa ako ng ingay bago muling magkukubli sa isa pang direksyon. Changing the direction of my location every seconds to divert them from where I am.

Nang magawa kong matunton ang pakay ay walang pag-aalinlangan na tinakbo ko ang kinaroroonan ng malaking hugis kahon na nakadikit sa pader. I opened it and without having any second thought I pulled down every lever I found putting the whole warehouse in a sea of darkness.

Mabilis na umalis ako sa kinaroroonan at tumakbo ako pakanan. "Vision activated."

"Acknowledge." Freezale responded.

Luminaw sa paningin ko ang kinaroroonan namin dahilan para mas maging madali ang pagkilos ko. I reached for a huge container in front of me and pulled my body up then I continued running.

I jumped from one place to another, closer to where Archer is. Nakita kong gumalaw ang ilan sa mga kalalakihan patungo sa ingay na nanggagaling sa direksyon ko para lang mapahinto nang may kung anong gumalabog sa eksaktong salungan ng kinaroroonan ko.

I looked up and I saw Enyo entering in one of the windows. Mataas ang kinaroroonan no'n pero dahil sa CBS na suot niya na may built in sticky ay mabilis siyang nakababa sa kinaroroonan namin. Siya ang lumilikha ng ingay sa pamamagitan ng pagbato ng kung ano mula sa kamay niya sa kung saan-saan. Must be stones she got outside.

"We have about fifteen targets outside. We'll neutralize them." Nyx said.

"Copy." I whispered and jumped down from the container I was running at. Mabilis na tinalunan ko ang lalaking pinakamalapit sa akin at sumampa ako sa likod niya. I grasped his head with my arm and twisted it. After a loud sickening crack he fell down lifeless on my feet.

Hindi ako nagpatumpik-tumpik pa nang makita ko na papalit sa direksyon ko ang ngayon ay nagbukas na ng flashlight na kasamahan niya at mabilis ko na sinipa ang hawak niya. Tumilapon iyon pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin at gamit ang pwersa sa katawan ko at binangga ko ang lalaki, ang mga kamay ko ay nakahawak sa braso niya at pagkatapos ay itinumba ko siya padaan sa likod ko patungo sa kabila kong direksyon.

He fell on the ground with a groan and I immediately clasped my hands on his neck and pulled him up only to crash his head on the ground. But before I can let go of him I felt something wrapped on my neck and pulled hard.

I gasped on choke at the onslaught, my hands reaching for the chain wrapped on my neck, trying to pull it away from me.

"I got her!" pagbibigay alam niya sa mga kasamahan. "Ano bang laban ng isang babaeng katulad mo sa akin?"

"Kill her." sigaw ng isa pa.

"No! Hindi pa ako tapos sa kaniya." rinig ko na sabi ng boses na nagmumula kay Christopher Chase.

"Patayin mo na 'yan Rex."

"You will follow my orders!"

"Ang boss namin ang sinusunod namin. Uunahin namin ang sarili namin. Hindi namin isasaalang-alang ang pera na kailangan naming ihatid sa kaniya dahil lang sa hindi ka pa tapos paglaruan ang babaeng iyon."

Nakarinig ako ng galabog at sa pagkagulat ko ay nakita ko si Archer na tumumba patalikod. His chair collapsed with the impact, freeing him. Nanatiling nakatali ang mga kamay niya sa likod niya pero nagawang makakawala ng mga paa niya sa pagkakatali n'yon sa upuan.

Gamit ang katawan niya ay itinulak niya ang ama niya na ngayon ay hindi na malaman ang gagawin. His father's body created a loud thud when he hit the floor but Archer didn't let him up and instead pinned him with his own body.

Despite losing air a smile crept my lips. Knowing that my man is finally fighting back.

I closed my eyes and with the strength left in me, I hit my head at the man behind me. Inihit ako ng ubo ng muling bumalik ang hangin sa systema ko kasabay ng pagsigid ng kirot sa ulo ko sa pagtama n'yon sa matigas na bagay.

Yumuko ako at itinukod ko ang mga kamay ko sa semento at malakas na inikot ko ang katawan ko habang ang mga binti ko ay kaagad na pumalibot sa tao sa likod ko. Hindi ko siya pinakawalan kahit na nararamdaman ko ang malakas niya na paghampas sa akin at mas lalo ko lang diniinan ang pagkakaipit sa leeg niya.

The next moment I felt his weight went heavy. Walang malay na natumba siya sa akin. Itinulak ko siya palayo sa katawan ko at bumulong. "Pussy."

Tumayo ako at tinakbo ko ang kinaroroonan ni Archer. Pumiglas siya nang maramdaman ang paghawak ko sa kaniya at akmang ako naman ang aatakihin dahilan para mapakawalan niya ang ama niya na mabilis tumakbo palayo.

"I'm okay." I whispered. "I'm okay, honey. We'll get out of here."

"Aiere..." he breathed.

Mabilis na kinalag ko ang pagkakatali sa kaniya at pinisil ko ang kamay niya. "I'm okay, Archer. Now I need you to get down. Things are about to get messy."

Iginaya ko ang katawan ni Archer para dumapa sa semento pero bago ko pa magawa iyon ay sunod-sunod na putok ang narinig ko. Napuno ng sigawan ang lugar kasabay ng pagbukas ng mga pintuan dahilan para bumaha ang liwanag sa kinaroroonan namin.

That's when I saw how one by one, Claw's men keep on falling down the ground. And that's when I saw Christopher Chase's gun pointed at us.

"Dapat matagal ko ng ginawa 'to." nag-iigting ang mga bagang na sabi niya. Pero imbis na sa anak niya itutok iyon ay gumalaw ang kamay niya patungo sa direksyon ko. "But I let you have a glimpse of what I endure first."

Kasabay ng paghugot ko ng kutsilyo mula sa hita ko at paghagis no'n sa direksyon niya ay pumainlang ang nakakabinging putok mula sa baril niya. I felt the burn on my shoulder at the same time the knife hit his hand. Dahilan para malaglag ang baril sa sahig kasabay ng malakas na pagsigaw niya dahil sa sakit.

I closed my eyes knowing it was too late. Too late to stop him from the next shot he pulled. Dahil nakakawala na ang pangalawang putok bago pa tumama sa kaniya ang patlaim.

Hinanda ko na ang sarili ko sa sunod na tama ng baril pero wala akong naramdaman. Iminulat ko ang mga mata ko nang maramdaman ko ang bigat na tumama sa akin at automatikong sinalo ko iyon. I feel the pain seeping through my body but it won't compare to the pain that pierce through me at what my eyes saw.

"No..." I whispered.

A smile formed Archer's lips as he reached out for my face. Marahan niyang idinampi ang kamay niya sa pisngo. "I can't take anymore. If you die, I can never survive."

"You're okay. We're okay."

Umubo si Archer at sa pagkagulat ko ay bumulwak ang dugo mula sa bibig niya. Sunod-sunod na napailing ako habang nanlalabo ang mga mata ko sa luha na bumalong mula roon. Hinawakan ko ang tapat ng dibdib ni Archer na ngayon ay pula mula sa dugong umaagos sa tama ng bala na nandoon.

"Aiere..."

"Stop talking." I hissed. "Stop. You're going to be okay. Naiintindihan mo ba? Magiging okay ka. Tapos na eh. Tapos na."

"I love you."

I shook my head as tears continued to fall from my eyes. My heart breaking at the words I long to hear from him. Mga salita na ipinaramdam niya sa akin pero hindi niya magawang bigkasain. "No. Hindi ko tinatanggap. Ulitin mo 'yan kapag okay ka na."

He smiled nodding his head before moving his hand. His fingers tracing a pattern on my lips. "I love you."

"No."

As if he can't take his own weight anymore, he leaned towards me, his head falling on my shoulder. That's when I heard him whisper again.

"Thank you."


_________________________End of Chapter 24.

Continue Reading

You'll Also Like

32.4M 823K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
21.7M 783K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
720K 20.7K 55
A renowned M.I. Detective was suddenly dragged by her mom to get back to his home country and study in an environment different from where he has bee...