UNDER MAINTENANCE
" Argh.! " Naipadyak ni Hailey ang paa sa inis. Hindi malaman kung ibabato ang mga folder na hawak habang nakatingin sa karatula.
" Oh, anyare.. " Nakita niya ang room boy nilang si Kyle na palapit.
" Under maintenance na naman tong service elevator.. " Nakasimangot niyang turo.
" Ah, oo.. Inaayos nila uli yan. Kasi nagmamalfunction yung engine kaya in off muna yung power. Baka daw kasi may mai stuck sa loob. "
" Parang kahapon pa to ah.. "
Natawa si Kyle.
" Eh kasi ngayon, ite test pa nila kung ok na. Kaso ipinatawag ata lahat ng maintenance kaya wala pa. Kaya nagdikit muna ako ng sign board dyan. Tsaka tingin ko, hindi pa ok yan. Dun ka na lang muna sa isang elevator natin. "
Huminga siya ng malalim para mawala ang inis. Mas malapit nga naman sa opisina niya ang service elevator. Nasa kabilang hallway lang di katulad ng elevator na bukod sa malayo ay iikot pa siya sa reception area. Ilang beses pa naman siyang akyat baba sa isang araw at malaking abala at pagsasayang ng oras pa ang pag ikot niya.
At no choice nga siya ngayon kundi ang umikot.!
-
ZeroForever : Omg.! Cute talaga ni Zero.!
Black_Heart21 : Youre so hot. Marry me please.!
PrincessGothic0 : Im your number 1. Sana mameet kita in person.
Log off.
Tumayo siya at lumayo sa laptop. Saka kumuha ng tubig sa ref at uminom.
Mga tao talaga.. Halos sambahin na ang mga inoodolo..
Wala siyang panahon para sagutin pa ang mga message ng sangkatutak niyang fans at followers. Lalong wala siyang interes.
Naagaw ang atensyon niya nang tumunog ang phone niya sa mesa. Matagal bago niya ito sinagot.
" Zero.! "
Napangiwi siya nang marinig ang boses ng tumawag.
" Hey, Nicola.. "
Agad lumambing ang boses sa kabilang linya. " Zero.. Where are you.. I missed you na.. "
" Really. " Pinilit niyang pasiglahin ang boses.
" Hm-hm.. I want to see you.. Matagal na tayong di nagkikita. "
" Im busy Nicola. "
" Kahit sandali lang.. Please.? "
Umikot ang mata niya.
Nakaka iritang babae. Naglalambing pa.
" Im so.. ry.. Ni.. cola.. I.. "
" Hey, choppy ka.. "
" Wa.. ph.. shk.. tg.. " Agad niyang in end ang call matapos umakting na choppy ang linya. Wala siyang interes makipag landian at lalong hindi siya interesado sa babaeng iyon.
Muling nagring ang phone niya ngunit pinatay niya lang ito at naupo sa sofa. Pinilit niyang aliwin ang sarili sa panonood ng t.v. Ang totoo'y bored na siya sa maghapong pag stay sa hotel na iyon. At wala siyang magawa.!
Nagring ang landline sa tabi niya maya maya. Tinatamad niya itong inabot at sinagot.
" Tyrone. "
" Ha.! You knew.. "
" Ikaw lang ang tumatawag sa akin sa landline.. "
" Eh pano, naka off na naman yang phone mo. Ikaw nga Zero, magsabi na diyan sa nag aasume mong girlfriend na tigilan ka na niya. Hindi yung iniiwasan mo siya palagi. Pati tuloy ako hindi kita makontak. "
" Ayoko nga makipagkita dun. Ikaw na lang. "
" Anung ako.? Ikaw ang makipag harap doon.! Kahit naiinis ako sa popstar na yun, hindi ko pa rin pinakikitaan ng di maganda yun ano. "
" Blah. Blah. Ano na naman ba iyon. Bakit tumatawag ka na naman. "
" Oh well, kakatapos lang ng meeting namin kanina. And guess what, gusto ka nilang kuning endorser ng isang gadget. Ayos di ba. Dumadami lalo ang mga sponsor mo. "
" Ok. "
" At ito pa, may gustong kumuha sayo as guest.. Dun sa.. "
" Ayoko ng mga guestings. Plastikan na naman yan. "
" What.? Come on Zero. Dagdag exposure mo rin to para sa upcoming concert mo. "
" Ayoko. "
" Zero.?! "
" Ayoko. "
" Aah.! Ang sakit mu na naman sa ulo ah. Ang tigas ng ulo mo. "
" Walang ulong malambot. Alien yun. "
" Ok. Bahala ka. Your Loss. "
Napasimangot lang si Zero nang binabaan siya ng kausap sa kabilang linya. Ibinaba niya din ang awditibo saka tumayo at muling sumilip sa mga salamin ng bintana.
Unti unti nang dumidilim. Oh well, wala namang bago sa mga nakikita niya. Busy streets, billboards, buildings.. In short mas nagiging alive na naman ang metropolis.
Unti unti, gumuhit ang ngiti sakanya.
-
Log off.
Umunat unat pa sa swivel chair si Hailey matapos mai off ang computer.
6:15 pm
Napangiti pa siya ng makita ang oras.
" Time to go home.! "
Tumayo siya at nagligpit ng mga gamit sa mesa. Inayos ang mga files sa gilid at itinabi na din ang upuan. Mag isa lang siya sa opisinang yon na nasa 12th floor ng hotel. Sumilip muna siya sa labas ng bintana at napangiti.
" Busy streets and traffic, Here we go again.. "
Saka lumihis ng hakbang ang mga paa niya at pumunta ng pinto.
Nasa 1st floor ng building ang locker room kaya pupunta pa siya doon para kunin ang gamit niya. Alam niya kanina pa siya hinihintay ni Tasha doon.
Isinara niya ang pinto ng opisina at kinuha ang cellphone sa bulsa ng uniform. Busy siya sa pagte text sa kapatid nang mapansin ang isang lalaking naka jacket at naka hood na lumiko sa pasilyo papuntang service elevator. Alam niyang dead end na iyon at tanging ang service elevator lang ang sadya ng taong pumunta dun kaya nagmamadali siyang naglakad at humabol dito.
Samantala, inayos pa ni Zero ang hood at shades na suot.
Tama ang disguise ko na to para walang makakilala sa akin.
Saglit siyang napatigil nang paglalakad.
Kung gagamit ako ng elevator, sa grand staircase agad ang bungad nun sa may receptionist area. Mas malaki ang chance na may makakilala sa akin dun. Oh, wait. I remember theres a service elevator lang dito banda. Kung dun ako dadaan, walang chance na may makakasabay akong ibang tao plus hanggang basement pa ang hinahatidan which is the parking lot. I could sneak agad para makapasok sa car and Bingo.! Makakalabas ako ng walang nakakapansin.!
Nangingiti pa siyang naglakad mag isa at lumapit sa nakasarang pinto. Pressing the button down, saglit siyang tumayo at naghintay.
" Sir.! "
Nagulat pa siya at napalingon. Isang babae ang palapit sakanya.
Shit. Mukhang may nakakilala sa akin ah.
Inayos niya uli ang hood at medyo tumungo. Ngunit nakalapit pa rin ang babae sakanya.
" Sir, excuse me po. Pero sira po ang service elevator namin ngayon. Dun na lang po tayo sa isang elevator. " Tinuro pa ni Hailey ang daan.
Kainis.! Lumapit pa talaga. Sino ba tong pakialamera na to. Malamang fan ko to na nagkukunwari lang para makalapit sa akin. Hindi kaya nakilala ako nito.?
Pilit na itinago ni Zero ang pagka inis at nagkunwaring nagtaka.
" Really.? Kelan pa.. Kasi kanina nagamit ko pa ito eh. "
Ay, adik ata to. Nagamit daw eh kahapon pa to sira.
Napa isip si Hailey sa narinig.
" Sir, baka po nagkakamali lang kayo. Kasi kahapon pa po under maintenance yan. Tska baka itine test pa lang po ito kaya hindi pa safe gamitin. May possibility po na ma stuck pa po kayo sa loob. "
Anak ng tinapa naman oh. Talagang makulit to ah. Alam ko na. Nakilala ako nito kaya lumapit at kunwari concern. Psh.! Mga ganitong kalakaran talaga ng mga fans, bistado ko na eh. - Zero
" Thanks sa concern, Miss pero sorry. Dito ko gustong sumakay. " Ngumiti pa siya ng tipid.
" Pero sir- "
Ding.!
Napatingin pa sa itaas ng pinto si Hailey nang umilaw ang button. Nagtatakang tiningnan ang biglang bumukas na pinto ng elevator.
" See.. Sabi ko sayo eh. Hindi ito sira. Now if you'll excuse me, papasok na ko sa loob and please just leave me. Alone. " Medyo in emphasize pa ni Zero ang pagkakasabi ng alone at nagsimulang humakbang.
" Pero Sir.! " Humarang pa si Hailey sa pintuan. " Nagkakamali po kayo. Baka po tine test pa lang nila itong elevator. For your safety, please sir. Just follow the rules na lang po. "
" Hey.. Youre overeacting. " Naiinis na sabi ni Zero. Pinipilit niyang magtimpi habang nakatingin sa babaeng nakaharang sa tapat niya.
Napapikit siya at napa hinga ng malalim.
Asar.! Mukhang ayaw akong tantanan neto ah.
" Hahaha.! "
Pareho pa silang napalingon sa likod nang marinig ang tawanang iyon. Galing sa kabilang hallway ang ingay ng mga babaeng nagtatawanan at alam ni Zero, in any minute, makikita siya ng mga yon. Na siyang pinaka iniiwasan niya ngayon.!
Nataranta siyang nagbalik ng tingin at humakbang. Wala na siyang paki alam. Ang mahalaga ay ang maka alis siya doon.!
" Hmft.! " Nabigla si Hailey sa nangyari. Binangga siya ng lalaking kausap para maka pasok sa loob ng elevator. At sa pagmamadali nito, pareho silang natumba sa loob.
Ding.!
At eksakto ding nagsara ang pinto ng elevator.